When Sychelle Dayle Fernandez, the love of Hideo Canliagn's life, passed away, his world shattered. A part of him died with her, leaving a void that no amount of success could fill. As the owner and lead surgeon of HC Medical City, Hideo threw himself into his work, determined to escape the pain that haunted him. Years later, a woman with the same name-Sychelle-enters his hospital. She's different, yet something about her awakens feelings Hideo thought he'd buried forever. Is she the key to healing his broken heart, or is he chasing a ghost of the past?
View MoreElegyAng bawat patak ng ulan ay tila luha ng kalangitan, nagdadalamhati sa pagkawala ng iniibig. Ngunit sa likod ng ulap, may araw na naghihintay, handang magbigay-liwanag sa mga pusong sugatan.📿MARIKAH SYCHELLEHindi ko maiwasan na mapangiti nang ilagay ko sa lababo ang dalawang bowl ng pinagkainan namin ni Dok Hideo. May tatlong araw na rin akong naka sick leave. Ramdam ko naman na nakakabawi ang katawan ko. Isa na rin siguro sa dahilan ay nakakaligtaan ko ang pag-inom ng mga vitamins na siyang libre naman na ini-issue para sa aming mga Health care workers. Minsan kasi pag-uwi ay mas ginugusto ko na lamang na magpahinga. Dala na rin na nag-iba ang shift schedule ko kaya nag-adjust ng sobra ang body clock ko. Pero sa unit pa rin naman ako ni Doctor Hideo nakahanay. Kami pa rin ni Nurse Chrystallene ang magkasama. Pero ang student-Nurse na si Mraxia namin ay nalipat sa ibang unit. Sa labor and delivery, pero napapadaan naman siya sa station at ikinu-kwento kung gaano kasungit si D
FondAng mga alaala ng taong mahalaga sa atin ay parang init ng araw—hindi laging nakikita, pero laging nararamdaman.👨⚕️HIDEO ADONISNagbabadya na ang pagbuhos ng ulan nang makarating kami sa Lomihan ni Aling Milings. Kadalasan ay mga hapon o gabi ang dagsa ng tao rito. Nakita ko naman na hindi gaano karami ang mga kumakain kaya makakapili kami ng pwesto na tabi ng bintana na siyang overlooking sa bulkang Taal.Pagka-park ko ay mas lumalakas na ang pag-ambon kaya kinuha ko ang payong at bumaba ng sasakyan. Binuksan ko ang payong at nagtungo sa gawi niya saka siya pinagbuksan siya ng pinto. Mas dumarami ang pagpatak ng ambon kaya inalalayan ko siya sa pagbaba dahil baka matalisod siya pagbaba lalo na at hindi sementado ang kinatitirikan ng parking area. Nang makababa ay kaagad ko siyang isinukob sa payong upang hindi siya maambunan. Pero mas lumabas ang pagbagsak ng ulan. Nagtinginan kami at natulos sa kinatatayuan namin. Kailangan namin na mas lalong idikit ang isa't-isa upang wa
DeeperAng pinakamatibay na ugnayan ay hindi sa dami ng salitang binitiwan, kundi sa mga tahimik na sandaling nagkaintindihan ang mga kaluluwa. Hanapin ang layunin na hindi lamang sa ibabaw ng mundo, kundi sa kaibuturan ng iyong puso."👨⚕️HIDEO ADONIS4 years ago...Nananatili akong nakaluhod sa harap ng pinto kung nasaan ang anak ng dalawang mag-asawang nasawi. Nalaman ko na magtatatlong araw na itong nananatili sa silid kung saan ako nakaluhod ngayon. Labis akong nakadarama ng habag para sa kanya sapagkat nag-iisang anak lamang siya. Pagkatapos ngayon ay wala ni isang magulang ang siyang natira para sa kanya. Kaya labis ang paghingi ng tawad ko sa kanya. Pero kanina pa niya ako pinagtatabuyan. Tila isang punyal na tumutusok sa aking puso ang pagtangis niya ng sobrang sakit.“Wala na pong magagawa ang pagluhod ninyo, hindi po niyan maibabalik ang mga magulang ko... Pakiusap po, umalis na po kayo!” Naramdaman ko muli ang pagkawala ng luha sa aking mga mata. Mas lalo akong napap
Recollection Ang bawat gunita ay tila bulaklak na muling namumukadkad sa hardin ng ating isipan—bawat isa may sariling kuwento at damdamin.📿 MARIKAH SYCHELLEDahil naramdaman ko ang pamamanhid ng aking binti ay napilitan kong imulat ang aking mga mata. Nakita ko sa wall clock na siyang nakasabit sa itaas ng pader na siyang nakatapat sa akin na mag-a-alas sais na. Nasaan kaya ako? Hospital ba ito? Napatingin ako sa kanang kamay ko kung saan may nakalagay na IV Cannula. Pagtingin ko sa dextrose ay malapit na itong maubos sapagkat sobra ng nakaimpis ito. Ang huli kong pagkakatanda ay umuwi ako kahapon na sobrang sama ng pakiramdam ko. Pero pinilit ko pa rin na makapag-ayos upang makapunta sa foundation night sapagkat unang beses ko rin ito na mararanasan. At isa pa, nakakahiya kay Dok Hideo sapagkat wala siyang makakapareha kapag hindi ako sumipot. Kaso ay hindi talaga kinaya ng katawan ko kahit na kagustuhan man ng utak ko. Kasalanan ko rin naman dahil wala akong tulog. Hindi ak
DreamsAng mga pangarap ay simula ng tagumpay—huwag kang matakot mangarap nang mataas, dahil sa bawat hakbang, papalapit ka sa katuparan nito.👨⚕️HIDEO ADONISHindi ko na sinuguro kung nakapag-park ba ng maayos ang sasakyan ko. Kaagad akong lumabas at nagmamadaling pumasok sa loob ng tahanan namin. Hinubad ko ang nakapatong na white tuxedo sa polo ko dahil para akong nasisikipan dahil sa kaba na nararamdaman ko.Nakita ko si Mang Guido kaya mabilis ko siyang nilapitan. "Nasaan po si Marikah? Ano pong nangyari?" puno ng pag-aalala kong turan. "Dinala po namin siya ni Manang Dona sa Klinika ng inyong Ama, Dok. Bigla na lamang po siyang nawalan ng malay habang nakaupo sa sofa, mabuti na lang at kausap niya kami ni Manang nang mga oras na iyon." Paliwanag niya. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Ang kanyang sinasabi na klinika ay nasa likuran na bahagi ng aming mansyon, kumbaga ay nandito ang third gate. Klinika Canliagn— ito ang pinakaunang klinika ng na siyang itinayo ni
CareAng tunay na pag-aalaga ay hindi lang nakikita sa salita, kundi sa mga simpleng gawaing nagpaparamdam ng pagmamahal at malasakit sa kapwa👨⚕️HIDEO ADONISPasado alas singko ng hapon nang matapos kami, naubos na rin kasi ang dalawang bote ng red wine ay nagpasya na rin si Dok Rat na umuwi. Medyo tinamaan na rin si Athena dahil inaantok na raw siya kaya inalalayan na siya ni Dok Ivo patungo sa kwarto niya. Pagbaling ko ng mga mata ko kay Marikah ay abala siya sa pagliligpit ng mga bote at wine glass na ginamit namin. Kaagad ko siyang nilapitan upang pigilan sa takda niyang pagbitbit sa ginamit na board tray para sa charcuterie. "Hayaan mo na lang 'yan, sila Manang na ang bahala d'yan mamaya." Nakangiti kong sambit sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang ibaba ito. "Samahan mo na lang ako na ihatid hanggang sa gate si Dok Rat." "Sige po, Dok." Nauna muli ako akong naglakad habang nakasunod siya sa akin. Nakita ko si Dok Rat na umasim na naman ang mukha habang nakatingin sa am
WonderAng paghanga ay nagsisimula sa simpleng tanong: 'Paano kung?' Ang sagot nito ang nagdadala sa atin sa mga kamangha-manghang posibilidad ng buhay.👨⚕️HIDEO ADONIS Pagkatapos namin kumain ay nagpasya kaming lahat na sa movie room ng mansion manatili, bahala na kung gusto nilang manood ng movies o magkaraoke. Sakto naman na nagpagawa si Athena ng charcuterie board kila Manang, pagkatapos ay kumuha ng dalawang bote red wine at one liter na iced tea para naman kay Marikah. Nauna kami na maglakad ni Dok Rat patungo sa movie room habang tahimik na nakasunod sa amin si Marikah. May binabasa siya sa kanyang mini booklet. Siguro ay dasal. Ako ang unang pumasok sa room upang buksan ang aircon at ilang led lights. Sa may L shaped na couch. Nauna akong umupo, sinenyasan ko si Marikah na sa tabi ko maupo. Isinara niya anv binabasa niyang booklet at tumabi sa akin. Lihim naman akong napangiti. Kaagad kong nakita ang pangangasim ng mukha ni Dok Rat, marahil ay nabi-bitter na naman. “Ha
AmazeKapag ika'y namangha, parang tinamaan ng kidlat ang puso mo—bigla, malalim, at hindi mo malilimutan.👨⚕️HIDEO ADONISNatapos na ako mag-shower at nakapag bihis na muli ng bagong t-shirt. Pagbalik ko ay nasa dining area na Dok Rat. Kaagad niyang naramdaman ang presensya ko kaya napatingin siya sa akin.Pero nakasimangot pa rin siya. Halos magdikit na ang dalawang kilay siya sa pagkunot at nag crossed-arms siya pag-upo ko sa katabing upuan niya. He's still contemplating something that I didn't know."Bakit ba ganyan ka makatingin? Inaano ba kita?" puno ng pagtataka na tanong ko sa kanya.Daig ko pa ang may nagtatampong nobya dahil sa ginagawa niya. Iniisip ko ang dahilan kung bakit para siyang tinotopak ng ganyan."Alam ba ni Yang Xi 'to?" tanong niya."Huh? Hindi ko alam. Ang alin ba?" balik na tanong ko sa kanya dahil naguguluhan na ako sa tinuturan niya."Na inuwi mo rito si Nurse Marikah, baka kasi mas alam niya kasi siya ang BFF mo!" he said bitterly."Hindi ko nga alam kun
EmbraceYakapin mo ang bawat pagkakataon, dahil sa bawat yakap ay may kwento ng pagmamahal at pag-asa.👨⚕️HIDEO ADONISNang mapatingin sa akin si Dok Philip ay ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. Hindi ito isang ngiti na tila natutuwa pa ako sa nangyari sa kanya. Kundi ngiti na makitang maayos na ang kanyang kalagayan. Baka malagot pa ako sa kanyang pamilya kapag nalaman ito. The Valfreya-Marvels is a royal family from the country of Rômanèia—a place I've never been to. They own the biggest hospital in Memphis, New York City, in the US of A. For more than three years, I worked tirelessly to court them for a merger and partnership, especially for their high-end hospital equipment, which they manufacture themselves. They are an incredibly influential family yet remain grounded and humble. Take Prince Philip, for instance—he prefers to be addressed as an ordinary person and, more importantly, as a doctor."I would like to apologize for what happened to you earlier, Your Highn
LifeNoong bata ako, lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit may mga taong kailangang lisanin ang mundong ito. Bakit sobrang ikli lang ng buhay at sa isang iglap lang ay maaari ka ng maglaho sa mundong ito...👨⚕️ DR. HIDEO ADONIS CANLIAGN8 years ago...Intership ko ngayon dito sa sarili naming Hospital. Ang HC Medical City. Ang HC ay base sa pangalan ng Ama kong si 'Henry Canliagn'. Nasa tatlong taon na itong Hospital namin pero isa na ito sa the best Hospital dito sa bansa.Actually, two days ago nang umuwi ako rito sa bansa. Galing akong London dahil doon ako gum-raduate ng Medical School.Kinuha ko sa loob ng white coat ko ang cellphone ko. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang picture namin together ng fiancè ko.Kinausap ko ang litrato namin, "Hi! Mahal, promise bukas I will surprise you okay?"Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya na nakauwi na ako ng Pilipinas. Gusto kong sorpresahin siya. Few months from now ay magpapakasal na kami. I will marry Sychelle Dayle Fernandez....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments