Restore Sa gitna ng pagkalugmok, may liwanag na muling magpapanumbalik ng pag-asa👨⚕️HIDEO ADONISFive years ago...Humugot ako ng malalim na hininga at sinusubukang pigilan ang muling pag-ahon ng galit sa aking dibdib. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga patunay at saksi, pinakawalan pa rin siya. Hindi ko maunawaan kung sinong may kapangyarihan ang nag-utos na siya'y ilipat sa International Criminal Court.Kaagad kong dinial ang numero ni Dok Ivo. Sa kabutihang palad, papunta na rin daw sila ni Athena sa Annex nang oras na iyon. Ngunit hindi ako tumigil doon sapagkat tinawagan ko rin si Dok Flynn. Alam kong may mas malalim itong nalalaman lalo na’t isa si Hera sa mga iniuugnay sa pagkamatay ni Dok Iesu. Hindi ito basta-basta at hindi rin ito aksidente lamang.Binuksan ko ang cellphone ko at agad kong tinungo ang isang secure tracking app. Saglit akong napangisi. Doon ay muling nagpakita ang aktibong signal ng nano-tracker na itinanim namin kay Hera.Ang tracker na iyon… matagal
LegacyKung ako man ay maglaho bukas, ang nais kong iwan ay hindi pangalan, kundi alaala ng kabutihan sa bawat buhay na aking nadampian🌻MARIKAH SYCHELLE Makalipas ang limang taon...Pagkatapos kong magsulat sa whiteboard, muli akong humarap sa aking mga estudyante sa kolehiyo. Ako ang kanilang guro sa asignaturang Philosophy sa semester na ito, tinalakay na namin ang etika at moralidad sa pinakamasalimuot nitong anyo.“Is it ethically right to take the life of someone you love if it means saving a hundred others?” tanong ko sa kanila habang tinitigan ko isa-isa ang mga mata nilang sabik sa diskurso.Agad na natahimik sa loob ng silid, kasabay ng sabayang pagtaas ng mga kamay nila. Isa ito sa mga kinagigiliwan ko sa kanila, ang pagiging aktibo nila tuwing oral recitation. Siguro dahil alam nilang mataas akong magbigay ng puntos sa mga makabuluhang sagot.Napatingin ako sa unang nagtaas ng kamay.“Yes, you may Miss Alano.”Sabay-sabay silang nagsibaba ng kamay nang tumayo ito. Kita k
PerishAll things come to an end even stars can perish, yet in their passing, they leave light in the memory of night.👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Earlier...Panginoon…Hindi ko po alam kung handa na ba talaga ako. Oo, ilang buwan ko pong inihanda ang sarili ko at sa mga klase, sa mga libro, sa mga kwento ng ibang ina. Pero ngayong narito na ako, sa harap ng mismong takdang oras… para akong bata muli natakot, nangangapa, nanginginig.Panginoon, kung maaari po… hayaan Ninyong maramdaman ko na hindi ako nag-iisa. Na sa bawat pagsakit ng aking katawan, naroon Kayo. Na sa bawat kirot at pintig ng aking sinapupunan, kasama ko Kayo sa pagtitiis.Hindi po ako humihiling ng madaling panganganak. Hinihiling ko lang po… ang lakas. Lakas na lampas sa akin. Lakas na hindi galing sa sarili, kundi sa Inyo.At habang ako’y naglalakad sa pasilyong ito, binubulong ko sa Inyo ang pangalan ng anak naming darating. Gabayan Niyo po siya. Ilayo sa panganib. At kung maaari, bigyan N’yo siya ng isang ama na m
Deliverance Deliverance is not just escape; it is the moment when pain births purpose, and darkness gives way to light. 👨⚕️ HIDEO ADONIS Pakiramdam ko'y naba-blangko ako. Para bang tinangay ng kaba ang lahat ng alam ko sa medisina, na tila wala akong pinasa kahit isang board exam. Ang tanging naririnig ko lang ngayon ay ang mabilis na tibok ng puso ko at ang impit na pag-ungol ni Marikah habang sinusumpong ng contractions. Kaagad ko siyang inalalayan papasok sa aming silid. Kumatok ako sa kwarto nina Athena at hindi pa man ako nakakabigkas ng buo ay nataranta na rin siya. Pagkarinig na nagle-labor na si Marikah, dali-dali siyang tumakbo palabas para kumuha ng mga supply sa klinika. Tahimik ang buong bahay. Marahil ay nagpapahinga na sina Lola at Manang matapos ang buong araw naming pagdalaw sa sementeryo. Inayos ko ang pagkakahiga ng asawa ko. Sinigurado kong komportable siya, kahit pa ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Hinagod ko ang buhok niya at bumulong ng, “Kaya n
