"Ice, hindi mo kailangang makaharap pa si Stephen!"
Ito agad ang sinabi ni Nay Celeste noong pumayag ako sa nais ni Gabriel. Humarang ito sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Hindi natin alam kung ano ba talaga tunay na pakay ni Stephen sa’yo. Baka ikapahamak mo pa, Ice!" she exclaimed.
"But he's a relative. Pinsan siya ng aking ina, Nay Celeste. For sure, he won't harm me." Tila nag-aalangang sambit ko dito.
Natigilan si Nay Celeste sa sinabi ko at binalingan si Gabriel. Ramdam ko ang galit nito ngunit hindi ito sa lalaki ngunit wala itong sinabi nito. Mayamaya pa'y binalingan niya akong muli at seryosong tiningnan sa mga mata ko.
"Stephen is far from being good, Ice. Kailan man ay hindi ito naging mabuti sa kahit sinong Lunar sa organisasyon. He’s full of himself. Masyadong mataas ang tingin nito sa sarili. And him being the current leader of Lunar Organization makes me sick. He's not the rightful heir, Ice. You are."
"Careful, Celeste. Watch your mouth. You’re talking about the current leader of the organization. Baka iyan pa ang ikapahamak mo.” Natigilan ako noong magsalitang muli si Gabriel.
"We're not a member of the organization anymore, Gabriel. I can say whatever I want lalo na kung ito ay tungkol sa walang kuwentang si Stephen!" Galit na wika ni Nay Celeste at masamang binalingan ang lalaki. Akmang kikilos na sana ito noong mabilis na humarang sa amin si Tay Manuel. Natigilan ako at mabilis na binalingan ito. Kita ko ang seryosong mukha nito at ang marahang pag-iling nito sa amin.
"Where's Dawnson?" mahinang tanong nito kay Nay Celeste na siyang ikinatigil kong muli.
Right! Magkasama si Nay Celeste at Dawnson kanina bago pa man pumasok ang mga ito sa silid na ito! Sila ang magkasama sa salas!
"Downstairs," sagot ni Nay Celeste at mahinang napabuntong-hininga sa tabi ko. "Sa tansya ko ay magigising na ito. Those assholes knock him down earlier."
"Come on, Lady Beatrice. Sir Stephen is waiting for you," yaya muli sa akin ni Gabriel na siyang mabilis na ikinangiwi ko.
"Sasama lang ako kung kasama sila sa akin," seryosong sambit ko dito at umalis sa likuran ni Tay Manuel. Pinigilan ako ni Nay Celeste ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paghakbang at hinarap nang maayos ang lalaki. "I can't trust you, Gabriel, kaya naman ay sasama lang ako sa sinasabi mong headquarter kung kasama sila Nay Celeste sa akin."
"Fine.” Mabilis na pagpayag ni Gabriel na siyang ikinatigil kong muli. Pumayag siya? That’s fast! "Kung iyan ang nais mo, Lady Beatrice, sige, papayag kaming kasama sila papuntang headquarters."
"Ice, hindi tama ito, anak. Mali itong desisyon mo!"
"Let her decide, Celeste," Tay Manuel said to her wife. "We'll go with her. She’ll be fine, Celeste. Let's deal Stephen together."
Hindi na nakakibo pa si Nay Celeste. Hinawakan na lamang nito ang kamay ko at nauna nang lumabas ng silid. Dere-deretso kaming bumaba sa hagdan at nagtungo sa may salas. Naabutan naming nakaupo na si Dawnson sa sahig habang sapu-sapo ang ulo nito. Mukhang kakabalik lang ng malay nito.
"Dawnson!" tawag ni Nay Celeste sa kapatid. Agad na umayos nang pagkakaupo ito at nag-aalalang tumingin sa gawi nito. "Are you okay?"
"Yes," mabilis na sagot nito at tumingin sa mga taong nasa may likuran namin. "Fvck you, Gabriel!" Bulalas nito at akmang susugurin na ni Dawnson si Gabriel noong bigla itong natigilan sa puwesto. Maging kami nila Nay Celeste ay natigilan at agad na naging alerto sa susunod na mangyayari. A gun was pointed at him. Isa sa mga tauhan ni Gabriel ang mabilis na lumapit dito at tinutukan ito ng baril sa ulo nito.
Napailing na lamang ako at kalmadong nagsalita.
"Put down your gun," ani ko at binalingan si Gabriel sa likod ko. "Pagsabihan mo ang mga kasama mo, Gabriel. Don't make any stupid move. Sasama kami kaya naman ay umayos kayo."
"As you wish, Lady Beatrice.” Ngumisi sa akin si Gabriel at sinenyasan ang kasama nito. Ibinaba at inilayo ng lalaki ang baril nito at umatras palayo kay Dawnson. "Let's move, ladies and gentlemen. I can sense that some of the Blood Hunters are coming here. I'm not in my best mood to deal with them. Let's go."
