“Sa paglipas ng panahon, sigurado akong ang mga kakayahan at kapangyarihan na mayroon ka ngayon ay mas lalakas at mas dadami. Sa ngayon ay kakayahan pa lamang ng iyong ina ang mayroon ka, pero nakakasigurado akong makukuha mo ang akin kung magpapatuloy ka sa pag-eensayo,” saad ni ama habang isang ngiti ang nakaguhit sa labi niya nang maabutan niya ako rito sa aking silid ensayuhan na sumusubok gamitin ang mga patalim at ibang kagamitan sa pakikipaglaban. Inihagis ko ang huling kutsilyo na hawak ko sa may tudlaan bago sinundan ng tingin ang pagkilos niya.
Kinuha niya ang espada sa may gilid at inihagis sa akin papunta ang isa, kung kaya’t agad na sinalo ko iyon. Kinuha naman niya ang isa pa bago lumapit sa akin.
Nabigla ako nang mabilis siyang sumugod sa akin, kung kaya’t wala akong nagawa kung hindi labanan siya pabalik dahil kapag nanatili akong nakatayo lamang ay maaaring mahiwa o bumaon sa akin ang espada niyang gamit.
<
Ano sa inyong palagay ang mga susunod na mangyayari? Makakabalik pa ba si Fajra sa kanilang mundo? Sino ang tumulong sa kanya at bumuhay? Mayroon bang tumatakbo sa inyong isip na mga ideya at tiyorya? Aking ikatutuwa ang inyong mga magiging sagot.
Katulad ng palagi kong nakagawian ay ipinaghanda ko ng almusal si Cyrus at kasabay niyang kumain. Sa pagkakataong ito ay ang hiniling niyang sinangang na may maraming bawang at ang pinatuyong isda na tinatawag niyang dilis at tuyo ang akin ipinirito, at dinamayan na rin ng itlog. Tinuruan niya ako kahapon ng kung paanong timpla ang gusto niya sa kanyang kape kung kaya’t iyon ang inihanda ko para sa kanya. Mas gusto niya raw ito kaysa sa gatas.Pagkaluto ng lahat ay inihanda ko na iyon sa mesa. Nakakapanibagong isipin na kung dati’y ako ang pinagsisilbihan dahil ako ang reyna, pero ngayon ay iyon naman ang ginagawa ko para sa iba. Hindi naman iyon nakakahiya at mas lalong hindi rin nakakababa dahil ginagawa ko ito bilang kapalit sa tulong na ibinigay sa akin ni Cyrus dahil kung tutuusin ay baka wala na ako kung hindi dahil sa tulong niya.At isa pa, hindi ko tinitignan ang sarili ko na mataas sa iba lalo na at kailanma’y hindi ako tinuruan ni ama na ta
Ginugol ko ang maghapon ko sa pagliligpit dito sa bahay at sa pagtitiklop ng mga nalabhan ko. Mabilis itong natuyo dahil sa mataas na sinag ng araw sa labas.Pagkatapos ko sa mga gawain ay muli akong naligo. Pinili ko na lamang suotin ang puting mahabang bestida na binili sa akin ni Cyrus noon at pinatungan ng may mahabang manggas na cardigan dahil ang mismong bestida na suot ko ay may pugot na manggas.Hinayaan ko na lamang na nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha na nabili namin noon ni Cyrus sa mall. Isinuot ko na rin ang sapin sa paa na kasabay naming binili noon, at pati ang kwintas ko na hindi pa namin naibebenta. Mabuti na lamang at hindi ito ang kwintas na pagmamay-ari ng aking ina dahil hinding-hindi ko talaga ito ibibigay o ibebenta sa oras na kailanganin namin ng pera. Iyon na lamang ang nag-iisang alaala niya sa akin.Nang masiguradong nakaayos na ako ay kinuha ko ang cellphone na ibinigay ni Cyrus sa akin at inilagay iyon
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito dahil kung kanina ay ang totoong nais ko na hindi makakuha ng atensyon at lumayo sa gulo kung maaari ay nabaliktad. Ang lahat ng atensyon ng mga nandito ay nakuha na namin dahil sa nangyaring gulo. Hindi rin ako pala-patol sa mga ganito kaliliit na gulo, ngunit dahil sa kinikimkim kong galit kay Kirsten ay napunta iyon lahat ngayon sa mortal na ito na kawangis at kaugali niya. Isang simpleng patak ng alak sa damit niya ay kung ano-ano na agad ang sinabi siya sa akin at binuhusan pa ako ng alak sa mukha. Hindi rin kita ang mantsang iyon dahil kulay asul ang suot niya, hindi tulad sa akin na puting-puti at kitang-kita ang mantsa ng alak. Isang ngisi ang ipinakita ko sa kanya bago muling humakbang paabante. Agad naman siyang napaatras at tumama sa katawan ng amo ni Cyrus. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang Gobernador ng kanilang bayan, at maaaring anak niya ang babaeng kaharap ko na ito dahil sa paraa
