Share

The Extra Handsome Bodyguard
The Extra Handsome Bodyguard
Author: MM16

1

Nasilaw pa si Lhauren nang pumasok sila sa isang club ng kanyang mga kaibigan. Umiikot ang mga kumukutititap na dancing lights at may naririnig siyang mahalay na tugtugin. Maraming babae ang naroon o halos kababaihan nga siguro lahat, lango sa alak at sigarilyo.

Kandaubo ang dalaga nang sumuot sa ilong niya ang usok ng sigarilyo sa paligid. Ganun na lamang ang kanyang naging pagtakip sa ilong.

She was so wrong for going to such a kind of place. Ano bang sumanib sa kanyang kukote para pumunta sa ganung klase ng lugar?

It's an Elite Strip Tease Club.

Hila-hila siya ng mga kaibigan niya na kahit na itigas niya ang mga paa ay pilit siyang nadadala papasok sa loob. Hindi niya alam sa totoo lang na sa ganitong lugar ang punta nila, pero anong magagawa niya? Wala ang kotse niya at nakisakay lang siya sa mga ito. Sa maikling salita ay tumakas siya.

Mabilis naman kasing takasan ang mga alagad niya kaya nga kung siguro magkakaroon ng aberya ay matutsugi siya sa kabobohan ng mga yun. She'd get scolded once her daddy knew about her craziness.

But why? She's already eighteen. Nagkataon pa naman na nagkita-kita sila ng mga kababata niya, na daig pa siya sa pagka liberated ng mga utak. Parang sa mga itsurs ng mga ito ay may mga experience na ang mga kaibigan niya sa opposite sex, at siya na lang yata ang napag - iiwanan.

Pero hindi naman yun ang pinunta niya rito sa Pilipinas. Narito siya para hanapin ang mga magulang niya. She asked it from her father, the President of UN.

Buti na lang at spoiled siya ng Daddy niya kaya pinayagan siya, pero paano kapag nalaman nun ang tungkol dito? Baka pauwiin siya nun bigla sa America.

Wag naman sana dahil una at huli na itong beses na siya ay aapak sa ganitong lugar.

"Lhauren, come on!" sabay hatak sa kanya ni Abigail at halos masubsob pa siya sa stage.

Napatingin siya roon, at sa gulat niya ay napako ang mga mata niya sa isang lalaki na naghuhubad ng sando sa entablado.

May maskara ang lalaki kaya napalunok siya. Isinalya nito ang suot na damit, at kung bakit anong swerte naman at siya ang sumalo nun? Sa ulo niya tumama yun at hindi siya nakahuma.

“Iiihhh!” tili niya na para bang diring-diri, “Remove this thing!”

Tawanan ng mga kaibigan niya ang kanyang narinig kaya agad niyang hinila ang tela na pakiramdam niya ay ang liit naman pero paano nagkasya sa lalaking nasa stage?

She looked up and gulped.

She was stunned when that sexy stripper looked at her. His beautiful brown eyes met her eyes. Kahit na may maskara ay nahuhulaan niya na hindi basta ang itsura ng macho dancer. May ibubuga ito.

Malamang. Saan siya nakakita ng isang macho dancer na amoy Durian ang mukha?

She parted her mouth unknowingly, staring to the most captivating eyes she hhad ever seen in her entire life of existence.

Nakanganga lang siya at nangangatog ang mga tuhod niya sa nerbyos.

Shocks! This is the first time she saw a naked man. Daig pa niya ang nahipnotismo sa kinatatayuan, lalo na nang umangat ang sulok ng labi ng misteryosong lalaki para ngitian siya.

He had a mustache and his hair was long, barely reaching his shoulders.

Ang gwapo niya. His sexy lips looked so perfect.

She finds it so hard to swallow her own saliva. Bumaba ang mga mata niya sa dibdib nitong malapad at puno ng muscles. Sweat is dripping form his neck down to his broad chest. Napakakinis ng lalaki.

Bumaba ang mga mata ulit niya sa six pack abs nito at sa ibaba ng pusod na may mga pinong buhok, papunta sa ibaba at pailalim sa suot nitong itim na brief.

Ihhh! Gusto niyang umiwas ng tingin pero para siyang mina-magnet na ibaba pa ang kanyang mga mata.

Makasalanan siya! Hindi na siya pagbubuksan ni San Pedro ng pinto ng kalangitan.

Nalaglag ang mga mata niya sa namumukol na bagay na yun doon. Malaki yun. Diyos ko! Parang bigla ay nahirapan na huminga si Lhauren, at nanunuyo ang lalamunan niya.

El Niño ba sa loob ng bibig niya? Bakit natutuyuan siya at naiinitan?

Napakurap pa siya at napaitlag nang biglang tumalon yun mula sa stage at lumapit sa kanya.

Her senses told her that she must took a step backwards but she couldn’t find the courage to do so.

Nasapo niya ang sariling dibdib. Aatakihin yata siya sa puso kahit na wala naman siyang sakit.

Mahalay na sumayaw ito sa harap niya kaya parang namutla siya.

Napapikit siya kasi nagtilian ang mga kaibigan niya at inalog pa ang mga balikat niya.

Ang hindi napaghandaan ng dalaga ay nang itinulak siya ng mga iyon sa lalaki. Bumangga ang katawan niya sa katawan nito, at laking gulat niya ay kaagad na lumapat ang mga kamay nito sa may gulugod niya.

"What's your name, baby?" tanong nito sa kanya, tapos ay tumikal sa kanya ng kaunti para lamang sipatin siya.

His voice was so sensual.

At kailan pa siya natuto ng salitang sensual?

Oh no! Ramdam na ramdam niya ang mainit at mabangong hininga nito sa mukha niya kaya napamulat siya at napaatras ang ulo niya, nang mag-face to face nga sila. Konti na lang magkakahalikan na sila. He's leaning closer to her face. Oh gosh!

Pero bakit nag-e English ang isang macho dancer? O bakit, masama bang mag-ingles ang tulad nito? Masyado naman siyang mapanghusga.

"L-Lhauren Dhenisse M-Madison." sabay lunok niya.

Ewan niya kung bakit sumagot siya kahit na ayaw niya sa tulad nito.

Nawala ang ngiti sa labi ng lalaki at hindi niya alam kung bakit. Umikot ito sa likod niya at napaitlag siya nang dumikit sa likod niya ang bukol nito.

She tilted her head and he was dancing sexily behind her. Ang laswa. Lalo pa nitong ipinadidikit-dikit sa kanya ang umbok nito sa harapan.

Ang laki naman. Saan ba naumpog ang lalaking ito at may bukol na ganito kalaki?

Tiningala niya ito at sobrang tangkad pala nito kapag nakatayo nang tuwid, at ang ganda ng tindig. Daig pa nito ang mga bodyguards niya.

"President's daughter?" bulong ng lalaki sa kanya kaya nangaligkig siya, "Shhh…" pasimpleng senyas nito sa kanya.

Bakit? Bakit kailangan niyang tumahimik? Ki-kidnap-in siguro siya nito pero mukhang hindi naman.

Nasa harap na niya ulit ang macho dancer at umiikot ang baywang sa mahalay na tugtugin, and no wonder that he's a great dancer. Kahit malamlam at may kadiliman sa loob ay halata na mamula mula ang kutis nito at napakapino.

"Y-Yes," sagot niya habang nakatitig siya sa mga mata nito at huli na para ma-realized niya na dapat ay hindi siya sumagot.

Bakit kilala siya nito? Alangan naman itanggi niya eh baka nakita siya nito sa isang magazine o dyaryo. Pero nakasumbrero naman siya paratipara itago ang mukha niya, paanong nakilala pa siya nito ngayon?

"You're pretty. You're mine," anito sa kanya saka umikot aang balakang.

Napaawang ang labi niya sa may tyan nito.

And what did he just say? Siya raw ay dito na? Hindi naman sila magkakilala saka ang bata pa niya para ariin siya nito.

Kapagkuwan ay umalis na iyon sa harap niya pero nilingon siya at kinindatan.

Napalunok na lamang siya nang parang sadyain nitong igiling ang balakang sa kanya.

Gwapo ito sa tingin niya, dangan lang ay may maskara. Gusto niya sanang tanggalin iyonparaa tuluyang makita ang kabuuan ng mukha nito pero isa itong macho dancer, at hindi pa siya baliw para mag-boyfriend ng isang macho dancer. Sa-Zamurai-yin siya ng Daddy niya at hahatiin siya sa dalawa.

Napatitig siya sa pwet ng lalaki at pati ba naman yun ay matambok? Wala na. Namumulat na ang isip niya sa mga hindi inosenteng bagay.

Parang nakalimutan na niya ang mga kasama niya, at parang ayaw na rin niya lumabas pa hangga’t hindi niya nakikita ang mukha ng lalaking misteryoso.

Tulala siya.

"NBI! Interpol! Freeze!!!" sigaw ng isang bumungad sa pintuan kaya nagkagulo na.

Hinatak siya ni Abigail kaya napatili siya.

Halos magkaipitan nang may tumangkang manlaban sa mga awtoridad na pumasok. Nagtititili siya dahil hindi niya alam kung saan sila tatakbo.

What the hell is happening? Ang pagbundol ng kaba sa dibdib ni Lhauren ay hindi niya maipaliwanag. Masyado iyong biglaan.

Bigla na rin nagkaputukan kaya napatakip siya sa tenga at ang lakas lakas ng tili niya.

“Daddddddy!!!”

Parang mapuputol ang lahat ng ugat niya sa leeg sa pwersa na yun galing sa kanya. Hindi niya alam kung siya ba ay tatakbo o dadapa.

Papatakbo na sana siya nang may biglang humatak sa kanya, at sa gulat niya ay hinila siya nun papunta sa likurang bahagi ng Club na yun, bawat madaan nila na nakaharang ay sinisiko nito o kaya ay inuudayan ng suntok.

Ang laki ng mga mata ng dalaga, patianod sa lalaking di niya alam kung masama ba o ano.

Goshable! Ang lalaking naka brief. Bigla siyang natakot sa hawak nitong baril. Nag-panic ang utak niya dahil baka kung saan siya nito dadalhin kaya nagpupumilit siyang makaalpas.

"Rape! Rape! Heeeeeelp!" sigaw niya.

"What?!” Linga nito sa kanya, “I won't rape you! I don't have to do that! Ako ang nirereyp!" sabi pa nito na parang nagmamayabang pa sa kanya pero patuloy at malalaki ang hakbang ng lalaki, habang hawak siya.

Pero naaalarma talaga siya lalo, at hindi niya ito kilala. May baril na ito samantalang kanina naman ay wala. Nakasuot pa rin ito ng pesteng maskara at lalo yung nakakadagdag sa kaba niya.

"Get off me! Get off me!" pilit siyang kumakawala hanggang sa kagatin niya ang braso nito.

"Araaaay! Putchang ina!" mura nito pero di siya binitiwan. Sige lang ang panuntok nito hanggang sa bigla itong may barilin kaya napatalon talon siya.

"Daddy! Daddy! I wanna go home! Daddy!" napaiyak na siya nang tuluyan pero nailabas na siya ng lalaki.

Nakikipaghilahan pa rin siya paraa mailayo ang sarili rito at laking panghihilakbot niya nang binuhat siya nito at pinasan na parang sako ng bigas sa balikat nito.

"Ang kulit mo. Nanganggat ka pa. Aasawahin pa naman kita. Lintik na. Tahimik!" angil nito kaya pinagbabayo niya ito sa likod. Para naman kasing hindi ito galit talaga at nagpapanggap lang.

"Curse you! I don't like you! You're a stripper! Masiyado ka ng bugbog sa girls!" kahit kanda pilipit ang dila niya sa pananagalog ay nagsasalita pa rin siya at tumutulo ang luha niya sa takot.

