HABANG abala ang dalawang nagpapaligaya sa isa't-isa ay ako naman at mataman na nakatingin sa kanila. Kinunan ko silang dalawa ng video para may ebidensya ako sa kalokohan na ginagawa nila. Akala siguro nila na makakaligtas silang dalawa."Ahhh!" ungol nang magaling kong bayaw. Alam kong nilabasan na ito.Napasandal ako sa may pinto at pumalakpak para makuha ko ang atensyon nilang dalawa."Bravo, ang galing!" nang-uuyam kong saad sa kanila."Sheena," nababahalang tawag sa akin ni Kent. May takot sa mukha nito, dahil alam niya ang kaya kong gawin.Pumalakpak ulit ako. "Ang galing naman. Ganito ka ba lagi Kent? Bakit mo sinasaktan ang kapatid ko?" tanong ko sa kanya. Naging mabalasik ang mga mata ko na nakatingin sa kanya."At ikaw babae, may dilakadesa ka ba? May asawang tao ang boss mo, ganyan ang ginagawa mo!" sigaw ko sa sekretarya nito. "Umalis ka na babae, hangga't nakakapagpigil pa ako."Dali-daling, nagbihis ang sekretarya nito at umalis sa likod ni Kent. Dahil nasa likuran ito
LUMIPAS ang ilang buwan ay naging maayos ang panliligaw sa akin ni Clyde. Sa ilang buwan na panliligaw nito ay nakita ko na sincere ito sa ginagawa nito. Araw-araw din ako nitong sinusundo. Kaya bago ako lumabas sa sasakyan nito ay tumitingin muna ako sa buong parking lot bago bumaba.Nauuna akong pumasok sa school tapos ay susunod ito.Wala na din akong balita kay Kent. Baka nga nagsama na sila ng babae niya. Si Ate Selena naman ay naging okay na sa ibang bansa, pero mayroong nag-iba kay Ate Selena, di na siya ang dating kapatid ko. Parang ibang tao na ito. Siguro dahil nasaktan talaga ito ng labis.Papunta ako sa opisina ko dito sa school ng may mamataan ako. Kumunot ang noo ko dahil si Clyde ang nakikita ko at si Joyce na naghahalikan. Gusto ko silang lapitan, pero pinigilan ko ang sarili ko.Ang kaninang maamo kung mga mata ay napalitan ng mabalasik na mga mata. Galit kong tinignan si Clyde, di ako pwedeng mag-eskandalo dahil ang alam ng lahat ay tinulungan ko lang si Clyde sa mga
HINDI ako maperme sa kinauupuan ko. Para akong manok na di mapaitlog."What is the meaning sa nakita namin?" tanong ni Airene. Ang iba kong kaibigan ay tahimik lang."Wala iyon, nagkataon lang na nakasabay ko siya papasok dito." As long as magdeny ako, walang makakaalam sa sitwasyon namin ni Clyde."Don't underestimate us Sheen, what we saw is obvious!""Obvious what?" maang-maangan ko pa rin. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Para hindi nila makita sa mga mata ko na nagsisinungaling ako."That you two had a relationship. Came on, sheen don't deny it. Hindi kami ipinanganak kahapon."Osyoso ni Airene and Jen, si Ivy sobrang tahimik. Panay din ang sulyap nito sa kabilang table."Okay, I will admit it. He court me, 7 months na." Pag-amin ko sa kanila.Nagtitili ang dalawa, rinig na rinig ko kahit na mas malakas ang music, kaya napakunot ang noo ni Carlo ng makitang parang nangingisay ang asawa. Tatayo pa sana ito pero napaupo pabalik nang tumigil na ang dalawa."What the heck. Real
UMUWI muna ako sa bahay para mag-ayos ng mga gamit ko, dahil nga nagyaya ng outing ang barkada ko. Bumaba na ako ng mamataan ang Mommy ko.Nakatingin pala ito sa akin. Kausap nito si Clyde."Mommy," nakangiti kong tawag dito. "Outing po muna kami Mommy!" Paalam ko sa Mommy ko."Sino ang mga kasama mo?" tanong nito sa akin.Nilingon ko si Clyde. "Sila Airene Mom," sambit ko dito.Ngumiti si Mommy, dahil alam nitong kung ang mga kaibigan ko. Pero agad ding nawala ng para bang may maalala ito."Kasama ba iyong Ivy?" tanong nito. Kumurap-kurap ako at umawang ang aking mga labi, nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba or hindi."Mommy, ano kasi." Napabugtong-hininga ako. "Yes, Mom. Hindi pwedeng mawala si Ivy, alam mo naman sila Airene 'di ba." Napabugtong-hininga ito.Ayaw kasi nito kay Ivy, dahil di daw maganda ang kutob nito kay Ivy. Pinagwalang bahala ko lang ang mga sinabi ni Mommy. Kaibigan ang turing ko kay Ivy, nasa kanya na iyon kung di niya ako ituturing na kaibigan."Sige ma
HINDI ko alam ang gagawin ko. Kung lalapit ba ako kay Clyde at sa lalaki o hahayaan na lang. T'yak na magkakagulo kung di ko aawatin si Clyde.Masyadong nadadala si Clyde sa bugso ng damdamin nito at alam ko nauubos na ang pasensya ng lalaking kaharap."Hayaan mo na si Eli, Rey Mart. Hindi mo naman siya mahal di ba?" tanong ni Clyde kay sa lalaking nag ngangalang Rey Mart."Wala ka na doon, sa mahal o hindi ko si Solenn pag-aari ko siya Clyde. Kaya hayaan mo na ayusin ko ito." May bahid na galit sa mukha ng lalaki.Tumawa si Clyde. "Nagpapatawa ka ba? Paano ko hahayaan si Eli sa iyo, kung puro pasakit lang ang nakukuha niya sa iyo."Lumabas si Eli sa likuran ni Clyde at hinarap kay Rey Mart."Ano pa ba ang kailangan mo Rey Mart?" tanong ni Eli sa lalaki."Gusto kong ayusin ang gusot sa pagitan natin Solenn."Ang kaninang galit na mukha ni Rey Mart ay napalitan ng pagsusumamo. Para bang mahal talaga nito si Eli o Solenn."Gusto mong ayusin? Para ano? Saktan akong muli." May luha sumung
DI KO alam kung ano ang gagawin, galit na galit ako to the point na gusto kong siyang saktan o sabunutan.Pero pinipigilan ko ang aking sarili, dahil kahit na may alitan kami, kung meron man ay kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Kung maaari ay walang gulo na magaganap sa amin.Nakaupo ako sa may balsa dito sa floating cottage. Ibinaba ko ang paa ko sa may dagat. May upo at di ko siya nilingon."Kaya pa ba?" tanong nito sa akin. Nakatingin lang ako sa dagat.Tumawa ako. "Kaya pa, hangga't di niya ako sinasaktan pisikal ay walang masasaktan sa aming dalawa.""Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?" tanong nito. Nilingon ko siya. "Ano ka ba Jen, di ko kayang gawin iyon kay Ivy, unless kung sagad na sagad na talaga ako. Kaibigan pa rin ang turing ko kay Ivy," sabi ko sa kanya."Bilib talaga ako sa iyo. Kung ako iyan, baka sinabunutan ko na siya o nasaktan ko na siya. Nagpipigil lang din ako kanina.""Hayaan muna. Siguro magsasawa din si Ivy or she just test me, kung hanggang saan ang pa
NANG araw ding iyon ay nasa condo lang kami, bumili kami kinagabihan nang maiinom para mag-inuman sa condo ko. Kahit paano ay naging masaya naman. Masaya na din ako dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.Nasa Convenience store kami ngayon at namimili ng mga pagkain at maiinom. Dahil doon na lang kami sa condo ko mag-iinom at magpapakalasing. Sa lunes kasi ang balik eskwela na at magiging busy na din ang ilan sa amin. Tapos na kaming maghanap ng makakain at inumin namin. Agad kaming pumunta sa counter para bayaran ang mga binili namin. Nagtatawanan si Airene at Jen nang papalapit na kami sa counter. Nang makalapit kami sa counter ay agad naming bayaran at agad kaming umalis sa convenience store na iyon.Sumakay na kami sa sasakyan namin. Pero bigla akong kinabahan. Kaba na di ko alam kung para saan. Malapit na kami sa condo ko nang di namin inaasahan na sumulpot ang isang Pajero at alam ko babangga iyon sa amin. Kakabigin ko sana ang manibela ng sasakyan ni Airene. Ngunit huli na, sinalp
ILANG buwan din ang hinintay ko bago ako magkaroon ng donor para sa eyes transplant ko. Limang buwan to be exact. Nasa ospital ako ngayon. Hinahanda para sa operasyon ko. Gusto ko nang makakita talaga. Hawak ko ang kamay ni Clyde. Magkatabi kami ngayon sa kama ko dito sa hospital. Panay halik din ito sa aking kamay. "Masaya ako kasi girlfriend na kita," sabi nito sa akin. "Sasabi ko na sa mga tao na akin ka na talaga." Alam kong masaya ito. Masaya din naman ako, at may karapatan na ako sa kanya. Hinayaan ko siya sa gusto niya. Pero gusto ko pa rin na manatiling lihim ang aming relasyon. Gusto kong manatiling pribado ang relasyon namin. "Ayaw kong gawin ito Clyde. Pwede bang ilihim natin ang relasyon natin," saad ko dito. "Gusto ko na iilan lang ang makakaalam." "Bakit na naman?" tanong nito sa akin. "Ayaw ko lang pag-usapan ka. Gusto ko na malaya kang gumalaw sa school." Dahil once na matapos ang operasyon ko. Magpapahinga lang ako ng isang buwan ay babalik na ako sa pag-aaral.