Ikalabing-pitong araw sa mundo ng mga mortal. Sa mga araw na lumipas ay ilang beses kong sinusubukang kumonekta kina Danie, Dan, Heinrich, o miski kay Helena upang mapabatid na nandito ako sa mundo ng mga mortal at buhay, ngunit kahit anong subok ko ay walang nangyayari. Gusto kong kapag dumating ang araw ng pagbabalik ko ay naroon sila upang ang planong aking ihahanda para sa pagkuhang muli ng aking trono ay malaman nila. Hindi ko man sila nais na idamay muli sa plano ay kakailanganin ko ng tulong. Mas lalong mahirap na kalabanin ngayon ang mga Venderheel dahil sigurado akong mas malaki na ang bilang ng kanilang pangkat at mas malakas. Nakakasigurado akong muli silang bubuhay ng mga converted vampire upang ang mga iyon ay magamit laban sa akin. Sigurado rin akong lalasunin din nila ang isipan ng mga mamamayan upang tumalikod sa panunungkulan ko at sabihing iniwan ko sila sa oras ng hirap at kaguluhan. Mayroon man akong alas sa aking pagbabalik ay kakailangan ko pa r
“Gano’n ba? Salamat. Kakain na rin kami, gusto mo bang sumabay?” Agad na siniko ko si Cyrus at sinamaan siya ng tingin nang alukin niya si Sofie. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya upang alukin pa ang babaeng alam niyang kumukulo ang dugo sa akin, at gano’n din ako rito. Lumingon siya sa akin at pinanlakihan ako ng mata. “Anak ni Gov,” bulong niya sa akin. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya pero sa huli ay sumuko rin. Heto na naman ang dahilan niyang anak ng Gobernador si Sofie kung kaya’t dapat ay hindi ko sagot-sagutin at hayaan na rito kumain. “I wouldn’t say no to that!” maarteng sagot ni Sofie. Napairap na lamang ako at umalis sa tabi ni Cyrus. Marahas kong kinuha ang inabot na lagayan ng pagkain ni Sofie at dumiretso sa may kusina. Inihanda ko sa mesa ang dala niyang pagkain bago naglagay ng bagong plato. Tinawag ko naman sila agad pagkahanda. Naupo ako sa may katapat ni Cyrus habang si Sofie naman ay nasa kabilan
“Ama, ayon sa librong binabasa ko ay hindi natin dapat basta-basta nilalagay sa ating mga kamay ang batas. Ibig sabihin ho ba nito ay kailangan muna natin ng matibay na patunay at mga pruweba sa pagkakasalang ginawa ng nasasakdal bago sila hatulan?” tanong ko sa aking ama na nasa katapat ko nakaupo. Narito kami ngayon sa silid aklatan. Kasalukuyan kong binabasa ang libro tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin ng isang namumuno patungkol sa mga nagkakasala, at siya naman ay nagbabasa ng mga ipinasang batas at kasulatan sa kanya mula sa konseho.Napatigil siya sa pagbabasa at tumingin sa akin. Ibinaba niya ang scroll na hawak niya sa may mesa bago sumandal sa kanyang upuan.“Iyan ang nakasaad sa ating kasulatan at tamang gawin, ngunit may mga pagkakataon na maaari natin iyang baliin, katulad na lamang kung harap-harapan nating nakita na nagtataksil sila sa ating mundo o kapag may mga kalabang sumugod sa atin at kailangan na ng ating mga nasasakupan,
“Mira, hindi na lang ako sasam—” “No way! Kailangan mong sumama sa amin para makapaglibang ka naman. Saglit lang tayo!” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at pabagsak na naupo sa kanyang kama. Hindi siya nagpapatalo simula kanina at mukhang wala nga akong magagawa kung hindi ang sumama sa kanila dahil paniguradong hihilahin niya ako paalis mamaya. Nandito ako ngayon sa bahay nila Mira dahil pagtapos naming magtalo ni Cyrus kanina ay rito ako dumiretso. Hindi ko matagalan ang makita si Cyrus sa iisang lugar o miski ang makasama siya. Hindi ako makapaniwala na sa kanyang paningin ay ako ang mali dahil napikon si Sofie, gayong ang babaeng kanyang pinagtatanong at pinapanigan ay ang nagsisimula ng gulo. Simula sa pagbangga niya sa akin noong kaarawan ng kapitan ng lugar na ito, hanggang sa mga nangyari pang pakikipagtalo niya sa akin. Matatanggap ko pa sana na mali ako kung sinumpa, o sinaktan ko ng pisikal ang babaeng iyon, ngunit ang tanging sinabi ko
Sa kahit anong mundo ka man mapunta, hindi na bago at hindi na mawawala ang mga nilalang na may masasamang gawain at may mga itinatagong kulo sa loob. Ang pagnanasa ng mortal na kaharap ko ngayon sa akin ay ramdam at basang-basa ko sa kanyang isip.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga balikat habang unti-unting nilalapit ang kanyang mukha. Ang akala niya ata ay hahayaan ko na siya sa nais niyang gawin sa akin dahil hindi ako lumalaban sa kanya at nagbabanta lang… ngunit nagkakamali siya. Sa pangalawa at huling beses na banta ko ay roon na ako tumigil. Nang inihinto niya ang paglapit ng mukha niya sa akin ay singurado kong nakatitig siya sa aking mga mata bago pinagbago ang kulay no’n.Ang kamay niyang nakahawak sa aking balikat ay nagsimulang manginig sa takot, kasabay ng panlalaki ng mga mata niya at paglayo sa akin.“H-hindi ka t-tao!” takot na sabi niya sa akin. Isang ngisi ang ibinigay ko sa kanyang sagot bago pinanunbalik ang