After two weeks. Yes, you read it right. Two freaking weeks at ngayon pa mismo ang araw na pupunta kaming pareho sa Palawan para sa honeymoon namin, pero heto kami ngayon, walang imikan na nagaganap.
"Hey, Anak, where's your husband? Dapat nasa Palawan na kayo ngayon 'di ba?" ngumiti lamang ako ng simple.
"Siguro busy lang Ma, p'wede namang ipag-pabukas na lang,"
"Ha? But it's already two weeks, naman, mamatay yata akong walang apo nito." nanlaki naman kaagad ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mama at napa upo na lang sa sofa.
"Mom! Pupunta lamang kami doon para mag rellax, 'yun lang." giit ko.
"Nag-away ba kayo?"
"H-Hindi, ah!" napa lakas ko pa ang tono ng boses ko kaya napa mura na lang ako ng palihim. Nasa'n na ba kasi ang lalaking 'yon? Sabi kong sunduin ako sa bahay ng alas nuwebe ng umaga ngunit hanggang ngayon wala pa.
Bumalik na lang ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang mga kamay ni Mom na humawak din sa kamay ko. Napa lingon
Laurier's POV"It's the day, ready na ba ang lahat?""Oo naman, ano akala mo sa'min? 'Di ba hon,""Yup. It's all set, brother. And anyway, thank you for letting us explore the world of human," I just silently chuckled."Most welcomed. And take note, that's only for today, okay? Malalagot ako sa Asawa ko kung mapapansin niyang wala sa leeg niya ang kuwintas.""Yeah, yeah. Whatever," natatawang nilagay ko na ang phone sa table. I stared at my wife's beautiful face. She's still asleep right now, it's still 5am in the morning. Hinaplos ko ng marahan ang kaniyang buhok dahilan upang mag mulat siya ng mata."Hey, you're awake already?" bumangon siya at kinusot-kusot ang kaniyang mata. "Give me a kiss." ininguso ko agad ang aking mga labi. Tinampal naman niya ng mahina ang aking balikat sabay tabon sa kanyang sariling bunganga.
Elona's POV"H-hindi..." napahawak ako sa aking baba dahil sa sobrang emosyon na bumabalot sa'kin ngayon. Ipinalibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng dalampasigan at kitang-kita ng dalawang mata ko ang nagsisidlakang mga Christmas lights at ang naka kalat na parang red carpet na pulang rosas sa buhanginan.Napa tingin din ako sa gilid ko ng marinig kong may kumakanta doon and it was a chiore, na puno ng puro staff dito sa resort.Dahan-dahang dumapo ang mga mata ko sa mga taong nandito ngayon. I-It was Lavisha with a baby in her hand at Kairo. Ang kasunod namang naka agaw ng pansin ko ay ang lalaking naka itim na suit na nasa gitna nila Lavisha.Dahan-dahan akong humakbang pa punta sa gawi niya at kitang-kita ko ang napakalawak na ngiti na naka paskil sa mukha ni Laurier. Sa bawat paghakbang na ginawa ko ay siya naman ang pag hangin ng malakas sa dalampasigan dahilan upang dalhin nito ang buhok
"Just promise me one thing...that you will never be sad again, okay?" Biglaang saad niya sa akin ngunit nag bingi-bingihan lamang ako at pilit iniba ang usapan. Ayokong naririnig ang mg ganoong salita mula sa bibig niya. Ayoko. "Kung pa pipiliin ka, ang kaharian o, ang mga minamahal mo sa buhay?" pag-iiba ko sa usapan. Habang pareho kaming nakahiga sa damuhan at nakatanaw sa madilim na kalangitan. "What kind of question is that? Ofcourse I will only choose one," huminto muna siya at naramdaman ko ang pag-baling niya sa akin ng tingin. Sakto na man na lumingon din ako sa gawi niya kaya nag tagpo ang mga ma ala-abuhing mata ko at ang kulay kahel na mga mata niya. "Ano nga ang pipiliin mo, pa excite pa, eh." Munting halakhak lamang ang na-i-sagot niya sa akin bago siya magsalita uit. "Ofcourse, I will always choose the Kingdom." saad niya at agad na ibinalik
