Share

Kabanata 14

Maliban kay Elder Young, nakaupo rin sina Gilbert at Daisy sa tabi niya sa hall.

Nagpatuloy na tumingin ng malamig si Gilbert kay Leon, dahil ang nangyari sa villa ay nagbigay ng masamang first impression kay Leon.

Samantala, mabait ang ugali ni Elder Young. Inutusan niya pa ang mga katulong na magbigay ng tsaa at tubig para kay Leon ng hindi man lang nagpapakita ng kahit isang bahid ng panunuya o panlalait.

“Lolo, ipapakilala ko po sa inyo si Leon. Siya po ang nagligtas sa akin kagabi…”

Pagkatapos ay isinalaysay ni Iris ang buong kwento.

“Maraming salamat sa pagligtas sa buhay ng apo ko, Leon. Lagi naming tatandaan ang kabaitan mo! Ang kabutihan ng isang tao, kahit gaano kaliit, ay lagi dapat bayaran Sabihin mo sa akin, may gusto ka ba na kahit ano? Gagawin ng pamilya namin ang aming makakaya para matupad ang mga kahilingan mo.”

Ngumiti ng mabait si Elder Young.

“Salamat po, pero wala po akong gusto na kahit ano…”

Umiling si Leon.

Niligtas niya si Iris kagabi para sa hustisya. Hindi siya umaasa na may matatanggap siyang kahit ano, bukod pa dito, binigyan niya ng pabuya ang sarili niya sa oras na niligtas niya si Iris.

Bukod pa dito, tumulong na si Iris sa pagbawi ng dignidad ni Leon sa pagtuturo ng leksyon kay Brody sa Civil Records Office.

Patas na sila ngayon.

“Sigurado ka ba? Mag isip ka ng mabuti. Kapag hindi mo nakuha ang isang bagay, baka hindi mo na ulit ito makuha…”

Ibinaba ni Elder Young ang tasa ng tsaa at may lumabas na seryoso na tingin sa kanyang mga mata.

Hindi niya alam kung wala talagang inaasahan na gantimpala si Leon, o kung gusto lang kumuha ng maraming benepisyo si Leon sa huli, halimbawa, ang kunin ang oportunidad para magkaroon ng koneksyon sa pamilya nila.

“Sigurado po ako. Wala po akong gusto…”

Umiling si Leon. May sasabihin sana siya nang makita niya ang mukha ni Elder Young.

Hindi siya sigurado kung isa itong uri ng ilusyon, ngunit may malabo siyang nakikita na medyo gray-white na aura sa noo at bahid ng green-purple sa sulok ng mga labi ni Elder Young.

Makalipas ang ilang sandali, may nakita siyang isang hindi pamilyar na alaala sa kanyang isip—ang medyo gray-white na aura ay senyales ng panganib ng kamatayan, habang ang bahid ng green-purple sa sulok ng mga labi ay senyales ng malalang sakit!

Nabigla si Leon sa alaala na ito at nagising siya agad! Tila isa itong alaala na naiwan ng ninuno niya kagabi.

Halos makalimutan niya na ang mga ito dahil wala siyang oras para pag isipan ang mga alaalang ito simula noong nangyari kagabi.

Gayunpaman, nakaukit ang mga alaalang ito sa isip niya, at ito ay parang babala na lumalabas tuwing dumarating ang tamang oras.

“Bakit parang malalim ang iniisip mo, Leon?”

Agad na napansin ni Iris na tila may mali kay Leon, kaya inalog niya agad ang braso ni Leon.

“Elder Young, ang gitna ng mga kilay niyo po ay may gray na aura at ang sulok ng mga labi niya ay may bahid ng purple. Malapit na po kayong pumanaw…” Ang sabi ni Leon.

“Ano?!”

Ang mga salita ni Leon ay parang isang nuclear bombed at nabigla sina Iris.

Kahit si Elder Young ay nabulunan sa kanyang tsaa at binuga niya ito.

“Magpakita ka naman ng sinseridad, iho. Ang tatay ko ay mabait na para imbitahin ka dito, pero ang unang bagay na ginawa mo ay isumpa na mamamatay niya! Ginagalit mo ba kami?” Ang galit na sinabi ni Gilbert habang sinuntok niya ang mesa bago siya tumayo.

Dumilim din ang ekspresyon ni Elder Young. Naghinala siya kanina kay Leon sa pagtanggi nito para makakuha ng mas malaking bagay, at mukhang ang hinala niya ay napatunayan na. Mukhang may mga pakana si Leon, ngunit hindi niya pa alam kung anong klaseng pakana ito.

Sa mga sandaling ito, ang maliit na apeksyon niya para kay Leon ay nawala agad.

“Ano ang problema mo, Leon? Malusog ang lolo ko. Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?!”

Tumingin si Iris kay Leon na tila hindi siya natutuwa.

“Nag… Nagkakamali lang siguro ako. Patawad, hindi ko sinasadya…”

Namula ang mukha ni Leon at agad siyang humingi ng tawad. Sa loob niya, nilait niya ang sarili niya dahil sa pagiging madaldal niya.

“Ayos lang. Maling pagkakaintindihan lang ito…”

Medyo gumaan ang ekspresyon ni Elder Young, ngunit ang impresyon niya kay Leon ay naging masama.

Kung hindi lang niligtas ni Leon ang buhay ni Iris, pinalayas na sana ng matanda si Leon.

=

Pagkatapos, may tumunog na mabilis na mga yapak mula sa hall. Pumasok ang katulong.

"Nandito po ang great Holy Doctor, si Graham Elliot…”

“Papasukin mo siya,” Ang mabilis na sinabi ni Elder Young.

Sa loob ng isang minuto, may isang lalaking nasa 60 o 70 taong gulang ang edad na may gray na buhok, ang pumasok kasama ang assistant nito.

“Graham, maupo ka!”

Binati si Elder Young ng maraming tao, ang lahat sila ay bumati sa kanya ng mabait at magalang.

The man, Graham Elliot, was an eminent medical authority in Springfield City. He was a master of medicine and pressure point treatment, reaching the heights of perfection in his achievements. His level of mastery in both conventional and alternative medicine was unusually high, which earned him the title of Holy Doctor and the moniker, Pressure Point King!

Ang lalaki, si Graham Elliot, ay kilala sa Springfield City bilang may awtoridad sa medisina. Isa siyang master ng medisina at pressure point treatment, naabot niya ang pagiging perpekto sa kanyang mga nakamit. Ang lebel niya sa kombensyonal at alternative medicine ay mataas, kaya’t binigyan siya ng titulo na Holy Doctor at Pressure Point King!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status