LOGIN"Mylez, can you go to Room 421 –the guest requested a housekeeper. Thank you." Sabi ni Ms. Claire ang supervisor ng Housekeeping department ng hotel na pinag ta-trabahuhan ko dito sa Paris. “Sure Ma’am! I’m on my way.” Sagot ko dito gamit ang radyong mayroon ang lahat ng chamber maids ng kilalang hotel para makapag communicate. Ako si MYLENE REYES, 25 Y/O, single mom. Dati akong nagta-trabaho bilang isang waitress sa isang sikat na Entertainment Cruise Line sa Singapore na pagma-may ari ng isang mayaman na Pilipino. Tumagal ako doon ng halos dalawang taon ngunit dahil sa hindi magandang karanasan ay kinailangan kong iwan ang minahal kong trabaho. May lihim ako na hindi alam ng mga kasamahan ko dito sa Paris. Ang akala ng lahat ay wala akong asawa. Pero ang totoo ay mayroon... Iniwan ko ito ng walang paalam pagka tapos ng kasal at hindi din nito alam na may anak kami. Ang nais ko lang ay ang makalayo sa taong nanakit sa akin at maaaring manakit at kumuha sa anak ko. I am CAPT. KIM MENDOZA SANCHEZ, 29 Y/O, Married. Isa akong CRUISE LINE SHIP CAPTAIN at MULTI-BILLIONAIRE CEO ng mga ENTERTAINMENT CRUISE SHIPS at ilang AIRLINES sa Pilipinas at ibang bansa. Maga-anim na taon na, hanggang ngayon ay hindi ko pa din sya makita. “Wherever you are Mrs. Sanchez, kahit na umabot pa tayo sa impiyerno, hindi ko titigilan na hanapin ka. At kapag nahanap kita, sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala pa kahit kailan.” Mapaklang ngiti ko. Nakaupo ako ngayon sa isang kilalang Bar habang nakatitig sa hawak kong kopita ng alak at pinaiikot ang malaking bilog na tipak ng yelong nasa loob ng baso na nagpapalamig sa inumin kong hawak sa kanan kong kamay at saka ininom ng daretso at sinaid ang laman nito.
View MoreMYLENE’S POV:
“Kimmy! Not there mahal! Please stay near me, you might get lost!”. Sabi ko sa napaka cute kong limang taong gulang na anak. “Mommy, I’m okay! Look! I can walk alone!” Pag mamayabang nito sa akin habang naglalakad ito ng halos isang metro ang layo sa akin habang hawak hawak nito ang teddy bear na may puso. Nag aalalang hinabol ko ito, kahit pa ilang dipa lamang ang layo nito mula sa akin. Limang taon pa lang si Kimmy, at aaminin ko, mahirap ang maging isang single mother, lalo na sa sitwasyon ng anak ko ngayon. May sakit si Kimmy, mahina ang puso nito kaya kumuha ako ng nanny na mag babantay at mag aalaga dito sa mga araw na wala ako at may pasok. Nagba-barko ako noong dalaga pa ako, nakaipon naman ako ngunit dahil sa tagal na din ng pamamalagi namin ni Kimmy dito sa Paris ay paubos na din ang naipon kong pera, kaya kung dati ay relax lang ako sa pagbabanat ng buto at pagkayod para sa kalagayan ni Kimmy, ngayon ay doble, minsan pa nga ay triple na ang sipag ko sa pag kayod sa pagta-trabaho para lamang matustusan ang mga pangangailangan ng anak ko. Mabuti na nga lang at nandito kami sa Paris, madami ring libreng gamot at madalas nga ay libre kapag nao-ospital ito. Kung nasa Pilipinas kami, malamang ay lubog na lubog na ako sa utang para lang sa pagpapa gamot dito. Limang taon. Sa loob ng limang taon nakayanan ko ang magtago, ginawa kong patay ang aking sarili sa Pilipinas, walang sino man akong tinawagan na kaibigan o kamag anak doon upang balitaan ang mga ito kung saang lupalop at kung ano na ba ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Hirap ako pero sa tuwing makikita ko ang maaliwalas at nakapagandang ngiti ng anak ko, ay nawawala lahat ng hirap at pagod ko basta nandito ito at kasama ko. “Kimmy! Slow down!” Sigaw ko dito ng makita ko ang biglang pagtakbo nito kaya agad ko itong hinabol. Ngunit sadyang mabilis tumakbo ang batang ito kaya nabitawan ko na ang drinks na hawak ko at saka pinilit kong ma-abutan ito. “Kimmy! STOP! I said STOP!” Saway ko na may halong taranta, ngunit dahil pakiramdam siguro ng bata ay nakikipag habulan ako dito - lalo nitong binilisan ang pagtakbo. Halos magkandarapa ako sa pag habol dito. “KIMMY!” Sigaw ko na halos mapatid ang lalamunan ko sa sobrang lakas nang makita kong may papalapit na itim na sasakyan. Kitang kita ko ang pag hinto sa gitna ng anak ko na hindi nito malaman ang gagawin, nakatitig lamang ito sa mabilis na paparating na sasakyan. “ANAK!” Sigaw ko na hindi malaman kung paano ang gagawin. Nakita ko na lamang ang anak kong nakahiga na sa kalsada tila wala na itong malay kaya agad na nilapitan ko ito. “Call 911!” Iyon lamang ang narinig kong sabi ng nakapaligid sa akin na naintindihan ko. Hindi ko alam pero wala akong maunawaan sa nangyayari sa paligid. Basta na lamang ako sumalampak sa tabi ng anak ko habang walang tigil sa pag iyak. “Sir, I-I didn’t hit the kid.” Sabi ng isang taong naka talungko sa tabi ko. “Are you sure?” Tanong ng nakatayong lalaki na nasa tabi nito. “Yes sir. I think the Kid just passed out.” Imporma nito sa tinatawag nitong ‘Sir’. “Let’s bring her to the hospital.” Sabi ng lalaking nakatayo at nakita ko nalamang itong nilapitan ang anak ko at binuhat na parang baby. “You’re the mom of this kid?” Tanong nito sa akin ng pangko pangko nya na ang anak ko. “Do you think I’ll cry if I don’t even know her?”. Pag susungit ko dito. “Calm down Ms. Let’s take her to the Hospital.” Sabi nito at dumaretso na sa sasakyan nitong buhat buhat ang anak ko. “What’s her name?” tanong nito sa akin. “Kimmy.” Simpleng sagot ko. “How old is she?”. Muling tanong nito sa akin. “Five. Ang kulit! Tanong ng tanong!” Sabi ko dahil alam kong hindi naman ako nito maiintindihan. “She doesn’t look like you. Maybe she got her looks from her dad. Am I right?” Muling tanong nito. “Maybe. Ewan ko. Ako lang kamukha ng anak ko.” Muling sagot ko dito. Wala akong paki kung hindi ako maintindihan ng banyaga. Nag aalala ako sa anak ko ngayon. “Where’s the father? Is he at work?”. Tanong na naman nito sa akin. "Can you please stop asking me so many questions? I believe you’re not a policeman who would need to investigate me. Right?" Di ko napigilan na pambabara dito. Naiingayan ako lalo at hindi pa din nadilat ang anak ko ngayon. “Chill. I'm just trying to calm you down by diverting your mind to our conversation. I can see how tense you are right now." Eksplika nito sa akin. “Thank you. Kahit hindi naman nakatulong” Sagot ko na lamang dito. Napatingin ako sa mukha nito. Nakangiti itong nakatingin sa labas habang hawak hawak nito ang anak ko. Gwapo sana ang lalaki, matangos ang ilong. Sayang kaso ‘shunga’. Isip ko at ibinalik ang atensyon ko sa anak ko. “Anak, wake up na mahal. Mommy’s really worried na... Please mahal ko.” Sabi ko sa anak kong nakapikit