Share

Fearless 3

•FEARLESS 3•

  |ZIRCO RAIJANNER FROSTIER|

"Alam mong hindi ka pwedeng magpunta rito Zirco."

"I need to talk to your fucking boss. Now."

"Zirco hindi talaga pwede, malilintikan kami kay boss kapag nagpumilit kang pumasok dito."

Damn. Dammit.

"Fine. Sabihin mo sa kanya ito. Haharapin niya muna ang kamatayan bago niya ako mapabagsak. At oo nga pala, huwag siyang duwag. Napaghahalataang duwag siya dahil sa mga ginagawa niya."

Umalis na agad ako matapos kong makipag-usap sa tauhan ni Mr. President.

Sinadya kong puntahan ang teritoryo ng mamamatay-tao na matandang iyon pero bigo ako dahil ayaw akong papasukin. Tss. Halatang duwag. Hindi man lang ako magawang harapin.

Bumalik na lang ako sa bahay pagkatapos.

"Ser, good evening po. May bisita po kayo." Bungad agad sa akin ng katulong pagtapak pa lang ng mga paa ko sa gate ng bahay.

"Sino daw?"

"Broden daw po."

Broden Wycliffe. Ano na namang kailangan mo sa akin at dito ka pa talaga nagpunta?

"Nasaan ang bisita?"

"Nasa opisina niyo po."

"Okay."

Ang lakas naman loob niya at nagawa niya sa opisina ko pa tumuloy.

Umakyat ako sa ikatlong palapag ng bahay namin at dumiretso sa bisita ko. Pagpasok ko ay nakita ko siyang prenteng nakaupo sa mini sofa ko roon.

"Wycliffe," banggit ko sa apelyido niya. Lumingon siya sa akin at tumayo.

"Mr. Frostier."

"What brought you here?"

I asked him with a blank expression on my face.

"Gusto ko sanang makausap ka kaya dito na ako tumuloy."

"Okay."

"Zirco- I mean Mr. Frostier.."

"You're wasting my time Broden Wycliffe. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin ngayon dahil may gagawin pa ako."

He sighed. Matiim akong tumingin sa kanya ganun din naman siya sa akin.

"I came here to ask you something."

"Get me straight to the point."

"I'm sorry."

What the fuck?

"You came here just to fucking say you're sorry? Are you really that stupid?!" Malakas kong tanong dahil sa sinabi niya.

"Look, I want to apologize for what happened to Chrysoprasus-"

"Get out Broden."

Calm down Zirco. Calm down.

"It's not really my intention na-"

"Na ano? Ang traydurin kaming lahat? Hindi mo intensiyon? Ako ba ang ginagago mo Broden? Pagkatapos ng ginawa mo? Sasabihin mong hindi mo intensiyon? Anong klase kang tao? Nasira mo na kami. Pati si Chrysoprasus then you're going to say it's not your fucking intention to na pabagsakin ang kaibigan ko? Tsk. Umalis ka na bago pa kita mapatay rito."

SILENCE..

SILENCE..

Sinundan ko ng tingin ang nagsarang pinto na pabagsak nitong isinara.

Traydor ka Broden. At hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo.

|SOMEONE|

"Kamusta? Hahaha! Nagustuhan ba niya ang regalo ko?"

Tiningnan ko siya ng masama pero tinawanan lang niya ako at tinapik-tapik ang balikat ko.

"Sa totoo lang talaga natatawa ako sa kanya. Hahaha! Akalain mong may pagkatanga rin pala ang isang iyon? Hahaha!"

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.

"I'm the Boss. Pero ang inaakala niya ay si Cameron ang may pakana. Hahaha! Sabagay pareho lang pala kami ng codename ni Cameron. Tsk. Tsk. Kawawang Frostier."

Tangina. Ang sarap mong patayin. Kung wala lang talaga sayo ang kailangan ko ay matagal na kitang ginawang b****a.

"Kill him if that's what you want. Just Zirco Frostier. Pero ako ang nagsasabi nito sayo, huwag na huwag mong gagalawin si Zeraj. Kung ayaw mong tapusin kita ora mismo sa oras na pati si Zeraj ay madamay," banta ko sa kanya at umalis na sa lungga niya. Narinig ko pang tinatawag niya ako at minumura. Tss.

Sa kabilang banda...

"Hindi ka pa ba tapos diyan sa ginagawa mo?"

Nginitian niya ang nagtanong.

"Mamaya pa siguro ako matatapos rito mamang," sagot niya sa nagtanong.

"O siya, sige pero pagkatapos mo diyan ay pumasok ka na ng makakain ka na. Inabot ka na ng gabi diyan, mamaya ako pa mapagalitan ni Jason."

"Hindi naman po siguro Mamang. Alam niyo naman po si Jason hangga't alam niyang masaya ako sa ginagawa ko ay hindi naman siya nagagalit," paliwanag niya rito pagkatapos ay isa-isang kinuha ang mga ibinilad na daing na inabot na nga siya ng gabi sa paghango ng mga ito mula sa pinagbiladan niya dahil na rin sa dami.

"O siya. Sige na. At ako'y papasok na sa loob."

"Sige po."

Pumasok na nga sa loob ng bahay ang kausap niya. Makalipas ang kalahating oras ay matagumpay naman niyang nakuha ang mga daing na ibinilad. Maya-maya ay naramdaman niyang may tumakip ng mata niya at niyakap siya.

"Jason naman. Hahaha!" wika niya kaya tinanggal na rin ang kamay nito sa mata niya.

"Ikaw talaga. Kamusta ang araw mo? Mukhang pagod na pagod ka yata mahal?" tanong nito sa kanya.

Agad naman siyang yumakap sa lalaki at hinalikan ang pisngi nito.

"Ayos naman ang araw ko. Ngayon ko lang din natapos ang paghango sa mga ibinilad nating daing kanina. Ikaw? Kamusta ang araw mo sa palengke?"

Gumanti ng yakap si Jason sa kanya.

"Ayos lang kaso alam mo naman ang buhay ng kargador sa palengke. Nakakapagod pero ayos lang kasi pag-uwi ko ay may magandang babae naman akong dadatnan rito sa bahay."

Natawa siya sa sinabi nito kaya marahan niyang hinampas ito sa braso.

"Ay sus nambola pa ang mahal ko. Haha! Tara na nga sa loob sabay na tayong kumain," sagot niya at hinila niya na ito papasok ng bahay.

Natatawa na lamang na nagpahila si Jason sa kanya. Bahagyang tinititigan ang babaeng nasa harap niya.

'Pasensiya na kung hindi na kita binalik. Pasensiya na. Mahal lang talaga kita.'

Anang isip niya at napalitan ng lungkot ang kaninang masayang puso.

'Patawad Rojainnah. Mapatawad mo sana ako sa pagiging makasarili.'

*********************

|ZIRCO RAIJANNER FROSTIER|

Kinabukasan ay sa Club House ako dumiretso dahil na rin sa sinabi ni Rasham kaninang tumawag siya sa akin ng umagang-umaga.

"Good morning po Mr. Frostier," bati sa akin ng gwardiya pagpasok ko ng Club House. Tinanguhan ko lang ito at tumuloy na sa ikatlong palapag ng Club House.

Dire-diretso akong pumasok sa loob ng kwarto ni Rasham.

"Rasham," tawag ko sa pangalan niya pero walang Rasham na lumabas.

"Rasham Scheiner!"

"Hey! Heyo!"

Nilingon ko siya na galing sa isang silid sa loob ng kwarto niya. Mukhang may inaasikaso ito sa loob niyon.

"Ang tagal mong lumabas. Ano namang ginawa mo sa loob niyan?" tanong ko.

May inabot siya sa aking brown na envelope. Kinuha ko naman ito at binuksan.

"Ano 'to?"

"I know you'll be suprised kapag nakita mo ang laman niyan."

I frowned. Kinuha ko ang laman nito at halos hindi na ako makapagsalita sa nakita kong laman.

"Where did you get this?"

"From my investigator. Kahapon ko pa nakuha iyan kaso dahil sa nangyari sa opisina mo hindi ko na naibigay sayo umalis ka rin agad."

"Nasa Hacienda siya?"

"Obviously. Hayan ang ebidensiya."

Nasapo ko ang noo ko hindi dahil naiinis ako kundi dahil sa katangahan ko. All this time nasa Hacienda ko ang taong matagal ko ng hinahanap pero kung saan-saan ako nangangalap ng impormasyon para malaman kung nasaan siya heto at nasa teritoryo ko lang pala. Darn this feeling.

"Pupuntahan mo ba siya?"

Tumango ako sa tanong ni Rasham. Kailangan ko na siyang makita.

"Ayaw mo rin bang makita ang pinakapaborito mong kapatid Rasham Scheiner?"

Yes. Tama kayo ng nababasa magkapatid si Rasham at ang ipinapahanap ko sa kanya. Mukha lang siyang walang pakialam pero alam ko kung gaano na rin siya kasabik na makita ang kapatid niya.

"Malamang gusto ko. Ilang taon rin akong umasa na sana makita ko ulit siya. Pero may problema ka pa rito. Marami pang may gustong magpabagsak sayo Zirco Frostier."

"Wala akong pakialam."

"Really Zirco? Hindi pwede ang ganyan. Oo mahal mo siya. Oo matagal mo siyang hindi nakita pero hindi rin magandang i-give up mo ang lahat para lang maging masaya ka. Pupunta tayong dalawa sa hacienda-"

"No Rasham.- Hindi ka sasama sa akin doon."

"Yes I'll go with. I need to be there. Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo. She's my sister and don't tell me magpapakatanga ka doon? Hah! Matalino ka pero iyang puso mo ang tanga."

Yeah. I've been so stupid na i-give up ang lahat para lang sa kanya.

Badtrip.

"Okay. You can go with me, isasama rin natin si Chrysoprasus."

"Seriously?"

"Yeah. Is there something wrong with that?"

"W-wala."

"Pack-up your things now. We will go to my place,"

utos ko at naglakad na palabas ng kwarto niya.

"What the fuck Frostier?! As in ngayon tayo aalis?"

Tss.

"Kailangan ko pa bang ulitin sayo?"

"Okay! Yes! Bakasyon-engrande na ito! Wooooh!"

"Abnormal."

"Minsan lang. Pero mas malala sapak mo sakin. Hahahaha!'

"Tss. Nga pala tawagan mo si Chrysoprasus at ipaalam mo ang pag-alis natin. Ngayon na."

"T-teka bakit hindi na lang ikaw ang tumawag sa kanya?"

Anak 'ng.

"May kailangan lang muna akong ayusin bago tayo umalis. 3pm ang alis natin kaya kumuha ka na ng ticket. Alis na ako."

"Lang'ya ka talaga Frostier! Oo na!"

Napailing na lang ako nang marinig kong umangal siya sa inutos ko. Tss. Susunod rin naman siya.

|JASON NATIVIDAD|

Nakatingin lang ako sa kanya habang kausap niya si Tatay. Natatawa ako sa sarili ko dahil nasa teritoryo ng mga Frostier ang taong matagal ng nawawala sa pamilya nila. Gustuhin ko mang umalis rito ay hindi ko magawa dahil na rin sa narito na sa hacienda ang buhay namin at ng pamilya ko. Wala rin naman kaming mapupuntahan kung saka-sakaling aalis kami rito. Saan kami pupulutin? Maswerte na nga kami na binigyan kami ng lupa ng mga Frostier at De Silva bago nila ipamahala sa caretaker nila ang Hacienda at nagtungo na sa Maynila. Iyong iba ay mga nasa ibang bansa na rin.

"Wala ka na bang balak na ipaalam sa Señorito ang nangyari?"

Heto na naman si Nanay.

"Bakit 'Nay? Sa tingin niyo ba ay ipapahanap pa nila si Rojainnah? Walong taon na ang nakalipas 'Nay. Malay niyo at nakapag-asawa na ang Señorito at talagang nawalan na sila ng pakialam sa kaniya. Kita niyo namang lumipas na ang walong taon pero wala pang nagpupunta rito para kuhanin siya."

"Pero kanila si Rojainnah, anak. Kung sakaling mangyari na babawiin nila siya sayo papayag ka ba?"

Papayag nga ba ako? Kung oo, paano? Mas makapangyarihan sa akin ang Señorito. Pero kung lalaban man ako sa kanila alam kong ako ang mananalo dahil sa akin si Rojainnah. Ang kaso.. Mas may karapatan sila sa kanya.

"Hindi ko alam 'Nay," sagot ko bago lumabas ng kubo namin at pinuntahan si Rojainnah.

"Mahal," tawag ko sa kanya. Nilingon naman niya ako at nginitian.

Kaya ko mahal na mahal itong babaeng ito. Bukod sa napakaganda, ubod pa ng sipag at ang bait.

"Mahal! Nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?"

"Nabalitaan ko kasi kay Aling Elena na magtutungo raw rito ang may-ari ng hacienda."

"Ah.. MAY-ARI NG HACIENDA?!"

Napalakas ako ng tanong kung kaya't napalingon ang karamihan sa amin.

"Bakit mahal? May problema ba?"

"W-wala.. Kailan daw pupunta rito?"

Sinong may-ari ng Hacienda? Si Señorito Zirco? O ang mga kapatid niya? Tanga mo Jason! Si Señorito Zirco ang may-ari ng hacienda.

"Hindi ko alam mahal eh."

"G-ganun ba? O siya pumasok ka na sa loob at mag-miryenda. Tutungo na ako sa palengke," sabi ko pa at hinalikan siya sa pisngi.

"Ingat mahal."

"Salamat. Sige na."

"Bye!"

Nginitian ko muna siya at niyakap bago lumakad.

Ito na ang kinatatakutan ko. Sana ay hindi magtagpo ang Senorito at si Rojainnah. Masyadong malaki ang hacienda para magkita pa sila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status