Share

Chapter Two

Monica

Ilang linggo na rin ang lumipas mula noong pumasok sila Nathan. Tulad ng inaasahan, naging ka-close nga ni Mikael ang iba pa naming kaklase. Si Nathan naman mas gusto mag-isa, madalas ko siyang nakikita na nagpupunta ng library, o 'di kaya naman ay kausap si Sir Levi. Wala naman nagbago kahit mayroong transferee. Maingay pa rin ang klase sa tuwing walang teacher, nagsisigawan, nagko kopyahan ng assignment, normal na mga bagay na ginagawa ng mga Senior High School student.

"Bestie, akin na yung folder mo sa Creative Writing. Ipapasa na iyon mamaya 'di ba? Para isasabay ko na." sabi ni Geca habang nakalahad ang kamay.

"Oo nga pala, ano? Sandali."

Nagsimula na akong maghalungkat sa bag ko. Pinagawa kasi kami ni Sir Raguel ng isang short story. Minimum of five thousand words at handwritten. Isang linggo naman ang palugit niya kaya walang problema.

Halos ibuhos ko na ang laman ng bag ko pero hindi ko mahanap yung folder ko.

"Nakita mo na ba?" tanong ni Geca na lumapit na rin sa tabi ko.

Umiling lang ako bilang sagot at patuloy na kinalkal ang bag ko. Hindi nagtagal ay binuhos ko na ang laman nito sa table ko. Pero wala talaga yung folder.

"Hala, bruha ka. Naiwan mo pa ata!"

Inalala ko maigi ang ginawa ko kagabi.

"Shit. Oo nga. Naiwan ko nga ata. Inayos ko kasi yung bag ko kagabi." At dahil nga naalala ko na naiwan ko ang project ko, ibinalik ko na ang mga gamit ko sa loob ng bag.

"Tawagan mo na si Tita. Para madala niya."

Tinanguan ko naman si Geca bago kunin ang phone ko para i-dial ang number ni mama.

"Oh, bakit?" Pambungad agad ni Mama.

"Ma, naiwan ko kasi yung project ko sa kwarto. Eh, ngayon po ang pasahan."

"Sa study table mo ba?" 

"Opo."

"O'sige. Dadalhin ko sa iyo mamayang lunch. Dadalhan ko na rin kayo ni Geca ng pagkain. Nagluto ang papa mo ng Lechon Kawali."

"Opo ma! Thank you. Love you! Ingat papunta rito!"

"Bye na. Love you rin. At saka sila ang mag-ingat sa akin." sabi pa ni mama bago ibaba ang phone. Natatawa na lang at napailing ako ng ulo.

"Okay na. Dadalhin daw ni mama. Magdadala rin daw siya ng lunch natin." sabi ko kay Geca.

"Wow! Nakatipid pa ng lunch!" Tuwang-tuwa na sabi ni Geca "Ice cream tayo mamaya, ha."

"Nakatipid nga tayo sa lunch, babawi ka naman sa uwian. Pero sige, game ako r'yan."  Natatawa na lang kami pareho sa inasal namin.

Mabilis na natapos ang morning subjects at lunch na. Sakto naman na paglabas ng teacher namin ang pagtawag ni mama sa phone ko.

"Hello, Ma?" 

"Anak, nandito na ako sa school. Papunta na ako ng room, sa second floor kayo 'di ba? " sabi ni mama sa kabilang linya.

"Ay, sige po. Sasalubungin na kita." sabi ko at tumayo na.

"H'wag na. Andito na ako." Pagkasabi noon ni mama ay binaba na niya ang tawag. Napatingin ako sa labas at nakita ang babae na may wavy na buhok na katulad ng akin. Kumaway siya sa akin kaya naman dali-dali akong lumabas. Nagmano ako at yumakap sa kanya.

"Eto yung project mo," inabot niya ang isang paper bag na may folder "at ito naman ang lunch niyo. Dinagdagan iyan ng papa mo para kung sakaling may kasabay kayo mag lunch." At saka niya inabot ang isang bag na may baunan naman na laman.

"Thank you so much Ma. The best ka talaga." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Hindi mo naman na ako kailangan bolahin."

"Hindi kita binobola, ano. Totoo yun. The best na, maganda pa."

