The CEO's Revenge

The CEO's Revenge

last updateLast Updated : 2025-10-24
By:  NgitOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Xaiqa Qealil Dhal'Pzion na mas kilala sa tawag na Xai ay nakaranas ng labis na kalupitan sa kamay mismo ng sarili niyang ama, hindi pag mamalupit sa mismong katawan niya ngunit sa mga taong mahal at labis na malapit sa kaniya, sa edad na siyam ay iniwan sila ng kaniyang pulis na ama, at walang hiya nitong ipinahiya ang kaniyang ina, sa murang edad ay walang nagawa ang kawawang bata, lalo na't sila ay nagmula lamang sa mahirap na pamilya. Ngunit simula ng iwanan sila ng kaniyang ama, si Xaiqa at ang nakababata niyang kapatid na si Ziekye ay binuhay ng kanilang ina, halos araw araw at madalas gabi na kung maka uwe ang kanilang ina dahil sa labis na pagtatrabho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan, mas naging maayos din ang buhay nila, simula noong hindi na nila nakakasama ang kanilang ama, wala ng nananakit sa kanilang ina. Ngunit sa edad niyang dose ay muling nag pakita ang masamang mukha ng kanilang ama, at sa gabing iyon, tuluyang nawasak ang puso ni Xaiqa, dahil pinahirapan ng labis ang kanilang ina habang nasa harap nila, walang awang pinag hahampas ng latigo, at sa huli ay kinitil ng sarili nilang ama ang buhay nito, sa oras din nayon ay ibenenta ang kaniyang kapatid sa malaking sindikato, walang nagawa si Xaiqa kundi ang umiyak, mag luksa at sumigaw, hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. 13 years ang nakalipas, ang batang dumaan sa labis na hirap at sakit ay muling magbabalik para sa hustisya, nais niyang tuparin ang sumpang binitawan sa labi ng kaniyang ina, at ang pangako na hahanapin ang kaniyang kapatid, si Xaiqa ngayun na anak na ng mga asawang bilyonaryo sa ibat ibang bansa at isa ng ganap na CEO. makakamit niya kaya ang hustisya? para sa mahal.

View More

Chapter 1

Chapter 1: bagung magulang

Halos 13 years na ang nakalipas ngunit sariwa parin saaking ala-ala ang lahat, ang walang awang pag tarak ng kutsilyo sa leeg ng aking ina, at ang pagbebenta sa kapatid ko, patuloy akong minumulto ng masasakit na karanasan at ang mga nagdaan na kaylan man ay hindi kona nanaisin pang maulit.

Umiiyak ako habang patuloy na bumabalik sa ala-ala ko ang mga nangyari, "nasaan kana kapatid ko?" tanung ko sa aking sarili habang naka upo sa bench at patuloy na nakatingala sa langit, umaasa ako na sana may sagot akong marinig, at malaman kung nasaan ang kapatid ko "sana nasa maayos kang kalagayan" pakikiusap ko habang may mga luha paring tumutulo sa mata ko "anak iniisip mona naman ang nawawala mong kapatid?" nag aalalang tanung saakin ng taong nakadampot saakin at nag alaga noong nahimatay ako, at kinopkup na nila ako hanggang ngayon, tinuring na nila akong tunay na anak, pagmamahal na hindi ko naranasan sa totoo kung ama, noon palang nahimatay ako, nagising nalang ako sa isang malawak na silid hindi naman mukhang hospital dahil sa estilo ng pagkaka ayos tila isang mansyon, bahay na subrang laki, dahil isang kwarto palang halos hindi nangalahati ang kubo namin sa bukid, namamangha kong nilibot ang paningin ko nong mga oras na iyon, "mabuti at gising kana?" halos mapatalon ako sa gulat ng may marinig akong boses na papalapit, "w-wag kang lumapit" natatakot kung paki-usap at pilit lumalayo sa papalapit na babae, sa tingin ko kaedad lang siya ng namayapa kong ina "iha wag kang matakot, di kita sasaktan" masuyo nitong paki-usap habang patuloy na lumalapit saakin "p-please wag kang lumapit" sa diko alam na dahilan ay tumulo na ang luha ko dahil sa takot, naaalala ko kasi ang mga nangyari, ang pag patay sa nanay ko, at natatakot ako, kung ang mismo kongang ama ay nagawang paslangin ang aking ina, at ibenta sa mga sindikato ang kapatid kona sarili niya ring anak, paano nalang kaya itong tao na hindi ko kaano ano, baka patayin rin ako, o marahil pwedi din na ibenta para pagka kitaan, kaya hindi ako nag titiwala, sa trauma ba naman na naging epekto saakin ng pagkawala ng magulang ko at kapatid kanino pa ako dapat mag tiwala? "wag kang matakot, kami ang nagdala sayo dito, para ipagamot ka" pag papaliwanag niya, kaya naman nilibot ko ang paningin sa buong kwarto "b-bakit ninyo ako kinukulong dito?, ibebenta niyo rin ba ako?, tulad ng ginawa ng tatay ko sa nakababata kong katapid?" natatakot kung tanung at halos sumiksik na ako sa gilid ng kama dahil sa takot "h-hindi iha" kalmang wika ng babae at napahinto narin sa pag lalakad marahil dahil napag tanto niya na natatakot na talaga ako, at kapag nagpatuloy pa siya baka dilang sa gilid ng kama ako sisiksik "o, marahil kikitilin niyo rin ang buhay ko tulad ng ginawa ng tatay ko sa nanay ko?!" pasigaw konang tanung, at lalong mas nag sumiksik sa gilid ng kama. "H-hindi iha, magtiwala ka saakin, wag kang matakot" pakikiusap ng babae at kumilos na naman palapit saaki, "m-mag tiwala po?, tiwala na sinira na ng sarili kong ama!, paano kopa iyon ibibigay sa iba?, kung mismong sarili kung kadugo ang sumira ng tiwalang iyon?, paano kopa maaatim na mag tiwala sa mga taong hindi ko kaano ano?" pasigaw konang sagot, at bigla kona lang naramdaman ang paninikip ng dibdib ko, at ang pag sakit ng ulo ko "iha, a-anong nangyayari sayo?" nag-alalang tanung ng babae marahil napansin niya ang pag hawak ko sa sikmura at ulo ko "Iha!" puno ng pag-aalala ang boses ng babae ang huli kung narinig bago tuluyang mawala ako malay ko.

