The Billionaire Kidnapped the Wrong Girl

The Billionaire Kidnapped the Wrong Girl

last updateLast Updated : 2025-12-15
By:  SarahimUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
7views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Greyson Lux Lazarus Maximus is a name spoken in fear. Ruthless, powerful, and merciless, he bows to no one—except his wife, Alice Jane Crawford. The woman he loved obsessively did nothing but waste his wealth, despised the life she had, and hated being tied to her husband and their son. Freedom mattered more to her than family. Then, one day, Alice vanished without a trace—like a bubble that suddenly burst. Her disappearance turned Greyson into something far darker. With no answers and no mercy left, he unleashed his fury on the world, determined to find her at any cost. But fate makes a cruel mistake. His men kidnap the wrong woman. Enter Alexandria Jules Dimitri Sullivan—a woman who knows nothing about her striking resemblance to Alice. Babaing may malasakit sa iba. Babaing walang takot sa kahit sino man. Babaing tinaguriang Enigmatic Lady dahil sa misteryong bumabalot sa kanyang pagkatao. Babaing kayang magpanggap na mahina, ngunit kapag ginising mo ang kanyang galit, si satanas ang haharap sa’yo. She is taken, accused, and trapped in the world of Greyson Lux Lazarus Maximus—mistaken as the wife who disappeared. Two women. One face. Opposite souls. Discover the twisted lives of Alexandria Jules Dimitri Sullivan and Alice Jane Crawford, and the dangerous truth behind a mistake that will change everything. Kidnapped the Wrong Girl.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Third Person POV

“ALICE, WHERE ARE YOU?” Dumagundong ang boses na iyon sa buong sulok ng mansyon ng mag-asawang Alice at Greyson.

Dahil pagpasok na pagpasok pa lamang ni Greyson sa kanyang mansyon ay agad-agad niyang hinanap ang asawa niyang si Alice.

“Honey, why are you shouting?” maarting saad ni Alice pababa sa hagdan ng mansyon habang tinitingnan ang kanyang mga kuko at upang sagutin ang galit na galit niyang asawa.

“What the fuck did you do this time, Alice? You fucking hurt our son again.” Nanlilisik ang mga mata na saad ni Greyson sa kanyang asawa habang papalapit rito at hinawakan nang mahigpit ang braso ni Alice.

“Ouch, Honey, I didn't mean to do it, okay?” maarte at ngiwing saad ni Alice sa kanyang asawa.

“Hindi ibig sabihin na mahal kita, hindi na kita kayang saktan. Alam mong kayang-kaya kitang saktan pag anak na natin ang sinaktan mo,” malamig at mariing sambit ni Greyson kay Alice.

Nanginig na naman si Alice dahil alam niya na sagad na niya ang pasensiya ng kanyang asawa. Alam niya kung paano ito magalit.

“You know that our son Levi is sick, pero bakit mo pa rin siya hinayaan na mag-stay sa labas ng bahay?” galit pa ring saad ni Greyson.

“Honey, calm down, okay? I'm just giving him a lesson, dahil sobrang kulit niya. Gusto niyang makipaglaro sa akin pero alam naman niya kausap ko ang mga kaibigan ko,” maarte pa ring sagot ni Alice at kunwaring nagpapaaawa kay Greyson.

“For Pete's sake, Alice, you know Levi is sick. He has skin disease. He is not allowed to be in the sun.” Nagpupuyos na galit ni Greyson at pabalyang binitawan si Alice kaya bumagsak si Alice sa lapag.

“What the heck, Greyson, how could you do that to me?” inis na sabi ni Alice habang iniinda ang sakit ng kanyang pang-upo.

Tiningnan ni Greyson ang kanyang asawa at nagsalita, “Stop hanging out with your friends, Alice. I'm warning you. Wala ka nang oras sa amin ng anak mo. Puro ka na lang party-party. Ni minsan di mo kami pinagsilbihan. Ni makipaglaro sa anak mo di mo kaya. Hindi ka na katulad ng mga teenagers diyan sa labas. FOR PETE'S SAKE, Alice, pamilyado ka na. Pag nalaman ko na naman na sinuway mo ko, wala akong ibang gagawin kundi ikulong ka sa loob ng bahay na ito, at pati lahat ng credit cards mo ay puputulin ko nang sa ganoon magtanda ka.”

Galit na sabi ni Greyson at nagsimulang maglakad palabas, pero buong lakas na sumigaw si Alice.

“HINDI MO MAGAGAWA SA KIN YAN, GREYSON, AHHHH!” Buong lakas na sigaw ni Alice kay Greyson na dire-diretsong naglakad palabas at di na pinakinggan ang asawa niyang nagwawala para puntahan ang kanyang anak sa hospital dahil sa pagkakabilad nito sa araw.

Dahil alam ni Alice na hindi nagbibiro ang kanyang asawa ay dali-dali itong umakyat sa kanilang kwarto at nag-empake ng kanyang gamit upang tumakas. Hindi niya kayang mawala ang kalayaan niya.

Pagkatapos niyang mag-empake ay agad niyang tinawagan ang kanyang isang kaibigan. Nang sagutin ito ng kanyang kaibigan ay nagsalita ito, “Fatima, sunduin mo ko rito sa labas ng gate sa mansyon namin ASAP,” sabi niya habang palabas ng gate. Hindi siya nagpakita sa mga bodyguard dahil alam niyang di siya hahayaan na makalabas ng bahay.

“Teka girl, anong nangyayari ba?” maarting tanong ng kanyang kaibigan sa kabilang linya. “For Pete's sake, Fatima, sunduin muna ako rito. Mamaya na ako magpapaliwanag,” aligagang sabi ni Alice habang hinihintay ang kaibigan. “Okay, ibaba ko na 'to. On the way na rin ako,” huling sambit ng kaibigan.

Sa kabilang banda naman ay dumiretso si Greyson kung saan naka-confine ang kanyang nag-iisang anak.

Pagdating na pagdating niya roon ay tinanong muna niya kung anong kalagayan ng anak.

“How's my son?” malamig niyang saad sa doctor.

“Mr. Maximus, your son is okay now, pero mananatili muna siya rito ng isang week dahil mas lumala ang condition ng kanyang sakit. Binalaan ko na kayo na huwag niyo siyang ibilad sa araw. Sa ngayon under observation pa siya. Pwede mo siyang makita pero huwag mo munang gagalawin dahil medyo mahapdi ang buong braso niya at namula dahil iyon ang nasobrahan sa init at ang buong leeg niya,” sabi ng doctor.

Di na ito sinagot ni Greyson at diretsong pumasok sa private room na kinalalagyan ng anak.

Nang makita niya ang kalagayan ng anak ay napakuyom na lang ang kanyang mga kamay.

Hindi niya kayang saktan ang kanyang asawa, alam niya iyon. Tinakot lang niya kanina ang asawa sa pag-aakalang matatakot ito sa kanya.

Hindi muna siya umuwi dahil na-busy siya sa organization na hawak-hawak niya, isama mo pa ang kompanyang pinapatakbo niya at ang anak niyang binabantayan niya.

Dumating ang araw na discharge ng anak. Sa kanilang pag-uwi sa kanilang mansyon ay doon din niya nalaman na tumakas na naman ang kanyang asawa kaya nagpuputos na naman ito sa galit.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status