pa din ang mga mata. Hinalikan ko ito sa noo. “Ahem!.” Ubo ng lalaki kaya agad na napatingin ako dito dahil napukaw nito ang atensyon ko. “Excuse me?” Sabi ko dito. “Hmm...” Sabi nito na itinuro ang kamay kong nakahawak sa legs nito nung halikan ko sa noo ang aking anak. “Ay! Sorry...” Sabi ko at mabilis na nahihiyang inalis ang kamay kong ipinatong sa legs nito dahil ginawa ko iyon para suportahan ang sarili sa pag yuko ko kanina para halikan ang aking anak. Hindi ko na napansin na hita pala ng lalaki iyon at malapit sa gitna nito ang nahawakan ko. Ngumiti ito na para bang nahihirapan bilang tugon nito sa pag hingi ko ng pag umanhin dito. “M-May I know your name?” Napipilitang tanong ko dito para maibaling na sa iba ang nakakahiyang pangyayari. “I’m Gab. And you?” Balik tanong sa akin nito. “Mylene.” Sabi ko sabay ngiti dito ng alanganin. “Nice to meet you ‘Myles’.” Sabi nito sa akin na ipinagtaka ko. Mali ata ito ng rinig ng pangalan ko. “I said, my name is MYLENE.” Pag lilinaw ko dito. “I heard you. But I prefer to call you ‘Myles’. Mylene is too long to say. I hope you don’t mind.” Sabi nito sa akin. “S-Sure.” Sagot ko dito. Hinayaan ko na lamang ito. Atleast tinulungan ako nitong buhatin ang anak ko at nagmagandang loob pa na dalhin kami sa ospital.Lumukob ang walang mapaglagyang inis at matinding poot sa buong dibdib ko. Habang nakatitig ako sa sirang screen ng aking telepono at dinarama ang matinding kirot at pag-apoy ng magkabilang pisngi ko mula sa dalawang malalakas na sampal ni Papa, bawat patak ng luha ko ay napalitan ng kulay-dugong galit. Ang lasa ng dugo sa loob ng aking labi ay naging isang pait na patuloy na nagpapaalala sa akin kung gaano kababa ang ibinagsak ko ngayong gabi.At ang lahat ng ito—ang sampal, ang matinding hiya sa harap ng maraming tao sa restaurant, ang pagka-confiscate ng kotse at allowance ko, at ang tuluyang pagkadurog ng aking reputasyon—ay dahil sa iisang tao lamang.Si Jun."Isinusumpa kita, Jun..." nanggigilid ang mga luhang bulong ko sa gitna ng madilim at tahimik kong kwarto. Nanginginig ang aking mga kamay habang nakakuyom nang napakahigpit ang aking mga palad, hanggang sa bumabaon na ang aking mga kuko sa aking balat. "Isinusumpa kita... Hinding-hindi ako papayag na matapos ang lahat nang
Isang napakalakas at napakasakit na sampal ang lumapat sa aking kanang pisngi. Sa lakas niyon ay napatumba ako sa sahig, hawak-hawak ang aking mukha na biglang uminit at namanhid sa sakit."Papa!" sigaw ni Mama habang sumusugod para pigilan si Papa. "Tama na 'yan!""HUWAG KANG SUMINGIT, TERESA!" bulyaw ni Papa kay Mama. "INI-SPOILED MO ANG BABAENG ITO! TINGNAN MO ANG NANGYARI!"Dahan-dahan akong tumayo mula sa sahig, umiiyak at hawak ang aking pisngi. "Pa... bakit mo ako sinampal?! Ginawa ko lang naman 'yun kasi—"PAAAK!!Muling lumapat ang kaniyang kaliwang kamay sa kabilang pisngi ko. Sa pagkakataong ito, naramdaman ko ang lasa ng dugo sa loob ng aking labi. Napaupo ako sa sofa, tuluyan nang dumadaloy ang mga luha sa aking mukha."Bakit kita sinampal?!" sigaw ni Papa, nanginginig ang buong katawan sa galit habang nakaturo sa mukha ko. "Dahil napakakapal ng mukha mo! Wala ka nang ginawa sa pamilyang ito kundi ang magdala ng kahihiyan! Wala ka nang ginawa kundi ang sirain ang pangalan
"Hindi po namin problema ang misunderstanding ninyo ng kasama niyo, ma'am," deretsong sagot ng manager, walang kahit anong awa sa kaniyang boses. "Ang patakaran ng restaurant na ito ay malinaw: Ang kumain ay kailangang magbayad bago makalabas ng pinto. Kung wala kayong maipapa-process na credit card o sapat na cash ngayon din, wala kaming ibang pagpipilian kundi ang tumawag ng mga pulis para ireport kayo sa kasong Estafa at Theft.""PULIS?!" napaiyak na nang tuluyan si Elle. "Huwag po! Huwag po kayong tumawag ng pulis! Student pa lang po kami!""Kung ayaw ninyong tumawag ako ng pulis, ayusin ninyo ang bayad ninyo ngayon din," matigas na giit ng manager. "I'm giving you ten minutes to settle this bill. Kung hindi, direkta kayong sa presinto magpapaliwanag."Nanginig ang buo kong katawan. Ang matinding hiya, galit, at takot ay sabay-sabay na sumabog sa dibdib ko. Tumingin ako kina Romnick, Renz, at Elle, pero wala sa kanila ang makatitig sa akin. Ang mga kasama kong napakayabang kapag n
Agad-agad. Walang ring. Walang kahit ano. Lumabas sa screen ng telepono ko ang isang babala: Call Ended.Namilog ang mga mata ko. Sinubukan kong mag-send ng iMessage.[Jun! Nasaan ka na ba?! Mag-order pa kami ng dessert! Magbayad ka na sa counter!]Biglang kulay berde ang lumabas sa bubble ng chat—ibig sabihin, hindi pumapasok bilang iMessage. At sa ilalim nito, lumabas ang nakasulat: Not Delivered.Biglang tumibok nang mabilis ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na kaba at matinding galit."Teka nga!" sigaw ko sabay tingin kina Romnick. "Romnick, tawagan mo nga si Jun sa phone mo!"Naguguluhan ding inilabas ni Romnick ang kaniyang phone at dinalial ang numero ni Jun.Call ended."Renz! Tawagan mo!" sigaw naman ni Romnick.Dinalial din ni Renz.Call ended."Elle, ikaw!"Inis na pinindot ni Elle ang kaniyang screen.Call ended.Natahimik kaming apat sa aming mesa. Ang malakas at mayabang naming tawanan kanina ay biglang naputol na parang kuryenteng pinatid sa isang pikit ng mata. Nagka
Pag dating ko sa Hotel ay agad na humingi ako ng tawad sa supervisor ko dahil sa pag iwan ko sa post ko. Nakakaunawang pinatawad naman ako nito at agad na pinabalik sa trabaho ko.Inunti-unti ko na ang paglilinis ng nasabing kwarto. Mabuti na lamang at na delay din ang flight ng VIP Guest namin nga
Totoong hindi naman nabangga ang anak ko at kitang kita iyon ng dalawang mata ko. Nakapag preno ang driver bago pa nito mabundol si Kimmy. Sadyang sobra lamang akong nag alala at kinabahan ng bumagsak ang anak ko sa lupa at nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at mabait pa din ang driver at amo n
“Humanda ka Mylene. Ito na ang simula ng pag hihiganti ko. Sinong may sabi sa iyong iwan mo na lang ako ng basta basta pagkatapos na pagka tapos ng kasal natin ng wala ka man lang paalam?” Matabang na napangiti ako habang nag iisip.“Chamber maid? Dito sa Paris? Bakit? Para lang taguan ako? May la
Nalaman kong ubod ng yaman nitong si Gab. Ang negosyo ng mga ito ay ang mamahalin na mga perfume kaya pala ubod ng bango ng lalaki lalo na nung nakulob kami kasama ito sa sasakyan nito. Humahalimuyak ang amoy nito, yun bang mahihiya ka na tumabi dito dahil napaka bango nito pero hindi masakit sa ul


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews