LOGINDati, naniniwala si Amara na love could heal everything. Ikinasal siya kay Lucien—isang napakatalino ngunit cold-hearted na surgeon—ang lalaking minsang naging sandalan niya sa gitna ng sakit. Sa mga panahong iyon, kahit ang hapdi ng bawat araw ay nagiging matiisin, basta’t naroon ito. But love does not survive betrayal disguised as indifference. Nang bumalik si Lysandra—ang babaeng kailanman ay hindi nawala sa puso ni Lucien—doon tuluyang gumuho ang mundong pilit binuo ni Amara. Unti-unti niyang tinanggap ang katotohanang matagal na niyang tinatakasan: she was never the one he chose. Isa lang siyang substitute. Isang pansamantalang kapalit sa isang kuwentong hindi kailanman naging kanya. Buntis siya. At ang batang dinadala niya’y itinuturing ng mali. Para kay Lucien, ang lahat ay parang isang operasyon: dapat malinis, kontrolado, walang “error.” Kahit pa ang kapalit nito ay isang buhay… o isang pusong tuluyang madudurog. Ngunit ang wakas ay dumating nang makita ni Amara ang huling pruweba ng pagtataksil. Sa sandaling iyon, may kung anong tuluyang namatay sa loob niya. Hindi na siya umiyak. Hindi na siya nagtanong. Hindi na siya umasa. “I want a divorce.” Apat na salitang sapat para patahimikin ang buong mundo ni Lucien. Ngunit imbes na magalit, tumawa ito—mababa, malamig, mapanlait. “Divorce? Saan ka pupunta? You have no degree, no job, and your mother is sick.” Ngunit ang babaeng nasa harapan niya ngayo’y hindi na ang Amara na kilala niya. “Maybe I’ll struggle,” mahina ngunit matalim ang boses niya. “Pero mas pipiliin kong maghirap sa labas kaysa manatili dito—sa ‘yo—bilang kapalit ng babaeng hindi mo kailanman binitawan.” Sa unang pagkakataon… natahimik si Lucien. Dahil ang babaeng akala niyang hindi kailanman aalis—ay siya mismong handang iwan ang lahat. At sa pagkakataong ito, Amara will rewrite everything—walang babalikan, walang aayusin, at wala nang pagmamahal na muling magliligtas sa kanila.
View More“Miss Amara, congratulations—buntis ka!”
Natigilan si Amara. Mahigpit niyang hinawakan ang test report sa kanyang kamay at nanatiling tahimik sa mahabang sandali.
Sabi ni Lucien ay ayaw nito ng bata, kaya sinisiguro nitong lagi siyang umiinom ng contraceptive pills.
Paano ito nangyari?
Mukhang kailangan niyang kausapin si Lucien.
Kinagabihan, dinalaw ni Amara si Lucien sa Del Castillo Medical Center sa gitna ng malakas na ulan. Basang-basa ang kanyang mga damit. Maingat niyang tiningnan ang lunchbox na yakap-yakap niya… salamat naman at hindi ito natapon.
Valentine’s Day ngayon, kaya hindi siya nagsabi kay Lucien na pupuntahan niya ito, gusto niya itong i-surprise.
Hindi tulad ng mga ordinaryong ospital, tahimik ang pribadong medical center. Ang mga pinto ng lounge ay gawa sa mabigat na kahoy, nagpapahiwatig ng dignidad at propesyonalismo sa kabila ng malamig at seryosong atmospera nito.
Dahil akmang bubuksan na niya ang pinto, nakarinig siya ng tawanan ng mga lalaki at babae sa loob.
“Lucien, apat na taon ding hindi umuwi ng Pilipinas si Sandra. Ngayong divorced na siya finally, dapat mag-divorce na rin kayo ni Amara!”
Sandra… Lysandra?!
Sa pagbanggit pa lang ng pangalang tila bangungot na sa kanya, nanginig ang kamay ni Amara na humahawak sa lunchbox.
“Tama ’yun. Kayo naman talaga ni Sandra ang meant to be. Kaming lahat, umaasang pakakasalan mo siya! Kung hindi lang dahil sa pagtutol ng pamilya mo, hindi mo naman pakakasalan si Amara!”
Ang lalaking nakaupo sa gitna ay naglalabas ng malamig at mailap na aura. Ang kanyang silver-gray na salamin ay nakapatong sa matangos niyang ilong, at ang kanyang tingin sa likod ng mga lente ay kasing talim ng scalpel—puno ng awtoridad na hindi matatanggihan.
Sa harap ng panunukso tungkol sa kanyang asawa, tipid siyang sumagot, “I just think she looks somewhat similar to Sandra.”
Sa labas ng pinto, agad na nanikip ang dibdib ni Amara.
Sumali pa ang ilang kasamahan sa panunukso, ang kanilang tawa ay may halong pangungutya.
“Ha, who can’t see she’s just a substitute? Nagka-chance lang naman siya dahil sinalo niya ’yung saksak para sa’yo, ’di ba? And now, nakadikit siya sa’yo like a leech, pinilit pa na magpakasal kayo! She shouldn’t have ruined Sandra’s leg—she’s truly vicious…”
Mabilis na tumalikod si Amara, balak nang umalis na tila walang narinig. Ngunit isang pamilyar at nakakairitang boses ang umalingawngaw—matamis at tila naglalambing.
“Huwag kayong magsalita ng ganyan. Lucien is a married man! Bumalik lang ako this time para ipagamot ang anak ko!”
Tila isang conditioned reflex, agad na rumehistro sa isip ni Amara ang mapagkunwaring mukha ni Lysandra.
Bigla siyang humarap muli at itinulak ang pinto.
Agad na natigil ang tawanan sa loob.
Nang makita siya, may bumulong, “Oh my ghad, she's here. And look at here… she's look like a dump. Sino ang pupunta sa workplace ng asawa na basang-basa?”
Nagkatapat ang mga mata nina Amara at Lysandra. Pareho silang nakasuot ng simpleng damit, parehong may baby face, maliliit na ngipin, at buhok na abot hanggang baywang. Magkamukha nga silang dalawa, dahil magkapatid sila sa ama.
Gayunpaman, si Lysandra ay isang anak sa labas.
Kahit na anim o pitong bahagi ng kanilang mukha ay magkatulad, dala ni Lysandra ang sarili nang may kalmado at eleganteng kilos. Kumpara sa kanya, mukhang pilit na gaya-gaya lang si Amara—isang katawa-tawa at awkward na imitasyon.
Sa ilalim ng mapanghamak na tingin ng lahat, kinuyom ni Amara ang kanyang mga palad at tumingin sa kanyang asawa.
Iniangat ni Lucien ang kanyang paningin at kaswal na hinubad ang mask gamit ang hintuturo, inilalantad ang isang guwapo ngunit tila mapanganib na mukha.
Sinubukan ni Amara na balewalain ang masasakit na salita at lumapit, akmang ibibigay ang lunchbox na iniingatan niya sa buong biyahe.
“If I were going to starve to death, you could’ve just sent it later,” malamig na sabi ni Lucien, ang tono ay puno ng pagkairita.
Nagtawanan ang mga tao sa paligid, dahilan upang lalong mamutla si Amara.
Si Lysandra naman ay binigyan muna si Lucien ng isang mapanuring tingin, bago awkward na nagsalita, “Amara, don’t take it to heart. Ganyan lang talaga siya.”
Pagkatapos ay eleganteng tumabi siya kay Lucien at tinapik ang balikat nito. “Dapat bawasan mo ang pagsasalita nang ganyan.”
Ang kanyang boses ay malambot at malalim, tila may pahiwatig ng matagal nang pinagsamahan. Para silang ang tunay na mag-asawa.
Naramdaman ni Amara na tila sinasakop ang kanyang teritoryo. Itinuwid niya ang kanyang likod at tumayo sa tabi ni Lucien para ilapag ang lunchbox. Magaan ang kanyang pagkilos, ngunit halata ang kinikimkim na galit.
Ngunit sa sandaling maupo siya, napatitig siya sa isang bagay. Ang kanyang paningin ay dumiretso sa pumpon ng mga rosas na yakap ni Lysandra. Nakita na niya ito pagpasok pa lang, pero hindi niya alam kung kanino galing. Ngayon lang niya nabasa nang malinaw ang card:
Happy Valentine’s Day—your forever love, Lucien.
Nag-igting ang mga labi ni Amara.
Namula si Lysandra, ngunit kalmado siyang nagpaliwanag, “Don’t misunderstand. Regalo ito ni Lucien para sa anak ko.”
Bakit bibigyan ng mga rosas ang isang bata?
Noong nag-propose siya sa kanya, isang rosas lang ang ibinigay ni Lucien—at hindi na naulit kailanman. Palaging kinukumbinsi ni Amara ang sarili na hindi lang talaga romantic ang asawa.
Hindi niya akalaing marunong din pala itong maging malambing.
Sa sandaling iyon, bigla niyang naramdaman na isa siyang malaking biro. Nanikip ang kanyang paghinga, at nang tingnan niya si Lucien, may bahid ng pagtatanong sa kanyang mga mata.
Ngunit umiwas lang ng tingin si Lucien. Ang gilid ng kanyang salamin ay nagreplekta ng malamig na kislap, tila isinasara ang kanyang sarili sa anumang emosyon. Hindi man lang siya nag-abalang magpaliwanag.
Pinigil ni Amara ang mga luhang nagbabadyang pumatak.
Malinaw na hindi na siya tanggap doon, at isa-isang nagsimulang magligpit at umalis ang mga tao nang walang imik. Tumayo na rin si Lysandra.
Kaswal na isinampay ni Lucien ang kanyang coat sa balikat nito at hininaan ang boses.
“Umuulan sa labas. Malamig.”
Napayuko si Amara. Ang kanyang mga damit na basa ng ulan ay tila lalong bumigat at lumamig, hanggang sa bumaon ang ginaw sa kanyang mga buto.
Gayunpaman, tumanggi siyang sumuko. Sinubukan niyang maghanap ng anumang dahilan para mapahinto si Lucien sa pagsunod sa kanila at mapanatili sa tabi niya.
“Honey,” mahina niyang tawag, pinipilit na maging kalmado, “Naaalala ko, walang pediatrics department ang ospital mo. Why don’t we arrange for Miss Valderama’s child to go somewhere else—”
Sa wakas ay tumingin nang diretso sa kanya si Lucien. Ang kanyang mga mata ay puno ng kayabangan at pangungutya.
“Ako ang may-ari ng ospital na ito. Who gave you the right to speak?”
Sa isang iglap, naramdaman ni Amara na parang sinampal siya. Nag-init ang kanyang mukha sa hiya. Lalo pa’t hindi pa lahat ay nakakaalis. May iilan pang nakasaksi ng pangyayari.
Nagbulungan ang mga ito, sapat na para marinig niya.
“Pity Sandra, naaapi dahil masyadong mabait. At ngayon ay pinagdadamutan pa.”
“Tama. Agrabyado na simula noon. Independent siya sa abroad all these years and now she's a film and television producer. Kahit hindi maganda ang nangyari sa kaniya noon, nagsumikap pa rin. Si Lucien naman, hindi lang basta mayamang anak—he’s a capable, kind doctor. Bagay na bagay talaga sila. Hindi tulad ng iba.”
“Si Amara, hamak na housewife lang na hindi man lang nakatapos ng college. Anong alam niya kundi magluto? She’s not worthy of Lucien at all.”
Hindi malakas ang mga boses, pero sadyang ipinaririnig sa kanya—walang pakialam ang sinuman kung masaktan man siya. Malinaw na sa lahat, na walang pakialam si Lucien sa kanya. Kung hindi, sino sa buong kabisera ang mangangahas na bastusin ang manugang ng Del Castillo?
Nanatiling nakatayo si Amara, tinitiis ang bigat ng kanilang mga tingin.
Mabababa ang tingin nila sa kanya dahil housewife lang siya? Pero noong nagkaroon ng gulo sa ospital, siya ang sumalo ng saksak para kay Lucien, kaya napilitan siyang huminto sa pag-aaral para magpagaling.
Nang magpakasal sila, alam niyang hindi nito malilimutan si Lysandra at pinakasalan lang siya dahil sa utang na loob—pero hindi siya nagreklamo. Naniwala siyang makakabuo pa rin sila ng magandang buhay, hanggang sa araw ng kanilang kasal…
Hindi niya sinasadyang naitulak si Lysandra. May nabasag na baso ng champagne sa sahig, at nahiwa ang bukung-bukong ni Lysandra—isang sugat na naging dahilan para hindi na ito muling makasayaw.
Mula noon, nagtanim na ng galit sa kanya si Lucien. Kahit ang huling beses na kusang umuwi ito, dahil lang sa lasing ito—at doon nito ibinuhos ang lahat ng galit sa kanya nang walang habas.
Kaya sa mga mata nito… substitute lang talaga siya?
“Honey,” mahinang tawag ni Amara. Ngunit ang init na madalas na dala ng kanyang boses ay wala na.
Kaswal na itinapon ni Lucien ang hindi nagalaw na lunchbox sa basurahan at inis na nagsabi, “Speak.”
Hinawakan ni Amara nang mahigpit ang test report na nakatago sa kanyang bulsa, at kalmadong nagsabi, “Gusto kong maghanap ng trabaho.”
Bahagya itong natigilan, tila hindi makapaniwala sa narinig. “Then who will take care of my daily needs?”
Biglang naramdaman ni Amara ang matinding pagod. “May katulong tayo sa bahay.”
Nagdilim ang tingin ni Lucien habang nakatitig sa kanya. Isang bihirang bakas ng galit ang lumitaw.
“Ano ito? Do you think you can compare yourself to Lysandra? You insist on acting up—sa tingin mo ba hindi kita kayang buhayin?” pagkatapos sabihin iyon lahat ay basta nalang umalis si Lucien. Iniwang mag-isa at durog si Amara.
Si Amara na lang ang naiwan sa lounge. Ang mahabang pasilyo sa labas ay nakakapangilabot sa katahimikan.
Nang may naalala ay hinawakan niya ang kaniyang puson.
Inilabas niya ang kanyang phone.
“Hello, Dr. Alcantara…”
Sandali siyang hindi nakapagsalita.
“pwede mo ba akong i-schedule for abortion?”
Ayaw ni Lucien ng bata.
Ito lang din naman ang unang magiging suhesyon sa kaniya ng kaniyang asawa kung nakusap niya man ito tungkol dito, maliban sa magagalit ito, ay ikwe-question lang din naman siya nito kung bakit nabuntis siya.
Walang ibang mapagbalingang galit si Laura Navarro, ang ina ni Amara, kaya hindi maiwasang bumalik ng kanyang isip sa nakaraan.“Ano ba ang ginagawa mo?” asik niya. “Kasalanan ito ng bastos na Zenny Valderama na ’yon—’yang kabit ng Papa mo na ‘yan! Ilang taon tayong pinaglaruan ng mag-inang ’yan—sa tingin mo ba hahayaan ko na pati ikaw ay hindi man lang lumaban?”Napapikit sa sakit si Amara. “Ma, tanggap ko na. Wala akong alindog o kakayahan gaya niya. Please, huwag niyo na akong pilitin.”Ang sampal na ibinigay ni Laura ay hindi ganoon kalakas—dahil kakatapos lang nito sa operasyon—pero malinaw ang pait sa likod niyon. Hindi lang talaga nito masikmurang makitang nagdurusa ang anak.Noon, napakabuti ni Lucien kay Amara. Maging ang mga underwear nito ay nilalabhan niya nang kamay tuwing may period ito, sa takot na baka malamigan ang katawan ng dalaga.Kaya paano nauwi sa ganito ang lahat?“Dahil ba wala pa kayong anak?” pagpilit ni Laura. “Maybe he’ll settle down once you have a baby.”
May mga lalaki talagang naniniwala na ang ganitong paraan ay kayang ayusin ang lahat.Pakiramdam ni Amara ay napaka-kaawa-awa niya. Kaya nang dumaiti ang mainit at mapilit na kamay na iyon sa kanya, buong lakas siyang nangagat.“Hey—Lucien, Stop! Look at me now… makikita mo ngayon kung sino ba talaga ako!”Sa gitna ng kaniyang pagpupumiglas, nahulog ang kanyang hair clip sa sahig, at bumagsak ang kanyang hanggang-balikat na buhok nang gulo-gulo. Napadaing sa sakit si Lucien at binitiwan siya, ang mukha nito ay nagdilim sa inis. Lalo na ng makita ang maiksi na niyang bulok.“Bakit mo ginupit ang buhok mo?”Dahil sa pagkakataon, mabilis na bumaba ng kama si Amara at lumayo sa kanya.“Bakit, hindi mo na ba siya nakikita sa akin ngayong pinutol ko na ’to?”Hindi na niya matandaan kung kailan ito nagsimula. Noong una, ginagaya niya ang pananamit ni Lysandra, ang hairstyle nito, pati na ang mga kilos nito—makuha lang ang atensyon ni Lucien.Pero ang tao ay sakim. Unti-unti, naniwala siya s
Nanliit ang mga mata ni Lysandra, bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanyang mukha. Habang pilit na ngumingiti, agad siyang sumulyap sa lalaking nasa tabi niya.Nanatiling nakatayo si Lucien, walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha, ngunit may kakaibang lamig na nagmumula sa kanya.“Ulitin mo ang sinabi mo.”Mababa ang kanyang boses, ngunit hindi maikakaila ang panganib na dala nito. Naramdaman ni Amara ang kanyang galit, pero wala na siyang pakialam.“Sabi ko, gusto ko nang—”Bago pa niya matapos ang sasabihin, bigla siyang hinila ni Lucien sa kanyang mga braso. Lalo pang nagdilim ang mga mata nito, ngunit bago pa man ito makapagsalita, bumukas ang pinto ng emergency room.Natigilan ang attending physician sa tensyong nasaksihan niya.“Anong nangyayari rito?”Mabilis na itinulak ni Amara ang kamay ni Lucien at balisang humakbang pasulong.“Doc, kumusta po ang nanay ko?”Pinunasan ni Caius ang pawis sa kanyang noo. “Lucien, Amara, dahil sa nangyari ay kinailangan siyan
Nanatili si Amara nang magdamag sa isang malapit na hotel.Pagkagising niya kinaumagahan, hinilot niya ang kanyang kumikirot na sentido; mukhang sinumpong siya ng sipon dahil sa mga nangyari kagabi. Akma niyang titingnan ang oras sa kanyang telepono nang makuha ng isang mensahe ang kanyang atensyon.Miss Navarro, confirmed na ang iyong procedure appointment. Pakitandaan na dalhin ang mga kailangang dokumento sa loob ng pitong araw.Matapos basahin ang mensahe, itinabi niya ang telepono at muling humiga.Hinawakan niya ang kaniyang tyan. Anak, pasensya ka na kung kailangan ‘tong gawin ni mommy. Napaluha siya sa kaniyang iniisip.Tinitigan niya ang kanyang walang singsing na daliri, sabay pakawala ng isang mapait na tawa. Isang kakaibang gaan ng loob ang naramdaman niya. Tila ang mga sumpaan nga ang pinaka-hindi mapagkakatiwalaang bagay sa mundo. Walang salitang "habambuhay"—mga bata at hangal lang ang naniniwala sa ganoong kalokohan.Buzz—Nanginig ang kanyang telepono. Kumunot ang no






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews