Share

CHAPTER 12

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko noong sa wakas ay may control na akong muli sa katawan ko.

Mabilis akong napamura at wala sa sariling napahawak sa may dibdib ko. Agad na naapaawang ang labi ko noong wala akong maramdaman na kahit ano roon.

"I'm healed," mahinang sambit ko at ipinikit muli ang mga mata. This is insane! So, I was right. Hindi lang pagpapagaling ng sariling sugat ang kaya kong gawin. I can bring back myself after my own death. Or did I just really die? Or just my breathing and pulse stop? Damn!

Things are getting more complicated now.

I was conscious the whole time. Alam ko at narinig ko ang lahat nang pag-uusap nila Nanay Celeste kanina. And I was pretty sure na nakatulog o nawalan lang ako nang malay kanina kaya naman hindi ko na namalayan pa ang sunod na nangyari!

Napakurap-kurap ako ng mga mata at ikinalma ang sarili. I've overheard them earlier. They knew about my parents! Alam na nila kung sino talaga ako at kung may katanungan ako tungkol sa kanila, all I have today is to ask them!

"Ice."

Mabilis akong natigilan noong marinig ang boses ni Tay Manuel. Marahan akong bumangon mula sa kinahihigaan at tiningnan ang silid kung nasaan na ako. Nasa sa isang kama at isang hindi pamilyar na silid ako ngayon. Mukhang dinala nila ako dito kanina noong mawalan ako ng malay. Tiningnan ko si Tay Manuel at nagpatango na lamang ako noong mabilis itong lumapit sa akin at inalalayan ako sa pag-upo.

"How are you feeling, Ice?" tanong nito at naupo sa gilid ng kama. Tipid akong ngumiti dito at humawak sa may dibdib ko.

"I'm good," sagot ko at marahang humugot ng isang malalim na hininga. "Ni wala na ang sakit sa dibdib ko. Magaling na iyong sugat na natamo ko mula sa pagsaksak ko dito."

Katahimikan. Nakatingin lang sa akin si Tay Manuel at hindi kumibo sa puwesto nito. Mayamaya pa'y humugot ito ng isang malalim na hininga at muling nagsalita.

"Dapat noong una pa lang ay nakita ko na ito. Hindi ka na sana pa naghirap sa loob ng isang taon, Ice," ani Tay Manuel at mabilis na yumukod. Namataan ko ang muling pagbuntong-hininga nito at ang marahang pag-iling nito.

"What do you mean by that?" I asked him. "You know my parents, right? My mother?"

"Your mother," mahinang sambit ni Tay Manuel at ibinalik sa akin ang paningin nito. "You looked exactly like her, Ice.” Pumikit ito at marahang itiningala ang ulo. "Hindi ko matanggap ang katotohanang hindi ko ito agad napansin noong nakita kita sa may gubat. I totally forgot about her, about your mother. I'm sorry, Ice."

"Esmeralda," ani ko na siyang ikinatigil ni Tay Manuel. "That was her name, right?"

"You remembered her?" Biglang napatayo ito at matamang kinatitigan ako. "You remembered Lady Esmeralda, Ice?"

Malungkot akong ngumiti dito at marahang umiling.

"I'm sorry but I still can't remember about my past. Narinig ko lang ito mula sa inyo kanina."

Kita kong natigilan ito at napatango na lamang sa akin. Muli itong naupo at tipid na nginitian ako.

"Your mother is Esmeralda Lunar," aniya na siyang nagpatigil sa akin. I didn't expect him to tell me about her! Akala ko ay kailangan ko pang magmakaawang muli kagaya nang ginawa ko kay Aki at Dawnson. Now, Tay Manuel is telling me about my mother willingly! "At siya ang huling tunay na Lunar na namuno sa organisasyon."

"Her surname is Lunar?" Napakunot ang noo ko sa narinig.

"Yes, your ancestor was the founder of the organization. Lunar. Iyon ang apelyido ng mga ninuno mo at doon kinuha ang pangalan ng organization."

Wala sa sarili akong napatango dito.

"What happened to her? What happened to my mother? Alam niyo po ba?" Kahit kinakabahan ay nagawa ko itong itanong kay Tay Manuel. It's now or never for me. Kailangan ko nang malinawagan sa totoong pagkatao ko at uunahin kong alamin ang tungkol sa mga magulang ko!

