SINUSUNTOK at pinagsisipa ko ang punching bag na asa harapan ko ngayon. Doon ko inilalabas ang lahat nang galit ko. Gusto kong magwala, gusto kong manuntok. Pero pinipigilan ko ang sarili ko.
"Tama na, walang kalaban-laban sa iyo ang punching bag," natatawang awat sa akin ni Clint.
Hinawakan ko ang punching bag at idinikit ang aking ulo doon. Gusto kong i-umpog ang ulo ko doon nang paulit-ulit.
"Ano na naman ang problema mo? Ahh! Alam ko na si Sheena na naman?" tanong nito sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin.
"Ang hirap paamuhin," sambit ko dito. Habol ko ang hininga ko, dahil sa walang humpay na pagsuntok ko sa punching bag.
"Kahit na sino Clyde, mahirap talaga paamuhin. Alam mo iyon, may kasalanan ka."
"Sana ay pinakinggan niya ako. I have to explain my side." Iniwan ko si Clint doon at umupo sa may upuan. Pinunasan ko ang aking pawis.
"Nasaktan si Sheena, Clyde. Paano iyan, paano na si Ivy at ang anak niya?" di agad ako nakaimik sa tanong ni Clint.
"Ivy is out of my problem, hindi ko hawak ang buhay niya," sabi ko dito.
"Ikaw ang kinikilalang ama ng bata, ng anak niya!"
"Napag-usapan na namin ito ni Ivy, and she agree to me. Ilang beses ko na ding sinabi sa kanya na wala akong maibibigay sa kanya. Kundi kaibigan lamang, si Sheena pa rin ang mahal ko!" matigas kong sabi dito.
"Paano nga pala kung may anak kayo ni Sheena?" tanong nito sa akin.
Tumayo ako, isinabit ko ang aking tuwalya sa balikat ko at sa kabilang balikat ay ang bag ko.
"Di mas mabuti, magagamit ko ang bata. Para mapalapit kay Sheena," sabi ko dito.
Lumabas na ako sa Gym kung saan ako laging nag-ge-gym. Agad akong sumakay sa sasakyan ko at nagtungo sa resthouse ko. Kung saan ko ngayon dinala si Sheena. Hangga't hindi siya bumabalik sa akin ay ikukulong ko siya at hindi ko siya papauwiin.
Pumasok ako sa bahay, sobrang tahimik. Nagtungo ako sa kwarto at nakita ko si Sheena na mahimbing na natutulog. Hinaplos ko ang buhok nito at hinalikan ang buhok nito.
"I love you, gagawin ko ang lahat. Bumalik ka lang sa akin," sabi ko dito. Hinalikan kong muli ang buhok nito at tumayo na.
Pumunta ko sa kwarto ko para maligo. Nasa banyo ako, itinukod ko ang kamay ko sa may tiles at iniyuko ang aking ulo. Kailangan kong makaisip agad ng plano, kung papaano ko mapapaamo si Sheena.
Agad akong lumabas, nakatapis lang ako ng tuwalya at agad na nagsuot ng boxer. Nahiga na ako sa kama ko. Sana'y akong matulog na n*******d.
Nagising ako at agad na bumangon naalala ko na di ko pala nakandado ang pintuan sa harapan. Agad akong tumayo at dali-daling pumunta sa ibaba.
Agad kong binuksan ang pintuan ng may marinig akong nagsasalita.
"Magkano iyan, Manong?" tanong ni Sheena sa matanda.
"100 lang ineng," ngiting sagot ng matanda.
"Kukunin ko na po lahat!" ngiting utas ni Sheena. Sumandal ako sa may pintuan ay magiliw na pinagmasdan si Sheena.
Kahit saang angulo tignan at hindi nakakasawang titigan ang mga ngiti nito. Kaya una pa lang ay agad nitong nakuha ang interes ko.
Bumalik na ito na may ngiti sa labi, di pa rin niya ako napapansin. Panay ang tingin nito sa binili nito.
"What's you bought?" tanong ko dito.
Napatigil ito. Inirapan ako nito.
"Isda," walang gana nitong sambit.
Pero hinarangan ko ito. Napasandal ito sa may pinto at agad ko itong ikinulong.
"Ano ba, Clyde," mahina nitong d***g.
Napapikit ako dahil kay sarap pakinggan ng pagbigkas ng mga labi nito sa pangalan ko.
Dumilat ako at napasinghap ito, dahil alam nito. Nakita nito ang kung ano sa mga mata ko.
"Kahit saang anggulo ay kay ganda mo pa rin," wala sa sarili kong sambit.
Yumuko ito, alam kong namula ito. Hinawakan ko ang ilalim ng baba nito iniangat iyon. Unti-unti ay lumapit ang mukha ko sa mukha nito.
Hanggang sa lumapat ang labi ko, sa labi nito. Napapikit ako ng maglapat ang aming mga labi, para akong nasa alapaap. Kay sarap ng labi nito, gaya ng dati.Agad niya akong itinulak. Napaatras naman ako.
"Hindi ito tama, Clyde. Kaya pauwiin mo na ako," mahina nitong sabi sa akin.
Nag-igting ang panga ko. "Hindi, hindi ka uuwi, hangga't di ka pumapayag na bumalik sa akin."
"Nahihibang ka ba? May pamilya ka, Clyde. May anak ka!" sigaw nito sa pagmumukha ko.
"Ano bang pinagsasabi mo. Wala akong anak," sabi ko dito.
"Sinungaling," sabi nito sabay alis sa harapan ko. Pumasok ito sa kusina. Para siguro lutuin ang binili nitong isda.
Napasuklay na lang ako sa buhok ko.
Sinundan ko ito sa kusina. Nakita ko ito na nililinisan ang isda.
"Look Sheena, wala akong anak. Sino ba ang tinutukoy mo. Unless kung may anak tayo." Napatingin ito sa akin at nanlalaki ang mga mata."Di ba anak mo ang anak ni Ivy.""Hindi," tangi ko.Dahil iyon naman talaga ang totoo. Hindi ko anak, ang anak ni Ivy. Napabuntong-hininga ako."Gusto kong mamasyal," sabi nito sa akin. "Gusto kong makasagap ng sariwang hangin."Samahan na kita.""Wag na, di naman ako. Aalis," sabi pa nito."Alam ko naman iyon, hindi ka kilala ng mga tao dito, kaya baka kung anong gawin sa iyo ng mga tao dito.PAPUNTA kami ni Clyde ngayon sa may talipapa, doon ay marami daw tao at may mga nagbebenta pa nang kung ano-ano.
Nasa isang tindahan kami ng suviner ng tila may napapansin ako kay Clyde. Para bang naging alerto ito."Halika na, uuwi na tayo," yaya nito sa akin. Hinila na niya ako. Para walang eskandalo na magaganap ay sumama na lang ako kay Clyde.Naglalakad na kami pauwi, at ako naman ay panay ang tingin ko sa mga pinamili ko at biglang may putok ng baril na narinig ko.Napayuko ako at ang mga kamay ko ay nasa magkabilang tainga ko. Sunod-sunod ang putok at may humila sa akin.Sisigaw na sana ako ng matignan ko kung sino ang humihila sa akin. Tumakbo na lang ako kasabay ni Clyde. Hinila niya ako papunta sa puno ng niyog ng may nagpaputok na naman. Halos mabingi ako sa lakas ng pagpapaputok ng mga baril.Nagtago kaming dalawa sa puno ng niyog at nagpalitan ng mga putok nang baril sila Clyde at ang mga humabol sa amin."Dito ka lang, ililigaw ko sila." Agad akong nabahala. Dahil baka kung anong mangyari sa kanya."Wag mo akong iwanan please. Dito ka lang." Pagmamakaawa ko dito."Hindi pwede. Kung di ko sila ililigaw, baka pareho tayo ditong mamatay. Don't worry babalik ako ng ligtas.""Please bumalik ka," sabi ko dito. Sabay yaka ng mahigpit dito. Gumanti ito ng yakap sa akin."I will."Tumakbo si Clyde, papunta ito sa kung saan. Ako naman ay di ko alam ang gagawin. Nang humupa na ang tensyon ay agad akong tumakbo papunta sa resthouse. Doon na lang ako maghihintay.Ilang kilometro din ang layo ng resthouse sa pinagkukublian ko. Kaya nang makarating ako doon ay hingal na hingal talaga ako.Nang makapasok ako sa resthouse at agad ko iyong inilock. Paroon at parito ako, hindi ko alam ang gagawin ko.Ang inaalala ko ay si Clyde. Baka kung ano na ang nangyari sa lalaking iyon.Umupo, tumayo. Iyan lang ang ginagawa ko sa ilang minuto na lumilipas na wala sa tabi ko si Clyde. Hindi ko alam ang nararamdaman ko.Agad akong napapitlag ng may kumakatok sa pinto ng resthouse. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya ng may makita akong baseball bat ay kinuha ko iyon. Bago ko binuksan ang pinto ng resthouse ay inuumang ko sa unahan ang baseball bat.Nang buksan ko ito ay muntik ko nang maipalo ang baseball bat kay Eli. Buti na lang talaga ay napigilan ko ito."Sheena!" tawag nito sa akin. Di pa nito ako napansin na nasa likuran lang niya ako."Eli," tawag ko dito. Di ko na kinaya ng sitwasyon kaya bigla akong natumba at hinimatay.Mabuti na lang at nasalo ako ni Eli."Sheena!" tawag nito sa pangalan ko. May pag-aalala din sa boses nito.Hanggang sa nilamon na ako ng kadilimanNagising ako na tila ba may nagtatalo.
"Kailangan mo na siyang ibalik Clyde. Sa tingin mo papatahimikin ka ng mga kalaban mo? 10 years kang nakipaglaban sa lahat ng mga illegal na mga druga. Naipakulong mo nga. Pero nakalabas din."
"Hindi, hindi ko ibabalik si Sheena.""Ang selfish mo, alam mo ba iyon. Sana isipin mo ang kaligtasan ni Sheena. May nag-aatay sa kanya Clyde. Mas ligtas siya sa bahay ng ama niya.""Hindi, hindi ko ibabalik si Sheena, dadalhin ko siya sa Hacienda Victoria. Kasama ang ama niya. Mauuna lang si Tito, susunod si Sheena.""Saan mo ako dadalhin?" tanong ko dito."You're awake, nag-alala talaga ako nang husto sa iyo." Ginagap ni Eli ang aking kamay at pinisil-pisil iyonMagiliw talaga si Eli, noon pa man. Kaya di ito mahirap kaibiganin."Sa Hacienda Victoria," sagot ni Clyde sa akin.
"Bakit doon pa, nakakaabala lang ako kay Rolyn doon.""Doon mas ligtas kayo ng daddy mo. Mas secured doon. Kaya sana makisama ka ngayon," pagsusumamo nito sa akin.Umiwas ako nang tingin dito."Ibalik mo na lang ako sa amin. Ayaw ko na naabala ka."Hinawakan nito ang mga kamay ko."Hindi! Hindi ko hahayaan na pati ikaw ay madamay sa mga nagawa ko noon."Nilingon ko siya. "What do you mean.""Noong umalis ka, masaya na malungkot ako. Masaya ako, kasi makakagalaw ako ng walang inaalala. Na walang madadamay. Malungkot din ako at the same time, dahil hindi kita makakasama. Kahit na alam kong wala akong kasalanan sa iyo."Di agad ako nakasagot sa sinabi nito. Umawang ang labi ko, tapos ay itinikom din."Mahal kita Sheena. Noon, magpahanggang ngayon!" sabi nito sa akin.Maluha-luha akong napatingin dito. Di ko alam ang sasabihin ko. Niyakap niya ako."Kaya please. Makinig ka sa akin. Para din ito sa iyon. Para sa kaligtasan mo." Hinawakan nito ang aking mukha. Napapikit na lang ako.Nasa labas ako ng resthouse, nakatanaw sa malawak na karagatan. Sana ay dagat na lang ako, para makapunta ako sa walang hanggang katapusan ng mundo.Habang si Clyde ay abala sa pag-aayos ng mga gamit namin. Inilagay na nito sa kotse nito ang mga gamit namin dahil mamayang hapon ay aalis na kami.Nagulat ako ng may yumakap sa aking baywang mula sa likuran ko. Naging uneasy ako dahil alam ko kung sino ang nasa likuran ko.Sumandal ako sa dibdib nito."Paano kaya no, kung di nangyari sa atin iyon? Iyong di tayo naghiwalay!" wala sa sarili kong tanong."Siguro tayo pa rin hanggang ngayon. Baka may anak na tayo." Natahimik ako bigla."Kumusta na pala kayo ni Ivy? Balita ko pagkauwi ko, nasa iisang bahay na kayo."Di ito umimik. "Walang kami Sheena. Hindi ko anak, ang anak ni Ivy."Hindi ko alam kong sino ang paniniwalaan ko. Hindi ko pa kayang bumalik kay Clyde. Siguro pagdating ng panahon na kung saan maghihilom na ng tuluyan ang aming mga puso."Breakfast na tayo. Oh! baka ako ang gusto mong kainin…" bulong nito sa akin.Umalis ako sa yakap nito. "Tumigil ka nga." Tumatawa kong sambit.Naglakad na ako papunta sa resthouse. Para kumain ng agahan. Pumunta ako sa kusina ay naabutan ko doon ang mga inihanda nito.Puro paborito ko iyon. May fried chicken, tinolang isda at adobong manok. Di ko napigilan ang ngumiti.Umupo na ako, tsaka pa pumasok si Clyde, siguro may kausap na naman ito sa telepono nito."Maaga tayong aalis ngayon. Baka pagkatapos na nating kumain, aalis na tayo." Bigla akong nabahala."Bakit?" tanong ko."May paparating, ay kailangan na makaalis na tayo dito."
Parang gusto kong mawalan ng ulirat, bakit ba bumalik ang dati na naman. Kung noon ay naresolba namin, ngayon ay ewan ko na lang."Sige."Nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos ay naghahanda na kami sa pag-alis.Nasa kotse na niya ako, dahil nauna akong lumabas sa kanya. Nakita ko siya na palalabas na. Nilock nito ang pinto nh resthouse at ang gate. May maliit na gate kasi ang resthouse.Pumasok ito sa driver seat at pinatakbo na ang sasakyan.Nasa daan na kami, maayos naman ang takbo namin, pero noong papasok na kami papunta sa Hacienda Victoria ay may nagpapaputok.Panay tili ang ginagawa ko, habang yumuyuko. Kaming dalawa ni Clyde. Nang makuha na ni Clyde ang baril nito ay agad itong gumanti ng putok.Nang humupa ang putukan ay biglang napatingin si Clyde sa akin. May pag-alala sa mukha nito."May sugat ka ba?" tanong nito sa akin. Cheneck nito ang katawan ko, at nang makitang wala akong sugat ay agad na bumalik sa pagmamaneho.Akala ko talaga ay katapusan na namin. Hindi pa ako pwedeng mamatay, may nangangailangan pa sa akin. May babalikan pa ako sa ibang bansa.Nang pumunta ako sa kwarto kong nasaan ang kakambal ko ay nakita ko itong nakahandusay sa sahig. Puno ng dugo ang katawan nito at tila naliligo na."Ivy!" sigaw ni Vough."Dalhin mo na siya. Siguraduhin mo lang na hindi kayo makikita. Alam kong buhay pa siya. Pasalamat na lang tayo at hindi siya pinuruhan ni Clyde."Agad na binuhat ni Vough si Ivy. Tumakbo sila sa kung saan at nawala na parang bula sa aking paningin.'Sana ay magiging masaya ka sa landas na tatahakin mo, Ivy. Alam ko namang mahal mo si Vough. Nabulagan ka lang sa obsession mo kay Clyde. Tama na ang paghihigante.'NAGISING ako na para bang sobrang sakit ng katawan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang puting dingding."You awake," isang boritonong boses ang naulinagan ko. Kaya lumingon ako sa kanya."Who are you?" tanong ko sa kanya.Nanlaki ang mga mata ng lalaki. Tapos ay pumungay ang mga mata ay ngumiti."I am Vough Rodriguez, and I am your husband."Nagulat ako sa sinabi nito. "And Who I am?""Y
AKALA ko di ko na maalala ang lalaking mahal ko. Isang taon din akong nangngapa, dahil wala akong maalala."Mommy," tawag sa akin ni Clea. Tumatakbong papalapit ito sa akin.She now a teenager. A 16 years old girl.6 years of having a completed family is awesome. Sobrang masaya ako, kasi wala nang balakid sa aming pagbuo ng isang masayang pamilya. 3 years exactly ay nagpakasal ulit kami ni Clyde. This time ay sa simbahan na, kasama ang daddy ko, mga relatives namin at mga kaibigan namin."What happen baby?" tanong ko kay Clea."Kuya Carl is so mean. Nakikipag-usap lang naman ako sa isang guy. Hinila na niya ako," sumbong nito sa akin."Your Kuya isn't mean, he's protecting you. Baka masama pala ang guy na iyon. May gawing masama sa iyo.""Basta, galit ako sa kanya. Bahala siya d'yan." Maktol nito.Nagmarcha ito papasok sa loob ng bahay bakasyonan namin. Nandito kasi kami ngayon sa bahay bakasyonan namin, sa isang hacienda, gustong magbakasyon ng mga bata kaya pumayag na din kami.Kung
NAGISING ako na sobrang hina ko. Halos hindi ko maidilat ang mga mata ko. Pero gising ang diwa ko. Uhaw na uhaw ako. May naririnig akong kumusyon sa paligid ko. Pero di ko masyadong narinig.Nasaan ba ako? Nasa kamay pa rin ba ako ni Ivy."Sheena," tawag nito sa akin.I response. Pero tanging kamay ko lang ang naigagalaw ko. Gusto ko mang magsalita ay di ko magawa, ni magmulat ay di ko magawa. Ano bang nangyayari sa akin."Oh my God!" sigaw nito. "I'll call the doktor," sabi nito. Naririnig ko ang yabag nito na tanda na lumabas. Dahil na rin sa pagbukas ng pinto."How is she doc?" tanong nito sa doktor."She is okay now. She is a survivor. Almost 2 years of being in coma ay hindi biro. I thought she didn't woke up. I can believe it, this is a miracle. Just wait patiently, nag-aadapt pa siya sa kapaligiran.""Sige dok. Thank you!" hininging pasasalamat nito. Lumabas na ang doktor."Thanks to God, Sheena. Binuhay ka niya. Akala talaga namin ay mawawala ka na sa amin. Clyde will be happy
HABANG nasa van kami kanina ay tahimik lamang ako. Di nila napansin na may mga device na nakakabit ss aking katawan. Di rin naman nila mapapansin ang mga device na iyon. Dahil sobrang liit ng mga iyon."Wag kang mag-alala, Sheena. Malapit ka na naming matrack. Kunting tiis na lang babe." Di ako umiik. Dahil baka mahalata nila ako.Bumukas ang pinto ng pinagdalhan nila sa akin at iniluwa doon si Ivy. Nakangisi ito sa akin."Ang akala mo siguro ay maiisahan nyo ako? Alam ko ang mga pinaggagawa ni Clyde. Sinasakyan ko lamang siya.""Bakit mo ito ginagawa?" tanong ko dito. "Akala pa naman, tunay ang pinapakita mo sa akin. Hindi pala."Tumawa ito. "At naniwala ka naman? Lahat Sheena ay planado ko. Mula sa pagkakilala natin. Sa pagkakaibigan.""Hayop ka talaga. Di ka pa nakuntento. Ano ang kasalanan ko sa iyo? Bakit mo ako ginaganito?"Gusto ko siyang saktan. Pero di ko magawa. Dahil nakagapos ako sa kinauupuan ko ngayon."Dalawa lang naman ang kasalanan nyo o mo sa akin," sabi nito. "Una,
HINDI ako nagsabi kay Clyde na uuwi kami ngayon ng Pilipinas. Gusto naming surprisahin si Clyde. Didiretso kami sa bahay nito, bago kami uuwi ng mansion."Are you sure about this?" tanong ni Eli sa akin.Hinawakan ko ang mga kamay nito. I know na sobrang nag-alala ito sa pag-uwi namin. She is my only friend here, kaya alam ko ang labis na pag-alala nito."Yes, ito na ang tamang panahon. Para umuwi kami sa Pilipinas. Ilang taon din akong nagtago sa ibang bansa. Ngayon ay dapat ko nang bawiin ang pag-aari ko."Siguro ay wala talaga akong isang salita. But, I love Clyde so much. Kahit anong iwas ko sa kanya ay nahahanap at nahahanap niya ako. Kaya napagod na siguro ako sa kakatago o kakatakbo. Kaya dapat ko ng bawiin kung ano ang akin. Wala na akong pakialam kay Ivy. Clyde didn't love her. I know that. Sa loob ng sampung taon na di kami nagkita o nagkahiwalay ay walang nabago sa nararamdaman ni Clyde para sa akin.Ramdam ko ang pagmamahal ni Clyde para sa akin. Pwede namang magpakaama si
Ilang linggo na mula ng maoperahan si Clea. Sa awa ng Diyos ay dinig niya ang panalangin ko na iligatas ang anak ko.Sa loob ng ilang linggo ay di pa rin nagpapakita si Clyde sa amin. Di na ako aasa na babalik pa si Clyde. Alam ko na di na kami ang priority niya."Mommy, I want apple," mahinang sambit ng anak ko.Ngumiti ako, dahil sa wakas ay gising na ang anak ko.Pinagbalat ko ito ng apple, tapos ay ibinigay ko sa kanya."Ano pa ang gusto ng baby ko?" tanong ko dito."Ito na muna mommy."Sinuklay ko ang buhok nito. Isang linggo na din mula nang magasing si Clea, mula sa operation nito. Akala ko ay di na gigising pa ang anak ko. Pero nagkamali ako. Gumising ito."How do you feel?" tanong ko dito.Ngumiti ito. Kahit di abot sa tainga ang ngiti nito ay okay lang."I am much better right now. Nanghihina pa rin ako mommy," sabi nito sa akin."That is normal. Dahil siguro, kakaopera mo lang at kakagising mula sa mahabang pagkakatulog," sabi ko dito."Jay said daddy is here? Where is he,