"Nasaan ako?", mahina kung tanung nang magising ako, nilibot ko ang paningin ko sa buong sulok at, ito parin ang kwarto ko nong una, gumalaw ako para bumangun ngunit, napansin ko ang isang babae na natutulog, tinitigan ko ito ng ilang saglit, kinilala ko kung sino ito, at "s-siya yung babaeng yon?" gulat kung tanung, kitang kita na pagod ito, marahil sa pag babantay saakin, kaya nakatulog na siya sa tabi ng kama na kinalalagyan ko, naka upo lamang siya habang hawak ang kabila kung kamay na tila nag aalala "gising kana pala?" agad niyang turan ng magising ito, halata na kulang siya sa tulog at pagod pa, pero kumilos na ito at lumakad, maya maya pag balik niya may dala na siyang sopas, mainit na sopas "kumain kana muna iha" wika nito habang papalapit saakin at iniihipan ang sopas para lumamig "gutom kana iha alam ko, simula noong nakaraan nong gabi na makita ka namin ng asawa ko sa bukid, hindi kapa kumakain, at nong nagising ka ay natakot ka saakin, kaya inataki ka ng sakit mo at muling nakatulog, ngayun mahigit tatlong araw kang tulog marahil sa pagod, kaya alam kung gutom kana iha, kaya kumain kana please" mahaba nitong paliwanag kaya kumain narin ako "s-sino po kayo?"

ngumiti muna ito bago tuluyang sumagot "ako si Wineisea Xizie, at ang asawa ko naman ay si Geo henrix Xizie, halos sampong taon na kaming nag sasama, subalit hanggang ngayun ay wala parin kaming anak. At nong gabing nadampot ka namin, napadaan lang kami don, dahil naisipan naming mag libot sa bayan, at habang nag mamaneho ang asawa ko, may nakita siyang bata na walang malay, at ikaw iyon, aaminin ko, nahabag ako ng nakita ka, at labis akong natuwa, kaya imbes sa hospital ka namin dalhin para pagamutan ay mismong dito kana lang namin dinala sa mansion, at nag hanap ka ng magaling na doctor, personal doctor mo" mahaba niyang paliwanag, at dahil don diko namalayan ang sunod sunod na pag tila ng mga luha ko "salamat po sa tulong ninyo" pag papasalamat ko, halos mahabag ako dahil sa ginawa at naisip ko tungkol sa kanila "iha p-pwedi bang alagaan kana lang namin?" may pakiki usap sa tuno ng boses nito, "w-wag kang mag alala, tutulungan ka namin na hanapin ang nawawala mong kapatid, at aampunin namin kayong dalawa" naka ngiti nitong sambit at umaasa na pumayag ako. At dahil sa mga paliwanag niya at pangako na tutulungan akong hanapin ang nawawala kung kapatid at bigyan ng hustisya ang pagka matay ng nanay ko, ay tuluyan na akong pumayag. "May idea na ako kung nasaan ang kapatid mo anak"

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status