"She ruled the Lunar Organization, Ice. She was a good leader, respected by all Lunar Organization members then… she met your father, a de Falcon, from the Blood Clan. An enemy," anito na siyang nagpaawang ng labi ko.

A Lunar and a Blood.

"That's explain why I'm a hybrid," mahinang sambit ko at inilapat ang kamay sa may dibdib ko.

"You already knew about you being a hybrid?" taking tanong ni Tay Manuel sa akin. Tumango ako dito at marahang kinagat ang pang-ibabang labi.

"Aki filled me some information and ideas, Tay Manuel. Pero hanggang doon lang iyong nakuha ko mula sa kanya. Wala na siyang iba pang sinabi sa akin."

"Akiston was a loyal butler of Benjamin de Falcon. If he promised to him not to tell you a thing, then even it will cost his life, he won't talk, Ice,” seryosong saad ni Tay Manuel na siyang ikinagulat ko.

Aki was a butler? Napaawang ang labi ko at napailing na lamang. Ganoon katindi ang loyalty niya sa ama ko? Na kahit wala na ito ay nasa ama ko pa rin ang loyalty nito!

"But if you want to know more about your mother, I can tell you, Ice. I was once a protector of your family," sambit ni Tay Manuel na siyang nagpagaan ng loob ko. “Lady Esmeralda never wanted the title being the leader of the Lunar Organization. Pero siya lang ang natatanging anak noong kasalukuyang leader kaya naman ay wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ang responsibilidad bilang isang Lunar. At noong natanggap na niya ang kapalaran niya, tsaka naman niya nakilala si Benjamin de Falcon, isang Ventrue mula sa Blood Clan. At dahil doon ay nagkaroon na naman ng panibagong dahilan si Lady Esmeralda upang talikuran ang tungkulin nito bilang isang Lunar. Both of your parents leave their responsibilities as the heir of Lunar Organization and Blood Clan and because of that, because of their decision, the war between Blood and Lunar became stronger, especifically sa pamilya nilang dalawa. Nagkaroon din ng mga rebelde sa panig ng Blood Clan kaya mas nahirapan ang mga de Falcon na pamunuan ito." Pagkukuwento ni Tay Manuel sa akin.

My parents. They really loved each other, that's for sure. Hindi nila tatalikuran ang kani-kanilang tungkulin sa pamilya nila kung mababaw lang ang nararamdaman nila sa isa't-isa.

"Then what happened? Bakit biglang nawala ang mga ito?"

"During that time, wala na sa proteksyon ko si Lady Esmeralda. I was already with Celeste that time, Ice. Ang tanging balitang nasagap namin noon ay inatake ang mansyon ninyo at naubos na ang mga de Falcon sa mansiyon ninyo. Including the youngest one. And that was you, Ice. Beatrice Lunar de Falcon."

Napalunok ako at halos napamura noong maramdaman ang sakit sa lalamunan. Paanong nangyari iyon? If both my parents are the leader of Blood and Lunar that time, ibig sabihin ay hindi sila mahinang mga nilalang! Alam kong kaya nilang protektahan ang mga sarili nila at makipaglaban. How come they were defeated so easily? At paano naman ako? Anong nangyari sa akin?

"Do you have any idea what happened to me? Noong makita niyo ako sa gubat, Tay Manuel, wala ba kayong nakitang kakaiba sa akin noon?"

"Your healing ability, Ice. Napansin ko iyon pero pinagsawalang bahala ko na lang ito. Imbes na magtaka ay ipinagpasalamat ko pa iyon dahil mas mabilis na nakabawi nang lakas ang katawan mo," sambit nito at marahang isinuklay ang kamay sa buhok. "Ang tanging nagpapagulo sa akin ngayon ay kung anong nangyari sa’yo bago ka namin makita sa gubat. You were beaten up so bad that time, Ice. Tila isang mabangis na hayop ang nakaharap mo bago ka pa naming natagpuan."

Right! Kung tama ang pagkakaalala ko, isang dekada na noong mangyari iyong pagkaubos ‘di umano ng mga de Falcon! At isang taon pa lang ako sa pangangalaga nila Tay Manuel at Nay Celeste. Then what happened to me for the last nine years? Anong nangyari sa akin at saan ako napunta pagkatapos kong makatakas mula sa panganib sa mansiyon ng mga de Falcon? Damn! Panibagong palaisipan na naman ito para sa akin!

