Share

103

Penulis: ArishaBlissa
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-19 01:33:11

Ang masasabi ko lang... napakasarap palang maging isang ama.

Sa bawat araw na lumilipas habang unti-unti akong nagpapagaling mula sa operasyon, kasabay rin nito ang patuloy na pag-usad ng kaso laban kay Hera. Habang ang hustisya ay dahan-dahang lumalapit, isang bagong yugto naman ang buong-buo nang humalili sa puso ko ay itong pagiging ama.

Isang buwang gulang na ang anak namin ngayon.

At sa umagang ito, heto kami sa hardin ng mansyon. Nakahilig siya sa aking dibdib habang maingat kong iniaalay ang kanyang balat sa malambot na sinag ng araw. Tahimik ang paligid, tanging huni ng ibon at pagaspas ng hangin sa dahon ang maririnig.

Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko si Lolo Pedro. Itinutulak ni Lola Perla ang kanyang wheelchair habang paikut-ikot sila sa paligid, tila ba tinatanaw ang bagong pag-asa na isinilang sa gitna ng unos.

Kanina'y nilapitan nila kami. Hindi mapigilan ni Lolo Pedro ang mapangiti habang pinagmamasdan ang kanilang apo sa tuhod. Halatang labis silang natutuwa.

Siguro'y m
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   105- FINAL CHAPTER

    Final ChapterParis, FranceTahimik kaming nakatayo ni Marikah sa loob ng Musée d'Orsay, sa gitna ng sining at katahimikan ng Paris, habang pinagmamasdan ang isang obra na minsang isinilang mula sa pangarap at pagdurusa.Heal the World—ang pamagat ng painting ni Sychelle. Ang kanyang huling obra. Ilang taon ko itong iningatan, hanggang sa ibalik ko ito sa kanyang mga magulang, upang maibahagi sa mundo, dahil ito ang isa sa kanyang pangarap na mapabilang sa kasaysayan ng sining.Sa mata ng marami, isa itong obra maestra. Sa akin, isa itong paalala ng isang pag-ibig na minsang naging lahat, at isang pagkawala na muntik nang sirain ang kabuuan ko.Pinagmasdan ko ang bawat hagod ng brush na banayad, masuyo, at buhay. Naririnig ko pa rin ang tawa niya noon habang ginagawa ito, habang binubuo niya ang mundong nais niyang paghilumin.“She would’ve loved this,” mahina kong bulong, halos kinakausap ko ang alaala.Tumingin sa akin si Marikah, pinisil ang kamay ko, at ngumiti."And now, the wor

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   104- New Life

    New LifeSa dulo ng panalangin, ikaw ang sagot,Pag-ibig na sa sugat ay naging gamot.Mula sa abo ng kahapon, tayo'y bumangon,Bagong buhay, sa puso'y muling ibinangon.Sa hakbang ng pag-ibig, tayo'y magkasabay,Sa mata ng Maylikha, ito'y isang tunay.Marikah at Hideo, kwento ng paghilom—Pag-asang sumibol sa pusong pagod at buo.🌻 MARIKAH SYCHELLE Present...Napapikit ako nang bahagya habang sinasagap ang malamig na simoy ng hangin. May kakaibang katahimikan sa paligid na hindi malamig sa loob, kundi payapa. Ramdam ko ang banayad na haplos ni Hideo sa aking umbok na tiyan, na para bang pinaparamdam niya sa anak naming nasa sinapupunan ang init ng kanyang pagmamahal.Buong puso ang pasasalamat ko sa sandaling ito at buo kami. Magkasama kaming dumalaw sa mga mahal namin sa buhay na pumanaw na. At kahit may kirot pa ring naiiwan, dama ko ang kanilang kapayapaan. Nakamit na ni Lola Perla ang hustisya para kina Mama at Papa, at kung nasaan man silang lahat ngayon, alam kong hindi sila k

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   103

    Ang masasabi ko lang... napakasarap palang maging isang ama.Sa bawat araw na lumilipas habang unti-unti akong nagpapagaling mula sa operasyon, kasabay rin nito ang patuloy na pag-usad ng kaso laban kay Hera. Habang ang hustisya ay dahan-dahang lumalapit, isang bagong yugto naman ang buong-buo nang humalili sa puso ko ay itong pagiging ama.Isang buwang gulang na ang anak namin ngayon.At sa umagang ito, heto kami sa hardin ng mansyon. Nakahilig siya sa aking dibdib habang maingat kong iniaalay ang kanyang balat sa malambot na sinag ng araw. Tahimik ang paligid, tanging huni ng ibon at pagaspas ng hangin sa dahon ang maririnig.Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko si Lolo Pedro. Itinutulak ni Lola Perla ang kanyang wheelchair habang paikut-ikot sila sa paligid, tila ba tinatanaw ang bagong pag-asa na isinilang sa gitna ng unos.Kanina'y nilapitan nila kami. Hindi mapigilan ni Lolo Pedro ang mapangiti habang pinagmamasdan ang kanilang apo sa tuhod. Halatang labis silang natutuwa.Siguro'y m

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   102- Justice

    JusticeAng tunay na katarungan ay hindi lamang paghihiganti, kundi ang pagbibigay ng nararapat sa bawat isa—pantay, makatao, at makatarungan.👨‍⚕️HIDEO ADONIS5 Years Ago...At ako'y tuluyang nagising.Matapos ang matagumpay na open-heart surgery na isinagawa ni Dok Ivo sa akin, hindi lamang siya asawa ng aking kapatid— kundi siyang pinaka pinagkakatiwalaan kong doktor sa puso ko s aking cardiac health. Sa bawat tahi at bawat tibok na muling naibalik, alam kong isa itong panibagong simula ng buhay ko. Inilipat ako mula ICU patungong Recovery Room matapos maging stable ang mga vital signs ko. Tatlong araw pa akong nanatili roon para sa masusing monitoring. Ngunit ang tunay na hamon ng paggaling ko ay hindi pisikal. Ang pinaka mahirap ay ang hindi sila mayakap.Labis ko nang hinahanap ang mag-ina ko. Araw-araw ay tinitiis kong makita lamang sila sa video calls. Walang kasingsakit ang makitang nilalambing ako ni Marikah habang inaalagaan ang aming bagong silang na anak, mabuti na lang

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   101- Restore

    Restore Sa gitna ng pagkalugmok, may liwanag na muling magpapanumbalik ng pag-asa👨‍⚕️HIDEO ADONISFive years ago...Humugot ako ng malalim na hininga at sinusubukang pigilan ang muling pag-ahon ng galit sa aking dibdib. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga patunay at saksi, pinakawalan pa rin siya. Hindi ko maunawaan kung sinong may kapangyarihan ang nag-utos na siya'y ilipat sa International Criminal Court.Kaagad kong dinial ang numero ni Dok Ivo. Sa kabutihang palad, papunta na rin daw sila ni Athena sa Annex nang oras na iyon. Ngunit hindi ako tumigil doon sapagkat tinawagan ko rin si Dok Flynn. Alam kong may mas malalim itong nalalaman lalo na’t isa si Hera sa mga iniuugnay sa pagkamatay ni Dok Iesu. Hindi ito basta-basta at hindi rin ito aksidente lamang.Binuksan ko ang cellphone ko at agad kong tinungo ang isang secure tracking app. Saglit akong napangisi. Doon ay muling nagpakita ang aktibong signal ng nano-tracker na itinanim namin kay Hera.Ang tracker na iyon… matagal

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   100- Legacy

    LegacyKung ako man ay maglaho bukas, ang nais kong iwan ay hindi pangalan, kundi alaala ng kabutihan sa bawat buhay na aking nadampian🌻MARIKAH SYCHELLE Makalipas ang limang taon...Pagkatapos kong magsulat sa whiteboard, muli akong humarap sa aking mga estudyante sa kolehiyo. Ako ang kanilang guro sa asignaturang Philosophy sa semester na ito, tinalakay na namin ang etika at moralidad sa pinakamasalimuot nitong anyo.“Is it ethically right to take the life of someone you love if it means saving a hundred others?” tanong ko sa kanila habang tinitigan ko isa-isa ang mga mata nilang sabik sa diskurso.Agad na natahimik sa loob ng silid, kasabay ng sabayang pagtaas ng mga kamay nila. Isa ito sa mga kinagigiliwan ko sa kanila, ang pagiging aktibo nila tuwing oral recitation. Siguro dahil alam nilang mataas akong magbigay ng puntos sa mga makabuluhang sagot.Napatingin ako sa unang nagtaas ng kamay.“Yes, you may Miss Alano.”Sabay-sabay silang nagsibaba ng kamay nang tumayo ito. Kita k

