Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him

Hacienda Monteverde: I Came for His Land, But Fell for Him

last updateLast Updated : 2026-11-09
By:  Seera MeiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
10Chapters
128views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang kasinungalingan ang kailangan gawin ni Arabella para makuha ang kalayaang matagal na niyang hinahangad. Ngunit paano kung ang lalaking kailangan niyang lokohin ang siya ring lalaking hindi niya inaasahang mamahalin? Sa edad na dalawampu’t anim, taglay ni Arabella ang lahat.. kayamanan, kagandahan, at isang apelyidong makapangyarihan. Ngunit sa likod ng marangyang buhay ng mga Valderama ay isang pangarap na buong puso niyang ipinaglalaban: ang maging international fashion designer at makapunta sa Paris. Isang pangarap na hindi kailanman sinuportahan ng kanyang ama. Nang kailanganin ng Valderama Enterprises ang malawak na lupain sa San Ildefonso, Bukidnon para sa isang project, isang problema ang humadlang sa kanila. ang lupang kailangan nila ay pag-aari ng Pamilya Monteverde. At ang may-ari nitong si Lorenzo ay tumangging ibenta ang kanyang lupain. Kaya gumawa ng ibang paraan ang pamilya ni Arabella. Ipapadala siya sa San Ildefonso upang makuha ang tiwala ni Lorenzo, paibigin ito, at makuha ang lupang inaasam ng kanyang pamilya. Kapag nagtagumpay siya, makukuha niya ang kalayaang pumunta sa Paris at tuparin ang kanyang pangarap. Ayaw niya sa plano, ngunit wala siyang nakikitang ibang paraan upang makawala sa puder ng kanyang pamilya. Kaya pumunta siya sa Hacienda Monteverde dala ang isang lihim na misyon. Ngunit hindi niya inaasahang ang lalaking kailangan niyang linlangin ay malayong-malayo sa ikinuwento sa kanya. Sa likod ng seryosong haciendero ay isang mabuti, masipag, at mapagmahal na lalaki, at ang unang taong naniwala sa kanyang talento at pangarap. Nahulog ang loob niya kay Lorenzo. Ngunit paano kung dumating ang araw na mabunyag ang katotohanan? Kapag nalaman ni Lorenzo na ang babaeng minamahal niya ay ipinadala upang makuha ang kanyang lupa, mapapatawad pa kaya niya ito? At kapag kailangan nang mamili ni Arabella, ano ang kanyang pipiliin, ang kalayaang matagal niyang pinapangarap, o ang lalaking minahal niya nang buong puso?

View More

Chapter 1

PROLOGUE

Arabella Celestine’s POV

Present Day

Pitong taon.

 Pitong taon na ang lumipas mula nang mawala si Lorenzo sa buhay ko. Pero hanggang ngayon, pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang lahat. Ang sugat sa aking puso ay nananatiling sariwa, tila walang balak hilumin ng nagdaang taon ang sakit ng gabing iyon.

Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Kung hindi na lang sana ako pumayag sa kagustuhan ni Daddy, hindi sana mangyayari sa kanya iyon.

Hindi ko din sana siya nasaktan nang lubos.

Malaki ang naging kasalanan ko sa kanya, pero hindi ko man lang nagawang humingi ng tawad nang maayos. Hindi kami okay nang mangyari ang lahat, sobrang bilis ng mga pangyayari At hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ang sakit at paninisi sa sarili ko.

  

Sa loob ng pitong taon, hindi nawala ang matinding sakit ng nakaraan.

Isang parusa.

Isang paalala ng mga kasinungalingang ginawa ko noon.

Sometimes, when the hacienda is too quiet, the happy days Lorenzo and I shared suddenly come rushing back to me.  

Iyong kukulitin ko siya  habang abala siya sa kanyang trabaho at wala siyang magawa kundi ang bumuntong-hininga, pero kalaunan ay ngingiti rin. The way he took care of me as if I were a princess. And the way he used to look at me, as if I were the only person in the entire world he could see. 

Nakikita ko na lang ang sarili kong napapangiti kapag naaalala ko ang mga araw na iyon. Pero kalaunan, mawawala rin ang ngiti at mapapalitan ng pait at sakit kapag sumasagi sa isip ko ang dahilan ng lahat.

“Mama!”

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang masiglang boses ng anak ko. Ang boses na nagpabalik sa akin mula sa madilim at masakit na ala-ala.

Napalingon ako sa malawak na bakuran ng Hacienda.

Nakatayo roon ang isang guwapong batang lalaki na anim na taong gulang, suot ang maliit niyang cowboy hat habang maingat na hawak ang tali ng kanyang maliit na kabayo.

Napangiti ako.

Isang ngiting tanging siya lang ang nagbibigay sa akin sa loob ng mahabang panahon. Pero unti-unting din naglaho ang ngiting iyon sa aking labi ng muli kong mapagmasdan ang mukha ng aking anak.

Kamukhang-kamukha talaga ng anak ko ang kanyang ama.

Parang pinaliit na bersyon lang ni Lorenzo. Ang hugis ng mga mata. Ang kilay. Ang ilong. Pati ang paraan ng pagngiti niya ay kuhang-kuha niya sa kanyang ama. Sometimes, I can’t help but feel as though fate has given me a little Lorenzo back.

Lumapit ang anak ko sa kinaroroonan ko habang malawak ang pagkakangiti.

“Mama! Mama! marunong na po ako mag-isa sumakay sa aking kabayo!” pagmamalaki niya habang tinuturo ang maliit na kabayong iniwan niya at ibinigay sa kanya ni Lola Beatriz niya.

Kitang-kita ko ang saya sa mukha ng anak ko. Pati ang hilig nito sa pangangabayo ay nakuha niya sa kanyang ama. Sa totoo lang, wala man lang akong nakitang nakuha sa akin ng  batang ito. Parang dinala ko lang siya ng siyam na buwan at nang isilang ko siya, kamukhang-kamukha niya ang ama at pati ang ugali ay nakuha rin nito.

“Good job, baby ko,” sambit ko sa kanya bago ko siya sinalubong ng mahigpit na yakap. “Pero lagi kang mag-iingat at dahan-dahan lang, okay?”

Tumawa siya, sabay yakap din sa akin.

“Opo, Mama. Lagi po akong mag-iingat at magdadahan-dahan.”

Gustong-gusto talaga niya ang pangangabayo. Manang-mana talaga sa kanyang ama. At sa sandaling iyon, napansin kong may ilang tauhan ng Hacienda na nakatayo malapit sa amin.

Nakilala ko ang mga ito sina Mon at Mang Juancho na parehong nakatingin sa aking anak. May mga ngiting hindi nila maitago sa kanilang mga labi habang nakamasid kay Renz.

Alam ko kung bakit. Hindi ko na kailangang magtanong pa.

Lahat sila ay nakikita rin si Renz sa kanilang dating amo dahil kamukhang-kamukha at kaugali talaga nito ang kanyang ama. Parang bumalik lang si Lorenzo sa pagiging bata. At higit sa lahat, ang anak ko ang nag-iisang magpapatuloy ng dugo at legacy ng Monteverde. Siya ang magpapatuloy ng rancho na ito.

Lumuhod ako sa harap ng anak ko matapos ko siyang yakapin, saka marahan kong inayos ang sombrero niya na bahagyang nagulo dahil sa hangin.

“Good boy. Basta lagi kang makikinig kay Mama.”

Tumango-tango naman siya.

“Mama…” Dahan-dahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi.

“Yes?” nakangiti kong sagot.

Tumingin siya sa akin ng diretso. Sinalubong ng kanyang natural na kulay-brown na mga mata ang aking tingin.

“Kamukha ko po ba talaga si Papa?”

Napatigil ako.

Ito na naman siya.

Sa loob ng ilang taon, ilang beses na niyang tinatanong ang tungkol sa kanyang ama. Paunti-unti lamang ang aking sinasagot dahil hindi pa rin ako masyadong handa. May sugat pa rin sa aking dibdib. Pero alam kong darating ang araw na kailangan kong sagutin nang totoo at tapat ang kanyang mga tanong. Kung anong klaseng tao ang kanyang ama.

Higit sa lahat, wala kasing gaanong litrato ang kanyang ama dahil wala itong hilig magpakuha ng picture. Masyado itong ilag sa camera, kaya iilan lamang ang litrato ni Lorenzo na nakita ni Renz, at karamihan doon ay medyo bata pa siya.

May ilang mga bagong picture rin akong itinago, pero hindi naman masyadong makita ang mukha niya dahil natatabunan iyon ng kanyang mahabang buhok. 

 Pilit akong ngumiti, saka sumagot.

“Very much. Kamukhang-kamukha mo siya, anak.”

Lumaki ang ngiti niya, tila ba iyon ang pinakamagandang salita na narinig niya ngayong araw.

“Gwapo rin po ba si Papa?”

Hindi ko naiwasang matawa dahil sa tanong niya.

Alam na niya ang salitang gwapo.

“Yeah,” sagot ko. “Gwapo rin ang ama mo.”

“Mas gwapo po sa akin?” tanong niya habang tumataas-baba ang kilay, saka ngumiti ng matamis.

Napailing na lang ako habang natatawa, tapos marahan kong pinitik ang tungki ng kanyang ilong.

“Ouch po mama!” sabay hawak niya sa kanyang ilong.

“Mas gwapo ka,” sagot ko.

Tumawa siya, halatang masayang-masaya sa sagot ko. Kung nakikita lang ni Lorenzo ang kanyang anak, siguradong matutuwa siya. Siguradong magkakasundo sila at mamahalin niya ng sobra sobra ang aming anak.

“Thank you, Mama! Ikaw din po ang pinakamaganda sa lahat. I love you, Mama!”

Napangiti ako. Napaka-sweet din talaga ng batang ito.

“I love you too.”

Humalik siya sa aking pisngi bago tumakbo ulit pabalik sa kanyang kabayo. Pinanood ko siya habang papalayo. Siya ang dahilan kung bakit ako nagpatuloy sa lahat, kahit wala na si Lorenzo.

Nang gabing iyon, matapos kong ihatid si Renz sa kanyang silid at tiyaking mahimbing na ang tulog niya, bumalik na ako sa aking kwarto. Naglinis muna ako ng aking katawan bago nahiga sa kama. Ilang sandali akong nakatulala sa ceiling. 

Bukas, marami akong gagawin. Tatapusin ko ang illustrations ng gown ng apo ni Manang Pasita, Ako kasi ang napili nito para magdesign ng gown na susuotin nito sa kanyang debu.  Tapos, magsisimula na rin ang pag-aani ng kape at mais sa hacienda, kaya magiging abala ang lahat. Buti na lang, walang pasok si Renz sa eskwelahan bukas, kaya makakapag-focus ako sa mga kailangan kong gawin.

Dahil hindi pa ako makatulog, kinuha ko muna ang aking cellphone, saka nag-check ng aking social media account. Ganitong oras na lang talaga ako nakakahawak ng phone dahil abalang-abala ako. Paminsan-minsan lang akong nag-i-scroll sa aking mga account, kadalasan kapag wala akong ibang ginagawa.

Nag-scroll lang ako nang nag-scroll sa aking feed. Napangiti ako nang makita ko ang post ng mga kaibigan ko. Nakakatuwa dahil natupad nila ang pangarap nila at ngayon ay nasa ibang bansa sila.

Hanggang sa isang post ang biglang lumitaw sa aking feed.

Isang news article.

May litrato ng isang lalaki na napapalibutan ng mga reporter.

Napahinto ang daliri ko sa pag-scroll. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong humila sa atensyon ko sa artikulong biglang lumitaw sa screen ng cellphone ko.

“FAMOUS U.S. BUSINESSMAN RETURNS TO THE PHILIPPINES—NEW COMPANY BRANCH TO RISE IN MANILA.”

Napakunot-noo ako.

Isang kilalang businessman mula sa United States ang nagbalik sa Pilipinas upang magtayo ng bagong branch ng kumpanya niya sa Manila. Wala naman dapat akong pakialam. Hindi ko siya kilala, at wala rin akong dahilan para maging interesado sa buhay ng isang estrangherong negosyante.

Pero sa hindi ko malamang dahilan, tila may kung anong nagtutulak sa akin na buksan ang link ng artikulo. At ‘yon nga ang aking ginawa, nang tuluyan itong magbukas, isang litrato ang agad na bumungad sa akin.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko, at napahawak ako sa dibdib habang pilit na pinoproseso ang nakikita ko. 

Bakit kamukha ni Lorenzo ang lalaking nasa litrato?

Ang hugis ng kanyang mukha, ang mga mata, kilay, at maging ang kanyang ilong—  kuhang-kuha nito ang bawat detalye ng itsura ni Lorenzo.

Maliban sa buhok nito.

Maikli at maayos ang pagkaka-style ng buhok ng lalaki, malayong-malayo sa mahaba at magulong buhok ni Lorenzo na noon ay madalas tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha.

Napakurap ako nang ilang beses. Baka nagkakamali lang ako ng nakikita.

Muli kong tiningnan ang litrato. Mas nilakihan ko pa ito upang mapagmasdan nang mabuti ang bawat detalye ng mukha ng lalaki. Ngunit habang tumatagal ang pagtitig ko, lalo lamang bumibilis ang tibok ng puso ko.

May kung anong malamig na pakiramdam ang gumapang sa buong katawan ko, kasabay ng isang katanungang unti-unting nabuo sa isip ko.

Paano kung hindi lang basta kamukha ni Lorenzo ang lalaking ito?

Hindi. Imposible.

My husband has been dead for a long time, and we were certain it was him because I found our wedding ring, the necklace I had given him, his earrings, and his wallet, which was only half-burned.

Paano ko magagawang isipin na buhay pa siya kung iyon mismo ang mga bagay na naging dahilan para tanggapin kong wala na siya?

Siguro nagkataon lang talaga. May mga taong magkahawig, at maaaring isa lang sa kanila ang lalaking nasa litrato.

Yeah. Nagkataon lang na magkahawig sila.

*****************

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Docky
Docky
highly recommended
2026-11-08 04:15:46
1
1
Seera Mei
Seera Mei
Hello guys! Ito po ang bago kong story. Sana suportahan niyo hanggang dulo hehe
2026-11-07 14:16:53
1
0
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status