Share

Chapter 12

 'It's simply too difficult to manage with this kind of existence.'

'There is no secure haven for you or your family to live in peace.

'Even the air you breathe could be tainted with a toxin that could kill you.

'However, you can't always conceal in order to stay secure.'

'To deal with these threats, endure, and conquer, you must be astute.'

Tibayan mo ang sikmura mo at tatagan mo ang loob mo.

Or else you'll end up vanquished, terminated. Dead.'

"LISA, find an escape." 

Kalmado na utos ni Vladimyr kay Lisa noon ay nakatuon ang buong atensyon sa harap ng laptop at walang tigil sa pag ta-type. Habang naghahanap ng tamang daan kung saan pwedeng takasan ang mga sumusunod na sasakyan ng mga kalaban sa kanila.

Binigyan ng tipid na tango ni Lisa si Vladimyr bilang tugon sa utos nito habang nakapikit naman si Vladimyr na halatang nag iisip ng malalim. Ngunit batid ni Lisa kung gaano ka lakas ng pakiramdam ng boos nilang si Vladimyr kahit pa nakapikit ito, alam niya na nakikiramdam ito sa paligid. Kaya naman pinagbutihan niya ang paghahanap ng nararapat na daan para sa kanila. 

Mas binilisan pa ni Malia ang pagpapatakbo ng sasakyan hanggang sa kaya nitong bilis upang dumistansua at makalayo sa mga sasakyan ng kalaban na determinadong humahabol sa kanila kahit kung saan saan na silang eskinita sumusuot, hanggang sa makarating sila sa isang dalisdis na may nagtataasang mga talahib na may pababang daan patungo sa isa pang sementadong kalsada.

Dahil hindi sila pwedeng huminto, nang mas binilisan din ng mga ito ang pagpapatakbo ng mga sasakyan at paghabol kila Vladimyr kahit saan sila magpunta. Kinailangan ni Malia na gamitin ang kaniyang talento sa pagmamaneho bilang isang dating mangangarera, upang iligtas ang boss nila na si Vladimyr.

"Hold tight madame!" Seryosong babala ni Malia kay Vladimyr para sa kaniyang nais gawin. 

Tumango si Vladimyr kay Malia bilang senyales na wala itong dapat na ipag alala at gawin ang dapat gawin.  

 Sinimulang diinan ni Malia ang pag apak sa acceleration ng sasakyan upang dagdagan ang speed nito ha ang mabilis na gumagalaw ang isang kamay na nasa steering wheel at ang isa sa ay sa gear. Dama na ni Vladimyr ang hatak ng speed nito habang tumataas ng 160, 170,180…..200….230 kph. 

Halos paliparin na ni Malia ang sasakyan nila dahilan ng pagkawala sa sariling pagkahibang ng babaeng tauhan habang nakatingin siya sa kislap ng mga mata nito. Na para bang nasa isang makapigil hiningang karera ito ngayon at sinisikap manguna laban sa ibang sasakyan.

Si Malia ang pinakamahusay niyang driver. Isa itong dating Car Racer na nag quit dahil sa pagkatalo. Ayon dito, dinaya ito ng manager niya sa kalagitnaan ng karera na Sumabotahe at kumampi sa kalaban niya at ng maintenance ng kotse niya kaya siya natalo. 

Nagawang iwan ni Malia ang mga sasakyan ng kalaban ngunit bapunta sila sa isang lumang gusali na yila si natapos. At walang ibang pwedeng daanan. 

Napalingon si Malia kay Lisa na noon ay naghihintay ng paliwanag pero napayuko lang ito. 

"I'm sorry Madam, based on the GPS Locator, these buildings aren't here…" Nag aalalang sabi ni Lisa. 

Lihim na napailing si Malia at nag iisip na ibalik ang kotse ngunit inawat siya ni Vladimyr. 

"Ipasok mo dyan Malia, let's take care of these shits." Vladimyr said that Malia immediately followed.

Dahil wala namang harang ang paligid ng gusali, mabilis na ipinasok ni Malia ang sasakyan at ihininto sa kubling bahagi nito.

"Madam, let's get out of here before they find us; I'm planning on luring them into an ambush," Malia explained.

"All right, Madame, I'll take care of you; I won't let them touch a single strand of your hair..." Lisa said.

Napatingin siya sa dalawa habang tahimik na nag iisip.

"Kung hand to hand ang labanan, kaya natin pabagsakin ang mga iyon. Kailangan lang natin silang dalhin sa masikip na bahagi ng gusali g ito. Mabuti ito at walang magiging casualties na madadamay. Okay na." Ani Vladimyr sa dalawa na puno ng determinasyon sa mga mata. "Can you use a lash?" 

Tanong niya muli sa dalawa.

"Yes Madam."

Sabay na sagot ng dalawa. 

Mula sa ilalim ng handbag ni Vladimyr, hinugot niya ang dalawang may katabaang black na stick. Binigay niya ang isa kay Malia at isa kay Lisa. 

Nagtataka na tiningnan siya ng dalawa. But they chose to keep their mouth close and observe.

Kilala nila si Vladimyr. She's always prepared. Sino ba naman ang hindi lalo na kung laging nasa panganib ang buhay mo? 

May pinindot si Vladimyr sa maliit na stick at bigla itong humaba nang may isa at kalahating metro. Na may chain. 

"A chain like a lash." Lisa uttered with amusement. 

"Isa itong portable lash na gawa ni Noah. Una palang alam ni Noah ang uri ng buhay ko, most of my bags. Even a simple belt or my shoe has a hidden weapon attached in it." Paliwanag pa ni Vladimyr habang inaayos ang kadenang latigo. "A gift from my best hacker…" She proudly grins. 

"Hindi ako masyadong mag-aalala kung wala akong baril. I need at least a lash or a blade to use to protect myself." Dagdag pa ni Vladimyr sabay bigay ng dalawang chain lash kina Malia at Lisa. "I won't like it if both of you got hurt, so don't get yourself killed. That's an order." 

Mabilis na yumuko ang dalawa kay Vladimyr bago sumagot ng may buong pag galang.

Kaagad na bumaba sina Vladimyr habang wala pa ang mga kalaban at nagtago tago kung saan kitang kita nila ang buong paligid, ngunit siniguro nilang hindi sila basta makikita habang naghihintay na dumating ang mga ito sa eksaktong pwesto kung saan pwede nilang ma-corner ang kalaban at makakuha ng armas. 

Ilang saglit pa ay sunod-sunod na dumating ang mga itim na kotse sa harap ng gusali, na sa tantiya ni Vladimyr ay limang kotse at sampung bikers na may angkas ang dumating.

Others were armed with high-caliber rifles, swords, and a baseball bat with spikes and iron tube pipe.

As they jumped off their motorcycles, they all had a confident and lethal attitude.

Lihim na tumaas ang kilay nina Malia at Lisa dahil sa lahat ng nasaksihan. 

Mula sa pinagtataguan nila, batid ng dalawa na determinado ang grupo ito na mukhang mula sa bayarang grupo ng gangsters na nag aastang hari sa kung saang parte ng Southland. 

Ngunit hindi nila maiwasan na mag alala para sa kaligtasan ng boss nilang si Vladimyr, ng mga oras na iyon. Tatlo lang sila pero napakarami ng haharapin nila at wala silang ibang gamit kundi ang chain lash na bigay ni Vladimyr. 

Nag-aalala sila hindi para sa sarili nila, kundi para sa boss nilang si Vladimyr. Baka kung anong mangyari dito. Hindi pwedeng mapahamak ang boss nila. 

"Hanapin niyo!"

Mula sa likod ng nakatambak na drum. Dinig ni Vladimyr ang malakas na sigaw ng marahil ay ito ang leader ng grupong dumating.

Sa mga itsura pa lang ng mga iyon ay alam na ni Vladimyr na bayarang grupo ng di kilalang Gangster ang mga ito.

Kasunod ng utos ng lalaki, hindi mabilang na yabag mula sa mga nagtatakbuhan na tauhan ng grupo ang naghiwa-hiwalay ng direksyon kung saan hindi nasunod ang kanilang pinlano. Kaya naman inihanda agad ni Vladimyr ang sarili sa mano-manong labanan. 

Vlad pressed herself from the rusty oil drums to keep her presence hidden from the men coming her direction. 

Sinulyapan niya sina Malia na noon ay nagtatago sa likod ng pader. At si Lisa na nag aabang sa likod ng malaking poste ng building. 

Sinenyasan niya ito na maghanda sa mga paparating na kalaban at mag ingat. 

