Share

Take 5

Matagal na namutawi ang mukha nung lalaking iyon sa akin. Ilang beses ba naman kaming nagkasalubong sa araw na 'to?

"Oh, ba't ka andito?" gulat at tinuro pa ako ni Ate Rose, isa sa mga kasambahay namin.

"Huh? Baket ate?" last time I checked, bahay ko ito at parte pa naman ako ng pamilyang andito.

"Diba aalis kayo?"

I furrowed my brows. Tinawag niya si Manang na lumabas galing kusina, gulat din sa pagpapakita ko.

"Selene, ba't andito ka pa?" kunot noo niyang bungad sa akin.

"Bakit Manang pinapalayas na po ba ako?" pagbibiro ko habang tinatanggal ang sapatos ko.

"Ikaw'ng bata ka! Tumawag ang Mommy mo na hindi raw kayo rito mag maghahapunan."

"Hindi ko po alam yun ah?" inaalala kung may nasabi ba si Mommy o si Eisa nung tinawagan ako kanina.

"Hindi man lang ba kayo nagkita?"

"H-hindi po eh." maski ako parang imposible kung paniwalaan ang tugon.

"Hindi ka man lang ba tinawagan? Yung tiyahin mo, oh lalo na ang kuya mo hindi ka man lang ba sinabihan?" hindi makapaniwala si Manang.

Marahan kong kinuha ang basag kong cellphone sa bulsa ng P.e pants ko, pinindot ang power button at nakita ang mensahe galing lamang kay Lulu.

Lulu:

Nakauwi na ko, ikaw ba?

Walang tawag mula kay Mommy o kay Daddy. Wala ring mensahe mula kay Kuya o kay Eisa.

Sumulyap ako kay Manang at banayad siyang nginitian. "Baka kumakain na po yung mga 'yun."

"Nako, hindi pwede! Magpahatid ka kay Rolando at tatawagan natin ang Mommy mo. Hindi pwedeng—"

Bahagya ko siyang tinawanan sa pagiging agresibo niya. "Manang, 'wag na po! Okay lang." I clinged my arms to her old and rough one at ginaya siya sa kusina.

"Lutuan nyo nalang sana ako ng paborito ko, ayos lang po ba sainyo?" paglalambing ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Tinatanong pa ba 'yan? Oo naman! Halika ka rito at panoorin mo kong magluto ng paborito mo at hayaan mo sila kung kumakain na sila roon. Tandaan mo ang mga sikretong sangkap ko para pang mawala na ako, ikaw na magluluto para sa sarili mo." Mahinahon niyang sinabi.

Suminghap ako at tinignan siya ng masama. "Manang naman! 'Wag nga kayong magbiro ng ganyan!" imbis na dugtungan pa ang sinabi niya ay banayad na lamang niya akong tinawanan.

"You will live longer! Hanggang sa makikita mo kong nagpeperform sa stage. Paglulutuan at tuturuan mo pang magluto ang mga anak ko ng paborito ko." convincing her.

She laughed heartily. "Sana. Gusto kong makita kang magperform sa harap ng maraming tao. Gusto kong makita kang masaya sa mga ginagawa mo at sa mga tao sa paligid mo. Gusto ko pa makita ang magiging asawa at mga anak mo." She smiled genuinely.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "You will Manang, I know that."

Ang hindi ko pag sama sa family dinner ay bahagyang nagpalungkot sakin. Pero mabilis na nawala ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng atensyon at alaga sa akin ni Manang na tinuring ko ng Lola ko sa matagal na panahon na. Maski ang pag-alala roon sa lalaking ilang beses kong nakabunggo sa araw na ito ay panandalian ko nang nakalimutan.

"Ang kapal ng mukha niya. May gana pa siyang magpost sa i*******m ng family matters, hindi naman talaga siya belong." irap ni Lulu habang kumukopya sa assignment ko.

Hindi ko na pinatulan ang sinabi niya dahil busy ako. Hindi totoong hindi siya belong dahil kapatid siya ng Mommy ko at wala namang masama sa pag post niya nun sa social media pero wala akong panahon para sa usapang iyon.

Nasabi na rin naman nila Mommy kung bakit hindi nila ako nasabihan sa dinner na naganap.

"Naging busy ako sa mga nagpapakilala na mga scouts, pwede kase itong si Eisa ipasok sa modeling sabi nung isang judge. "sabi ni Mommy kanina nang umagahan.

"Sorry, empty batt ako kahapon." Si Kuya habang nagbabasa ng libro.

"Andaming kumausap sa Daddy mo about sa planta sa Pampanga at Olongapo, kaya no wonder hindi ka na natawagan o natext nun." tugon ni Mommy habang nakatingin kay Daddy na nasa balkonahe at may katawagan.

"Ikaw Ei, 'di mo man lang ba naalala tawagan o iwan ng text si Catherine?" taas kilay nang tinanong ni Kuya si Eisa na busy sa phone nya kakatext.

She startled when she heard kuya. "Hindi ko naalala, naging busy ako with friends." She said at bago bumalik ang tingin sa katext ay inirapan muna ako. Here we go again.

"Okay lang po, atleast you guys enjoyed. Especially Eisa, congrats sa first runner up mo. Ang laking tulong na sa batch na'tin nun." tipid ko siyang nginitian.

"Are you insulting me?" umahon siya sa kanyang kinauupuan.

Naalarma ako sa pagahon ng galit niya. Pero bago niya pa matuloy ang sasabihin ay inawat na siya ni Daddy. "Eisa will you stop that? Ang aga aga." He turned to me at namungay ang mga mata nito.

"I'm so sorry about yesterday, Cathy. Don't worry, we will set another dinner bago ako umalis ng bansa." then he kissed my forehead.

Tipid ko nalang siyang nginitian dahil ayoko nang maalala at lumaki ang tampo ko over this and become petty.

The talk over breakfast did not last on my stomach dahil panibagong isipin ang nanguna sa akin.

"Alam mo dai, mayaman naman kayo. Executive Secretary ng Pilipinas ang nanay mo at kilala sa business world at man of power ang tatay mo, ang laki pa ng allowance mo. Siguro ang halagang limang daan ay hindi naman masakit sa bulsa ano?" hindi ko siya pinagtuunan ng pansin dahil sa pagtitig ko sa phone ko.

"Nakakabother tignan yung basag mong screen. Pagnakita ko lang talaga yung Joie na 'yun, sasakalin ko siya."

"Baliw 'to. Okay lang naman, hindi na kailangan." pertaining to my screen. Nasabi ko rin kase sakanya ang nangyari sa screen ko pero hindi na ang parteng pagoffer na magbayad nung  lalaki sa auditorium na nakalimutan ko na ang pangalan.

"Ano ba 'yan?"  mula sa pagkaka kunot noo galing sa pagtitig sa phone ko ay mas lalong nadepina ang pagsalubong ng kilay ko sa pag angat ng tingin kay Lulu.

Walang pag aalinlangan kong nilahad sakanya ang cellphone, tinanggap niya ito. "May nagtext kase, 'di ko kilala."

Kita rin dito ang pagiging hindi pamilyar sa numerong nakalagay. Nang wala nang nakitang interesting sa phone kong warak ay ibinalik niya na ito sa akin. "Baka wrong send lang 'yan. Mag ingat ka diyan, baka mafia boss 'yan tapos wanted 'yung hinahanap nila pero random number yung ibinigay at nasaktuhan ka." pagpapatuloy niyang pagbabanta.

"Kaka nood mo ng serial crimes 'yan..." at muling pinagmasdan ang text message.

Unknown:

Meet me up at Aristorium. Lunch break. today.

"Bakit kaya sa lumang auditorium ng Aristotle building pa, eh ang layo nun." I said nonchalantly.

"Kase nga mafia boss 'yan o kung hindi man edi serial killer sa tanghaling tapat! Kaya Aristorium yung napili para malayo sa mga tao. Maliblib na lugar ang usual na ginagamit ng mga 'yun para tago ang transaksyon. Tignan mo ang pormal pa ng pagkakatext." sunod sunod nyang paliwanag.

"Anong kinalaman sa kung paano magtext?" pagtataka ko sa kanya.

"Duh? Mayayaman ang mga tao under mafia organization. Kaya kung ako sa'yo hindi ko papansinin at iboblock ko 'yan. Ikaw pa napaglaruan ng serial killer, nako Sel!"

"Hindi mo naman sinagot yung tanong ko." At ngumiwi sa kanya.

Hindi ko na lubusang naintindihan at nasundan ang mga sinasabi niya pero sinunod ko ang payo nito. Itinago ko sa aking bulsa ang warak kong phone at hindi na nagreply.

Nakakapagtaka lang kung bakit sa abandoned auditorium pa ng school na ito napili ng serial killer or mafia na 'yun makipag-kita sa taong hinahanap niya? Siguro para mangdamay pa ng mga estudyante ang mga tao sa likod nito at mang hostage.

At higit sa lahat, bakit nga ba ako nagpapaniwala sa Luilaine na 'to.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status