Akmang magsasalita na sanang muli ako noong bigla akong natigilan sa pagkilos.

Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko kaya naman ay mabilis na naging alerto ang katawan ko. Kinuha ko ang baril na nakapatong sa may kamang kinalalagyan ko at seryosong tiningnan ang pinto. Maging si Tay Manuel ay mabilis na hinugot ang baril nito at itinutok na rin sa nakasarang pinto ng silid na kinaroroonan naming dalawa.

"Damn it. The tracers are here!" anito na siyang ikinagulat ko.

They're here? Again?

Parehong nakatutok ang mga baril namin ni Tay Manuel sa pinto noong biglang bumukas ito. Tatlong bulto ng tao ang bumungad sa amin, isa na roon ay si Nay Celeste na ngayon ay nasa sintido nito ang dulo ng isang baril.

The hell?

"Nay Celeste!" I called her name then held my gun tightly. Fuck! Paano nila nahanap ang lugar na ito nang ganoon kabilis? Damn them!

"Put your guns down.” Utos ng lalaki na ngayon ay nakahawak sa baril na siyang nakatutok sa ulo ni Nay Celeste. "...or else, say goodbye to our great former tracer, Celeste Rivera." Mas diniin nito ang hawak na baril sa ulo ni Nay Celeste.

"Don't you dare, Gabriel, dahil ako mismo ang uubos sa buong angkan niyo kung mangyari iyon.” May pagbabanta sa boses ni Tay Manuel habang mariing nakatingin sa lalaking may hawak sa asawa nito.

"Still the same Manuel, I see.” The guy smirk then released Nay Celeste. Mabilis akong kumilos at tumayo sa kinauupuan ko. Agad kong ikinasa ang baril na hawak at itinutok ito sa lalaki. Maingat akong lumapit kay Nay Celeste habang hindi pa rin inaalis ang masamang tingin sa bagong dating. May dalawang kasama pa ito at nasa puwesto namin ang tutok ng mga hawak na baril nito.

"Sir Stephen wants you to bring her to the headquarter," sambit ng lalaking nagngangalang Gabriel at bumaling sa akin. Masama pa rin ang tingin ko dito kaya naman ay mas lalong ngumisi ito sa akin. "You never aged, Lady Beatrice. Same physical appearance, huh?"

Mabilis kong kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak kaya naman ay nagulat ang mga kasama ko sa silid. Mukhang hindi iyon inaasahan ni Gabriel dahil natigilan ito at nawala ang ngisi sa mukha nito. Ang mga kasama naman nito ay mabilis na kumilos at itinuon na sa gawi ko ang mga baril nito.

“Calm down, Lady Beatrice. Hindi bagay sa’yo ang mainitin ang ulo. Calm down, please,” wika ni Gabriel at umayos nang pagkakatayo.

"Who's Stephen?" seryosong tanong ko at hindi pinansin ang mga kasama nito. Hindi ko alintana ang masasamang tingin sa akin at itinuon na lamang ang atesiyon kay Gabriel. One wrong move, I will surely blow his head off.

"Hindi namin dadalhin si Ice sa lugar na iyon, Gabriel. Nagsasayang lang kayo ng oras dito," malamig na wika ni Tay Manuel sa likuran ko. "At isa pa, matagal na kaming wala sa organisasyon. I can say that this is against the rule, Gabriel. You, invading my house and putting a gun in my wife's head. Hindi ko ito mapapalagpas na lamang."

"Just bring her to Sir Stephen then we're done here, Manuel. Iyon lang naman ang misyon namin sa lugar na ito."

"Who's Stephen?" Pag-ulit ko sa tanong at handa nang kalabiting muli ang gatilyo ng baril na hawak ko.

Narinig kong tumawa si Gabriel kaya naman ay lalong nag-init ang pakiramdaman ko sa kanya. Damn him! Once I fire this, I'll make sure he'll be good as dead!

"You're truly a Lunar, Lady Beatrice. Short tempered, huh?" Tumawa ulit ito at segundo lang ay mabilis na naging seryosong muli ang mukha nito. "Sir Stephen is your uncle, your mother's cousin. The current leader of the Lunar Organization."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status