Dahan-dahan lumipat ng pwesto si Vladimyr pagkakita niya sa dalawa sa mga lalaki na may bitbit na baril; ang papunta sa gawi niya. Walang kaalam alam ang mga ito nang ikutan niya iyon, habang hawak ng mabuti ang chain lash. 

Lihim nyang pinulupot ng mahigpit ang chained lash sa leeg ng isa na nahuhuli saka pinilipit ang leeg nito na agad ikinamatay.

Kaagad sinundan ni Vladimyr ang isa pa saka maingat na dinamba at sinakal ng kadena nlangvleeg nito. Nagkakawag ang lalaki sa sobrang pagkabigla at sinikap makawala sa pagkaka-sakal ni Vladimyr habang pilit na inaalis ang bagay na iyon. Lalong higpitan ni Vladimyr ang pagkaka sakal sa lalaki, kasunod ang mahinang lagatok ng nabaling buto nito sa leeg na agad na bumawi sa buhay ng lalaki. 

Maingat na hinila ni Vladimyr ang bangkay ng dalawang lalaki sa tagong lugar at kinuha ang baril niyon sabay kasa ng isa at isinuksok naman ang isapa sa bewang ng pantalon niya—habang gumagala ang kaniyang mga mata sa paligid at nakita ang mga bagong paparating sa direksyon niya.  

Vladimyr tried to follow the other men, carefully. Trying her hardest to not to get it's attention until she reached the man ang hit it's nape as hard as she could by the gun's handle that led to the man to faint on the spot. 

Tulad ng nauna. Binali ni Vladimyr ang leeg ng lalaki at lihim na itinago, kinuha ang baril nito sabay suksok sa likod ng bewang niya. 

Hinanap ng mata ni Vladimyr sina Malia at Lisa, nakita niya ang dalawa sa di kalayuan na may napabagsak na lalaki sa parehong paraan na ginawa niya. 

Walang ingay….

Nakakuha na rin ng baril si Malia at Lisa mula sa mga kalaban na napa bagsak nila. Handa na silang sabayan ang mga iyon anumang oras pero, hangga't maaari ay gusto niyang matapos ito ng walang ingay at i-report ito kay Gen. Ethan Smith.

Muling tumakbo si Vladimyr sa likod ng tatlong lalaking palapit sa kabila ng puwesto niya upang tambangan ito ng tahimik.

Lihim niya itong pinagmamasdan habang kumukuha ng tiyempo na mapabagsak ito ng walang ingay. 

Hawak ang chained lash, hihilahin na sana niya ang isa pa pero di niya inaasahan ang lalaking bigla nalang sumulpot sa kabilang direction kung saan kaagad pinaputukan ng baril si Vladimyr; umaasang mapapatamaan siya nito. Mabuti nalang at napansin ni Vladimyr iyon ng ilang segundo at nakaiwas kaagad, sabay paputok ng baril sa lalaki na agad din tinamaan at nasawi. 

Sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong buong palapag matapos niyang barilin ang mga lalaki—na naging dahilan upang makakuha ito ng atensyon ng mga kasamahan nito na nasa ibang bahagi ng gusali. 

Kinasa muli ni Vladimyr ang baril niya sabay paputok sa mga lalaking kalaban na tinamaan mismo sa mga binti at hita ng mga ito nang punturyahinbiyon ni Vladimyr upang iwasan ang pagkitil niya ng buhay ng mga ito.  

Malakas na napasigaw ang mga lalaki pagbagsak sa sahig hawak ang dumudugong sugat mula sa tama ng baril ni Vladimyr. Bakas ang di maipaliwanag na takot mula sa kanilang mga mata lalo na nang tutukan sila ni Vladimyr ng baril sa mukha at tangkang kakalabitin ito ngunit pinukpok na lang niya ng baril ang mga iyon

Tumakbo si Vladimyr sa iba pang mga lalaki sabay sipa ng malakas sa mukha at agad niyang kinuha ang mga baril nito bago iniwan ang mga kalaban na walang malay na nakahandusay sa sahig.

Itinapon ni Vladimyr ang baril na naubusan na ng bala at hinawakan ang dalawa pa habang tinatahak ang direksyon kung saan niya naririnig ang mga yabag ng ibang mga kalaban. At para hanapin na rin sina Malia at Lisa upang tulungan ang dalawa na harapin ang iba pa. 

"Five down…" She uttered wickedly. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status