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   99- Perish

    Perish‎All things come to an end even stars can perish, yet in their passing, they leave light in the memory of night.‎👰‍♀️ MARIKAH SYCHELLE Earlier...Panginoon…Hindi ko po alam kung handa na ba talaga ako. Oo, ilang buwan ko pong inihanda ang sarili ko at sa mga klase, sa mga libro, sa mga kwento ng ibang ina. Pero ngayong narito na ako, sa harap ng mismong takdang oras… para akong bata muli natakot, nangangapa, nanginginig.Panginoon, kung maaari po… hayaan Ninyong maramdaman ko na hindi ako nag-iisa. Na sa bawat pagsakit ng aking katawan, naroon Kayo. Na sa bawat kirot at pintig ng aking sinapupunan, kasama ko Kayo sa pagtitiis.Hindi po ako humihiling ng madaling panganganak. Hinihiling ko lang po… ang lakas. Lakas na lampas sa akin. Lakas na hindi galing sa sarili, kundi sa Inyo.At habang ako’y naglalakad sa pasilyong ito, binubulong ko sa Inyo ang pangalan ng anak naming darating. Gabayan Niyo po siya. Ilayo sa panganib. At kung maaari, bigyan N’yo siya ng isang ama na m

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   98- Deliverance

    Deliverance Deliverance is not just escape; it is the moment when pain births purpose, and darkness gives way to light. 👨‍⚕️ HIDEO ADONIS Pakiramdam ko'y naba-blangko ako. Para bang tinangay ng kaba ang lahat ng alam ko sa medisina, na tila wala akong pinasa kahit isang board exam. Ang tanging naririnig ko lang ngayon ay ang mabilis na tibok ng puso ko at ang impit na pag-ungol ni Marikah habang sinusumpong ng contractions. Kaagad ko siyang inalalayan papasok sa aming silid. Kumatok ako sa kwarto nina Athena at hindi pa man ako nakakabigkas ng buo ay nataranta na rin siya. Pagkarinig na nagle-labor na si Marikah, dali-dali siyang tumakbo palabas para kumuha ng mga supply sa klinika. Tahimik ang buong bahay. Marahil ay nagpapahinga na sina Lola at Manang matapos ang buong araw naming pagdalaw sa sementeryo. Inayos ko ang pagkakahiga ng asawa ko. Sinigurado kong komportable siya, kahit pa ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Hinagod ko ang buhok niya at bumulong ng, “Kaya n

  • The Doctor Series 1: My New Life is You   97- Resonate

    Resonate May mga salitang hindi lamang lumilipad sa hangin, kundi bumabagtas sa puso—at doon ay nananatili👰‍♀️ MARIKAH SYCHELLE Tatlong buwan na lang, makakasama na namin ang aming munting anghel. Ang bilis ng panahon. Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw, lalo na sa dami ng mga nangyari mula sa aking first at second trimester. Sa gitna ng lahat ng ito, wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal, para sa kalusugan ng aming anak, para sa aking sarili, at higit sa lahat, para kay Hideo.Ngayon na abot-kamay na ang hustisya, patuloy pa rin niyang ipinaglalaban ang katotohanan. Hindi siya tumitigil sa pagkakalap ng ebidensya at paghahanap ng iba pang sangkot. Kahit pagod na siya, hindi niya ito ipinapakita sa akin. Buo pa rin ang kanyang loob at doon ako lalo humahanga sa kanya.Noong isang araw, matapos ang aking ultrasound, pinili naming huwag munang alamin ang kasarian ng baby. Gusto ni Hideo na magkaroon ng gender reveal ngayong araw. Alam niyang hindi ako mahilig sa engran

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status