Nagvibrate ang cellphone ko sa isang tawag sa gitna ng tahimik na laban nila kuya. Kinalabit ko si Lulu at winagayway ang umiilaw kong phone. Tumango ito at lumabas na ako.
"Mommy-" hindi pa ko natatapos bumati ay pinaulanan niya na ako ng tanong.
"Where are you? I told you to be with your brother while he's on his quiz bee-"
"Mom, I am here. He made it to the finals kaya po hindi pa po tapos. And besides, I will be here and support him with or without you telling me Mommy." I closed my eyes, trying to recall if I picked my words right.
I heard Eisa in the background. "So you're telling me that this fashion show is cheap and unimportant!? Anong gusto mong palabasin ha Selene!?" I startled.
"N-No Eisa, wala aking sinabing ganun. I didn't mean-" I was cut off by my mom.
"Enough Catherine. Masisira mo pa ang rampa ni Eisa nito. Just tell your brother to be here after his quizbee." Narinig ko pa ang pahabol ni Eisa.
"Tell him to be quick!" and the line went blank.
Hindi ko alam kung ilang minuto ako napatunganga roon pero I texted Lulu na nasa labas lang ako. I didn't have the energy to come back inside dahil sa tawag kanina. May mali nanaman akong nasabi.
Ilang segundo lang pagkatapos kong isend ang message na iyon ay nakatanggap ako ng text from her. I smiled.
Lulu:
He won.
Bago pa ulit ako makapagreply ay bumukas na ang pintuan ng auditorium at naghihiyawan na ang mga estudyante na sa tingin ko'y mga kasamahan ni kuya. Sa daming estudyanteng dumagsa ay napapatianod ako sa agos nila. I can't find Lulu kaya inuna ko nalang puntahan si kuya na pinapalibutan pa ata ng mga ka-batch niya. May nararamdaman na akong mabigat.
Hindi ko na binigyang pansin kung mahahalata ba nilang Senior High ako o hindi dahil sa nakikita ko ay busy ang mga tao sa panalo ng kuya ko.
Lulu texted me na magkita nalang kaming canteen dahil naanod na siya ng mga tao palabas. Pumasok akong auditorium at nagbaka sakali and there, I found my brother who's still busy with congratulatory. I can't reply to Lulu yet dahil busy ako kakahabol sa kuya kong hindi marinig ang tawag ko sakanya.
Kahit nagsisimula nanamang magalburoto ang sistema ko still I tried my best to grab the hem of his uniform at dun lang siya napatingin sa akin. Mula sa ngiti ay napakunot ang noo nito.
"Mom told me na you have to go to the field now, magsisimula na fashion show ni Ei." I said breathtakingly. I tried to hide the raspy tone at humingang malalim at nginitian siya.
"Are you okay?" he asked as he tried to pat the person's back para makadaan siya. I stopped him halfway as I shook my hand and give him thumbs up.
"Eisa told me you have to be quick, so go now kuya!" sinigaw ko na 'yun para marinig niya at ng makaalis na siya agad, at ang crowd na kasama niya.
He looked at me, with furrowed brows for seconds bago tumango na, tinalikuran at umalis na kasama ang batchmates niya.
"Congratulations, kuya." I whispered as they slowly took a step outside happily, paunti na ng paunti ang tao sa auditorium.
I am still lost of kuya's weird stares at me habang naiipit sa crowd. Buti ay inagapan ko.
I still don't know if I should go with him on Eisa's fashion show. Of course I must kase una, kamag-anak ko siya, andun sila mommy and daddy at pambato siya ng batch namin. Pero I think she won't like it if I am there watching. Manood nalang kaya ako sa malayo?
Hindi ko namalayan na hindi na pala normal ang pahinga ko. I exhaled at nagmadali ring naghagilap ng hangin dahil nararamdaman ko nanaman, I should act normal.
Nagmadali akong maghanap ng C.R dahil nararamdaman kong sinusumpong nanaman ako. My hands started to shake as I tried to breathe normally. Sa sobrang balisa ko makahanap ng C.R ay may mainit na kamay ang humawak sa nanginginig at malamig na akin. And I hold breath once more when I saw who it was.
