Share

10- Honeymoon?

Malalim na ang gabi pero gising pa si Danny at dahil hindi siya makatulog ay lumabas siya muna nang lounge at naupo sa tabing upuan. Nakatingin siya sa katabing bahay kung saan nakatira na ngayon ang nag-iisa niyang anak na babae, napaisip siya kaya naman kinuha niya ang phone niya at nag-text siya sa big boss niya.

-Your Highness, I would like to inform you that your son married my daughter here in the Philippines. I hope you accept her. I don’t know what to do now.

Pagka-sent ng text ay napabuntong-hininga na lang siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya ngayon, hindi naman siya makatanggi sa dalawa dahil kitang-kita niya nang bumisita ang mga ito na mahal nila ang isa’t-isa kaya hindi na siya tumutol pa. He is just hoping now na tanggapin ng royal family ang anak niya.

Sa kabilang banda, nagpapahinga si King Noha sa kaniyang silid mag-isa nang narinig niya na tumunog ang phone niya kaya kinuha niya ito at binasa. Pagkabasa ay nagkasalubong ang dalawa niyang kilay.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status