Share

Ika-tatlumpu't limang kabanata

Sampung araw na pananatili rito sa mundo ng mga tao at anim na araw mula nang magising ako. Ang ilan sa mga sugat ko ay naghilom na, habang ang iba na natamo ko mula sa saksak ay kahit papano’y malapit na ring gumaling. Tumigil na ang mga iyon sa pagdudugo at simpleng mga pangtakip na lamang ang nilalagay at hindi na kailangang bendahan. Ang sunog naman na natamo ko sa pulso ay malapit na ring gumaling. Namumula na lamang iyon. Ang lakas ko ay paunti-unti na ring bumabalik kung kaya’t ang ilan sa kapangyarihan ko ay nagagawa ko nang magamit, ngunit may limitasyon pa rin. Maayos na rin ang paglalakad ko at mas nakakatapos ng mga gawaing bahay ng mabilisan.

Sampung araw na ang nakakaraan ngunit kung susumahin ay masyado na itong matagal para sa pagpapagaling at pagpapanumbalik ng lakas ko, at nakakasigurado akong ang pinakarason nito ay dahil sa hindi ako nakakainom ng kahit anong dugo. Bilang bampira, lalo na’t may dugo akong maharlika at pinakamalakas sa aming lahi ay ang du

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status