MasukRhiann’s Pov.
Kanina pa nakaalis si Bryan kaya nag- abang na ako ng taxi. May sasakyan naman ako pero gusto ko mag commute na lang. Maya-maya nakarating na ako sa school maraming nagbubulungan at nagtataka. Bakit daw ako pamasok dapat daw nasa honeymoon pa raw kami. Natawa na lang ako ng palihim sa mga pinagsasabi nila, saka tuloy-tuloy na sa paglalakad. Nandito na rin pala ang mga kaibigan ko na nakatingin sa 'kin. Tiningnan ko 'yong likuran, wala rin ang magkakaibigan baka nasa tambayan nila. Sila Bryan ang may-ari ng school na 'to. "Uyy! Nget, ba't andito kayo? Dapat nasa honeymoon kayo ni Kuya, right?" sabi ni Shane at medyo napalakas 'yong boses niya kaya tinutukso ako ng mga kaklase namin except sa mga kaibigan ng ex-gf ni Bryan. Bigla naman nag-init ang pisngi ko dahil sa mga pinagsasabi nila. "Ay naku! Shane, alam mo namang ang Kuya mo ang problema natin, right?" pa tanong na sabat ni Aya. "Oo nga pala, 'no? Ito talaga si Kuya, oh. Mamaya ka sa 'kin," sabi ni Shane. "Okay lang, Nget. 'Tsaka, wala pa sa isip ko ang gano'ng bagay, 'no. Alam niyo naman na kahit mahal ko si Bryan 'di ko isusuko ang bandera ko, 'no!" natatawa na bulong ko sa kanila ni Aya. Ngumiwi lang sila dahil alam nilang fake lang 'yong tawa ko. "Alam mo, Nget. 'Di mo kami maloloko." sabi ni Aya. "Oo nga, Nget. 'Tsaka, sabay-sabay tayong maglunch mamaya, ah. Alam kong 'di kayo sabay ni Kuya kumain." sabi ni Shane. Tumango na lang ako, may-maya dumatimg na 'yong prof. namin sa unang subject at sumunod naman ang mga kaibigang pumasok. Agad naman silang nagtungo sa upuan nila. Maya-maya nagsimula na ang Prof. namin magdiscus. "Cringgg!! Cringgg!!" tunog ng Bell hudyat na lunch time na, kaya nagsilabasan na ang mga kaklase namin at gano'n din ang magkakaibigan nasa likod. Kaya kami na lang ang naiwan. "Tara na, Nget. Gutom na 'ko, eh." Shane, holding her tummy. "Lagi ka namang ganyan, eh pero 'di ka naman tumataba. HAHAHA!” natatawa na sabi ni Aya kay Shane. "Ang sama mo, Nget. Gutom lang talaga ako, eh." Shane pouted. Mabiro nga HEHEHE. "Para kang pato ‘pag naka-pout, Nget." natatawang sabi ko ang cute niya kasi, eh. HAHAHA! "Heh!! Pinagkakaisahan niyo naman ako, eh!?" maktol ni Shane, ang cute niya talaga. "Tara na nga lang," sabi ni Aya kaya lumabas na kami. Pagdating sa cafeteria naghahanap agad kami nang mauupuan. "Ako na lang mag-order, Ngets." Aya said. Tinanguan na lang namin ni Shane saka nag-order na. Agad na bumalik si Aya. Habang naghihintay pa kami sa mga order namin ay nag-usap kami. "Nget, natutulog ba kayo ni Kuya sa iisang kwarto?" tanong ni Shane. "Hindi nga, eh. Sa guess room lang ako natutulog pero ayos naman na 'ko…" paliwanag ko. "Alam mo, Nget. Kami ang naaawa sa'yo. Sinabi naman namin sa'yo, 'di ba na mag back out ka na lang sa kasal niyo? Kasi ikaw lang din ang masasaktan, eh." Aya snorted. "Gustuhin ko man pero wala na akong magagawa. Magulang namin ang nagtakda sa 'min. Sa totoo lang, sinubukan ko namang tumutol, eh. Kasi alam kong may mahal na si Bryan pero wala akong nagawa," malungkot na saad ko. "Nget, sorry, ah. Wala akong nagawa. Sinubukan ko ring kausapin sila Mom at Dad na baka may pag-asa pang 'di na matuloy ang kasal, pero sabi ni Dad na kailangan ka pakasalan ni Kuya." malungkot ding Saad ni Shane. ‘Kung alam niyo lang, Ngets. Kung bakit natuloy pa rin ang kasal.' Sabi ko sa isip ko. Kahit mahal ko si Bryan noon pa man, sinubukan ko pa ring tumutol, eh. Kaya lang no'ng malaman ko ang dahilan mas pinili ko na lang na matuloy ang kasal. Kahit alam kong sa oras na matuloy ang kasal ay magbabago ang takbo ng buhay ko. Gayunpaman masaya ako sa desisyon ko kahit papa'no. "Siguro may dahilan kung bakit kayo ina-arrange marriage, Nget," nagdududang sabi ni Aya. Napa-isip naman si Shane sa natahimik din siya ng bahagya. Kung alam niyo lang. "Iyon din ang lagi kong iniisip, eh. Nget, hindi kaya totoo ang nasa isip namin?" saad ni Shane. Gustuhin ko mang tumango tumahimik na lang ako. "Ewan ko lang, Ngets. Wala rin akong maisip na dahilan, eh." Malungkot kong sabi saka yumuko nalang. Alam kong nag-aalala lang sila sa 'kin. "Sana lang mali ang hinala naming may dahilan talaga kung bakit kayo humantong sa ganito ni Bryan," nag- aalangang sabi ni Aya. Sana nga, pero alam kong kabaliktaran no'n ang lahat. "Sana nga, Nget. Ako 'yong naawa sa kaibigan natin," saad ni Shane. "Huwag kayong mag-alala, okay lang naman ako kahit papa'no. Kaya ko ang sarili ko," saad ko para mapanatag na ang mga loob nila. "Alam naming hindi ka okay, Nget. Kaya 'wag ka na magkunwari." Aya said, trying to read my mind. Talagang kilala nila ako, ahh. Sabagay simula high school pa naman kami magkakaibigan. "Heto na po ang order niyo, Ma'am," sabi ng waiter ng Cafeteria sabay lapag sa mga order namin at umalis. "Kain na nga lang tayo," sabi ko para 'di na sila dumaldal pa. Kaya kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay sabay-sabay ulit kaming pumasok. Tamang-tama pa ang dating namin, kasi sumunod rin ang Prof. namin saka nagsi-upuan na kami at nagsimula ng mag-klase ang Prof. namin. Lumilipad naman ang isip ko.Rhiann's pov. *Flashbacks* Nasa isang beach resort sila at ang batang babae. Nagbabakasyon sila kasama ang kaniyang pamilya. Sampung taon pa lang ang batang babae ng panahon na iyon. Masaya silang nagbabakasyon do'n kasama ang ka business partner ng nga magulang niya. Namamasyal sila sa buong resort. Isang araw naglalaro si ang batang babae sa may buhangin sa gilid ng dagat. Lumapit sa kaniya ang isang batang babae na anak ng ka business ng magulang niya. Nakipag kaibigan ito sa kaniya at masaya silang naglalaro doon. Maya-maya may isa pang batang babae ang dumating at gustong makipag laro sa kanila. Kinaibigan nila iyon saka naglalaro silang tatlo sa buhangin. Sumapit ang hapon at nasa may cottage ang mga magulang, pati ang batang babae. Kahit ang mga magulang ng bagong kaibigan niya. Maya-maya sabay-sabay na naglalakad silang lahat patungo sa may gilid ng dagat. Kung saan tanaw na tanaw ang paglubog ng araw. Sabay-sabay nilang pinanonood ang paglubog nito. Masayang-mas