Hindi na kami umimik pa. Nilapitan ni Tay Manuel si Dawnson at inilalayan itong makatayo nang maayos. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng mansyon at noong makita ko ang iilang itim na sasakyan sa labas ay agad akong naging alerto. Akala ko ay sila Gabriel lang itong nandito. Mukhang nagsama pa ito ng mas maraming tauhan para dalhin kami kay Stephen.
"Be alert everyone.” Narinig kong sambit ni Tay Manuel tabi ko. "Sa bilang ng Lunar na nandito sa lugar na ito, tiyak kong mararamdaman ng mga Blood ang presensya natin. We can't let our guards down."
"These men are just bunch of newbies. Kung hindi lang ako naunahan kanina, tiyak kong napatumba ko na iyang lintek na Gabriel na yan," mariing sambit ni Dawnson na siyang ikinatigil ko. Bumaling ako dito at nakita kong ininda nito ang sugat sa may ulo nito.
"Celeste, sa isang sasakyan kayo ni Lady Beatrice," ani Gabriel at pinagbuksan kami ng pinto. "Manuel and Dawnson, sa kabila naman kayo."
"You bring too many men here, Gabriel," puna ni Dawnson at sinunod ang nais ni Gabriel. "Apat lang naman kami." Pahabol pa ito at naglakad na patungo sa isang sasakyan.
"I pretty knew your capabilities. Hindi ako maaring maging kampante." Kaswal na wika ni Gabriel dito.
"Dapat lang," masamang bumaling si Dawnson dito at pinagtaasan ito ng isang kilay. "Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin namin. Lalo na sa kayang gawin ni Ice."
Natigilan ako sa sinambit nito. Nagkibit-balikat lang si Gabriel kay Dawnson at sumakay na sa sasakyan.
"Let's go, Ice," ani Nay Celeste sa akin. Tumango na lamang ako dito at sumakay na rin sa sasakyang itinuro sa amin kanina ni Gabriel.
Mahigit isang oras ang naging biyahe namin patungo sa headquarter ng mga Lunar. Panay ang tingin ko sa dinaraan at napakunot na lamang ng noo noong mamataan ang nagsisitayugang mga puno sa daan. Mayamaya lang ay bumagal ang pagpapatakbo sa sasakyang kinaroroonan naming ni Nay Celeste kaya naman ay naging alerto ako. Muli akong tumingin sa labas ng sasakyan at natigilan sa mga nakikita.
Dalawang malaking gate ang nasa may unahan naming na siyang dahan-dahan na nagbukas para makadaan kami. Tahimik pa rin ako hanggang sa tuluyang lumagpas kami sa malaking gate. Mayamaya lang ay tumigil na iyong sasakyan at ngayon ay nasa harapan na naming ang isang malaking mansiyon.
Agad kong pinatalas ko ang pakiramdam ko. Wala akong masyadong maaninag sa labas ng sasakyan. Masyadong madilim ang paligid. Kung wala lang ilaw ang bawat gilid ng mansyon ay tiyak kong ‘di ko ito mapapansin kanina!
"Lady Beatrice is here."
Napaayos ako nang pagkakaupo noong makarinig ako nang pag-uusap ‘di kalayuan sa puwesto namin. Ipinilig ko ang ulo ko at pinakinggan ang nag-uusap.
"So, talagang sumama siya papunta dito? Oh, my dear niece."
Stephen! I’m a hundred percent sure na siya iyong nagsalita!
"Ice, listen to me.” Napabaling ako kay Nay Celeste noong magsalita ito sa tabi ko. Kaming dalawa na lamang ang nasa loob ng sasakyan ngayon kaya naman ay nagkaroon kami nang pagkakataon para makapag-usap. Nakababa na ang driver at iyong isa pang lalaking nasa passenger seat kanina na siyang nagsilbing bantay namin. "Huwag na huwag kang tititig nang matagal sa mga mata ni Stephen."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Huwag tititig sa mga mata nito? Bakit naman?
"Stephen is not an ordinary Lunar. May kakayahan din ito kagaya ng iba pang miyembro ng pamilya niyo. He can easily defeat his enemy with his eyes. Kaya nitong ipagawa ang isang bagay na labag sa kalooban ng sino man," paliwanag ni Nay Celeste na siyang ikinakaba ko. "We can't trust him. Hindi pa natin alam kung ano ang tunay na pakay nito sa’yo."
"Yes, Nay Celeste.” Napatango na lamang ako dito at napatingin sa mansyong nasa harapan namin. This is the Lunar's headquarter. So, it means… dito rin nanirahan noon ang aking ina? She was the former leader of the Lunar, right?
"Damn, it's been more than a decade," bulalas ni Nay Celeste sa tabi ko at niyaya na akong bumaba sa sasakyan. "Hindi ko akalaing makakatapak muli ang mga paa ko sa lugar na ito."
"Welcome back then." Nakangising sambit ni Gabriel na siyang ikinairap ni Nay Celeste.
Nasa labas na kaming lahat ngayon. Ramdam ko ang presensya ni Tay Manuel at Dawnson sa likuran ko kaya naman ay napanatag ako. Bahagya pa akong umatras para mas malapit ako sa kanila.
Damn this! Ngayon lang ako kinabahan sa mga nangyayari sa akin! Kanina, hindi man lang ako nagdalawang-isip na pumayag na sumama papunta dito at ngayong narito na kami sa headquarters ng Lunar Organization ay tila biglang nawalan ako lahat ng lakas. This is not good! Damn, Ice! Bahala na nga!
"Anyways, pumasok na tayo. Kanina pa naghihintay si Sir Stephen," ani Gabriel at tinalikuran na kami.
Napangiwi ako at kinalma ang sarili. Binalingan ko muna ang mga kasamahan ko bago humakbang patungo sa daang tinahak ni Gabriel. Fuck! Bahala na nga talaga! Kung ‘di ko lang kailangang malaman ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ko, I won't ever set my feet on this kind of place. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito.
Kinikilabutan ako ng wala sa oras!
Pagkapasok namin sa headquarters ng Lunar Organization, tatlong lalaki agad ang sumalubong sa amin. Natigilan ako sa pagkilos dahil sa kakaibang enerhiyang nararamdam ko sa kanila. Panganib. Iyon ang naramdaman ko noong magtagpo ang mga mata namin kanina.
"Tanging si Lady Beatrice lang ang maaring makapunta sa silid ni Sir Stephen," sambit ng isa sa lalaking nasa harapan namin sabay tingin sa mga kasamahan ko.
I froze. No way! Hindi ko sila iiwan dito!
"That won't happen," I coldly said to him. "Kasama ko sila. Kung nasaan ako, dapat ay naroon din sila."
"But Sir Stephen..."
"Kung gusto niya akong makausap, then deal with my condition. I won't leave them alone. They're coming with me."
"Lady Beatrice..."
"Don't call me by that name if you won't follow my order," I firmly said. Damn it! I need to be strong in front of this people. Kung hindi ko ito gagawin, tiyak kong mapapahamak kaming apat sa lugar na ito at hindi ko hahayaang mangyari iyon! Masyado na silang nadamay sa gulo ng buhay ko, gulo ng pamilya ko. Hindi ko na hahayaang mapahamak pa silang muli dahil sa akin. Kung kaya ko naman silang protektahan, then be it. Gagamitin ko ang kung anong koneksyon ang mayroon ako sa organisasyong ito para maprotektahan sila!
“But Lady…”
“Enough. I don’t want to hear anything from you. Let’s go. Dalhin niyo na kami kay Stephen.”
"Easy, Beatrice."
Napako ako sa kinatatayuan ko noong makarinig ng isang pamilyar na tinig. Agad akong napabaling sa may hagdan ‘di kalayuan sa puwesto namin at natagpuan ng mga mata ko ang isang lalaki.
"Stephen," I said without even thinking.
He's Stephen, my mother's cousin. The Lunar Organization’s current leader.
Napakuyom ako ng mga kamao ko. I can feel it. His presence is so damn intimidating! Malakas ang presensyang mayroon siya kaya naman ay pilit kong ikinalma ko ang sarili. Kailangang maging matatag ako habang kaharap ko ang lalaking ito! Being weak is not an option here. Nandito na kami kaya naman ay kailangan mapanindigan ko ito.
"It's good to see you well, Beatrice," anito at ngumiti sa akin.
His voice. Damn! Kahit wala ang mga alaala ko ay nakakasigurado akong narinig ko na ito noon!
Damn it! I badly need to talk to this man!
BREAKING THE CURSE "Lady Alexa, stop running!" "Lady Alexa, please, stop! Mapapagalitan ka na naman ng mommy mo kung ipagpapatuloy mo ito!" "Lady Alexa!" "Puwede ba!" Inis na sigaw ko sa dalawang taga-bantay ko. Tumigil ako sa pagtakbo at masamang tiningnan ang mga ito. "I know what I'm doing here. Huwag niyo na akong sundan pa. Go back to your headquarters and just do whatever you want to do! Leave me alone, please!" "We can't do that, Lady Alexa. Alam mo namang hindi ka namin maaring iwan na lang." seryosong sambit ng isa at umayos nang pagkakatayo sa harapan ko. Napairap ako at napatingin sa isa pang taga-bantay ko. "May sasabihin ka rin?" mataray na tanong ko dito at hinawi ang buhok sa balikat ko. "Alright, hahayaan ka namin ngayon, Lady Alexa, sa kung anong nais mong gawin-" "Div
Maingat akong naupo noong bahagya akong makaramdam nang paghilo. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at dahan-dahang tumayong muli. I need to move and prepare. Hindi ako maaring manatili lamang dito sa silid ko. Kailangang may gawin din ako ngayong araw! Mabilis akong nagtango sa banyo at nag-ayos ng sarili. Maingat ang bawat galaw ko dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayong umaga. Damn! What's happening to me? May nakain ba akong masama kaya naman ay naging ganito ang pakiramdam ko? Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglilinis ng sarili. Noong matapos na ako ay agad na lumabas ako sa silid ko. Tahimik akong naglalakad patungo sa silid ng aking ina na tiyak kong abala na rin sa paghahanda sa okasyon dito sa headquarters. Tipid ko namang nginingitian ang mga Lunar na nakakasalubong ko. Mukhang naglaan talaga sila ng oras nila para sa araw na ito!  
Napakunot ang noo ko habang binabasa ang papel na hawak-hawak. Mayamaya pa'y kusang umawang ang labi ko noong mapagtanto ko kung ano iyon! Seriously? Bakit may ganito? "Mommy!" Mabilis kong binuksan ang pinto ng opisina ni mommy at mabibigat ang mga hakbang palapit sa puwesto niyo. Namewang ako sa harapan nito at inilapag ang hawak-hawak na envelope. "What's the meaning of this?" I asked her. Kita ko ang pagtaas ng isang kilay nito at binitawan ang binabasang libro. Dinampot niya ang inilapag kong envelope at ngumisi noong makita ang laman nito. "Oh, this is an invitation, darling," she said then waved the envelope in front of me. "Yes, an invitation, mommy. Obviously," I rolled my eyes. “At bakit may ganito?” Tumawa ito at tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad ito papalapit sa akin at hinila ako patungo sa sofa ng opisina niya. Naupo kaming dalawa
Nagising ako dahil sa kung anong kakaibang pakiramdam sa paligid ko. Marahan kong iminulat ang mga mata at nabungaran ko ang isang hindi pamilyar na silid. Ilang segundo akong nanatiling nakatitig sa kisame nito hanggang sa bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Agad itong natigilan noong magtagpo ang mga paningin naming dalawa. Seconds passed, she smiled at me then walked towards my direction. "Mabuti at gising ka na," anito at naupo sa bakanteng upuan sa gilid ng kama. "Kumusta pakiramdam mo, hija?" "I feel nothing," walang emosyong sagot ko dito. "Wala akong maramdamang masakit o kahit ano sa katawan ko." "That's good to hear. I'm Celeste by the way.” Pagpapakilala nito sa akin at matamang tinitigan ako. "My husband found you in the middle of the forest, almost lifeless. Tell me, what happened to you, young lady? Ba
Napapitlag ako noong may kung anong tumama sa bintana ng silid ko. Agad akong napaatras muli hanggang sa bumunggo na ako sa gilid ng kama ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at tiningnan ang nakasarang bintana. Nasundan pa ng isa pang putok ang ingay na narinig kanina kaya naman ay napako ako sa kinatatayuan ko. Oh my God! They're targeting my window! Mayamaya lang ay napabuntong-hininga na lang ako noong maalalang bullet proof ang mga salamin ng bintana ko. Bahagya kong ikinalma ang sarili at kinagat ang pang-ibabang labi. Ito marahil ang dahilan kung bakit dito ako nais manatili ng mga magulang ko sa silid kong ito. Dahil sa pagkakagawa sa silid na ito, tiyak kong magiging ligtas ako laban sa mga atake mula sa labas ng mansiyon namin. Naglakad akong muli patungo sa kabinet kung saan nakalagay ang mga baril ko at matamang tiningnan ang mga ito. Dumampot ako ng isa pang baril at mabilis na inilagay ito sa likura
Bata pa lang ako ay alam ko na kung ano ang mga espesyal na kakayahan ko. I’m a hybrid, an offspring of a Lunar and Blood from Underworld. My mother is Esmeralda Lunar, the current leader of Lunar Organization. She’s fierce, talented and can use a special spell that makes her the best Lunar of her generation. Benjamin de Falco, a Ventrue, ruler of Blood Clan, is my father. My parents saved both Lunar Organization and Blood Clan, but in the end, they were both betrayed. Peace. That was all they wanted. They wanted to end the war between the Lunars and Blood. They wanted us to be civil with each other but… not everyone wanted that to happen. Napamulat ako ng mga mata ko noong makarinig ako ng ilang kaluskos sa paligid. Mabilis kong inilagay sa magkabilang tenga ang mga kamay at hindi binigyan pansin ang mga naririnig ngayon. Muli kong ipinikit ang mga mata at pinilit ang sariling matulog.