Rhiann’s Pov.Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Shane dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. We're not doing well, yes. Ganun pa rin naman kung ano ang treatment niya sa akin two years ago. I think, mas lumala ata ngayon eh."Gano'n pa rin naman. 'Tsaka, busy din kami sa pagtulong sa kompanya nila, Mom." Tangibg sabi ko na lamang.Tumango na lang sila. Nag enjoy din naman ako kahit papaano. Mas napagtutuonan ko ng pansin ang kompanya."Mag-shopping tayo mamaya, ah, namiss kong magbonding tayo, eh!" sabi pa ni Shane sabay suri sa mukha ko.Ako rin, wait… asan pasalubong ko? Kinalimutan ata ng mga bakasyonista na ito."Oo nga," sang-ayon ni Aya."Teka, parang mas lalo kang gumanda, Nget, ah!" nakangiting sabi ulit ni Aya."Oo nga! 'Tsaka mas lalo ka ring naging sexy. Dinaig mo pa ang nagpa-slim body, ah." Nakangiting komento ni Shane. "Di naman, ahh…" sabi ko saka ngumiti na lang sa kanila."Teka, nasaan ang pasalubong ko?" nakangusong tanong ko na ikinatawa nila."Hehehe. Kay
Last Updated : 2026-01-13 Read more