Owned By the Demon

Owned By the Demon

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-17
Oleh:  Pink WispsTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Peringkat. 1 Ulasan
58Bab
4.2KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Aliyah never chose whom to love, it was beyond her control. She had a mission to turn a demon's lust into love. She made a promise after her friend died at the hands of the demon. She never thought that her hatred and fear of the demon who made her life miserable could turn into love. Lorenzo was the demon she was referring to. He was the son of Asmodeus, the demon of lust. The man whom she was offered in exchange for a debt, erased her memory and claimed her as his woman. His darkness made her love him. Would her light save him from the darkness too?

Lihat lebih banyak

Bab 1

PROLOGUE

Sa tunog ng drum, nagsimulang pumwesto ang mga taong nakaitim. Hindi makita ang mga mukha ng mga ito dahil natatakpan ng hood. Nagsimulang magdasal ang mga ito habang nakaharap sa isang animo’y altar na may malaking apoy. Makikita rin ang isang malaking rebulto ng halimaw. Ang mga paa ng rebulto ay parang sa hayop, may dalawang malaking sungay sa ulo at nakakatakot ang itsura nito.

Sa harap ng rebulto ay may isang babaeng nakahiga at umiiyak. Nakatali ang mga kamay nito at nagmamakaawa. Dumating ang isang makisig na lalaki na nakaitim din. Kanyang hinalikan muna ang babae bago ito ialay sa gabing iyon. Ito ang gabi na magiging ganap na demonyo si Lorenzo De Luna. Ang nag-iisang anak na lalaki ni Asmodeus ang demon of lust.

Tumingin si Lorenzo sa mga taong sumasamba sa kanya at sinimulang bigkasin ang isang dasal.

“Factum Verbum affixus spiritius domini lapidibus. Ergo parces omnium demonum.Matrisejus praccepti gelorum traquente.” As he raised a knife.

“Lorenzo, please maawa ka. Huwag mo akong patayin,” pagmamakaawa ng babae. Tumingin sa kanyang mga mata si Lorenzo at ngumiti lamang ito.

“Ama, ito ang gabi na aking ibibigay ang aking sarili at kaluluwa sayo. Sinasamba ko ang pangalan mo. Ibigay mo sa akin ang kapangyarihan na ninanais ko,” sambit ni Lorenzo.

Sa tunog ng drum, lumuhod ang mga taong nakaitim at sabay-sabay na sinambit ang mga katagang “sinasamba ka namin aming panginoon.”

Lorenzo raised the knife as he whispered another prayer. Ilang sigundo, tinarak niya ang kutsilyo sa mismong dibdib ng babae at lumuhod muli ang mga taong nakaitim.

Kita ang saya sa mukha ni Lorenzo habang nakatingin sa mga taong sinasamba sila ng kaniyang ama. Ito ang pagkakataong pinakahihintay niya. Mula nang bata pa siya, ito na ang pangarap niya. Ang maging isang ganap na demonyo at makapangyarihan sa lahat. Sa kapangyarihan na ibibigay ng ama, magagawa niya ang lahat ng ninanais. Makukuha rin niya lahat ng gugustuhin.

Kinuha ni Lorenzo ang puso ng babae at kinain ito sa harap ng mga taong nakaitim. Ramdam niya ang kakaibang lakas na nabubuo sa kanya.

 Matapos ang alay ay nagkasiyahan ang mga tao. Animo’y may pista sa oras na iyon.

Sa isang sulok ay may isang babaeng nagmamasid. Si Teresa De Luna na nakatatandang kapatid ni Lorenzo. Nakita ng mismong mga mata niya kung paano inalay ng kapatid sa gabing iyon ang babaeng kinilala niya bilang si Cristy Banes. Isang sikat na modelo at endorsers. Nakilala ng kapatid niya si Cristy sa Casino na kanyang pagmamay-ari sa Quezon City. Si Cristy ay may taglay na ganda ngunit ubod nang sama ng ugali. Mahilig nitong maliitin ang kanyang kapwa. Gabi-gabi sa Casino, kung sino-sinong mayayamang lalaki ang nakakasama nito. Involved din umano si Cristy sa mga drug dealing activities. Sa araw na nakilala ni Cristy si Lorenzo ay sumama ito sa binata. Akala ni Cristy ay mapeperahan din niya si Lorenzo gaya ng ibang lalaki. Dinala siya ni Lorenzo sa San Vengganza at inangkin. Ibinigay ni Lorenzo sa babae lahat ng luho nito. Akala ng modelo na labis nahuhumaling ang binata sa kanya. Yun pala, plano nitong dalhin siya sa San Vengganza upang ialay sa rebulto ng ama.

Umiyak si Teresa habang pinagmamasdan ang kapatid sa malayo. Mahal na mahal ni Teresa ang kapatid. Magkapatid lamang sila sa ama sapagkat magkaiba ang kanilang mga ina. Kapwa mga mortal ang kanilang ina na nabuntis ng demonyong si Asmodeus. Napili ng ama si Lorenzo dahil maitim ang budhi nito. Hindi kagaya ni Lorenzo, si Teresa ay mabait.

Tuluyan na ngang ibinigay ng kapatid ang kaluluwa nito sa demonyo. Naniniwala si Teresa na hindi pa huli ang lahat. Masasagip pa niya ang kapatid mula sa kadiliman. Naniniwala siya na isang araw ay may darating na tamang babae na tinadhana ng diyos, upang maisalba ang kapatid mula sa kapangyarihan ng demonyo. Isang babae na magpapatunay kung gaano kalakas at makapangyarihan ang isang tunay na pag-ibig. A powerful force that could turn his lust into love.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Ilocano writer
highly recommend
2025-02-25 19:24:50
0
58 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status