Share

Kabanata 13

Gayunpaman, alam ni Leon na hindi niya matatanggap ang pera dahil hindi ito sa kanya.

“Lagi na lang pera ang solusyon mo. Sa tingin mo ba ay magaling ka na dahil may pera ka? Sinabi ko na sayo na gusto ko si Leon. Hindi ako magpapakasal sa kahit sino maliban sa kanya! Hindi ko hahayaan na magkahiwalay kami dahil sayo, kahit na mamatay ako!” Ang sagot ni Iris.

Sa paglaki ni Iris, hindi siya nakatanggap ng pagmamahal sa tatay niya simula noong pumanaw ang nanay niya. Tuwing kailangan niya ang tatay niya, bibigyan lamang siya nito ng pera. Noong tumagal, umabot sa punto na nagsawa na si Iris sa tatay niya!

“Sige, bahala ka! Hahanapin ko ang lolo mo ngayon!”

Ang mukha ni Gilbert ay namutla sa galit at tumalikod siya para umalis.

Sa mga nakalipas na taon, lumala ang distansya ng mag-ama, at ang relasyon nila ay lumala habang tumatagal.

Ngayon at ang anak niya ay malaki na at may sariling kumpanya at karera na ito, hindi niya na ito makontrol kahit na gustuhin niya.

Ang tanging tao sa pamilya na kayang mag impluwensya sa isip ng anak niya ay ang lolo nito.

Pinanood ni Iris habang umalis sina Gilbert at Daisy bago siya umupo sa sofa ng may masamang ekspresyon.

Bumukas ang bibig ni Leon para pagaanin ang loob ni Iris, ngunit hindi siya magaling pumili ng salita at hindi niya alam ang dapat niyang sabihin.

Nung tumagal, ang nagsimula nang kumalma si Iris.

“Patawad, Leon. Sinabi ko ang lahat ng ito para galitin ang tatay ko at si Daisy. Hindi ko balak na gamitin ka. Sana ay ayos lang ito sayo,” Ang sabi ni Iris habang humihingi ng tawad.

“Alam ko… ayos lang sa akin…” Ang sabi ni Leon.

Si Iris ang eldest young lady ng mga Young, hindi tulad ng isang divorced na lalaking tulad ni Leon.

Si Leon ay sikat din sa pagiging isang walang kwentang tao na walang mga magulang at walang patutunguhan sa buhay.

Ang pagkakaiba sa pagitan nilang dalawa ay katulad ng langit at lupa. Hindi siya kailanman umasa na magugustuhan siya ng totoo ni Iris, at hindi rin siya umaasa ng kahit anong hindi makatotohanan mula kay Iris.

“Maliligo muna ako…” Nanatiling tahimik si Leon ng ilang sandali bago siya umalis ng sala habang nagmamadali…

Pagkatapos maligo, sinuot ni Leon ang high-end clothes na binili ni Iris para sa kanya, at ang kabuuan niya ay biglang naging mas matino kaysa dati. May malaking pagbabago sa itsura niya, mas mabuti na ang itsura niya ng sobra.

Lumiwanag ang mga mata ni Iris nang tumingin ulit siya kay Leon.

Nagbabago nga talaga ang imahe ng isang tao base sa kanyang pananamit.

Hindi na masama ang itsura ni Leon, kaya mas naging elegante ang itsura niya dahil sa suot niyang damit, na para bang isa siyang taong nasa mataas na posisyon sa trabaho o isang CEO.

Sa ibang salita, ang itsura ni Leon ay nakakaakit. Hindi siya pambihira sa unang tingin, pero mas mukha siyang gwapo sa bawat lumipas na sandali at may nakakaakit na katangian siyang walang katulad.

Sa puntong ito, ang katulong, si Jenny, ay naghanda ng tanghalian sa kusina pagkatapos nitong bumalik mula sa pagbili ng grocery.

Lumipat ng bahay si Iris palayo sa pamilya niya at tumira siya ng mag isa dito simula nang mag graduate siya mula sa university.

Kaysa tumira siya ng mag isa sa villa, kumuha siya ng katulong na si Jenny para alagaan ang lugar.

Pagkatapos ng tanghalian, tinanong ni Iris, “Leon, alam ng lolo ko na ikaw ang nagligtas sa akin kagabi at gusto ka niyang makita. Ayos lang ba ito sayo ngayon?”

“Sige.”

Tumango si Leon at umalis siya kasama si Iris.

Malaki ang mansyon ng mga Young, isang old-style na mansyon na nasa gitna ng isang hardin.

Sa loob ng main hall, sumunod si Leon kay Iris at nakilala niya si Elder Young—ang head of the family ng mga Young.

Si Elder Young na may edad na nasa 70 taong gulang ang umupo sa main seat ng hall. Tila mabait ang pagkatao niya, ngunit may klamado at malamig na aura rin siya ng isang makapangyarihang tao na nanatiling nasa mataas na pwesto ng matagal na panahon.

Ang kalusugan ni Elder Young ay humihina na sa nakalipas na dalawang taon, malamang na ugat nito ay ang matandang edad niya. Araw-araw ay lumalala ito.

Kaya naman, nagdesisyon siyang ibigay ang pamamahala ng kumpanya sa kanyang anak na si Gilbert.

Gayunpaman, nanatili siya bilang head of the family ng mga Young.

Basta’t buhay pa siya, ang pundasyon ng mga Young ay mananatiling matatag!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status