Resonate May mga salitang hindi lamang lumilipad sa hangin, kundi bumabagtas sa puso—at doon ay nananatili👰♀️ MARIKAH SYCHELLE Tatlong buwan na lang, makakasama na namin ang aming munting anghel. Ang bilis ng panahon. Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw, lalo na sa dami ng mga nangyari mula sa aking first at second trimester. Sa gitna ng lahat ng ito, wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal, para sa kalusugan ng aming anak, para sa aking sarili, at higit sa lahat, para kay Hideo.Ngayon na abot-kamay na ang hustisya, patuloy pa rin niyang ipinaglalaban ang katotohanan. Hindi siya tumitigil sa pagkakalap ng ebidensya at paghahanap ng iba pang sangkot. Kahit pagod na siya, hindi niya ito ipinapakita sa akin. Buo pa rin ang kanyang loob at doon ako lalo humahanga sa kanya.Noong isang araw, matapos ang aking ultrasound, pinili naming huwag munang alamin ang kasarian ng baby. Gusto ni Hideo na magkaroon ng gender reveal ngayong araw. Alam niyang hindi ako mahilig sa engran
ReviveKapag ang kaluluwa’y pagod at wasak, ang biyaya ng Diyos ang bumubuhay muli—sa Kanyang mga kamay, may panibagong simula.👨⚕️HIDEO ADONISAng tanging dasal ko ngayong araw ay pag-asa… at isang milagro.Lagi naman ganoon tuwing may hawak akong scalpel at may isang buhay na ipinagkakatiwala sa akin sa ilalim ng ilaw ng operating room. Lalo na kapag komplikado ang kaso, katulad ngayon. Pero sa kabila ng lahat ng kaalaman, karanasan, at kagamitan, alam kong sa dulo.Diyos pa rin ang magtatakda kung ang isang pasyente ay maliligtas… o hindi.Nakatayo ako ngayon sa labas ng kwarto kung saan naka-admit si Doktora Les. Sa huling sandali bago ang operasyon, hiniling ni Nurse o mas tama siguro, Doktora Chrystallene na makausap siya. Kahit kailan, ayaw talaga niyang ipatawag na “Doktora.” Mas komportable siyang tawagin bilang “Nurse.” Mas pinili niya ang pamagat na iyon kahit pa isa siya sa pinakamahusay na resident surgeons na nakilala ko.Nagkausap na kami ni Les kanina. Tahimik pero
ThresholdSa dulo ng bawat sakit, may hangganan at sa hangganang iyon, nagsisimula ang paghilom👨⚕️HIDEO ADONIS Sunod-sunod ang mga pangyayari ngayong araw at ang pinakahuli, isang insidenteng hindi ko inaasahan, ay naganap sa Annex Building. Mabilis kong nalaman ang kaguluhang nangyari roon, at ang masaklap, iyon ang naging sanhi ng maagang panganganak ni Head Nurse Cat. Dahil wala pa sa tamang gestational weeks ang mga sanggol, kailangang ilagay sila sa ilalim ng mahigpit na obserbasyon sa NICU.Hindi ako nag-aksaya ng oras. Agad akong nagtungo sa Annex upang personal na kamustahin ang mga empleyado, at upang alamin ang totoong takbo ng sitwasyon. Kinausap ko rin si Dok Mouse at ramdam ko ang bigat ng kanyang nararamdaman, lalo’t ito ang kanyang unang mga apo. Humingi ako ng paumanhin, alam kong wala man akong direktang kinalaman, responsibilidad ko pa rin ang kapakanan ng lahat sa ospital. Mabuti na lang din at tapos na mag entrace exam si Dok Rat bago ito mabalitaan kaya naman
👨⚕️ HIDEO ADONIS At ngayon, kaharap ko na ang taong responsable sa pagkamatay ng mga taong pinakamahalaga sa buhay ko, pati na rin sa pagkawasak ng pamilya ng asawa ko, at sa pagkawala ng ama ni Arkey.Mataman akong nakatingin sa kanya, tuwid at hindi nagpapatinag. Iisang lamesa lamang ang pagitan namin, ngunit tila abot ng tingin ko ang lahat ng kasalanang pilit niyang ikinukubli sa malamig niyang anyo. Sa kanyang likuran, nakapuwesto ang tatlong pulis na nagsisigurong hindi ako gagambalain o mapahamak sa kahit anong posibleng galaw ng hayop na ito.Tahimik ang paligid. Masyadong tahimik, na tila bawat tibok ng puso ko ay umuukit ng galit sa dibdib ko.Ganito pala ang pakiramdam na makaharap ang isang demonyo.Hindi siya sumasalubong sa titig ko, pero ramdam kong alam niyang naroon ako na huling taong dapat niyang balewalain.Hindi ako lalaban ng salita. Hindi ko kailangang sumigaw, sapagkat ang bigat ng katahimikan ko ay higit pa sa anumang panunumbat. At sa pagkakataong ito, ak
Trigger Warning ⚠️This chapter contains sensitive content including:• Physical & emotional abuse• Trauma and mental distress• Violence and murder• Medical and psychological themesPlease proceed with care. If any of these topics are difficult for you, consider skipping this chapter or reading it when you feel emotionally ready. Your well-being comes first.If you're struggling, don't hesitate to seek help from someone you trust or a mental health professional.---WrathAng poot ay lason na iniinom ng puso sa pag-aakalang iba ang mamamatay.👨⚕️HIDEO ADONISMatapos kong i-message si Dok Rat sa Messenger ng "good luck" para sa kanyang entrance exam ngayong araw, ibinalik ko ang atensyon ko sa kasalukuyan. Nasa loob ako ng opisina kasama sina Dok Ivo at Dok Maxwell. Tahimik na nagbabasa ng dyaryo si Dok Ivo habang si Dok Maxwell naman ay walang imik na nagsi-scroll sa kanyang hawak na tablet.“Agay... lahat ng articles, puro HC Medical City ang headlines,” biglang reklamo ni Dok