Nakita ko na napalingon si mama sa loob ng room namin, may kung anong nag iba sa mga mata niya habang nakatingin sa kung anu o sino sa loob.  Bumaling siya sa akin at nagtanong "May bago pa la kayong kaklase?"

"Ah, opo Ma. Hindi ko pa la na kwento noong nakaraan." sagot ko kay Mama sabay napalingon din sa direksyon nila Mikael at Nathan.

"Hmmn..." naging tugon ni Mama sa akin pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may kakaiba akong naramdaman sa mga titig ni Mama sa dalawa kong bagong kaklase.

Nagpabalik-balik ang aking tingin sa mga bago kong kaklase at kay Mama, na kasalukuyang titig na titig pa rin sa kanila.

"May problema po ba Ma?" Tanong ko kay Mama sabay tingin sa direskyon niya. Bigla naman na parang nagulat siya sa tanong ko at napatuwid siya ng tayo at tumingin pabalik sa akin.

"Ha? Wala, naku siya sige na,  aalis na ako at ang papa mo." Medyo gulat na sagot ni Mama, kahit na ngumiti si Mama sa akin ay ramdam ko na may nag-iba sa kanyang aura na hindi ko mawari kung ano.

Napatango na lang ako sa sagot ni Mama. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa pisngi.

"Date?"

"Nope. The usual thing." sagot naman ni mama.

"Oh." Ayun na lang ang tangi kong nasabi.

Nakita ko pa ang saglit na pagtingin ulit ni mama sa loob ng classroom. Sinundan ko rin ng tingin kung saan tumutingin si Mama at nakita kong sina Mikael at Nathan pa rin ang tinititigan niya. Napakunot ang aking noo at napaisip nang malalim. Umalis na si mama at nang mawala na siya sa aking paningin ay pumasok na ako sa loob ng classroom.

*****

Third Person

Pagpasok pa lang ni Demenise sa building kung saan naroon ang classroom ni Monica, ay may nararamdaman na siyang kakaiba. Aura iyon ng isang demon. Hindi lang basta-bastang demon. Isa iyong presensya ng isa sa prince of hell. Tila sinasadya nito na magparamdam sa kanya.

Bumalot ang kaba sa kanyang dibdib dahil palakas ng palakas ang aura habang papalapit siya sa classroom ng anak. Ngunit nawala ang kaba na iyon matapos maramdaman ang isa pang aura. Ito ay nanggagaling naman sa isang anghel. Kay St. Michael kung hindi siya nagkakamali.

Tinawagan na niya si Monica upang ipaalam na naroon na siya. Nang nasa tapat na siya ng classroom ni Monica ay nahagip ng mata niya ang isang estudyante na nakaupo sa bintana. Nakangisi ito sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa mata niya ang saglit na pagbabago ng kulay ng mata nito. Mula sa kulay tsokolate, ay naging pula ito ngunit bumalik din naman ito sa dati nitong kulay.

Hindi na lang niya ito pinansin at kinawayan na ang anak na nasa loob. Agad naman itong lumabas upang batiin siya.

Agad niyang binigay ang mga dinala niya para rito at nagpaalam na rin kaagad. Muli siyang tumingin sa loob ng classroom pero wala na ang estudyante roon. Tuluyan na siyang umalis at hindi pa man siya nakakalayo sa building na nilabasan ay naramdaman na niya ang presensya sa likod niya.

Agad siyang tumigil at hinarap ang tao sa likod niya. Mali, ang demon na nasa likod niya. Bagama't nasa human form ito, ay alam niya ang totoo nitong pagkatao.

"Demenise. Ang tagal na rin mula noong huli tayong nagkita." sabi nito at ngumisi pa sa kaniya.

"Satan, matagal na nga. Pero hindi kasi ako natutuwa na nakita kita." 

"Hmm, siguro ganun talaga ang pakiramdam pag nagtaksil ka." 

"Nah, ganun talaga pag naaalibadbaran ka sa kaharap mo." sagot ni Demenise na hinaluan pa niya ng tono ng pang-aasar. Alam niyang nilalagay niya ang sarili niya sa alanganin dahil anumang oras ay maari siyang tapusin ng kaharap.

At hindi nga siya nagkakamali. Sumugod ito sa kanya ngunit agad niyang sinalag ang atake nito. Mabuti na lang at walang tao sa paligid kung hindi ay paniguradong magkakagulo.

"Kung ibinigay niyo na lang sana sa amin noon ang anak niyo hindi na kayo maghihirap pang magtago. Dahil mahahanap at mahahanap pa rin namin kayo. Kung hindi man namin siya papaslangin, gagawin siyang isang full demon para mapakinabangan ang lakas niya." sabi pa ng kanyang kaharap bago nagpakawala ng isang malakas na suntok na dumapo sa kanyang sikmura. Halos sumuka siya ng dugo pero nagawa pa rin niyang ngumisi.

"Dumadaldal ka na, Satan. Ang dami naman ng effort na ibinigay mo para lang magsabi ng walang kwentang bagay." Nagpakawala si Demenise ng isang malakas na sipa. Tumama naman iyon sa mukha ng kalaban niya. Nakita niya na dumura ito ng dugo. Akmang susugurin pa sana siya ng kalaban ngunit may humarang na sa pagitan nila.

"Raguel!" Sambit ni Demenise nang makita si Raguel na may hawak na kadena. Nakapulupot naman ang kadena sa binatang kalaban niya kanina.

Isa si Raguel sa pitong Archangels kaya hindi maitatanggi ang pambihirang lakas na taglay nito.

"Hi, Mommy Demenise!" Bati nito sa kanya na parang isang pangkaraniwang na bati ng isang guro sa isang magulang ng estudyante.

Bumaling si Raguel sa binata at sumeryoso na ang itsura nito.

"Oras na ng lunch. Bawal ang estudyante na lumabas ng building na walang pahintulot mula sa adviser." sambit nito ngunit hindi pa rin inaalis ang kadena na nakatali rito.

"Ano naman ang karapatan mo na utusan ako?" Mayabang na sagot nito sa guro na kaharap.

"Baka nakakalimutan mo, Satan. Sa mundo o lugar na ito, ikaw si Nathan Sandoval. At alam kong alam mo na kailangan mong makisabay sa pamumuhay ng mga tao na nandito. Sa tingin mo ba, normal ang makita na nakikipaglaban ang isang bagong estudyante sa isang nanay ng kaklase niya?" Sabi ni Raguel bago alisin ang kadena.

Matalim ang tingin na ipinukol ni Nathan kay Raguel maging kay Demenise. Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad. Ngunit tumigil ito at bahagyang lumingon sa kanila.

"Pasalamat kayo dahil nawala na ako sa mood." Sa isang iglap lang ay nawala na ito sa kanilang harapan. 

Nakahinga naman si Demenise nang maluwag dahil nawala na ang binata.

"Okay ka lang?" Tanong ni Raguel

"Oo. Salamat pala kanina." 

"Wala iyon. Maituturing na kasama kayo sa mga dapat protektahan. Oo nga pala, bakit mag-isa ka? Nasaan ang asawa mong si Richard?"

"Nasa bahay. Naiwan kasi ni Monica ang project niya kaya hinatid ko rito. Nagdala na rin ako ng lunch nila. Nagluto kasi si Richard ng Lechon Kawali."

"Ah, ganun ba?"

"Oo. Nga pala, gusto mo bang dumaan mamaya sa bahay? Pasalamat na rin sa pagpigil kanina kay Tandang Satan." Alok ni Demenise.

"Masamang tumanggi sa grasya. Kaya sige. Paano, papasok na ako. Mamaya na lang. Pakisabi nga pala kay Richard na damihan ang isasaing dahil mapapa fight ako. Ang tagal na nung huli kong makakain ng luto niya." Sabi nito at tumalikod.

"Bakit hindi mo na lang sa’kin sabihin at kailangan ipasabi pa sa asawa ko?"

"Wala akong tiwala sa iyo. Baka malason kami kapag luto mo ang kinain namin," tapat na sabi nito kaya naman binato niya ito at agad namang nakaiwas.

"Bastos!"

"Hahaha, nagsasabi lang naman ng totoo. Bye mommy" kumaway pa si Raguel sa kaniya bago pumasok sa loob ng building.

Si Demenise naman ay tuluyan nang umalis at nakauwi na nang payapa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status