Share

Chapter 2

Elona's POV

Naghahanap na ako ng pwede kong ma bili ngayon, “Ate, magkano po ‘to?” sabay turo ko doon sa nakatumpok na karneng manok. “ Tatlong daan ‘yong kilo niyan,” nanalaki naman agad ang aking mga mata dahil sa sobrang mahal. Grabe, gold ba ‘yan?

“Sa susunod nalang po siguro ako bibili,” hindi na ako babalik sa inyo, napakamahal ng paninda niyo!

Napahinto nalang agad ako sa aking paglalakad, ng may matandang babae, na uugod-ugid na huminto sa aking harapan. Naawa naman agad ako dahil sa kalagayan nito, punit-punit na ang kasuotan niya at halatang wala pa itong kain dahil sa nakahawak ito sa kanyang tiyan. Ang ngipin naman niya ay parang kasing dilaw na ng mais. Dahilan upang makaramdam agad ako ng awa sa matanda.

Ibigay ko nalang kaya ang buong sahod ko? Marami-rami pa namang pwedeng maluto sa ref sa bahay, may trabaho din naman ako bukas, kaya okay lang naman siguro.

“Umm, lola? May matutuluyan po ba, kayo? Gusto niyo po….sa inyo napo tung pera ko oh,” sabay kuha ko ng kanyang kamay. Napatitig naman agad ako doon at para akong nanlumo ng makita kong sobrang payat na nito at may mga galos pa.

“Huwag kayong mag-alala lola, meron pa naman akong pera dito,” pagsisinungaling ko pa sa kanya. Sabay hawi ko ng kanyang buhok na nasa kanyang mukha at inipit ito sa kanyang taynga. Nagulat naman ako dahil sa sumilay na isang malaking ngiti sa mga labi nito. Kung pwede lang dalhin kita sa bahay, ginawa ko na…

“Napaka bait mo iha, sana marami pang katulad mong mga bata na mabubuhay dito sa mundo. ” Napangiti naman agad ako ng napaka-tamis, dahil sa tinuran ni lola, “Walang ano man po ‘yon, tungkulin ko pong tumulong sa kapwa ko nangangailangan,” may ngiting saad ko pabalik sa kanya.

“Mauna na po ako sa inyo, gamitin niyo ho ‘yan sa mabuti ang pera ha?” Malumanay na saad ko at nagsimula ng humakbang papalayo ng bigla nalang niyang hinawakan ang aking palapulsuan dahilan upang kunot noo ko siyang binalingan ng tingin.

“May kailangan—”

“Mamayang gabi…kabilugan ng buwan, magaganap ang lahat iha, siya ang aahon sa’yo sa kahirapan mong nararanasan ngayon,” nagtaka naman ako sa mga ponagsasabi ni lola. “A-Ano po’ng ibig niyong sabihin?” hindi ko mapigilang mautal, dahil alam ko mismo sa sarili ko na kinakabahan na ako.

“Pro-Protektahan ka niya, gagawin niya ang lahat para sa’yo…ngunit, mag-iingat ka iha....nasa sa ‘yo nakasalalay ang lagusan.” Mahabang lintana ni lola sa akin habang ako naman ay pilit na kinukuha ang aking kaliwang kamay mula sa pagkakahawak nito. Akmang magrereklamo na sana ako ng bigla nalang lumakas ang ihip ng hangin, kaya naman ay naipikit ko kaagad ang aking magkabilaang mga mata. Dahil sa lakas nito.

No’ng napansin kong humupa na ito ay agad akong nagmulat, “Lo—la?” nasaan na siya? Nagtatakang tanong ko sa saking isipan sabay libot ko ng aking paningin sa kabuuan ng palengke, pero wala talaga si lola. Napahawak nalang ako sa sarili kong mga braso sabay kis-kis ko ng mga kamay ko doon dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko.

Ano ba’ng nangyayari sa ‘kin? Namamalik-mata lang ba ako?

Sabay tingin ko sa aking bulsa at nakita ko nga doon ang 350 pesos na ibinigay ko sa matanda kanina. Hay, siguro kulang na talaga ako sa tulog. Sabay iling-iling ko nalang at namili nalang ng mga pagkain namin.