Elona's POV“Ahh!” sigaw ko habang hawak hawak ng aking kanang kamay ang aking dib-dib dahil sa kaba. 'Yung panaginip na namang iyon, pa ulit-ulit nalang, jusko. Sabay hilamos ko ng sarili kong kamay sa aking pagmumukha.Tumingin ako sa aking orasan at hindi na ako nagulat na eksaktong alas-dose na naman ng madaling araw ako nagising. Nasanay na rin kasi ako dahil sa pa ulit-ulit nalang itong nangyayari sa ‘kin.“Sino ba kasi 'yong babaeng 'yon? Bakit palagi ko nalang siyang napapaginipan?” mukhang tanga kong tanong sa aking sarili, na mismong ako ay hindi ko ‘to ma sagot-sagot.Nasa kalagitnaan ako ng malalim kong pag-iisip ng bigla nalang bumukas ang pintuan ng aking kuwarto at iniluwa doon ang hindi maipintang pagmumukha ni tita Brena.Akala ko nakatulog na siya?“Ano ba 'yan Elona! Madaling araw pa’t ang ingay ingay mo na! Tatahimik ka? O, papalayasin kita?!” galit na si
Elona's POVNaghahanap na ako ng pwede kong ma bili ngayon, “Ate, magkano po ‘to?” sabay turo ko doon sa nakatumpok na karneng manok. “ Tatlong daan ‘yong kilo niyan,” nanalaki naman agad ang aking mga mata dahil sa sobrang mahal. Grabe, gold ba ‘yan?“Sa susunod nalang po siguro ako bibili,” hindi na ako babalik sa inyo, napakamahal ng paninda niyo!Napahinto nalang agad ako sa aking paglalakad, ng may matandang babae, na uugod-ugid na huminto sa aking harapan. Naawa naman agad ako dahil sa kalagayan nito, punit-punit na ang kasuotan niya at halatang wala pa itong kain dahil sa nakahawak ito sa kanyang tiyan. Ang ngipin naman niya ay parang kasing dilaw na ng mais. Dahilan upang makaramdam agad ako ng awa sa matanda.Ibigay ko nalang kaya ang buong sahod ko? Marami-rami pa namang pwedeng maluto sa ref sa bahay, may trabaho din naman ako bukas, kaya okay lang naman siguro.“U
Elona's POVMuli akong napatingin sa aming bahay sa huling pag-kakataon, “ Pasensya na sa inyo tita Brena, Lia, pero ‘diko na kaya ang pang mamaltrato niyo sa akin.” sabay talikod ko na at naglakad papalayo roon.Saan na ako pupulutin nito ngayon?Napatawa nalang ako ng mapakla. Siguro mamamatay tao ako sa nakaraang buhay ko, kaya ganito nalang ako ka malas. Napahinto nalang ako bigla sa kalagitnaan ng aking malalim na pag-iisip, dahil sa sobrang lakas ng hangin na tumatama sa aking mukha.Napalingon nalang akong bigla sa aking likuran ng maramdaman kong parang may nakamasid sa akin.T-teka? N-Nasundan ba, ako ni Lia?Nanginginig kong nilapitan ang damuhan, kung saan may nakikita akong gumagalaw mula roon. “S-sinong nariyan? M-may tao ba diyan?” kinakabahang turan ko. Habang hinay-hinay na tinatanaw kung sino ba ang naroon.“Moew!”“Ay, kabayo!” sab
Elona's POVDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad agad sa akin ang napaka puting kisame, hindi ito ‘yong kuwarto ko. Tama, umalis na pala ako kina tita so…nasaan ako?Patay na ba, ako? Ito na ba ‘yung tinatawag nilang kabilang buhay?Napakapit nalang akong bigla sa aking ulo dahil biglaan nalang sumakit ito at unti-unting bumangon mula sa aking pagkakahiga. Hindi pa pala ako patay.Bakit sobrang sakit naman yata ng katawan ko? Sabay hawak ko sa aking binti. Napangiwi nalamang akong bigla sa sobrang sakit na nanggaling dito.“Pero teka? Nasaan ako?” sabay libot ko sa kabuuan ng nitong kuwarto. Base sa itsura nito ay nasanisang hospital ako. Teka? Nasaan na ‘yong nagdala sa’kin dito?Akmang aalis na sana ako mula sa aking pagkakaupo sa kama ng bigla nalang mas sumakit pa ang sugat ko.“Aray!” daing ko, “Pero nasaan ako? Imposible na mang nadala
Elona's POV “Umm, pwede ba akong mag-tanong?” nahihiya kong saad sa kanya. Hindi parin kasi siya umaalis simula kanina, para raw may kausap naman ako. Napakabait niya para sa isang lalaki. “Ah, sige ano 'yon?” nag-aantay na lamang siya sa aking itatanong kaya nama’y hindi na ako nag pa tumpik-tumpik pa at tinanong ko na agad siya. “Kilala mo ba, kung sino ang nagdala sa akin dito? At saka… wala akong ka alam-alam patungkol sa unibersidad na ‘to.” “Ahh—‘yon ba? Si Admin Kairo ang nagdala sa'yo dito, sa p-paaralan.” parang napipilitan niyang sabi ngunit ipinagsawalang bahala ko nalamang iyon. “Gano’n ba, maraming salamat pala sa tulong, at saka… saan ko ba mahahanap ‘yung sinasabi mong si Admin Kairo?” diretsahang tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing pasalamatan man lang siya dahil sa pagsagip niya sa akin doon da kagubatan. “Huwag kang mag-alala, lady, makikilala mo rin siya sa ngayon, magpapakila