Share

Kabanata 115 Biological Father

“Paano kita naging kapatid?” tanong ni Liam kay Karlo. Lumuwag ng bahagya ang pagkakahawak niya sa baril.

“Simple lang dahil parehas tayo ng ama.”

Tuluyan na niyang ibinaba ang baril. Nanlambot ang kanyang tuhod sa natuklasan. May kapatid siya at kilala nito ang kanilang ama.

“Sino ang tatay natin? Matagal ko na siyang hinahanap.”

“Huwag mo ng alamin kung sino ang demonyong ama natin! Dahil pinagsisihan ko na nakilala ko siya!” tumatawang sabi nito.

“Alam niya ang lahat ng nangyayari sa’yo at naghahanap lamang siya ng tiyempo upang magpakilala sa paborito niyang anak! Pero matutuwa ka kapag nalaman mong mahal na mahal ka ng tatay mo.”

Pinitsarahan niya ito. “Sino ang tatay natin? Sabihin mo!” Dinuraan siya sa mukha ni Karlo.

“Mahigpit ang bilin niya na siya daw ang magsasabi sa’yo. Kaya huwag kang mag-alala, aking kapatid. Kapag patay ng lahat ang taong malalapit sa’yo ay lilitaw ang tatay mong matagal mo ng hinahanap.”

Hindi niya alam kung maniniwala sa lalaki o hindi. Tila baliw na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa patuloy na support!
goodnovel comment avatar
Krist
Sana hindi na mabuhay c karlo
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming maraming salamat po sa inyong pagsubaybay. Malapit na po ang pagwawakas ng ating kwento. Happy or sad ending?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status