Share

Chapter 3

Elona's POV

Muli akong napatingin sa aming bahay sa huling pag-kakataon, “ Pasensya na sa inyo tita Brena, Lia, pero ‘diko na kaya ang pang mamaltrato niyo sa akin.” sabay talikod ko na at naglakad papalayo roon.

Saan na ako pupulutin nito ngayon?

Napatawa nalang ako ng mapakla. Siguro mamamatay tao ako sa nakaraang buhay ko, kaya ganito nalang ako ka malas. Napahinto nalang ako bigla sa kalagitnaan ng aking malalim na pag-iisip, dahil sa sobrang lakas ng hangin na tumatama sa aking mukha. 

Napalingon nalang akong bigla sa aking likuran ng maramdaman kong parang may nakamasid sa akin.

T-teka? N-Nasundan ba, ako ni Lia?

Nanginginig kong nilapitan ang damuhan, kung saan may nakikita akong gumagalaw mula roon. “S-sinong nariyan? M-may tao ba diyan?” kinakabahang turan ko. Habang hinay-hinay na tinatanaw kung sino ba ang naroon.

“Moew!” 

“Ay, kabayo!” sabay hawak ko sa sarili kong dib-dib. “Pusa lang pala, ang ganda naman no'ng kulay ng pusa na ‘yon, sino kaya may ari? Masyado naman siyang pabaya,” pero teka? May nakita talaga ako kanina eh, anino.  Bahala na nga. Sabay alis ko na doon at ipinagpatuloy nalang ang aking paglalakad.

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saang kagubatan na ako napad-pad, takbo lang kasi ako ng takbo kanina. Hindi ko na alam kung nasaang lupalop na ba ako. Mahina pa naman ako sa direksyon.

“Nasaan naba kasi ako? Sabi ni manang tindera, dito daw ‘yung daanan pa puntang terminal. Eh, kagubatan na’to eh!” parang tanga kong turan sa aking sarili. Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakad sa masukal at nakakatakot na kagubatang ito ay bigla nalang kumulog at kumidlat ng napakalakas. Dahilan upang matakot agad ako at mapakapit sa sarili kong katawan. Sabay takbo.

Sa kakatakbo ko ay hindi ko na napansin na may malaking bato pala sa aking dinadaanan dahilan upang matalisod ako, “Aray!” daing ko sabay hawak ko ng ang aking kaliwang tuhod dahil sa sakit na dulot nito.

“Kung sine-swerte ka nga naman oh...hay,” tumayo nalang ako at ipinagpatuloy ang aking paglalakad.

Pa ika-ika akong naglalakad, nagbabakasakaling may makita along puwede kong matuluyan na bahay. Pero imposible yata ‘yon. Napansin kong parang may nakamasid parin sa bawat kilos ko, kaya nama’y napalingon agad ako sa aking likuran habang ‘diko ma iwasang kabahan at ang pagpawisan dahil sa takot na aking nararamdaman.

“S-sino 'yan?” kinakabahang banggit ko kasabay nito ang pagdampi ulit ng napaka lamig na hangin sa aking pagmumukha. Kaya napapikit agad ako.

Mas nadag-dagan pa ang aking kabang nararamdaman ng bigla nalang ulit humangin at kumidlat sa napakadilim na kalangitan. Ngunit kong mas ikukumpara kon’to kanina, mas malakas na ito ngayon…kaya mas natakot pa ako at ‘diko maiwasang mapatakbo nalang ulit.

Kailangan kong makaalis dito, pero papa’no? Parang nawawalan na ako ng pag-asang mabuhay, kung hinayaan ko nalang sanang buhusan ako ni tita ng mainit na tubig kanina, e ‘di sana hindi ako nagkanda-letche-letche sa pagtakbo rito.

Kahit na pa ika-ika  akong tumatakbo habang tagaktak na ang aking mga pawis sa magkabilaan kong mga noo. Hindi alintana sa akin ang aking mga natamong sugat basta ay makaalis lamang ako sa kagubatang ito. Dahil sa konsentrasyon ko sa pagtakbo ay hindi ko na namalayan na may bangin na palang naka abang sa akin sa dulo. Ngunit huli na ang lahat upang huminto pa ako.

“Ahhhh!” malakas na sigaw ko kasabay naman nito ang malakas na pagkabagsak ko sa mabatong  lupa rito, dahilan upang mapangiwi ako sa sakit. 

Katapusan ko na ba? Hanggang ‘dito nalang ba ako?

“A-Aray,” mahinang daing ko mula sa pagkakahulog sa bangin. Siguro ipinaglihi ako sa masamang damo dahil hindi parin ako namamatay hanggang ngayon. Napangiti nalang ako ng mapait sa kawalan.

Ba’t ba ang malas ko sa buhay? Ano ba ang kasalan ko?  Isinumpa ba, ako ng mga ninuno ko sa kabilang buhay para maranasan ‘to?

Hindi ko na mapigilang kuwestyunin ang sarili ko kasabay ng pagpatak ng aking mga luha habang nakatingin sa napaka-aliwalas na kalangitan. 

“A-Ayoko n-na, h-hirap na h-hirap na ako…hindi k-ko na kaya,” mahina kong saad sa aking sarili habang namimilipit sa sakit dahil sa natamo kong mga sugat mula sa pagkalahulog sa bangin kanina. Pakiramdam ko’y kahit ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay.

Kung may nakakarinig man, please…tulungan niyo ako…ayoko pang mamatay.

Ngunit sa ‘di kalayuan, ay may nakita akong dalawang pares ng malalaking paa. Hinayaan ko nalamang ito dahil siguro sa wala pa akong sapat na tulong mula kanina, kaya iba-iba na 'yung nakikita ko. Papalapit siya sa gawi ko, habang ako naman ay pilit na iminumulat ang aking mga mata upang makita ko kung sino siya. 

Hindi ko na namalayan na nandito na pala siya sa harapan ko, ngunit hindi ko talaga magawang maiangat ang aking mga mata. Pilit kong minulat ito ngunit ‘di ko na talaga kaya. Akmang mawawalan na sana ako ng balanse ng bigla nalang niya akong nasalo dahilan upang magtaka ako. Bakit makapal ang balahibo niya sa kanyang braso? Wala na siguro talaga ako sa sariling katinuan.

“T-Tulong…”  sabay kapit ko pa rito ng mas mahigpit dahil siya lang ang pag-asa ko upang makaalis dito.

Itataas ko na sana ang aking paningin upang makita ang kanyang mukha ngunit bago paman mangyari iyon ay kinain na ng kadiliman ang aking buong paligid….

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status