Alas-sais na ng gabi nang nakauwi ako sa bahay, ma layo-layo rin kasi dito ang palengke ng bayan sa amin. Habang pinipihit ko ang saradora ng pintuan ay kinakabahan ako dahil alam kong pagagalitan na naman ako ni tita.

“Bakit pa kasi ang layo ng bayan dito sa amin? At saka… napaka bagal naman mag maneho ni manong, parang kulang sa hangin ‘yong gulong eh.” reklamo ko saking sarili habang hindi ko maiwasang kabahan. Sabay pihit ko na pabukas ng pintuan.

Teka? ‘Asan sila?

“Tita Brena? Nariyan po ba, kayo? Tita Brena?” halos namamaos ko ng sigaw sa loob nang aming bahay, himala yata at iniwan nila ang bahay ngayon? At naka bukas pa talaga ang pintuan hay. Ano pa ba ang maaasahan ko sa kanila? Napa iling na lamang ako sa aking na iisip sabay lagay na sa mesa ang aking mga pinamiling karne at gulay.

Habang nag-hihiwa ako ng karne ay may nakaagaw agad ng aking atensyon. Napatitig naman agad ako doon, “kwintas?” biglang saad ko sa aking , wala naman akong natatandaan na bumili si Lia ng kwintas? Siguro kay tita ‘yan. Gawa ito sa diamanteng bato na parang kumikislap-kislap pa ito at may halong kulay dilaw at kulay abo ang nasa loob ng diamante. Pahugi susi ito na mapagkakamalan mo talaga itong susi ng bahay kung hindi mo ito tititigang mabuti.

“Ang ganda…” namamanghang bulalas ko saking sarili habang naka tingin parin sa kwintas, hahawakan ko na sana ito ng may biglang pares ng mga kamay na humablot sa pagkakasabit nito sa dingding. Dahilan upang gulat akong mapalingon agad sa aking likuran.

“N-Nakauwi na pala—”

“Sinabihan na kita ‘diba!? Na hindi ka pwedeng mangialam sa mga bagay-bagay rito sa bahay!” Sabay malakas niya akong sinampal sa aking kanang pisngi, dahilan upang mamula ito.

“Ma!” pagpipigil pa ni Lia kay tita.

“Tumahimik ka diyan, Lia! Kung ayaw mong ikaw ang isunod ko!” napatikom naman agad ng bibig si Lia dahil sa takot. Habang ako naman ay nakahawak parin sa aking namumula ng pisngi at hindi maiwasang mapaiyak na lamang.

“Hindi ka talaga nakakaintinding bwiset ka! Matigas talaga ‘yang ulo mo, ha? Pwes, tingnan natin!” mahabang lintana ni tita sabay kaladkad at hila niya sa aking mahahabang buhok papuntang kusina.

“Ma! Tama na ‘yan nasasaktan na si EL Oh!” Ma ngiyak-ngiyak na sambit ni Lia sa kanyang ina habang nakatingin sa aking na para bang sinasabi niya na ‘pasensya na 'di kita matutulungan natatakot ako.’ Nginisihan ko nalamang siya upang iparating sa kanya na ‘okay lang ako, 'wag kang mag-alala,' hindi naman talaga masama si Lia, natatakot lang talaga siya sa kanyang ina na suwayin ito.

“Tumahimik ka diyan, Lia! Dapat lang maturuan ng leksyon ang babaeng ‘to!” sabay kuha ni tita sa kalan ng kumukulong tubig galing kusina. Ito sana ang gagamitin ko upang magluto ng tinolang manok ara sa uulamin namin ngayong gabi.

“T-Tita, ‘w-wag po…” nagmamakaawang turan ko habang nakaharang ang aking dalawang braso sa aking pagmumukha. Akmang itatapon na sana niya ito sa akin ng bigla nalang kumalabog ng malakas ‘yong atip namin. Dahilan upang mapatigil agad si tita.

Kinuha ko naman itong tiyempo at paika-ikang tumakbo papalabas dahilan upang manlaki ang nga mata ni tita dahil sa galit. “Habulin mo ‘yang babae na ‘yan, Lia!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status