LOGINHabang tinatakbuhan ang nobyong nagtaksil sa kaniya, aksidenteng nakabangga si Claire ng isang bilyonaryo. Imbes na bulyawan o itaboy, inalok siya nito ng kasal. Kapalit ng pera para sa pampaopera ng kapatid, pumayag ang dalaga. Kahit malamig at walang interes sa kaniya ang asawa, ginawa pa rin ni Claire ang lahat para mapagsilbihan si Sandro. Pero ano ang mangyayari kung pati siya'y mapagod na rin sa relasyon nila? Magagawa kaya ni Claire na bitawan si Sandro at ipaubaya na lang sa babaeng nilalaman talaga ng puso nito? Naitali sila hindi dahil sa pag-ibig, pero ngayong ang isa sa kanila ay napamahal na, ano kayang mangyayari sa kanilang malamig na pagsasama—at sa batang nasa sinapupunan ni Claire?
View MoreChapter 25: Ice Cream Monster“Ice cream order no.5!” sigaw ng waiter mula sa counter ng shop. Tumayo kaagad si Carlo upang kunin ito. Tahimik namang nagmasid sa kaniya si Claire, unti-unting namamangha kung paanong kalmado at napakapresko ng ugali nito.“I was once Carlo the Barbarian,” turan nito habang naglalakad. “But now, I'm the ice cream monster!” Napatawa sila ng sabay–ang mukha ni Claire halos mamula na sa paghagikhik simula pa kanina. “Bakit ice cream monster pala?” nagtatakang tanong nito sa binata. “You’ll know why later,” misteryosong sagot ni Carlo sa kaniya. Napakibit-balikat na lang si Claire at hindi na nagtanong pa. Pagkalapag pa lang ng ice cream, agad nila itong nilantakan. Habang nagkukwentuhan sila, biglang naungkat ni Carlo ang pagiging manunulat ni Claire. “Can I have an autograph?” wala sa usapang bungad nito. Kumunot ang noo ni Claire sa kaniya, hindi naman kasi siya artista, pero ang isang mayamang katulad ni Carlo ay humihingi sa kaniya ng autograph.
Chapter 24: Lap“We’re going to have an interview with a famous celebrity,” ani ni Sandro habang papasok sila ng kotse. Naayos na nila kanina ang problema sa panloob kaya pupwede nang umalis ang dalawa papunta sa isang rest house ng mga Escalera. Doon kasi gaganapin ang live interview kasama si Marites Cordoves. Pagkaupo nila, nakaramdam kaagad ng antok si Sandro kahit hindi pa nagsisimula ang biyahe. Pati si Claire naawa sa kaniya. Sayang nga lang at wala silang dalang unan sa loob ng sasakyan. Pero habang nagsisimula nang magmaneho ang driver, biglang nagsalita si Sandro. “Sit properly,” utos nito. Napalunok sa kaniya si Claire, pero agaran ding sumunod sa utos.“Bakit?” tanong nito. Huminga ng malalim si Sandro bago sumagot. Di niya akalaing gagawin niya ito sa asawa. “I’ll sleep on your lap,” saad nito, habang papahiga na. Halos hindi makahinga si Claire ng maramdaman niya ang ulo ng ni Sandro sa kaniyang mga binti. Ang init ito ay kakaiba at nakakapagkalma ng kaunti. Kahit
Chapter 23: Dosage of SerotoninBago umalis si Sandro, bigla niyang naalala ang isang interview kasama ang sikat na TV host. Habang hinahatid siya ni Claire sa garahe, sinabi niya ito sa asawa.“Pack your things, we'll be leaving tonight,” payak na sabi nito. Naguluhan sa kaniya ang asawa dahil sa pagiging biglaan. “Bakit? Saan tayo pupunta? Di ka man lang nagsabing aalis pala tayo,” pag-alma ni Claire sa kaniya. Huminga ng malalim si Sandro, ang pagiging madaldal ng asawa ay unti-unting nakakaubos ng kaniyang social battery. Kailangan niya pa naman ito sa trabaho.“No more buts, pack your best clothes. I'll be back tonight.” Napangiwi sa kaniya si Claire. Hindi naman nito sinagot ang kaniyang tanong. Pero imbes na kumontra, hinayaan niya lang na umalis ang asawa. Kahit anong dada kasi ni Claire, parating si Sandro pa rin ang masusunod. Pagkaakyat niya ng kwarto, tumambad ulit ang isang piraso ng bulaklak. Sa tangkay nito, may nakadikit na kapirasong papel. ‘C’Hindi maiwasang m
Chapter 22: Hubby! “I said, call me hubby!” galit niyang sambit. Mabilis naman itong sinagot ni Claire, “Hubby!” natataranta niyang sambit. Dahil sa nalibang sila pareho, nakalimutan ni Sandro na malapit nang bumukas ang elevator. Pagtunog nito, naabutan sila sa parehong posisyon ng mga empleyado. Kumuha ng litrato ang ilan, at nakapagtatakang hindi ito pinakialaman ni Sandro.Lumabas lang sila ng elevator na parang walang nangyari. Alam niyang kakalat sa internet ang mga litrato, at ‘yon mismo ang plano niya. Pagdating nila sa kotse, bumalik ulit ang malamig na pag-uugali ni Sandro. Ni kibuin ang asawa, hindi nito ginawa. Kailangan pang mauna si Claire na magsalita. “Ano pala ang gusto mong kainin na hapunan? Ipagluluto kita ulit,” alok nito. Binuksan ni Sandro ang makina nang hindi man lang tinitingnan si Claire. Sumagot ito ng walang amok, “I’m already full.”Muling nasaktan si Claire sa pagtanggi nito. Unti-unti siyang nakararamdam na may pakialam lang sa kaniya ang asawa sa


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews