Share

Fearless 5

•FEARLESS 5

|JASON NATIVIDAD|

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makitang walang malay si Rojainnah habang nasa higaan. Nagulat na lang ako nang ihatid siya sa bahay ng isang magsasaka ng hacienda. Kinabahan pa ako dahil akala ko ay si Mr. Frostier na ang nakakita sa kanya.

"Jason, hindi ka ba natatakot na makarating sa Señorito na nasa iyo ang asawa niya?"

Nilingon ko si Nanay at umiling ako.

"Bakit 'nay? Ang tagal na simula nang mapunta sa atin si Rojainnah. Ni isang beses ay wala akong narinig na balitang hinahanap siya ng mga Frostier o kahit ng mga De Silva man lang. 'Nay akin si Rojainnah. Akin na si Rojainnah walong taon pa." Inis kong sagot.

"Ako'y nagpapaalala lang naman Jason. Nandito na ang Señorito sa Hacienda at imposibleng hindi niya makita ang asawa niya."

Nasaktan ako sa sinabi ni Nanay. Dahil alam kong kahit kailan ay hindi ko matatawag na asawa si Rojainnah. Asawa naman talaga ni Mr. Frostier si Rojainnah kaya ni minsan ay hindi ko pinilit ang sarili ko para pakasalan siya dahil hindi pwede.

"Nay, ako ng bahala doon. Kung sakaling magkita man sila ay hindi ako papayag na sumama si Rojainnah sa kanila. Alam niyo kung gaano ako nahirapan nung mga panahong nagkakakasakit at hindi makausap si Rojainnah. Akin lang siya," sagot kong muli bago lumabas ng bahay at iwan si Rojainnah na binabantayan ni Nanay.

'Madamot na kung madamot pero hindi ako papayag na mapunta ka ulit sa kanila. Akin ka Rojainnah Frostier.'

|CHRYSOPRASUS RASEIL|

"Ang daya mo talaga Scheiner!"

"Ako pa naging madaya? Hoy Raseil! Ikaw diyan ang hindi tinitingnan ang letrang nilalapag mo."

"Tss. Madaya ka pa rin. Badtrip 'to."

Asar. Simpleng Scrabble lang naman ang nilalaro namin pero kanina pa ako dinadaya nito.

"You need to face the consequence Chrysoprasus. Once you lose, you're going to find that monster and bring him back here. And don't forget to find my sister too. Okay. Last 3 rounds."

Badtrip ka talaga Rasham! Oo. Tama. Ayan ang parusa kapag natalo ang isa sa amin. Psh. Masyadong isip bata kung magbigay ng parusa pero kahit na! Tinatamad akong lumabas ng bahay lalo pa at hindi ko pa kabisado ang Hacienda.

"Pero sigurado kang nandito talaga si Rojainnah?" tanong ko habang nasa kalagitnaan na ulit kami ng laro.

"I think so. I don't know kung anong mangyayari kung sakaling magkita sila ni Zirco."

"Hayy kawawang kaibigan natin. Tsk. Ang daming problema. Hindi pa tapos ang isa meron na naman. Kaya ayokong maging De Silva, lalo naman ang maging Frostier."

"And you will never be."

"Siraulo!"

"Hahaha!- ooppss.. I won. Yes! And you lose Raseil. Sorry."

Anak ng. Talo na ako.

"Ngayon ko talaga hahanapin si Zirco? Ang init kaya at tirik pa ang araw," reklamo ko. Napakadaya kasi.

"Yes. Ngayon. So go. I'm going to eat first. Haha. Enjoy Raseil."

Nang-aasar niyang wika bago tiniklop ang Scrabble board at tumayo saka naglakad patungo sa kusina.

Tsk. Badtrip!

Tumayo na rin ako mula sa pagkakasalampak sa sahig at lumabas na ng bahay. Lintek saan ko naman hahanapin si Zirco? Malay ko ba sa lugar niya.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko.

"Hello po kayo yung bisita ni Señorito Zirco hindi ba?" Nilingon ko yung babaeng bumati sa akin.

"Yes. Ako nga. Bakit?"

"Ay, ako nga pala si Jenah. Kyaaah. Pasensiya na po kung kinikilig ako sa inyo. Ngayon lang kasi may napadpad na gwapo sa Hacienda De Silva. Syempre sa mga anak ng dating Don at Donya sanay na kami sa kagwupuhan ni Señorito Zirco at Señorito Jezreel."

"Ah."

Yun na lang ang naisagot ko tutal wala naman akong sasabihin sa kanya. May fan agad ako rito? Aba. Ayos. Ang gwapo ko talaga.

"By the way I need to go na," paalam ko at tinalikuran na ito.

"Hanggang sa muli Mister!"

Mister? WTF? Wala pa akong asawa kaya!

Jeez! Where the hell are you Frostier?

Saktong paglabas ko ng main gate ng bahay ni Zirco ay may natanawan akong babaeng nakatalikod sa gate. Hindi ko alam pero dala ng instinct ko ay nagmadali akong maglakad patungo sa babae.

Para kasing kilala ko yung babae.

Frostier's wife?

"Rojainnah?" tawag ko sa babae.

"Hey," tawag ko pa ulit at nilingon naman niya ako.

"Huh? Who's Rojainnah?"

Shit! She's not Rojainnah.

"Sorry. I thought you're a friend of mine. Haha."

"Bakit? May malaki ba kaming pagkakahawig?"

Psh.

"Siguro. Sorry napagkamalan kitang si Rojainnah."

"Rojainnah? Girlfriend? Haha!"

Napangiwi na lamang ako nang tumawa siya. Mukha ba akong clown at grabe kung makatawa ang babaeng ito?

"She's just a friend of mine. Kasasabi ko lang di ba?"

"Hahaha! Okay. Sorry. By the way I'm Shanelle."

Tibay nagpakilala pa talaga.

"Chrysoprasus."

"Weird name. Hahaha!"

"No. It's not a weird name."

"Oh.. So how can you say that it's not a werd name?"

Daming tanong. Kaasar.

"Because it was came from the Bible."

"Woah! Really? Hindi ko alam yun ah!"

Ngumiti na lang ako at tumalikod na.

"Are you going somewhere Chrysoprasus?"

Haist. Babae nga naman puro tanong.

"Yes. So I need to go if you don' t mind."

"Okay! See you again Chrysoprasus!"

Tumango na lang ako at naglakad na palayo.

But man she's one hell of a gorgeous.

Pero kailangan ko na talagang hanapin si Zirco.

|ROJAINNAH ARKINIAH SCHEINER FROSTIER|

"Is she okay? Kinabahan ako sa kanya kanina. Hindi ko rin alam kung saan siya ihahatid kaya nagtawag ako ng isang magsasaka na may kakilala sa kanya."

Tumayo ako at bumaba sa kamang kinahihigaan ko at lumabas ng kwarto. May narinig akong nag-uusap kaya pinuntahan ko ito. Nakita kong kausap ni nanay si Mr. Feliciano. Siya siguro ang tumawag sa akin kanina.

"Rojainnah, I'm glad you're fine now."

"Kayo po ba ang nagdala sa akin dito?" tanong ko.

"Yes. Nakita kasi kita kanina sa tapat ng gate ng mga Frostier kaya tinawag kita. Ano bang nangyari sa iyo at bigla ka na lang hinimatay?"

"Baka sa init lang po," sagot ko saka bumaling kay nanay.

"Si Jason po 'nay nasaan?"

"Ha? Umalis siya tutungo yata sa palengke at may bibilhin daw."

"Ah ganun po ba.."

"Mr. Feliciano, ano nga ho ulit yung kinukwento niyo kanina?" si nanay.

Umupo ako sa tabi niya at katapat namin si Mr. Feliciano.

"Ah. Yes. About that may naikwento kasi sa akin si Mr. Frostier na may hinahanap raw siya rito ngayon kaya nandito siya," pagkukwento ni Mr. Feliciano,

"Eh sino naman raw ho?" Si Nanay.

Nilingon ko si Nanay. Hindi ko alam pero parang naku-curious ako na na-eexcite sa isasagot ni Mr. Feliciano.

"His wife."

Sa simpleng sagot niyang iyon ay kinabahan ako na may halong saya. Ewan. Ang gulo ng nararamdaman ko ngayon.

"E-eh.. Sinabi ho ba ni Mr. Frostier ang pangalan ng asawa niya?" Si Nanay ulit.

Umiling si Mr. Feliciano.

"Yun lang ang sinabi niya. Wala ng iba pang detalye tungkol doon."

Inabot rin ang kwentuhan nila ng mahigit isang oras kaya nung paalis na si Mr. Feliciano ay saka naman ako inutusan ni nanay na pumunta sa taniman ng mais.

'His wife'

Bakit dito hinahanap ni Mr. Frostier ang asawa niya? Talaga bang nandito? Nag-away siguro sila at dito nagpunta. Kung ganon ay ang swerteng babae naman ng asawa niya.

'His wife'

Parang ang sarap pakinggan ng salitang iyon. Si Jason kaya? Kailan niya masasabi sa akin ang salitang 'You are my Wife?' Haist. Nako Rojainnah wag munang umasa.

'His wife

Nagtungo  na lamang ako sa taniman ng mais. May natanaw akong kausap ni tatay. Kung ako ang magde-describe ay masasabi kong gwapo ito kahit sa malayo pa lang.

"Rojainnah!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Clarita pala yung anak ng bestfriend ni Nanay.

"Uy! Bakit?"

"Grabe nakita mo na ba yung Señorito? Tapos yung kasama niya? Ang gugwapo!"

"Ha? Hindi pa. Halatang kilig na kilig ka. Nakita mo na?"

"Oo naman! Grabe! Nagpunta ang Señorito rito kanina mga limang minuto bago ka dumating. Ang bango-bango at lalaking-lalaki ang dating... Nakipagkwentuhan siya sa amin."

Huminto siya sa pagsasalita at mukhang nalungkot.

"Oh bakit? May problema ba?" tanong ko.

"Kaso.. Hinahanap niya yung asawa niya rito. 8 years na raw nilang hinahanap pero ayun nandito lang pala. Haay.. Minsan ka na nga lang umibig papaplakda pa."

"Ayos lang yan. May makikita ka pang iba diyan.. Clarita yung pangalan ng asawa ng Señorito sinabi ba?"

Naku-curious talaga ako sana sabihin niya.

Pero nanlumo ako ng umiling siya.

"Hindi eh. Private daw at kailangang hindi malaman delikado daw."

"Ah.. Ganun ba? Siguro maganda yung asawa niya."

"Hahaha! Parang ikaw?"

"Ha? Hindi ah. Maputi lang ako pero hindi ako maganda."

"Pero alam mo ang swerte ng asawa niya kasi kita mo 8 years niyang hinahanap iyon. Samantalang yung iba lalo na yung mga gwapong ganun katulad kay Señorito hindi na nag-aaksaya ng panahon, oras at pera para lang hanapin ang isang babae, kung iba lang iyon baka nag-asawa na ulit."

Ngumiti na lang ako ng tipid. Ang swerte nga. Sobra. Sana ako na lang siya.

Teka, ano ba itong pinag-iisip ko?

"Sino pala yung kasama ni Tatay, Clarita?"

tanong ko sa kanya. Nilingon niya sila tatay at ang kausap nito bago humarap muli sa akin.

"Hindi ko siya kilala pero ang rinig ko ay Chrysoprasus ang pangalan niya. Kasama siya ni Mr. Frostier eh."

Tumango na lang ako.

"Nako! Paalis na ata yung kausap ni tatay. Sige sige alis muna ako Rojainnah ah!"

"Sige."

Sinundan ko lang ng tingin ang naglalakad na si Clarita samantalang tumuloy ako sa maisan para gawin ang inutos sakin ni nanay.

"Magandang tanghali po manang," bati ko sa magsasaka. Nilingon naman niya ako at ngumiti sa akin.

"O iha ikaw pala. Naparito ka? May kailangan ka ba?"

"Ay opo manang. Pinapatanong po kasi ni Nanay kung kailan niya makukuha yung in-order niyang leche flan nung isang araw."

"Ah iyon ba? Pakisabi na sa susunod pang araw maide-deliver yung order niya saka hindi pa naman iyon bayad."

"Sige po. Sabihin ko na lang."

"O siya sige."

"Sige po, mauna na ako."

Matapos magpaalam ay dumiretso na rin ako paalis ng maisan kung saan nakatira si Manang.

Naglalakad na ako pauwi nang may mapansin akong dalawang tao na nag-uusap di-kalayuan sa akin. Dala na rin ng kuryosidad ay lumapit ako ng konti at nagtago sa isang pader na malapit sa nag-uusap.

"You need to find her as soon as possible."

"Pero medyo mahihirapan tayo nito ngayon. Her husband is here. I mean her real husband."

"I don't care if that jerk is also here. I just want you to get that woman. That's all. And bring her to Them."

"Pero tatlo silang nandito. Isang Frostier, Raseil at Scheiner. Do you think mapapaaga ang pangingidnap natin sa babae kumg parehong narito ang mga iyon?"

"Dammit! Just do what I said! Kung ayaw mong pare-pareho tayong pulutin sa sementeryo!"

Para akong natulos na kandila sa narinig ko. Yung asawa ni Mr. Frostier ang target ng dalawang nag-usap. Nakakatakot silang dalawa. Anong gagawin ko? Ayokong madamay sa kanila kapag sinabi ko ito kay Mr. Frostier. Ni hindi ko pa nga nakikita si Mr. Frostier.

************

Sa kabilang banda...

"Ano nakita niyo na ba siya?"

Tanong nito habang humihithit ng sigarilyo.

"Oo boss. Kaso may problema," sagot ng isang tauhan nito at may inilapag na mga litrato.

"Nakita namin sila diyan. Mukhang yung babae rin ang target nila."

Sa narinig ay napabuga na lamang ang lalaki at inis nitong hinampas ang lamesang nasa harapan.

"Tangina! Uunahan pa tayo ng hayop na iyan sa babae!"

"Boss, bukas ay tutungo ulit kami roon at sisimulan na ang paghahanap sa asawa ni Frostier."

"Dapat lang! At siguraduhin niyong makukuha ninyo ang babaeng iyon! Hah! Ewan ko na lang kung anong gagawin ni Frostier kay Cameron sa oras na mapasatin ang asawa niya. Hahahahaha!"

Ngingisi-ngisi ang lalaki. Sinisiguradong mapapasakanya nga ang babaeng tinatarget.

Paunahan na lang tayong tatlo. Hahahaha!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status