"Hey." habang nakatingin sa mga mata ko, "Okay ka lang?" naguguluhan niyang tanong sa mga mata ko, hawak hawak pa din ang mga kamay ko.
Sa pag paramdam ng sumpong ay tango lamang ang nasagot ko.Ilang segundo niya pa ako tinignan at binitawan ang kamay ko. Dun ko palang napakawalan ang hininga ko ngunit hindi pa din ito bumabalik sa normal. Humalukipkip siya at tumingin sa paligid.
"Wala ng tao, sorry pero kailangan mo na umalis," at nakita kong tinutupi niya hanggang siko ang kanyang uniporme at muling binalik ang tingin sa akin ng malalalim niyang mata.
Dahil hindi pa normal ang paghinga ko ay yumuko nalang ako at tumango bilang tugon. Hindi ko na siya tinignang muli dahil sa hirap na akong tumakbo palabas ng auditorium.
Nanlalabo at umiikot na ang paningin ko ngunit pilit ko pa din hinahanap ang bagay na kailangan ko.
"Shit, asan na ba 'yun" pagtakbo ko at halughog sa bag kahit abnormal pa ang takbo ng paghinga ko.
"Oh my goodness, I shouldn't have left you! 'Di ko naman inaasahan na doon ka susumpungin---girl where the fuck is that shit?" natataranta si Lulu habang hinahalughog ang laman ng bag ko.
Tingin nalang ang naisagot ko sakanya dahil hanggang ngayon ay naninikip pa rin ang dibdib ko. Nandito kami ngayon sa comfort room ng canteen. Nakita niya akong nagmamadali papunta rito at nadatnan niyang ganito ang sitwasyon.
As I saw my bestest trying to find the only thing I needed as of the moment habang ang ibang mga gamit ko ay naglalaglagan na sa sahig. Napatingala nalang ako at sinandal na ang sarili sa sink para maalalayan ang sarili. Hinahampas ko na gamit kamay ang dibdib ko para makahinga.
"There!" she said and ran towards me para maalalayan ako at tulungan sa inhaler kong halos wala na ding laman.
"Darn it! May laman pa ba 'to Selene?" she asked irritably while shaking my almost empty spare case. I inhaled the air given from the device. Tatlong beses ko ito ginawa hanggang sa tuluyan na akong nakahinga ng maluwag. Pinagmasdan ko ang inhaler kong tiyak na wala ng laman.
Nakita ko si Lulu na humugot din ng malalim na hininga na parang nabunutan ng tinik at nagsimula nang magligpit ng mga nagkalat kong gamit. Buti nalang at walang estudyante sa loob ng banyo. Pinulot ko na din ang mga ballpen kong nahulog ngunit sinaway ako ni Lulu."'Wag kang gumalaw diyan Selene Catherine at kikitilan kita ng leeg, sige!" pagbabanta niya.
"Alam mo, we should tell this to your dumb brother. Ang tali talino sa academics, ang bobo naman sa pag-aalaga sa kapatid. Mas pinagtutuunan pa ng pansin 'yang si Eisa." pagrereklamo niya habang patuloy padin sa pagdampot ng mga nagkalat kong notebooks."Lu, 'wag na please. Mas lalo lang ako pagbabawalan." Humalukipkip ako at sumandal sa sink.
Tumigil siya sa pagpupulot at nilingon akong bagsak ang mga balikat, "Selene ano ba, kapag hindi pa na'tin pinaalam kung anong sitwasyon mo papagalitan tayo! Lalo na ngayong palala na ng palala 'yang kung ano mang nangyayare sayo." Tinignan niya akong nagaalala. Napabuntong hininga lang ako at nag-iwas ng tingin.
"Mas mabuti pa, magpatingin na kaya tayo sa doctor? My family doctor kami Sel-" pinutol ko na agad ang binabalak niyang simula noon pa man ay tinanggihan ko na.
"Ayoko Lulu. Simpleng hika lang 'to, siguro. Naalala ko si lola may hika din siya-''
"Pero hindi ka sigurado diyan. Ni hindi nga natin alam kung simpleng hika lang ba talaga 'yan. Hindi ka nga dapat pinagbibili ng inhaler at kung ano pa dahil hindi natin alam kung ano ba talaga ang sakit mo. Palala na ng palala Sel. Natatakot na 'ko." at kita ko 'yun sa mga mata niyang maluha luha na.
Ngnitian ko siya "Kaya Luilaine, don't worry 'di na ko magpapaabot sa pagdami ng tao sa kahit anong lugar. Just please let's still keep this a secret, okay?" trying to convince her.
"Bakit ba kase Sel? Anong meron at tinatago mo padin ito? Malalaman at malalaman din nila kapag-"
"They won't. Hindi nila malalaman 'cause I won't let them know, hindi aabot sa puntong ganun. All we have to do is to keep this secret as much as we can, please?" pagmamakaawa ko.
Frustrated. "Ugh, okay fine! Pero pag naulit pa 'to ewan ko nalang Selene Catherine," hindi na niya matapos ang kanyang sasabihin.
Ngnitian ko siya ng tipid. Pagkatapos naming ayusin ang mga nagulo kong gamit, hinawakan ko na ang kamay niya para makalabas.
"Let's go? We have to catch up sa fashion show ni Eisa." And we walked out of the comfort room like nothing happened.
We're laughing so hard while drying ourselves here in the convenience store we usually go to. It's cold but my heart is warm.Is it still normal?Philip handed me the hot coffee he ordered from the counter. Ang init nito ay mas nagpawala sa lamig na naramdaman galing sa ulan.Looking outside, hearing the drops of rain, holding my cup of warm coffee together with the man I never knew I would be into.Yes, I can now completely admit how much I adore this man. I can freely tell that to myself, Lulu, or even my parents- except for him. Ang tapang kong sabihin sa ibang tao itong nararamdaman ko pero mismong sa kanya ay naduduwag ako.Ang hirap. Natatakot ako. Kahit na inamin n'ya na ang nararamdaman niya para sa akin, kahit na lakas loob niya nang hinarap ang mga magulang at kapatid ko, kahit na sinabi niyang nanliligaw at maghihintay siya. Bakit nahihirapan akong magsabi ng oo, na sinasagot na kita.Is it because of my unknown condition? "You're quiet, what are you thinking?"We’re wal
Binitawan niya ang reviewer niya sa physics. “Musta ka pala sa drama club?” she randomly asked. “’Di na kita madalas mapuntahan doon, you’re always busy with the club and your suitor.” She made a face. Napatigil ako sa ginagawa at napagtanto kung gaano na nga kami kadalas na magkasama ni Philip. He was already been introduced to my dad and kuya Vincent at dinner one night! Mom insisted that I should introduce him to dad as a suitor. It was freaking me out dagdagan pa when kuya heard about that dinner, ay hindi na pinalagpas iyon at umuwi ng maaga! Dad was cool about it. He was asking decent questions Philip and answered them politely. He was not too strict or annoyed by the fact that I brought home a man and introduced him as my first suitor. Unlike my brother on the other side of the table, with Eisa beside her who doesn’t care at all, was very serious and uncomfortable. Alam ko for sure na magkakilala sila, kaya hindi ko alam kung bakit ganto nalang ang itsura nya kay Philip. Mo
“Hijo, anong year mo nga ulit?” Sinagot naman ni Philip ang tanong ni mommy pagkatapos akong pagmasdan ng ilang segundo. Hindi pa naman siguro ako namumutla ano. “Second-year college po, Business Management.” Sumimsim ng tsaa si mommy, “I see, ka batch mo pala ang kuya niya, si Vincent.” Tumango siya at muli akong binalingan. ‘You okay?’ he mouthed and I nodded to assure him. ‘Wag ngayon please lang! Parang mas bumagal ang oras ng pagkain. Hindi ko alam kung ramdam nila ang tensyon o ako lang ang gumagawa noon. Philip was talking to my mother with outmost respect, I can sense that. Natapos nalang ang hapunan ay siya pa ring kaba ang meron sa dibdib ko. Nakapagpaalam na si Philip kela ate Rose at manang pati na rin sa kay Mommy. “Are you okay?” nagaalala kong bungad sakanya nang nasa labas na kami. Madilim na ang labas ng village kaya wala nang masyadong tao sa labas. Parang uulan pa ata. He smiled boyishly. “Of course. Ikaw, you look tense a while ago. You good?” Sa totoo la
“Mom!” napasigaw ako ng wala sa oras. Lumayo ako ng konti kay Philip at natatarantang puntahan ang nanay ko. She is looking sternly at me, looking through her lenses because of the man behind me. Nilingunan ko si Philip and I saw him bow slightly to my mom. “Good evening po, Mrs. Villareal.” My mom never changed her reaction but still acknowledged Philip. “Good evening to you, too.” Iniba ko ang usapan, para mawala sa paningin niya si Philip. “W-why are you here outside?” “I just got home too. Galing pa akong Bulacan and I brought home their famous bulalo, why don’t you ask him to join us.” and then looked at Philip. “Join us for dinner, hijo.” I looked at Philip. Pinanlakihan ko siya ng mata para sana ay makuha niya ang ipinapahiwatig ko. He glanced at me for a moment and answered my mom. “Sure po.” Napapikit ako ng wala sa oras. I want you to go Philip, at baka mainterrogate ka ng nanay ko! Pumasok na kami sa loob. Parang unang beses ni Philip sa bahay namin nang pinasadaha
We’re walking together with the beautiful sunset of Lingayen. Ang ihip ng hangin ang tumatama sa amin pareho pero parang mas presko kung siya ang tignan na kakatapos lang ng practice kesa sa akin. Habang tinititigan siya ay hindi ko maiwasang balikan ang inamin at gusto niyang mangyari sa harap rin ni Lulu. I have a lot of questions in mind. Pero I was scared to make a move and ask him things that are bothering me… Hindi namalayan na kanina pa pala rin siya nakatitig sa akin. I felt my face red. Nahiya tuloy akong ibalik ang tingin sa kaniya. Ngunit siguro dahil kuryoso sa naging pagtitig ko sakaniya, he stared as we continue to walk. Nako, hindi ko nga kaya itanong sa kaniya ang mga nasa isipan ko. I can’t even look at him now. “May I?” Hindi ko naintindihan iyon pero parang bulong ng malamyos na hangin ang rahan ng pagdulas ng kanyang kamay sa akin. He’s talking about our hands. Nagtanong ka tapos sinagot mo rin! Mababaliw ako sa mga ginagawa mo, Philip! "Why are you still
Pareho kaming napatingin ng tuluyan sa kay Philip. Hindi ko alam kung may mas lalakas pa ang kabog ng dibdib ko. He was looking at me intently kahit na si Lulu ang kausap niya, “Kung pwede bang ako ang maghatid sa kaibigan mo mamaya pag uwi?” Nakita ko ang unti unting pag ngiti ni Lulu. Muli kaming nagtagpo ng tingin ni Philip at mas nagpakabog ng dibdib ko ang dugtong niya sa sinabi. “At sa araw araw na rin.” Hindi nakayanan ang paimpit na tili ni Lulu nang nasa banyo na kami, kakatapos lang ng klase. Kahit na kanina pa ang paguusap na iyon ay hindi niya napigilang mapatili kahit sa gitna ng klase. Buti na nga lang at hindi siya napalabas ng genmath teacher namin. Kahit naman rin ako hindi ko makalimutan ang nangyari sa library. Mas tahimik nga lang ang reaksyong ibinibigay ko sa harap ni Lulu, dahil baka kung anong gawin niya sakin kung madulas ako at makwento ko pa ang nangyari kagabi. “Matuto ka na mag ayos ng sarili ah? Tapos ‘wag mo na ko lagi hintayin pag uuwi ka, deretso