Marunong naman kasi siya, kaya lang ay iba ang accent niya, kaya nagmumukha siyang hindi sanay sa wikang Filipino, pero ang totoo ay sanay na sanay siya. Native language yun ng dila niya dahil purong Pilipino naman daw ang mga magulang niya, kaya lang ay pinalaki na siya ng Daddy Timothy niya America.

"Heeeeeelp! Rape! Rape!" kumiwal kiwal pa si Lhauren pero maya maya ay ibinagsak na siya nito sa isang lugar.

Agad siyang nagpumilit na makatakas dahil baka isa itong human trafficker. Baka ibenta siya nito.

Umiyak siya nang mapantanto niya na nasa siyang sasakyan.

Sasakyan? It's a close van at ang nakikita niya ay mga monitors sa loob. May mga taong naka headset.

He’s one of the cops. She can’t be mistaken.

Natigilan siya lalo na nang pahirin nito ang mga luha niya sa mukha. Napapaiwas pa siya pero hinahabol ang mukha niya ng mga palad nito.

Maya-maya ay nagsuot ang lalaki ng itim na uniform. Kung hindi siya nagkakamali ay sa pulis ang isinusuot nitong jacket.

Napaiwas siya ng tingin dahil naka-brief pa rin ito. At kahit na itim iyon ay hindi maipagkakaila ang bakat sa harap.

Ano ba naman, bakit naman hindi inuna ang pantalon?

Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang nagsusuot na ito ng pantalon.

Salamat!

"Tingin na Miss na batang maganda, may saluwal na ako. Di kita rereypin. Di ako nangri-rape ng bata," anito sa kanya kaya tumingin na siya.

Nakangisi ito ng maganda at sobrang gwapo pala talaga.

He removed the mask.

Umangat ang kilay niya sa nakikitang karisma ng lalaki na ito at naroong napalunok siya.

Who is he? He’s so handsome with his beard and mustache. He’s truly handsome and so very charming. Nakikisabay ang mga mata nito sa pagngiti ng mga labi.

Sinuklay suklay ng mga daliri nito ang buhok paitaas na parang nagpapapogi sa kanya. Mukhang hindi nya ito kaedad pero walang sinabi ang mga teenage boys sa hitsura ng lalaking ito. Macho gwapitong totoo. At sa lagay na may bakbakan ay naisisingit pa nito ang ganun.

"Pogi ba, Miss Lhauren? Tsk. Ganda mo talaga,” anito at ninakawan pa siya ng halik sa pisngi tapos ay parang kinilig na kinagat ang labi bago tumalikod.

Natutop niya ang pisngi at ito naman wy tumalon sa pababa sa close van.

"I'll be back. Bantayan niyo ‘yan! Baka patayin ako ni President kapag napahamak ang prinsesa niya. Paglaki niyan reyna ko ‘yan!” pinatulis pa nito ang nguso para humalik ng may tunog sa hangin papunta sa kanya.

Angmmga kasama nito sa loobnng van ay ngingiti-ngiti.

“Habagat is really…” anang kasama nitong iiling-iling.

“Mahangin,” anaman ng isang babae na dinaluhan siya.

Kumidat pa ang macho dancer at isinara nang tuluyan ang pinto ng van.

Ganoon pa rin siya. Tuod.

The guy looks so very familiar. Hindi niya matandaan kung saan niya iyon nakita o kung nakita na nga ba niya iyon.

Parang hindi pa. Pero bakit kilala siya ng lalaki?

Pero ang pogi iyon at sobrang bilis. Nakahalik na kaagad iyon sa pisngi niya. Sanay naman siya na nahahalikan sa pisngi pero bakit parang kinuryente siya sa halik na yun ng estrangehrong pulis, na panggap na macho dancer.

He's an agent.

Her heart beats even faster. He was the only man who made her stutter and almost run out of breathe.

And he just saved her.

And they call him, Habagat.

Di ba isang uri iyon ng hangin?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status