The Cruel Desire (Tagalog)

The Cruel Desire (Tagalog)

last updateLast Updated : 2023-03-26
By:  LauVeaRMDCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
65Chapters
20.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Rated SPG || Matured Content Sheena Angeles is older than Clyde Jay Montecalvo. Kahit ganun pa man ay walang nakakapagpigil sa kanilang mga damdamin. Kahit na 7 years ang gap nang kanilang edad ay di iyon naging hadlang para mahalin nila ang isa't-isa. Ika nga nila age is just a number. Age is doesn't matter, if love's conquer all. Pero dahil sa isang eskandalo na kinasasadlakan ni Clyde ay napilitang lumayo si Sheena sa lalaking mahal nito. Nabuntis nito ang kanyang kaibigan na si Ivy. Kailangan niyang magpaubaya para sa kapakanan ng magiging anak nila Ivy at Clyde. After 10 years, Clyde and Sheena unite again. Nagkita sila sa di inaasahang pagkakataon. Maibabalik pa kaya nila ang kanilang dating pagmamahal kung may mga taong masasaktan? Paano kung gumawa na naman ng paraan si Ivy para paglayuin silang muli? Ano ang gagawin nila. Lalaban ba silang dalawa o hahayaan na lang na paglayuin ulit sila gaya ng dati? Paano kung may malaman si Sheena na, isang sikreto na alam niyang makakapabago sa kanilang buhay.

View More

Chapter 1

Prologue

NANLALAKI ang mga mata ko ng may mahagip akong isang pamilyar na bulto. After a year ay ngayon lang ulit kami nagkita. Lumamlam ang mga mata ko nang mapagtanto ang nararamdaman ko. Until now I still love him.

Di muna ako pumasok sa classroom kung saan ako nagtuturo. Dahil nand'yan pa rin ang lalaking kahit noon pa man ay mahal ko. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko dito.

"Teacher Sheen, ano ang ginagawa mo dito?" tanong ng Co-Teacher ko. Alam kong para akong baliw dito, dahil nagtatago ako sa isang tao na nakagawa sa akin ng kasalanan. Pero may kasalanan din naman ako. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko nang akala ko ay wala na si Clyde.

Nagulat ako, dahil sumalubong sa akin ang isang malamig na mga mata. Napahawak ako sa aking dibdib, dahil sa sobrang bilis ng kabog nito.

"Hello, Sheena. Long time no see," Malamig nitong sambit sa akin. Nakalagay sa bulsa nito ang isang kamay.

Di ko kayang salubungin ang mga mata nito. Sobrang lamig noon to the point na hindi ko matagalan ang titig nito.

Lalagpasan ko na sana siya nang hawakan nito ang aking braso. Ibinalik niya ako sa kinatatayuan ko kanina.

"What do you want, Clyde Jay?" tanong ko dito.

"After a year. Iyan ang isasalubong mo sa akin?" kunot-noong tanong nito sa akin.

"What do you expect? I will give you a warm hug? After what you did to me!" sabi ko dito.

"Bakit bigla kang nawala?" tanong nito sa akin. He change the topic.

"I don't need to explain it to you," sabi ko dito. Aalis na sana ako nang pigilan niya ulit ako. Pumiksi na ako.

"Ano ba!" sigaw ko. Di ko mapigilan ang sarili kong sumigaw. Dahil halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Sakit, guilt at pangungulila sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Nasaan ka noong mga panahon na kailangan kita?" sunod-sunod nitong tanong sa akin. "Bakit mo ako iniwan sa ere?" madiing nitong tanong sa akin.

Bakas sa mukha nito ang isang emosyon na ngayon ko lang nakita. Kahit noong kami pa ay di ko nakita iyon noon.

"Tapos na, Clyde. Nangyari na ang nangyari. Di na pwedeng ibalik iyon. Kaya mag move on ka na lang," ani ko dito.

This time ay di na niya ako pinigilan. Kaya tuloy-tuloy ang lakad ko papasok sa klassroom na pinagtuturuan ko. Nang makarating na ako sa klassroom ko ay agad akong napasandal sa isang pader.

Hawak-hawak ko ang sarili kong dibdib, dahil hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog ng puso ko.

Napatingin ako sa mga bata na pinagturuan ko. Napa buntong hininga na lang ako, para maalis ang bara sa aking dibdib.

"Teacher Sheena, ang gwapo ng lalaki kanina ano?" kinikilig na sambit ng Co-Teacher. Di ko siya pinansin.

Kahit na panay ang talak nito ay di ko pa rin siya pinapansin, dahil abala ang utak ko sa paglipad sa kung saan.

Naalala ko pa kung paano naging masaya kami noon ni Clyde noong una ko siya nakilala at kung paano niya ako niligawan. Kung paano niya ako sinuyo.

"Sheen, di ka pa uuwi?" tanong sa akin ni Teacher Anne. Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. "Oh! Bakit parang nakakita ka ng multo?" natatawang tanong nito sa akin.

"Wala may iniisip lang ako," sabi ko dito.

"Oyy! baka may gusto ka sa lalaking iyon ahh!" Tukso nito sa akin.

"Tigilan mo ako, Anne. Di ka nakakatulong, baka mamaya may asawa iyong tao." Which is true, tiyak na masaya na ito sa buhay may asawa ngayon si Clyde. Ayaw kong magulo ang masayang buhay nito.

Lumabas na kami sa school at naglalakad ako papunta sa kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Nabigla ako ng may humarang na isang magarang sasakyan sa aking harapan.

"Hi, Sheen," nakangiting bati sa akin ni Ivy.

'Bakit parang ang malas ko yata ngayon? Bakit sunod-sunod ang dating nila. May grand reunion ba kami ngayon?' sunod-sunod na tanong ng isip ko.

Bumaba si Ivy sa sasakyan nito at isang ngiti ang ibinigay nito sa akin na alam ko naman na peke lamang.

"Long time no see."

"Yeah, long time no see," walang gana kong sambit.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong nito sa akin. This time ay nawala na ang ngiti sa mga labi nito. Napalitan iyon ng seryosong ekspresyon.

"Oo naman," walang kagatol-gatol na tugon ko.

Nandito kami ngayon sa isang café, ang café na ito ay dating tambayan naming magkakaibigan. Ivy and I are use to be friends noon. Pero nasira lang ang pagkakaibigan namin dahil sa ginawa nito.

Nilalaro nito ang cake na inorder nito. Ako naman ay di na nag-abala na mag-order dahil wala akong ganang kumain.

"Bumalik ka na pala." Panimula nito. Binasag nito ang kanina pang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

"Kailangan hiling ni mommy sa akin iyon," sabi ko dito.

Tumango-tango ito. "After a years, bumalik ka? For what, para sirain ang pamilya namin ni Clyde?" walang ngiting tanong nito.

Seryoso ang mukha nito. Wala akong nakikitang emosyon dito.

"Di ka na sana umuwi, doon ka na lang sana. Ayaw kong masira ang pamilya namin si Clyde. We are happy now. Happy na ang pamilya namin," sabi nito ulit sa akin. Nababanaag ko sa mga mata nito ang isang emosyon, isang emosyon na takot. Takot na baka agawin ko ang lalaking mahal nito, na unang naging akin bago naging kanya.

Sumandal ako sa may sandalan ng upuan at tinitigan siyang mabuti.

"Talagang nag-abala ka pa, dahil d'yan? Natatakot ka na ma-agaw ko si Clyde sa iyo? Natatakot ka na baka mawala sa iyo ang lalaking mahal mo, na mahal ko din," walang emosyon na sabi ko dito.

Bumalik na naman ang isang ala-ala na pilit kong ibinaon sa limot, pero kahit anong gawin ko ay di ko magawang kalimutan si Clyde. He is still in my heart.

"Hindi sa ganun," mahinang sabi nito.

"Iyon ang pagkakaintindi ko. Remember, Ivy, ikaw ang may kasalanan sa akin. Nagawa mo nga siyang agawin sa akin di ba? Ikaw ang sumira sa pagkakaibigan natin. Kung di sa kalandian mo ay di ako magkakaganito. Bakit, Ivy? Hindi ka ba minahal ni Clyde? Bakit pakiramdam ko ay nababahala ka? Natatakot ka ba na baka habulin ako si Clyde?" mahabang sambit ko dito.

Tumayo ito. Taas-noo niya akong tinignan. "Wag kang lalapit kay Clyde, Sheena," mahina nitong utas.

Tumayo na din ako. "Wag ako ang pagsabihan mo, kundi ang asawa mo, nananahimik ako, siya ang panay sunod sa akin." sabi ko dito. Tinalikuran ko ito.

Iniwan ko siya na napatigalgal at di agad nakagalaw sa kinatatayuan. Alam kong naging harsh ako sa kay Ivy, but she need to know, where she stand. Alam niya ang ugali ko. Hindi ako tatahimik sa isang tabi, magmomokmok at magpapa-api.

Sumakay na ako sa aking sasakyan. Agad kong binuhay ang makina ay pinatakbo na iyon. Habang nasa daan ako ay sumariwa sa aking alaala ang mga kahapon. Alam kong nakaraan na ang lahat ng iyon, pero sobrang sakit lang ang ginawa nila sa akin.

Sobra akong nasaktan to the point na gusto kong sumuko na. Pero hindi pwede, dahil may sumasandal sa akin. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob.

Agad akong bumaba ng makarating ako sa bahay na tinutuluyan ko. Isa ito sa pagmamay-ari ng ina ko. Sa akin hinabilin ni mommy ang mansion, dahil kahit paano ay may mga alaala kami sa mansion na ito. Pumasok ako sa loob ng at pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang isang box na tinago ko a years ago.

Ayaw ko sanang sariwa-in ang mga alaala noon, dahil puro masasakit ang mga iyon.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Merlyn Gomez
Highly Recommended
2023-06-15 10:03:16
0
user avatar
Leslie agapito
try nyong basahin Ang ganda Ng kwento.
2023-03-09 08:36:49
1
user avatar
Cristine May
highly recommended story
2023-02-11 07:44:07
1
65 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status