Share

Chapter 1

Elona's POV

“Ahh!” sigaw ko habang hawak hawak ng aking kanang kamay ang aking dib-dib dahil sa kaba. 'Yung panaginip na namang iyon, pa ulit-ulit nalang, jusko. Sabay hilamos ko ng sarili kong kamay sa aking pagmumukha.

Tumingin ako sa aking orasan at hindi na ako nagulat na eksaktong alas-dose na naman ng madaling araw ako nagising. Nasanay na rin kasi ako dahil sa pa ulit-ulit nalang itong nangyayari sa ‘kin.

“Sino ba kasi 'yong babaeng 'yon? Bakit palagi ko nalang siyang napapaginipan?” mukhang tanga kong tanong sa aking sarili, na mismong ako ay hindi ko ‘to ma sagot-sagot.

Nasa kalagitnaan ako ng malalim kong pag-iisip ng bigla nalang bumukas ang pintuan ng aking kuwarto at iniluwa doon ang hindi maipintang pagmumukha ni tita Brena.

Akala ko nakatulog na siya?

“Ano ba 'yan Elona! Madaling araw pa’t ang ingay ingay mo na! Tatahimik ka? O, papalayasin kita?!” galit na sigaw nito sa akin. Pakiramdam ko ata ay tumalsik pa ang laway niya sa aking mukha.

Maliit lamang ang kuwarto na ibinigay nila sa ‘kin, parang hindi nga yata matatawag na kuwarto ito dahil puro mga daga at ipis ang aking katabi.

May higaan nga, ngunit butas-butas naman. Napabuntong hininga na lamang ako sabay tayo.

“Pasensya na po tita, nahulog lang po ako sa aking hinihigaan at napasigaw dahil sa gulat, hindi na po ma-uulit.” pag hingi ko ng tawad sa kanya.

Bakit hindi ko sinabi ang totoo? Wala naman silang pake. Sasabihan lang nila ako na nagiging masyadong madrama lang daw ako.

Nawala ako sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ng dumagundong sa buong kabahayan ang boses ni tita.

“Iyan kase! Masyado kang magalaw matulog! Pasalamat ka nga, binigyan ka pa namin ng higaan! Wala ka na ngang pakinabang dito sa bahay! Ba’t hindi mo nalang gayahin 'yung 'insan mong si Lia!? Matalino na, mapapakinabangan pa, ‘di gaya mo! Walang silbe! Pweh!” mahabang lintana niya sa akin kasabay no’n ang malakas na pag sarado niya ng pinto.

Napangiti nalang ako ng mapait sa kawalan. Kasabay din naman nito ang pagtulo ng aking mga luha sa magkabilaan kong mga pisngi. Napaupo nalang ako sa gilid ng aking kinahihigaan.

“Walang pakinabang? Ni hindi na nga ako nakapag aral para lamang mag-trabaho sa murang edad kong ito, upang mairaos ko lang ang pag-aaral ng anak niya.” mahinang lintana ko sa aking sarili sabay angat ko ng aking tingin sa kesame.

 Ma? Pa? Nasaan na ba kasi kayo? N-Nahihirapan na ang anak niyo.

Bulong ko sa aking isipan, kasabay nito ang pagpahid ko ng aking mga luha sa magkabilaan kong mga pisngi, “EL, kaya mo ‘yan! Magsikap ka lang!” mahinang saad ko sa’king sarili’t sa kaka isip ko’y hindi ko na namalayan at unti-unti na pala akong hinihila ng aking antok.

Maaga akong nagising ngayon, alas singko pa lamang ng umaga ay naka bihis na ako upang mag-trabaho sa bukirin, kailangan kong kumayod at magbalat ng buto sa murang edad kong deshe-shete. Mahirap ang buhay, kaya kung wala kang tiyaga, wala kang nilaga.

Humarap ako sa aming salamin at tiningnan ko ang aking repleksyon mula roon. Napangiti nalamang akong bigla ng masilayan ko ang aking natural na kagandahan, “Ang ganda mo talaga EL” puri ko sa aking sarili sabay kindat ko sa salamin. Kailangan kong puriin ang sarili ko kasi wala naang gumagawa no’n para sa akin. Ika nga nila, kung walang magmamahal sa’yo, e-di-ikaw ang magmahal sa sarili mo. Problema ba ‘yon? ‘Di naman ‘diba?

Bumalik nalang ako sa reyalidad, ng narinig kong tumunog ang pintuan ng aking kuwarto. Dahilan upang mapalingon agad ako sa aking likuran.

“Aba’t ano pang hinihintay mo diyan? Pasko? Magtrabaho ka na! Wala na akong maipang bili ng mga damit ko! Bwiset na buhay 'to!” Sabay padabog niyang isinarado ang pintuan ng aking kwarto’t umalis na..

“Ano ba 'yan, sanay kana EL 'diba? Bakit iiyak-iyak ka ngayon?” sabay pahid ko ng sarili kong mga luha sa aking magkabilaang pisngi.

Napatawa nalamang ako ng mapakla at nag mamadaling lumabas na sa aking silid. Nakakawalang ganang mabuhay.

“Magandang umaga ho, Mang Rosilio,” bati ko sa nag mamay-ari nitong hasyenda na kasalukuyang pinag-tatrabahuan ko ngayon. Sabay mano ko rito.

“Aba nama’y napakaganda talaga ng umaga iha, kung ikaw ang aking makikita,” sabay tawa nito ng mahina dahilan upang mapatawa na rin ako at napa-iling-iling nalang.

“Maganda naman po talaga ako ‘no?” sabay hawi ko sa aking buhok at inilagay ito sa gilid ng aking teynga. Kaya napatawa agad ito.

“Hahaha ‘kaw talagang bata ka, oh sha, halika na’t magsimula na tayo. Upang maaga tayo maka uwi mamaya,” Tumango nalang ako at pumunta sa pinakadulong kubo-kubo, upang kunin ang mga palay at aking mga gagamitin.

Wala sa sariling napaangat ako ng aking ulo at tumingin sa papalubog na na araw. Malapit na palang mag-gabi, kailangan ko na ‘tong bilisan, “EL iha, halika na’t umuwi na tayo, masama pag-maabutan tayo ng gabi rito sa palayan. Halika na,” rinig kong saad ni Mang Rosilio kaya wala na akong nagawa’t sumunod nalag sa kanya.

“Oh iha, heto na sahod mo, three hundred fifty ‘yan,”

“Pero sobra—” hindi na niya ako pinatapos pa ng pagsasalita, “Kulang pa nga ‘yan, kung kaya ko lang na pag-aralin ka pa, ay gagawin ko iha,” Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ng asawa ni Mang Rosilio. Sobrang swerte ng mga anak nila sa kanila.

“Maraming salamat po,” magalang na saad ko at nagpaalam na nga ng tuluyan sa kanila. Kahit siguro magkanda-kuba na ako, sa pagtatrabaho para kila tita. Hinding-hindi ko mararanasan ang ganoon na trato galing sa kanila.

Nandito ako ngayon sa bayan upang mag hanap-hanap ng mga pwede kung bilhin sa natanggap kong sahod kanina, ngunit habang pa linga-linga ako at naghahanap ng maari kong mabili na pagkain para ngayong gabi ay napako ang aking atensyon, sa isang bundok. Tanaw na tanaw ko mula dito sa aking kinatatayuan kung gaano ito ka ganda at nakakamanghang tingnan.

“Bakit ba nila tinatawag na sinumpang Kagubatan ‘yon? Eh, sa tingin ko maganda naman roon? Mga tao talaga.” Wala sa wisyong turan ko sa aking sarili’t napa-iling-iling nalang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status