Buong maghapon ko inisip iyon. Maghapon ko inalala ang apelyido niya at kung paanong paraan ulit magtatagpo ang landas namin para naman mapasalamatan ko siya.
"Cafeteria nalang tayo, for sure wala masyadong tao dun..." pag-aya ni Lulu.
"Bakit? Laro ba ng basketball ngayon o volleyball naman?"
"Ng football."
That stopped me. Baka pwede roon ko nalang sabihin ang thank you ko? After the game kaya?
"Hindi ba tayo manonood?" pagbabakasakali ko.
Umupo kami sa isa sa mga libreng upuan ng cafeteria. Hindi punuan dahil nga siguro sa laro ng football. Masasabi kong kahit na mas sikat ang basketball at volleyball na laro, dito sa bayan
Hindi ko alam na matagal palang tumatak sa isip ni Lulu ang nangyari sa cafeteria. Tinanong niya kung paano at ilang beses kaming nagkabungguan ni Philip kaya ikinuwento ko na sa kanya ang lahat simula nung battle of the brains at kahit ang pagbili nito ng tempered glass ko at... ang phonecase.Kita sa mukha niya na hindi siya makapaniwala. "All this time Selene..." hindi niya na nadugtungan ang sasabihin kaya nag sorry nalang ako dahil sa pagtatago ng kwento sa kanya."Pero hindi ko makakalimutan nung tinawag mo siyang kuya," hagalpak ng tawa ni Lulu rito sa kwarto ko."Shh, baka marinig ka ni kuya Vincent," pagtatakip ko sa bibig niya. It just dawned me kung gaano nga nakakahiya iyon. Bakit nga ba? Eh magkabatch sila ni kuya, natural lang naman siguro na tawagi
Pababa na kami nang dumeretso kami sa dining dahil nagsisimula na silang kumain, kahit wala pa ako. Scenario like this is not new anyway."Oh andito ka pala Luilaine, kumain muna kayo," pag ayaya ni Daddy. Nagmano ako at h*****k sa pisngi at sumunod si Luilaine upang mag-mano."Hindi na tito, hindi ko po kayo matatagalan—I mean hindi po ako pwede matagalan kase hinahanap na po ako sa bahay,"pagtatama niya kung hindi ko pa siya sinamaan ng tingin."Ganun ba? Sayang naman at nagluto pa naman ako ng marami kasi nandito ka. Oh sige magiingat ka hija, bumalik ka ulit next time," si Mommy."Kung makakayanan po ulit ng sikmura ko—w-will do tita, masarap luto nyo eh kaya babalik-balikan ko po talaga!" kinurot ko na
Simula nung gabing iyon, that call hunts me for almost two days. Ngayon, everytime na nagkakasalubong kami hindi lang tinginan ang nagagawa, nakukuha niya pang kawayan ako while I still feel awkward! Kaya hindi ko na iniisip kung ano ang itsura ko everytime na nagkakabatian kami.Natapos rin ang intramurals week at balik na sa gulo at ingay, hindi ng pang sports event kundi gulo at ingay sa reklamo tungkol sa sunod sunod na pending activities.Pangatlong araw palang ng finals ay mukhang pang hell week na ang datingan ko. Nag start na din ako mag-aral para sa exam na gusto ni Mommy na pageexaminin ko kahit na imposbileng makapasa. Simula palang ng umaga ay parang pang hapon na nang pumasok ako dahil bago pa ako makalabas ng bahay kanina ay pinagalitan pa ako ni Mommy.
Pang hapon na klase na pero hindi ko parin makalimutan ang nangyari kanilang assembly. Tinitigan ko ang I.D. Ngayon ko lang naisipan tanggalin ang papel na tumatakip sa mukha niya. Nang tuluyan kong natanggal ang papel ay naramdaman kong pumula ang mukha ko. Havier, Philip Arthur B. 2nd Year College- Business Management Tinitigan kong muli ang mukha niya sa I.D. Nakaangat ang ulo nito at bahagyang nakatagilid pa. His thick brows were placed properly, complementing his whole face. His eyes are dark but his grin is telling otherwise, showing some portion of his white teeth. Making his dimples on the right cheek appear deeply. Every minute na mas tinititigan ko ito, mas lalo akong pinamumulahan. Little did I know, I am now memorizing every corner of his well-scupltured face. Parang walang mintis at pinagplanuhang mabuti ang bawat parte ng mukha niya. In my interactions with Philip, I am slowly mesmerized not just by his looks, but by his kindness. Tapos na ang klase kaya nakipag ki
“Malapit na rin naman ang samin,” bulalas ko sa gitna ng katahimikan namin. Galing kaming convenience store at bumili siya ng tubig para sa amin. Palubog na ang araw na kita sa salamin ng tindahan at dun lang siya gumalaw nang nagsalita ako. Tahimik kaming naglalakad, ramdam kong hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari kanina. Maski naman ako pero mas nagaalala ako sakanya kase baka matrauma siya. “Sorry sa n-nangyari. Uhm, first time mo ba ‘yon?” maingat na tanong ko sakanya at nagangat ng tingin. He stopped walking, and then he faced me harshly. “Oo,” pag amin niya. “Nako pasensya na, hindi mo na dapat-“ “Ano?” he spat angrily. “Ba’t ka humihingi ng dispensa? Sa sinasabi mo parang sanay ka na. Bakit nangyari na ba sayo ‘to?” Shocked by his confrontation, nangapa ako ng sasabihin, hindi na makatingin. “Isang b-beses, oo.“ “Anong kinuha sayo?” Halos magdugtong na ang mga kilay niya. “Pera, pero konti lang ‘yu
The usual interactions with Philip became more than the usual. Hindi ko na kailangan pang maaksidente at kung anong negatibong pangyayari dahil imposible man ay si Philip na mismo ang lumalapit sa akin kapag nagkakasalubong kami. Hindi ko nga rin masisisi ang pagdududa sa mukha ni Lulu. Kung makalapit at makipag-usap naman kasi si Philip sa akin kahit na kasama ko si Lulu ay parang ilang taon na ang pagkakaibigan namin. I can’t blame her though, hindi niya naman kase alam yung pangyayari nung nakaraan at kahit ang tungkol sa I.D. May isang araw pa na sa sobrang kuryosidad niya pagkatapos dumaan ni Philip sa library ng building namin at nginitian ako ng makita at kumaway pa. Hindi na siguro natiis kaya nagtanong na. “Paano kayo naging close niyan? ‘Tsaka paano napunta ‘yan dito eh nasa kabilang department ang kanila at may sarili naman silang library.” Pagkatapos ng palakaibigang ngiti at kaway kay Philip ay nilingon ko si Lulu, “Baka napaadaan lang. I
Over the dinner hanggang sa breakfast kinabukasan pagkatapos ang pag-aaral ko kasama ang councilor ay pilit ko pa rin kinukulit ang mga magulang ko. ‘Yun nga lang, hindi naman ako pinapakinggan ni Mommy at mas ginigiit pa ito. Ang Daddy naman ay hindi ako mabigyan ng atensyon dahil na kahit sa pagkain sa hapag ay may katawagan. Hindi naman ako malingunan ni Kuya para makahingi ng tulong at mas lalong kay Eisa dahil tatarayan lang ako nito. “Gusto ata ng Nanay mong mag Ombudsman ka ah,” aniya sa pabirong boses ngunit salungat sa pinapakita niyang sarkastiko sa mukha. “Ang ayoko lang Lu ay ‘yung kukuha pa sila ng magtuturo sa akin. Hindi dahil sa nagmamataas ako na magaling na ko kundi mas natatakot ako na madisappoint ko sila, lalo na si Mommy.” Bumuntong-hininga si Lulu at mas ibinigay ang atensyon sa akin. “Anong gagawin natin?” “Ako lang Lu, anong gagawin ko,” ayoko namang madamay pa siya sa galit ni mommy. “Kausapin kaya natin si Ti
“May… fishball po kayo?” pagaalinlangan kong tanong sa tindero. Pareho silang napalingon sa akin dahil sa tanong. Kahit si Philip ay napahinto sa pagnguya ng kinakain. “Ay hija eto lang benta ko, dun kanina sa kasamahan ko kaso lumipat ng pwesto, dun siya sa kabilang eskwelahan.” Sabi ni Mang Rodelio kung tawagin ni Philip. Dahan dahan akong tumango at binalikan ng tingin ang mga paninda niya, hindi ko alam kung anong bibilhin. Napabaling ako sa katabi ko. “Hindi ka kumakain ng isaw?” manghang tanong niya. “Any of that,” nahihiyang pag amin ko. Tinitigan niya ako tsaka tinapos ang kinakain para magbigay ng barya sa kay kuyang tindero. “Dalawa pa sa akin mang Delio,” kumuha siya ng dalawa at ibinigay sa akin ang isa. “Kahit din naman ako ‘di ako kumakain ng iba, eto lang.” Ibinigay niya sa akin ang isa na tinanggap ko. Mabango siya katulad ng mga typical na barbeque, kaso kakaiba dahil pa zigzag ang itsura na kulay orange.