Chapter 2: The Cheater's Regret
Halos lumuwa ang mata ni Claire sa pagkagulat. Ni hindi niya nga alam ang pangalan ng lalaki pero kasal na kaagad ang inaalok nito. Ngumuso siya at pa-simpleng umiling. Aalis na sana si Claire pero biglang nagsisisigaw na bumuntot sa kaniya si Logan. “Claire, let me explain. Hindi ko ginusto ang nangyari, natukso lang ako,” paliwanag ng nobyo. Naiiritang pumikit ang dalaga saka hinarap ulit ang lalaki. Mukhang mapipilitan siyang pumayag sa alok ng estranghero. Bago sumagot si Claire, hinawakan niya ang kamay nito. “I’ve seen enough Logan, magpapakasal na ako,” madiing sambit ni Claire. Napaatras ng bahagya ang nobyo at lakas-loob pang tiningnan mula ulo hanggang paa si Sandro. Para bang nanunuya kung paano ngumuwi si Logan. Dinuro niya pa ito at saka tumawa ng malakas. Pati mga residenteng dumadaan nakuha na rin niya ang atensyon. “Look who's talking, nagloloko ka rin pala. Sino naman ‘to? Mukhang ang bilis mong nakapulot sa basurahan ng pulubi.” Nagngitngit ang panga ni Claire pero bago pa makasugod ang dalaga, pinigilan siya ni Sandro. Bumulong siya sa tenga nito, “Let him prove who's the loser. Ipakita mo kung anong nawala sa kaniya.” Mabilis na napakalma si Claire ng paalala ng estranghero. Imbes na sagutin ang mga masasamang pananalita ni Logan, nginitian niya lang ito. Para inisin ang nobyo, mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Sandro. Dumugtong kaagad si Claire, “Magpapakasal na ako, at wala ka nang magagawa. Tara na, hubby.” Hindi na sila nag-aksaya ng panahon at tinalikuran kaagad si Logan. Pag-alis nila maririnig pa kung paano sumigaw ang dating nobyo sa inis. Halos magwala ito sa lobby ng condominium. Nagtawag na rin ang ilang attendant ng security matigil lang ang paninira ni Logan ng ilang gamit. Ni lumingon sa nangyayari sa loob, hindi ginawa ni Claire. Patuloy lang silang naglakad ng lalaki papunta sa parking lot. Sa ngayon, siya naman ang hinihila nito paalis. Bago sila makarating sa kotseng masasakyan, tumigil ng pansamantala si Sandro. Binitawan niya rin ang kamay ni Claire at tinitigan siya ng masinsinan. Seryoso niyang tinanong ulit ang dalaga, “Are you sure you want to get married?” Napalunok si Claire sa kaba. Buong akala niya nagbibiro lang ang lalaki sa tanong nito kanina. Sino ba naman kasi ang mag-aalok ng kasal sa isang babaeng kakakilala niya pa lang? “S-sigurado ka ba sa tanong mo?” nauutal na sagot ng dalaga. Tumango lang si Sandro sa kaniya. Pinindot pa nito ang susi ng kotse bilang senyas na may pupuntahan sila. Mas lalo tuloy kinabahan si Claire, sa bilis ng pangyayari, kinutuban siya ng masama. Inisip niyang modus lang ito kagaya puting van na nandudukot ng mga batang kukuhanan ng internal organs. Akmang tatakbo na sana si Claire pero mariin siyang pinigilan ni Sandro. “Di ako nakikipagbiruan, Miss. Wala akong masamang intensyon sayo, sagutin mo lang ang tanong ko.” Tumigil siya sa paghakbang at tumingala sa halos six footer na lalaki. Wala siya sa maayos na pag-iisip at hindi niya rin alam anong isasagot sa alok nito, pero parang may sariling isip ang dila niya. “Kung papayag ako, what's in it for me?” Sumandal si Sandro sa kotse bago sumagot. “My name, fame, money and security.” Napalunok na lang ang dalaga sa kaba. Mukhang hindi basta-basta ang lalaking nakilala niya ngayong araw. Bagama't may prinsipyo si Claire at hindi niya ugaling humingi lang ng pera, naalala niya ang kalagayan ni Bryan. Dapat na itong maoperahan at masalinan ng dugo. “Hindi ko kailangan ang lahat ng yan, mabayaran lang ang bill sa ospital ng kapatid ko, ayos na sa akin ‘yon.” mapakumbabang saad ni Claire. Sa unang pagkakataon, nakakilala si Sandro ng babaeng walang interes sa yaman nito. Sinubukan niya pang suhulan ang dalaga para makita kung nagkukunwari lamang ito. “I can buy the entire hospital for you, aren't you interested?” “Di ko kailangan ang buong ospital. Paggaling lang ni Bryan ang gusto ko. Babayaran din kita sa lahat ng ginastos mo.” Napahanga ang bilyonaryo sa prinsipyo ni Claire, kaya hindi na nag-aksaya ng panahon si Sandro at agad na binuksan ang pinto ng katabing Lamborghini. Sa sobrang gulat ni Claire, hindi niya nagawang isara ang bibig. Umiling na lang ang binata saka tumuloy sa driver's seat. Walang humpay niyang pinaharurot ang kotse papunta sa munisipyo. Doon nag-aantay ang pinsang kasabwat ni Sandro sa plano. Ang inakalang imposible ni Carlo ay magagawa pala ng matinik na bachelor, dahil lang sa ayaw nitong maikasal sa babaeng pinagkasundo ng lola niya. Pagdating nila sa opisina, nakangising sumalubong si Carlo. Hahalikan pa sana nito sa pisnge si Claire, pero pinigilan siya ni Sandro. Hinarang nito ang kamay sa labi ng pinsan at mahinang tinulak palayo si Carlo. “No one's messing with my wife,” paalala niya. Mahinang tumawa si Carlo at sumagot, “Woah! You're that desperate dude? Kilala mo man lang ba ‘to?” Kumunot ang noo ni Sandro, roon niya lang napagtantong hindi niya alam ang pangalan ng babaeng kasama niya. Binalingan niya si Claire at saka tinanong. “Your name again? I forgot to ask earlier.” Inunat ni Claire ang kamay, “Claire, Claire Batumbakal.” Halos mamula sa pagpipigil ng tawa si Carlo sa apelyido ng dalaga. Sa TV niya lang naririnig ang gano’ng mga apelyido at para sa kaniya, napakabaduy nito. Hindi na lang pinansin ni Sandro ang asal ng pinsan, at nagpatuloy sa pagpapakilala. Nakipagkamayan ito kay Claire, “Sandro, Sandro Escalera.” Pangalan pa lang ng lalaki, parang naglalaway na ang dalaga. Unang beses niya ring makahawak ng gano’n kalambot na kamay. Buong buhay niya nasanay siya sa kubal at magaspang na kutis. Inisip tuloy ni Claire na napakayaman ng lalaking kaharap niya. Baka kayanin pang bilhin ni Sandro pati buhay nilang magkapatid. Sa sobrang pagkatulala niya, kinailangan pang tawagin ng ilang ulit ni Carlo ang pangalan niya. “Claire? Kailangan na nating pumasok.” Nahihiyang tumango naman ang dalaga. Pagtuloy nila sa opisina, nag-aantay ang isang abogadong nakadamit pormal at ilang papeles na nakalatag sa mesa. Mukhang hindi talaga nagbibiro si Sandro sa sinabi nitong kasal. Kahit nakatodo ang aircon, di maiwasang magpawis ni Claire sa kaba. Ultimo ballpen na gagamitin sa pagpirma gawa sa ginto. Magbulsa lang siya ng isang bagay dito, sasapat na agad sa panggastos nila sa ospital. “Are you sure with what you're doing Mr. Escalera?” tanong ng abogado. Matipid lang na tumango si Sandro. Ni pasadahan ng tingin ang papeles hindi na niya ginawa. Desido na ang binata sa kaniyang desisyon kahit hindi niya kilala ang babaeng kasama nila sa silid ngayon. Handa siyang maikasal sa kahit sino ‘wag lang kay Venice. “How about you, Miss? Kasal ang papasukin mo, sana pinag-isipan mong mabuti ang desisyon mo.” Baling ni Atty. Demitri kay Claire. “K-kanina ko lang po siya nakilala.” Napailing ang abogado sa sagot niya. Pinagdarasal niya na lang na hindi aatras ang babaeng dinala ngayon ni Sandro. “Kung gano’n, sigurado ka bang gusto mong pakasal sa lalaking kasama mo ngayon?” Biglang napaisip si Claire sa gagawin niya. Ngayong binigyan siya ng pagkakataong tumanggi, unti-unti siyang hinila ng pagdadalawang-isip. “Ms. Batumbakal I need your final answer, are you willing to marry Mr. Escalera?”Chapter 25: Ice Cream Monster“Ice cream order no.5!” sigaw ng waiter mula sa counter ng shop. Tumayo kaagad si Carlo upang kunin ito. Tahimik namang nagmasid sa kaniya si Claire, unti-unting namamangha kung paanong kalmado at napakapresko ng ugali nito.“I was once Carlo the Barbarian,” turan nito habang naglalakad. “But now, I'm the ice cream monster!” Napatawa sila ng sabay–ang mukha ni Claire halos mamula na sa paghagikhik simula pa kanina. “Bakit ice cream monster pala?” nagtatakang tanong nito sa binata. “You’ll know why later,” misteryosong sagot ni Carlo sa kaniya. Napakibit-balikat na lang si Claire at hindi na nagtanong pa. Pagkalapag pa lang ng ice cream, agad nila itong nilantakan. Habang nagkukwentuhan sila, biglang naungkat ni Carlo ang pagiging manunulat ni Claire. “Can I have an autograph?” wala sa usapang bungad nito. Kumunot ang noo ni Claire sa kaniya, hindi naman kasi siya artista, pero ang isang mayamang katulad ni Carlo ay humihingi sa kaniya ng autograph.
Chapter 24: Lap“We’re going to have an interview with a famous celebrity,” ani ni Sandro habang papasok sila ng kotse. Naayos na nila kanina ang problema sa panloob kaya pupwede nang umalis ang dalawa papunta sa isang rest house ng mga Escalera. Doon kasi gaganapin ang live interview kasama si Marites Cordoves. Pagkaupo nila, nakaramdam kaagad ng antok si Sandro kahit hindi pa nagsisimula ang biyahe. Pati si Claire naawa sa kaniya. Sayang nga lang at wala silang dalang unan sa loob ng sasakyan. Pero habang nagsisimula nang magmaneho ang driver, biglang nagsalita si Sandro. “Sit properly,” utos nito. Napalunok sa kaniya si Claire, pero agaran ding sumunod sa utos.“Bakit?” tanong nito. Huminga ng malalim si Sandro bago sumagot. Di niya akalaing gagawin niya ito sa asawa. “I’ll sleep on your lap,” saad nito, habang papahiga na. Halos hindi makahinga si Claire ng maramdaman niya ang ulo ng ni Sandro sa kaniyang mga binti. Ang init ito ay kakaiba at nakakapagkalma ng kaunti. Kahit
Chapter 23: Dosage of SerotoninBago umalis si Sandro, bigla niyang naalala ang isang interview kasama ang sikat na TV host. Habang hinahatid siya ni Claire sa garahe, sinabi niya ito sa asawa.“Pack your things, we'll be leaving tonight,” payak na sabi nito. Naguluhan sa kaniya ang asawa dahil sa pagiging biglaan. “Bakit? Saan tayo pupunta? Di ka man lang nagsabing aalis pala tayo,” pag-alma ni Claire sa kaniya. Huminga ng malalim si Sandro, ang pagiging madaldal ng asawa ay unti-unting nakakaubos ng kaniyang social battery. Kailangan niya pa naman ito sa trabaho.“No more buts, pack your best clothes. I'll be back tonight.” Napangiwi sa kaniya si Claire. Hindi naman nito sinagot ang kaniyang tanong. Pero imbes na kumontra, hinayaan niya lang na umalis ang asawa. Kahit anong dada kasi ni Claire, parating si Sandro pa rin ang masusunod. Pagkaakyat niya ng kwarto, tumambad ulit ang isang piraso ng bulaklak. Sa tangkay nito, may nakadikit na kapirasong papel. ‘C’Hindi maiwasang m
Chapter 22: Hubby! “I said, call me hubby!” galit niyang sambit. Mabilis naman itong sinagot ni Claire, “Hubby!” natataranta niyang sambit. Dahil sa nalibang sila pareho, nakalimutan ni Sandro na malapit nang bumukas ang elevator. Pagtunog nito, naabutan sila sa parehong posisyon ng mga empleyado. Kumuha ng litrato ang ilan, at nakapagtatakang hindi ito pinakialaman ni Sandro.Lumabas lang sila ng elevator na parang walang nangyari. Alam niyang kakalat sa internet ang mga litrato, at ‘yon mismo ang plano niya. Pagdating nila sa kotse, bumalik ulit ang malamig na pag-uugali ni Sandro. Ni kibuin ang asawa, hindi nito ginawa. Kailangan pang mauna si Claire na magsalita. “Ano pala ang gusto mong kainin na hapunan? Ipagluluto kita ulit,” alok nito. Binuksan ni Sandro ang makina nang hindi man lang tinitingnan si Claire. Sumagot ito ng walang amok, “I’m already full.”Muling nasaktan si Claire sa pagtanggi nito. Unti-unti siyang nakararamdam na may pakialam lang sa kaniya ang asawa sa
Chapter 21: Carlo the BarbarianIsang malakas na kalampag ang gumising kay Claire. Sa wakas, matapos ang ilang oras na paghihintay sa loob ng banyo, may makapansin na ring mawawala siya. Inakala niyang si Sandro ito kaya dali-dali siyang yumakap pagkabukas pa lang ng pinto. “Thank you, akala ko ro’n na ako mabubulok,” mangiyakngiyak niyang sabi. Nanigas si Carlo sa biglaan nitong pagyapos sa kaniya. Ang mabango niyang buhok ay nakapang-agaw pansin din sa binata. May pinaalala itong babae. Isang mahinang tawa na lang ang sinagot ni Carlo sa kaniya, “Uhmm… I'm not your husband,” pambabasag nito ng katahimikan. Agad na bumitaw si Claire sa kaniya. Namula ito sa hiya at napayuko. “Pasensya na po Sir, akala ko kasi si Sandro,” paghingi nito ng paumanhin. Tumawa nang payak sa kaniya si Carlo, sinusubukang maging kampante sa kaniya si Claire. “Don’t mention it, I'm totally cool with it.” Napangiti sa kaniya ito bago yumakap ulit. Sa sobrang tuwa ay wala na siyang mapagsidlan ng sarili.
Chapter 20: Closed Doors Habang pinupunasan ni Claire ang basang katawan ng asawa, hindi niya maiwasang kabahan. Bagama't walang pakialam sa reaksyon niya si Sandro, labis-labis pa rin ang pag-iingat ni Claire. Ang maliit niyang kamay ay nanginginig at malapit nang mawalan ng lakas. Sa oras na magkatitigan sila ng asawa niya, napalunok ito ng lalalim. Hinawakan ni Sandro ang kamay ni Claire at siya mismo ang gumabay dito para matuyo ang basang parte ng kaniyang katawan. “Be careful next time,” paalala nito. Bago pa makasagot ang asawa, bumalik kaagad si Sandro sa pagtitipa sa laptop. Halatang busy ito at seryoso sa ginagawa. Marahil isang malaking proyekto ang kaniyang inaasikaso. “May kailangan ka pa ba?” masugid na tanong ni Claire. Huminto ng saglit ang kaniyang asawa at nag-isip. Ang katotohanan wala na siyang gustong ipagawa sa asawa pero nalilibang siyang may kasama. Kahit papano, hindi umiinit ang ulo niya sa mga dapat gawin kapag may maasar o mapapagalitan siya. “I