Share

Chapter 3

Dalawang linggo na at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang nag text sa akin bago ako matulog. Bukod doon ay hindi ko rin maintindihan ang ibig niyang sabihin.

Is that some sort of prank? Or is that a threat? Pero anong banta kung sakali? Wala naman akong nakaka-away sa pagkaka-alala ko.

"Good morning, ate!" bati sa akin ni Lezzie. Ginising na niya ako kanina para magkasabay na kaming tatlo kumain. Pero hindi kaagad ako bumaba dahil sa mga iniisip kaya't binalikan niya ako sa kwarto.

"Good morning! Eto na bababa na 'ko." tumango nalang siya at umalis na.

Bumaba na ako at tumulong sa paghahanda ng mga pagkain. Kung tutuusin dapat ay ako na lamang ang gumagawa nito dahil marami pang ibabalot si nanay mamaya.

Sa isang restaurant naman kami magde-deliver ngayon dahil kakilala rin namin ang manager doon. Madalang lang silang umorder pero maramihan naman.

"Ako na dyan, nay." Agaw ko sa kanya sa sinangag na ilalagay sa lamesa. She smiled at iniabot na rin sa akin.

"Nay, ilan ang order ni Ate Sally?" I asked her. Sinalinan ko na rin ng sinangag ang plato ang kapatid ko. Bagay na gustong-gusto kong ginagawa. Simple thing na parang pinag sisilbihan ko na sila.

"Apat na paper bag din kaya papasamahan na kita sa tricycle driver na madalas maghatid kay Lezzie." sabi niya.

Tumango nalang ako at umupo na sa mesa. Kalaunan ay si nanay naman ang pumwesto. Nagdasal kami at nagpasalamat sa Kanya bago kami kumain.

Napuno ng kwentuhan ang hapag-kainan. Isang bagay na ipinagpapasalamat ko kahit na hindi kami kumpleto.

Ilang taon palang ako noong iwanan kami ng tatay ko para sa ibang babae. Iniwan niya kami kahit dalawang taong gulang pa lamang noon si Lezzie. Hirap na hirap kami noon dahil si tatay lang ang inaasahan naming magtrabaho, kailangan kasi ni nanay alagaan si Lezzie. Kaya noong umalis siya ay para kaming iniwan na rin ng mundo.

Pero hindi iyon naging dahilan para hayaan naming malunod kami sa kalungkutan. Bumangon kami at nagpatuloy.

PAGKARATING ko sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Ate Sally. Kaunti lamang ang tao sa loob. Malamang ay mayayaman ang mga ito dahil mamahalin din ang mga pagkain na inihahain dito.

"Yan na ba 'yun, Hydra?" tanong niya sa akin matapos makita ang mga dala kong paper bags.

"Opo, Ate Sally. Pinasobrahan na rin yan ni nanay ng dalawa. Salamat po."

Tumango siya at iniabot sa akin ang bayad. Ngumiti ako at inilibot ang paningin sa kabuuan ng restaurant na 'to. Grabe dalawang beses palang ako nakakapunta rito dahil madalas ay si nanay ang naghahatid ng order.

This place screams money. Ang ganda ng interior design na halatang ginugulan ng pera. Sino kaya ang may-ari nito?

Naglalakad ako habang tinatanaw tanaw pa rin ang kabuuan hanggang sa may nabangga akong waitress at naitapon nito ang dalang juice sa table na katapat.

"Look what you've done!" pasigaw na sabi ng babae na nakaupo kanina.

"Are you stupid, huh?" tanong niya sa waitress. Nakita ko namang namutla ito dahil malamang ay mapagalitan siya ng manager.

"M-ma'am. I'm sorry po." nanginig pa ang boses niya habang humihingi ng tawad. Sandali wala naman siyang kasalanan.

"Kapag nalaman ito ng boyfriend ko, mag goodbye ka na sa trabaho mo!" patuloy pa itong sumigaw hanggang sa nakuha na nito ang atensyon ng mga tao.

"Sandali lang po, ma'am. Wala po siyang kasalanan. Ako po ang dapat managot." nakita ko ang pagtaas ng kilay niya sa sinabi ko.

Huwag sana ako pagbayarin nang malaki. Mukha pa namang mamahalin ang damit niyang natapunan.

I got nervous when I saw her grabbed the glass with water. Paniguradong ibubuhos ito sa akin. Hindi pa ako ready sa mala Cherry Gill na eksena.

Inabangan ko na ang pagbuhos ng tubig nang marinig ang baritonong boses sa bandang likuran ko.

"What's happening here?"

Napadilat ako at ang kaninang nakataas ang kilay at nagmamalditang babae ay biglang napalitan ng awa ang mukha.

"Look, babe. Ayoko nang makita pa ang empleyadong ito. She's too clumsy." sabi niya habang dinuduro ang waitress na ngayon ay putlang-putla na.

Humarap ako sa taong kausap niya na nasa likuran ko at gayon nalang ang gulat ko nang mamukhaan ko siya.

If my memory serves me right, siya yung Anthony na nakilala ko doon sa Samantello Condominiums. Ibig sabihin, girlfriend niya 'to? And ano yung sinasabi na empleyado niya? Don't tell me siya ang may-ari ng restaurant na 'to. 

Nakita ko rin na medyo nagulat siya nang makita ako. Tumikhim siya at tuluyang lumapit sa amin.

"Babe, look at my dress. Napakarumi na at ang lagkit lagkit pa." pumadyak ito at kinuha ang panyo sa bag niya.

"Sige na, Clarissa. Bumalik ka na muna sa kitchen." sabi nito sa waitress.

"Sige po, sir. Pasensya na po talaga." yumuko ito at dali-daling umalis.

Sumipol ako at unti-unting tumalikod. Huwag na nila sana akong pansinin at baka mapagbayad pa ako. Humakbang na ako papaalis inilagay ko pa sa likod ko ang dalawang kamay na para bang turista na namamasyal habang sumisipol.

Ganyan nga, simplehan mo lang, Hydra. 

"Where do you think you're going?" wala mang pangalan ay alam kong ako ang kinakausap niya.

Patay.

Humarap ulit ako sa kanila at itinuro ang pinto palabas. Nakakainis na 'tong babae na ito ah! Mukha namang clown pssh.

"Uhm... lalabas na po ako." sabi ko sa babae. Si Anthony naman ay pirmi lang na nakatitig sa akin.

"At bakit ka lalabas?" tinaasan niya pa ako ng kilay. Sus, baka nga wala siyang tunay na kilay tapos dinadaan niya nalang sa make-up.

"Kasi lalabas ako."

Nakita ko ang munting pagtawa ni Anthony sa sinabi ko. Luh may nakakatawa ba sa sinabi ko? Nagkibit balikat nalang ako at tumalikod para umalis.

Nagmadali ako at habang papalabas ay naririnig ko ang usapan nila.

"Hahayaan lang natin siya? Babe, this dress is expensive. Hindi ako papayag na hindi niya ito babayaran."

Hindi ko na narinig ang sinagot ni Anthony bagkus mas lalo akong nagmadali at sumakay sa tricycle. Ayoko nang bumalik sa restaurant na 'yun lalo na kung nandun yung babae. Nanganganib ang ipon namin ni nanay.

Habang nasa byahe ay naramdaman kong nag vibrate at tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakitang galing nanaman ito sa unknown number.

From: Unknown

You're cute.

Alam ko naman yun pero huwag na niya sana sabihin pa sa akin.

Nagtaka ako dahil hindi naman siguro ito wrong send dahil sinabi niya ang pangalan ko sa text noong nakaraan. I should block this number tutal ayaw naman magpakilala.

IMBES na makatulog dahil sa hilo ay mas lalo pa akong nagigising. Gusto ko sanang utusan si Lezzie dyan sa tindahan para ibili ako ng gamot pero ayokong istorbohin ang mahimbing niyang tulog.

Bumangon ako at nagpunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Para talagang umiikot ang paningin ko kaya nagdahan-dahan lang ako sa paglalakad.

Kinapa ko ang leeg ko pero hindi naman ako nilalagnat. Nang makainom ako ng tubig ay para namang hinahalukay ang tiyan ko kaya kahit masama ang pakiramdam ay nagmadali akong magtungo sa banyo.

Isinuka ko ang kaunting pagkain na kinain ko sa buong maghapon. Inabot din ako ng kalahating oras sa loob ng banyo dahil sobra akong nanghihina.

Siguro ay narinig ni nanay ang pagsusuka ko kaya't nagmadali siyang pumunta at inalalayan ako.

"Ano bang nangyayari sa'yo, 'nak? Baka may kinain kang kung ano sa labas? Hindi ka naman nilalagnat." sabi niya habang inaalalayan ako paupo. Inabutan niya pa ulit ako ng isang basong tubig.

"Tara, magpahinga ka na muna. Lalabas ako para bumili ng gamot at magpapatingin tayo bukas sa doktor." sabi niya at inalalayan ako papasok sa kwarto.

Kinabuksan ay maayos naman na ang pakiramdam ko pero pinilit pa rin ako ni nanay magpa ospital. Sinabi ko sa kanya na ako nalang mag-isa at kaya ko na. Wala na rin naman siyang nagawa kundi payagan ako.

"Ako nalang po, nay. Mabuti pa ay dito nalang kayo sa bahay at asikasuhin ang mga ibebenta. Maayos lang po ako."

Tumango nalang siya at ako naman ay dumeretso na sa ospital. Nag text na rin ako kay Trix na hindi ako makakagala kasama siya.

Pagdating sa ospital ay naghintay pa ako nang matagal dahil maraming tao ngayon. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa paglalaro ng games sa phone ko.

"Nagugutom na 'ko. Wala bang nagtitinda ng singkamas dito?"

Para akong tanga. Malamang ospital to saan ka makakahanap ng singkamas?

"Hydra Mercado?" nang marinig ang pangalan ko ay tumayo na kaagad ako at pumasok sa isang room.

Kung ano-anong tests ang isinagawa sa akin. Malamang malaki nanaman gastos nito. Kinuhanan din nila ako ng dugo sa bandang braso.

Kaunting oras pa ang lumipas ay may dumating na panibagong doctor.

Nalaman ko na OB-Gyne pala itong dumating na bago. Habang kinakausap niya ako ay may bago namang pasyente na kinakausap ang kaninang doctor.

"Ikaw lang nagpunta rito, hija? Where's your boyfriend?" nagulat ako sa tanong niya.

"Wala po" tumango siya. Hindi ko alam kung ano ang intindi niya sa sinabi ko. Kung wala ang boyfriend ko o wala akong boyfriend pero hindi ko nalang nilinaw.

"Kamusta po yung results, doc? Maayos lang po ba ako?" tanong ko.

Tumango siya at ngumiti sa akin. Nawala naman ang kaba ko.

"There's nothing wrong with your body, hija. Normal lang naman yung mga symptoms na nag occur sa'yo."

"Po? Paano pong normal?"

"Congratulations, Hydra. You're four weeks pregnant."

Para akong natulos sa kinauupuan ko. I can't move and I can't even blink. Totoo ba yung narinig ko? Ako? Buntis?

Kahit hindi ko alam kung paano isisiksik sa utak ko ang nalaman, pinakinggan ko pa rin ang mga dapat at hindi dapat. Binigyan niya rin ako ng ibang vitamins at reseta sa iba pang mga dapat bilhing gamot.

Habang naglalakad palabas ay para akong tanga na nakatulala at naglalayag kung saan ang isip.

Hindi pwede. Marami akong pangarap at hindi kasama ang pagbubuntis dito. Pero hindi ko kayang balewalain ang nabubuhay na bata sa sinapupupunan ko.

Bigla akong napahawak sa tiyan ko dahil sa naisip.

Kung sasabihin ko kay nanay, malamang ay tatanungin niya ako kung sino ang ama pero sino ang isasagot ko? Hindi ko nga kilala yun at hindi ko manlang nakita ang mukha.

"Ang tanga tanga mo, Hydra! Sobrang tanga mo!"

Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang pag-aaral ko. Ang pangarap ko at ang kagustuhan ko na makapag tapos at makahanap ng trabaho. Maglalaho nalang ba na parang bula?

Hindi ko namalayan na nasa bahay na 'ko. I'm afraid to go inside. Makikita ko si nanay. Makikita ko yung hirap niya na mababalewala ko.

Umiiyak na pala ako pero tsaka ko lang nalaman noong nakita ko si nanay na tumatakbo palapit sa akin at biglang hinawakan ang mukha ko. Tinuyo ang mga luha ko na kanina pa tumutulo.

"A-anak, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? Masama ba resulta sa doktor? Sabihin mo sa akin, anak. May nanakit ba sa'yo?" sunod-sunod niyang tanong.

"N-nay..." napayakap nalang ako sa kanya at napa hagulgol. Nahihirapan ako pero hindi ko dapat itago. Mas madadagdagan ko lang ang disappointment niya kung itatago ko.

I need to be brave. For my baby.

Sa kabila ng lungkot ay may lumukob na tuwa sa akin. May buhay na sa sinapupunan ko.

Kumalas ako sa yakap ko kay nanay. Humarap ako sa kanya. Halata sa mukha niya na naghihintay siya sa sasabihin ko.

"N-nay... buntis po ako."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
ganon tlaga ang buhay
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang saklap nman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status