"Hindi ka ba talaga aamin?"
"Hindi. Wala kayong makukuha sa akin," humalakhak pa ang lalaking nakatali sa upuan.
"Sigurado ka ba? Kasi pag hindi nakapagtimpi itong katabi ko, hindi ka na sisinagan ng araw." Nguso na turo ni Trixie kay Lexine na inirapan lang siya.
"Hah, ang akala niyo ba ay natatakot ako sa inyo?" tumawa itong muli.
"Ganoon ba? Handa mong isugal ang buhay mo para sa kung sino mang poncio pilato na nag-utos sa 'yo?" mataray na tanong ni Lexine sa lalaki.
"Oo. At kahit ano pang gawin mo wala kayong mapapala."
"Edi kung ga—" Hindi na natuloy ni Ally ang sasabihin niya nang biglang bumulagta sa sahig ang lalaki at naliligo na sa kaniyang sariling dugo.
"Nasaan na kaya sila Trixie?" Mag-isa na naghihintay si Venuz kila Trixie sa gate ng kanilang eskwelahan.Puwede naman siyang pumasok mag-isa sa classroom nila pero mas pinili niyang hintayin muna sila Trixie para sumabay sa pagpasok sa kanilang classroom."Oy. Bakit nandito ka?""Nandiyan na pala kayo, hinihintay ko talaga kayo.""Bakit naman?" Nakakunot noo na tanong ni Lexine sa kaniya."Wala naman. Gusto ko lang kayo sabayan pagpasok ng classroom.""Siraulo ka talaga," singit na sambit ni Ally sa kaniya na tinaw
Mag-isa lang akong nakaupo ngayon sa classroom dahil hindi pa naman nag-uumpisa ang klase, at saka wala pa sina Venuz at ang grupo nila Trixie.Boryong-boryo ako na naghihintay sa kanila, masyado kasi akong napa-aga sa pagpasok dahil may inasikaso pa 'ko sa aking opisina. Sana naman ay maganda ang araw ko ngayon, kararating ko lang kahapon pero napauwi agad ako sa inis. Iniwan ko silang lahat pagkatapos ko mamahinga sa field panandalian."Hoy, sis! Aga natin, ah. Ano meron?" Napatingin ako kay Venuz na kakarating lang."Opisina," tanging sagot ko lang sa kaniya. Alam naman na niya 'yon. Tumango lang din siya sa akin."I see. Anyway, bakit mo nga pala kami iniwan kahapon?" Nakakapit pa ito sa kaniyang balakang. Ito na naman siya, wala na naman
“Hoy anong ginagawa niyo diyan?” Napalingon ako sa sumigaw at nakita si Trixie na pangiti-ngit na parang aso na naulol. Kahit kailan talaga, napaka-ingay. “Alin?” “Kayo ha, bakit may pag luhod na naganap?” may pang-aasar na sabi nito sa akin na ikina-ikot lang ng mata ko. “Um…” Pinakita ko sa kaniya ang paa kong may band-aid. Napatango lang siya nang makita ito. “Sige. Tara na, kumain na tayo.” Sumunod lang ako sa kaniya pagpasok at umupo na sa aking upuan kanina. Maya-maya lang ay dumating na rin iyong asungot kanina. Hindi ko ito kinikibo, sapat na iyong nagpasalamat ako sa kaniya. “Hi…” Napatingin ako sa babaeng lumapit sa aming lamesa. Napataas ang kilay ko sa babae dahil sa suot nito, naka-jeans naman ito pero ang kaniyang pantaas ay halos lumuwa na ang kaniyang hinaharap at talaga namang h
Nagising si Venuz sa isang madilim na silid at nagtataka kung nasaan siya. Pakiramdam niya’y nakahiga siya sa isang malambot at malawak na higaan. Nagtangka siyang bumangon sa higaan ngunit hindi niya magawa dahil sa bigat ng kaniyang katawan. Biglang bumukas ang pintuan at binuksan ang mga ilaw, doon niya lamang nakumpirma na nasa malambot nga siyang higaan. Nakita niya ang isang babae na nasa palagay niya ay nasa edad bente singko na. Maganda ang hubog ng katawan, may pagka-petite. Matangkad din itong babae at ang kaniyang buhok ay lumagpas na sa kaniyang puwetan. Hindi niya mamukhaan ang babae dahil may suot itong itim na maskara. May hawak itong tray na may lamang pagkain. “Sino ka?” May halong takot na tanong niya rito. “Gising ka na pala, my not so little sister.” Nagtataka siya sa huling binanggit nito. “Anong sabi mo?” “I’m your sis
Ilang araw nang hindi nakakauwi si Venuz kaya't ang iba niyang kasama no'ng araw na nawala siya ay nag-aalala pa rin sa kaniya hanggang ngayon. "Ang tagal naman nila," usal ni Kevin kay James. "Ewan ko ba sa tatlong iyon, laging ang tatagal kumilos." Dalawa pa lamang silang magkasama at dahil maaga silang pumasok, naisip nilang tumambay na muna sa field. "Oo nga pala, tol. Wala ka pa rin ba balita kung sino kumuha kay Venuz?" ani ni Kevin kay James na abalang nagtitipa sa kaniyang kompyuter. "Wala, e." "Ilang araw na kasi pero hanggang ngayon wala pa rin t
“Sigurado ka bang dito iyon?”“Oo nga, James. Ang kulit mo naman, e.”“Chill…Nagtatanong lang. Nagtataka lang din kasi ako kung paano siya nagkaroon ng isang condo rito?”“Anong akala mo sa kaibigan ko? Poorita? May pera naman iyon kahit papaano,” inis na usal ni Venuz kay James na hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin kung paano ito nakakuha ng isang condo unit sa isang presitigious condominium.“Paanong hindi magkakaroon ng ganito kaibigan ko, e sa kaniya kaya itong buong building,” natatawang usal ni Venuz sa kaniyang isip.“Hindi naman sa ganoon,” alanganin na sagot ni James sa kaniya.“Alam mo, wag na lang kaya kita tulungan?”“Ito naman, tatahimik na nga lang ako.”“Ayan, mabuti
Abala ang lahat sa pag-aasikaso para sa party na kanilang dadaluhan mamaya lamang."Ready na ba kayo?" sigaw mula sa labas ng kwarto na pinag-aayusan ng grupong Vermin."Oo, ito na," bungad na sabi ni James pagbukas niya ng pinto, nagulat si Venuz sa lapit ng katawan nito sa kaniya.Natulala si Venuz sa pag angat ng kaniyang mukha at nakita niyang nakatingin din sa kaniya si James, kaya't pinitik ni James ang kaniyang noo ngunit mahina lamang. Natatawang hinawakan ni James ang ulo ni Venuz at niyakap. Nagulat naman si Venuz sa ginawa nito."Hoy, Lovebirds! Wag kayo rito magharutan," singhal sa kanila ni Steve at binato sila ng unan na agad din naharang ni James ng kaniyang kamay para hindi mata
"Sila Trixie iyon, ah?" usal ni Venuz sa kaniyang sarili.Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan para puntahan at kumpirmahin kung sila nga ito."Saan ka pupunta?" Hinawakan ni James ang kaniyang pulsuhan bago pa man siya makaalis sa kaniyang kinauupuan."Saglit lang, may kakausapin lang ako."Tinanggal niya ang kapit ni James at umalis na. Tumungo siya sa katapat na lamesa at binati niya ang mga ito. Tila nagulat naman ang mga ito sa biglaan niyang pagdating."Hi."Tinignan lamang si Venuz ng mga ito at hindi kinibo."Kahit hindi kayo magsalita, alam kong kayo 'yan."