Rhiann’s Pov Pagkatapos naming mag-usap nagpaalam na kami sa isa't isa may gagawin pa raw sila. Babalik naman si Shane sa hospital kung saan siya nagtrabaho. Gano'n din ang iba sa kompanya nila dumeretso. Pasado ala-una kasi. Kami naman ni Jake ang huling umalis. "Saan mo pa gusto pumunta?" tanong ni Jake nang makasakay kami sa kotse niya. "Hmm. Sa park na lang. Mukhang wala talaga akong maalala, eh." Sagot ko sabay kabit ng seat belt ko. "Okay. Kain tayo ng streets food bago pumanta sa park." Sabi ni Jake tango na lang ako. "By the way, anong gusto mong iregalo ko sa'yo sa birthday mo?" Nakangiting tanong ni Jake. "Hmm. Ano ahm... kahit ano basta galing sa puso." Nakangiting sabi ko. "Really? Okay." Malawak ang ngiting sabi niya. Ang bait talaga ng Jk ko. No'ng nasa U.S pa kami siya ang madalas kong kasama. Nagba-bonding kami sa U.S at nanonood ng sine. Siya lang 'yong bff ko do'n. Minsan naman nag mo-movie marathon kami sa bahay nagtatawanan, nagkukulitan at nagbibiruan.
Rhiann’s Pov Wala naman akong maisip na magandang iregalo para sa 'kin. Mas gustuhin kong nasa kanila kung ano ang gusto nilang ibigay. "Hmm... okay." Nakangiting sabi ni Shane. "Wait, okay na sa 'kin na makasama ulit kayo. Best gift na 'yon para sa 'kin." Nakangiting sabi ko. Tumili naman sila dahil sa sinabi ko. "Awiieeee! Ang sweet mo talaga, nget!" tili ni Aya. "Oo nga, walang pinagbabago ang bff natin," sabi pa ni Shane. "Ngets ever kaya tayo, 'di'ba?" nakangiting sani ko na ikinangiti nila ng malaki. Hahaha! Halos mapunit ang mga labi nila hehehe. "Pa'no naman kami?" nakapout na sabi ni Kevin. "Di namin kilala." Natatawang sabi nila Shane, Aya at Kath pati si April. "Ansama niyo naman!" maktol pa ni Tom. Tinawanan lang namin sila. "Syempre, kaibigan din namin." Nakangiti kong sabi. Napangiti naman sila ng todo. "Eh, anong tawag niyo sa 'min?" nakangiting tanong ni Tob. "Asungot!" biglang sabi ni Shane. Tumawa naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Shane. "Gra
Rhiann Pov.Nandito na kami ngayon sa coffee shop. Sabi nila ito lagi ang pinupuntahan namin noon. Actually, pangalawang beses ko nang pumunta rito simula nang bumalik kami ni Jake rito sa pinas. Sabi kasi ng mga kaibigan ko na tutulungan nila akong maalala lahat. Pero hanggang ngayon wala pa akong naalala. Nararamdaman ko lang na familiar ang lugar pero 'di ko naman matanadaan. Haysstt."Anong gusto ninyong inumin o kainin? Ako na mag order," tanong ni Kevin.Ang cute nilang tingnan ni Kath bagay na bagay sila yiieeee."Yong dating order na lang," sagot ni Tob na nasa tabi ni Shane. Bagay na bagay rin sila. "Yong dating order rin ni Rhiann ang sa kaniya." Nakangiting sabi ni Jake.Tumango lang si Kevin saka umalis. Habang naghihintay kami kay Kevin nag kwentuhan kami."Alam mo Shane, bagay na bagay kayo ni Tob." Nakangiti kong sabi.Namumulang kinilig naman si Shane."Syempre, wala nang pwedeng makakasama 'yang babe ko kundi ako lang. Ako lang kaya ang pinakagwapong bagay na bagay
Rhiann’s Pov Tumingala ako para pigilang pumatak ang luha ko. Alam kong masakit ang nangyari sa asawa niya dahil kahit ako nasasaktan ako sa mga narinig ko. Papaano kaya nakayanan yun ng asawa niya? "Pero hindi pa rin ba minahal ni Bryan ang asawa niya? Kahit na dalawang taon na silang mag asawa?" tanong ko pa. Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. "No'ng malaman ni Bryan ang reason kung bakit sila ipinagkasundo ng asawa niya. Doon niya napagtantong mahal pala niya ang asawa niya. At napagtanto rin niyang sinisiraan lang ni Athena ang asawa niya. Unti-unti na ring nawala ang pagmamahal niya kay Athena. Bagay na labis ikinasaya ng mga kaibigan ng asawa ni Bryan. Kahit ang kapatid ni Bryan ay galit na galit kay Athena at Bryan. Pero alam ng kapatid ni Bryan na matagal ng mahal ni Bryan ang asawa niya no'ng simula nang bumalik si Athena." Mahabang kuwento pa nito. Habang nakikinig ako ay tila ba ako ang nasasaktan para sa asawa ni Bryan. Kawawa naman pala siya kung gano'n. Pan
Rhiann’s PovHe sighed and chuckled. "Ang bait mo talaga. Ikaw pa rin ang Rhiann na kaibigan ko at minahal ko…" sabi niya pero hindi ko narinig ang huling sinabi niya 'di ko na lang pinansin 'yon."Bakit mo naman nasabaing mabait ako?" tanong ko."Kasi, simula noong makilala kita mabait ka na. 'Tsaka, tuwing may mang-aaway sa'yo 'di mo pinapatulan. Kaya nga kaming mga kaibigan mo ang nagtatanggol sa'yo tuwing aawayin ka ni Athena noon," sabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya."Gano'n? Pero sino si Athena?" tanong ko pa."Gusto mo talaga malaman?" naniniguradong tanong niya. Kahit nagtataka tumango na lang ako."Oo, sino si Athena?" tanong ko uli."Siya ang babaeng laging nang aaway sa'yo. Siya rin ang karibal mo sa taong mahal mo." Sagot niya nakita ko ang sakit sa mga mata niya.Bakit naman? Tsaka mahal ko? May minahal pala ako? Sino naman 'yon?"May minahal ako? Sino?" takang tanong ko. "Oo. Siya 'yong taong mahal na mahal mo noon. Si Bryan," sagot niya na
Bryan’s Pov Habang nag-susumamo na nakatingin sa kanilang tatlo. Tinanggal nila ang gloves nila na may dugo. Napabuntong-hininga pa si Doc. Jace at seryusong tumingin sa mga magulang ng asawa ko bago nagsalita si Doc. Jane. "Grabe ang natamong pinsala sa ulo niya. At marami na ring dugo ang naw
Bryan’s PovPakiramdam ko ay biglang bumagal ang takbo ng oras. Nanlulumo akong nakatingin kay Rhiann. Para akong kinapusan ng hininga at halos 'di makagalaw sa tinatayuan ko nang makitang tumalsik siya at humarurot ang sasakyan paalis.Parang gumuho ang mundo ko nang makitang nakahandusay na siya
Rhiann Pov.Required ba talaga na kapag nagmahal ka, masasaktan ka? Gano'n ba talaga kapag nagmahal, kailangan mong pagdaanan ang lahat ng sakit para makita mo ang totoong pagmamahal?Kapag ba 'di ako magmahal, 'di ako masasaktan?Dahil tuwing magmamahal ang tao laging nasasaktan.Lagi na lang luha
Rhiann Pov.Ayaw kong sasabihin ang lahat ngunit kailangan. Kailangan para naman malinawan siya. Baka sakaling sa pagkakataon na 'to matauhan na siya.Masakit sa 'kin na sa bibig ko mismo lalabas ang lahat para matauhan siya.Pero kailangan ko pa ring sasabihin."Alam mo bang masakit sa 'kin na sin







