Share

Chapter 2

May sampong minuto na sigurong nakahinto ang Montero ni Grant sa parking lot ng condo pero walang naka-iisip na bumaba.

Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin kanina pa sa school, pero walang chance dahil medyo busy din kasi talaga kami pareho.

Tahimik. Walang nagsasalita.

Tiningnan ko siya na diretso lang ang tingin sa labas.

Tulala.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa manibela..

Saka siya nagsalita..

"Mads, I think we need space." Panimula nito.

Naguluhan ako. Space?

"What do you mean?"

"Let's take a break.." Tumingin siya sa aking gawi ngunit hindi siya talaga nakatingin sa akin. Lagpas sa akin ang mga titig niya.

"Is there a problem? Okay naman tayo ah. We're fine, right?"

Hawak ko pa rin ang kamay niya pero inalis niya ito at nagsalita muli..

"Yes, we're okay. It's just that, there is something in me that needs space."

"Paanong space ba? Lalayo ako sa'yo? Ilang days? 2 days? 3 days?"

"No." Maikling tugon nito. Nakahawak siya sa sintido na tila sumasakit ang ulo.

"Then, what? Bakit? We're not always together. Sa school nalang. Hindi pa nga madalas because of my duties.. Hindi na tayo laging nagkikita just like before. Hindi na rin tayo madalas magkausap sa phone. Hindi pa ba space 'yon? Ano pa bang klaseng space ang gusto mo?"

"I can't explain it really..."

"Hindi mo maexplain!? Myghad! Alam ko na, nagsasawa ka na! Nagsasawa ka na sa relasyon na 'to. Bakit, Grant?! May iba na ba? May iba ka na bang ka-date, ka-text at kausap sa phone kaya you needed space? Naglolokohan na naman ba tayo dito?"

Blangko ang sagot nito. Nagsisimula na ang mga luha kong bumagsak. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.

" 7 years, Grant! Hindi ako nagsawa, mas lalo pa nga kitang minahal sa paglipas ng panahon. Kinalimutan ko na kung ano man ang naging problema natin noon. Pinaglaban natin 'tong relationship na 'to sa parents ko.. Tapos, ngayon ano? Kailangan mo ng space?" Mataas na ang boses ko. Hindi ko magawang kumalma.

"May nagawa baako? O May hindi ba ako nagawa?" Lalo akong naiyak..ngunit pinipigilan ko itong tumulo...

Still. Hindi pa rin siya sumasagot.

"Are you breaking up with me?" Tila nabasag ang boses ko sa tanong kong ito. Pero pinilit kong maging matapang.

Imbis na sumagot ay pumikit lang ito na tila nahihirapang sabihin ang mga sasabihin niya. Mas lalo lang tuloy akong natakot marinig ang kung ano mang sasabihin niya.

"Please, explain yourself. I need a valid reason." Pinunasan ko ang mga luha kong umaagos na sa aking pisngi.

Wala pa ring imiksi Grant. Sabi nga nila, 'Silence means Yes'.

"You're not just asking for space. You are breaking up with me, aren't you?"

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang buntong-hiningang pinakawalan niya.. Tumingin siya sa akin.

"I never forget those times na pinaglalaban natin ang relationship natin. And I am very thankful that you're trusting me despite what I've done in the past. It's just that there's a problem with me." Huminto Ito. "Akoito. Hindi ikaw. Wala rin akong iba. Hindi ko na magagawa iyon sa'yo."

"Then why, Grant? Bakit nakikipaghiwalay ka?"

"Kailangan kong hanapin ang sarili ko. Hindi mo ba napapansin? May nagbago.. May nagbago na sa akin. May nagbago sa ating dalawa."

"Lahat naman nagbabago, Grant! Anong klaseng dahilan ba 'yan?!" Sa mga sandaling ito ay nakalimutan ko na yata ang salitang kalma. Hindi ko kinakaya ang mga sinasabi niya.

"I don't know. Pakiramdam ko kasi may nagbago sa'kin. May nagbago sa nararamdaman ko para sa'yo..."

"Then, tell me.." Mahabang katahimikan na naman ang bumalot sa amin.

"I don't love you anymore."

Tila isang bombang sumabog ang mga salitang binitawan niya. Bombang nagpasabog sa aking sistema. Hindi ko malaman kung iiyak ba ako o sisigaw o kung ano bang dapat maging reaksyon ko sa mga narinig. Dapat ba hindi na lang ako nagtanong pa?

"I'm really really sorry, Babe." Hinawakan nito ang mga kamay ko. Pinunasan ang aking mga luha. Nanatili lang akong nakatitig sa mga kamay kong tangan niya. Ito na ba ang huling beses na hahawakan niya ang aking mga kamay?

"I just need to find myself. Naguguluhan din ako kung bakit konararamdaman 'to. Nagising ako isang umaga na parang wala na. Wala na akong maramdamang love. Nawala na 'yung excitement. 'Yung dating tayo. 'Yung dating ako. At sa tingin ko, hindi ka lang magiging masaya kapag ganito ako sa'yo."

Patuloy lang ako sa pag-iyak.. Masakit pala talagang marinig na hindi ka na mahal ng taong mahal mo. Nakakabingi. Nakakatuliro.

"I'm really really sorry, Mads."

Inalis nito ang isang kamay at pupunasan pa sana nito ang aking mga luha ngunit hinawi ko ang kamay niya. Binitbit ko ang aking bag at binuksan ang pinto. Napansin kong tinatanggal niya pa ang seatbelt niya pero tumakbo na ko palayo..

Napabalikwas ako sa aking higaan. 

Panaginip..

Walang ligtas pati sa panaginip ko nauulit lang ang mga pangyayari.. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status