Share

Ikalabing-limang kabanata

“Nasisiraan ka na ba ng ulo?!” Mabilis na tinabig ko ang kaniyang kamay at agad na tinalikuran siya upang hindi niya mapansin ang pamumula ng aking pisngi dahil sa hiya.

Wala na ba siya sa kaniyang katinuan?! Mas maiintindihan ko pa ang suhestiyon niya kanina na pakikipag-isang dibdib sa kaniya kahit alam naman niya na bawal, pero ang pagdadala ng magiging tagapagmana niya? Ang pagkakaroon ng anak sa kaniya? Siguro ay tumama nga ang kaniyang ulo nang malakas sa isang bato kung kaya’t tuluyang nasira!

“Nakaguhit sa iyong kapalaran na darating ang panahon na dadalhin mo ang anak nat—”

“Mas lalo ka ngang kilabutan sa iyong sinasabi! Hindi naaangkop sa sitwasyon ngayon ang iyong suhestiyon at hindi pa ito ang panahon na iyon! Sigurado akong may maiisip pa akong ibang paraan para sa suliranin na ito at hindi ang agarang pagluluwal ng magiging tagapagmana,” pagputol ko sa muli niyang pagbanggit sa naisip niyang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status