ログインPagkatapos mag lunch ay nagdiretso na kami ni Zoren sa hotel. Lukot na lukot ang mukha ko habang hinahabol ko siya at pilit na inaagaw mula sa kamay niya ang dalawa kong maleta. Ayaw niya talagang ibigay sa akin at nagawa pang makipaghabulan. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga guests at ng mga katrabaho ko.
Nalingunan ko pa sina Rina sa desk na nagtatawanan at para bang kinikilig habang nakatingin sa amin. "Hindi mo naman na kailangang bitbitin pa ang mga gamit ko. Maid mo ako remember? Nakalimutan mo yata," sabi ko nang nakapasok na kami sa suite. Ibinaba niya ang mga gamit ko malapit sa couch at saka siya naupo. Diretso siyang sumandal at agad na ipinahinga ang ulo niya. "Hindi ko nakalimutan. Maid nga kita. But it won't stop me from helping you and for not letting you get tired," pikit ang mga matang sabi niya. Napaawang ang labi ko habang nakatingin ako sa kanya. He's sweating at mukhang wala siyang pakialam doon. Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya at agad na akong lumapit sa gamit ko. "Saan ko ito pwedeng ilagay? Pwede bang sa kwarto mo na lang?" "Sure." Ngumuso ako at saka agad na binitbit ang gamit ko papunta sa kwarto niya. Inilagay ko lang iyon malapit sa sofa na naroroon. Doon lang kasi may bakanteng pwesto. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya. Kaya naman pala ng lalaki na maging malinis, e. Napansin ko ang isang basket na puno ng labahin kaya iyon naman ang binitbit ko palabas. "Bakit mo bitbit iyan?" Agad na umahon si Zoren mula sa pagkakasandal at kunot-noo akong hinarap. Nangunot rin ang noo ko. Bakit? Ano bang iniisip niya na gagawin ko sa mga labahin niya? "Lalabhan ko," simple kong tugon. Tumayo siya at inilang hakbang ang pagitan naming dalawa. Nagulat ako nang bigla niyang hinablot ang basket mula sa kamay ko. "H-hindi na kailangan." "Ha? Anong hindi na kailangan? Trabaho ko iyan kaya akin na!" sabay agaw ko sa basket. Pero ayaw niyang ibigay. "Hindi na nga!" Hinatak niya pabalik sa kanya ang basket kaya kamuntikan pa akong madala niyon. Marahas akong napabuga ng hangin at ngayo'y nakapameywang na nang humarap sa kanya. "Akin na nga sabi!" "Hindi nga, e! H-hindi ako sanay na may ibang naglalaba ng mga damit ko!" Agad akong natigilan. Maid niya ako 'di ba? Ano pang gagawin ko kung hindi ko siya ipaglalaba? "Pwes, sanay-sanayin mo na ang sarili mo dahil ako ang gagawa no'n para sa iyo!" sigaw ko sabay hila ng malakas sa basket dahilan upang kumawala iyon sa kamay niya at maging sa akin. Nalaglag iyon sa sahig at agad na nagkalat ang laman niyon. "Ayan tuloy..." sabi ko at agad na yumuko upang pulutin iyon isa-isa. Pero agad akong natigilan nang nakapulot ako ng dalawang brief na kulay pink at may cartoon character sa pinakagitna. Laglag ang panga akong nag angat ng tingin sa kanya. "H-hello k-kitty?" tanong ko sa kanya habang itinuturo ang cartoon character na nasa pink na brief. Jusko! May binibenta bang ganito sa mga mall? O sa mga ukay-ukay? As if naman magsusuot si Zoren ng brief na galing sa ukay-ukay. Malamang ay mga branded ang mga gamit niya. Hmm! Saan naman kaya niya ito nabili? "T-that's-" Napatakip ako ng bibig at agad na nagpigil ng tawa. "Damn! Don't laugh!" agad niyang singhal sa akin. Ngumuso ako. "Tumatawa ba ako? Nakita mo ba akong tumatawa?" sabay turo ko pa sa sarili ko. "You're laughing! You're just good at hiding it!" he spat. Doon na ako bumunghalit ng tawa. Ang cute niya pala kapag umuusok sa galit. "Bakla ka ba?" "Mukha ba akong bakla?" turo niya sa sarili niya. "O, e bakit ka may ganyan? Imposible namang sa mga babae mo iyan. E, klarong brief iyan!" natatawa kong sabi. Sinamaan niya ako ng tingin saka niya marahas na hinablot ang basket mula sa kamay ko. "Maid lang kita. Boss mo ako. Baka lang nakakalimutan mo, Ms. Loyola," aniya at saka tumayo at lumabas ng suite. Pagkasarado na pagkasarado ng pintuan ay doon lang ako tuluyang nakahinga. Napigil ko iyon pansamantala kanina dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay halata ko ang galit niya. "Tanga ka, Melissa! Bakit mo nga ba kinalimutang amo mo siya? Bakit kasi ganoon ka umakto sa harapan niya?" paninisi ko pa sa sarili ko kasabay ng mahina kong pagpukpok sa ulo ko. Naaalala kong sinabi ko nga pala sa kanya ang mga katagang iyon kanina. Pasinghal akong natawa. Binalik niya lang sa akin ang mga sinabi ko sa kanya. Tumayo ako at pinili na lamang magtungo sa kusina at uminom ng tubig. Malinis naman na kasi ang bahay niya at halos alikabok ay wala akong makita. Nagtungo rin ako sa kwarto niya para isalansan ng maayos ang kama niya. Pero wala akong nakitang gusot. Napabuga ako ng hangin. "Ano namang gagawin ko dito?" bulong bulong ko. Ilang sandali ang nakalipas bago ko nagawang magdesisyon na lumabas na lamang. Nagtungo ako sa kitchen at doon ginawang tester ang sarili ko sa mga bagong recipe na gawa ng chef. "Kumusta ang unang araw bilang personal maid, Melissa?" Tumabi sa akin si Favio at sumandal sa counter, ginaya niya ang posisyon ko. Ngayon ay pareho na kaming nakatingin sa niluluto ng chef. Nilingon ko siya at nakita kong nakakainsulto ang ngiti na nakaplaster sa labi niya. Kumunot ang noo ko. "Anong ngiti iyan?" Bahagya niyang naiatras ang kanyang ulo kasabay ng pagtaas ng dalawa niyang kilay. Nandoroon pa rin ngiting aso niya. "Bakit? Anong meron sa ngiti ko?" "Hindi ko gusto ang ngiti mong iyan Favio ah!" "Usap-usapan ka ngayon ng buong hotel. Malaking isda ang nabingwit mo, Melissa!" Nangunot ang noo ko at napaayos ako ng tayo. "Anong malaking isda? E, hindi nga ako marunong mamingwit!" "Si Zoren Russell! Alam mo ba kung gaano kayaman iyon?" singit naman ng isa sa mga serbedura na si Gail. "Naku! Melissa, huwag mo nang pakawalan pa 'yan!" dagdag niya pa. "Buhay prinsesa ka kapag nagkataon!" sabi naman ni Favio. "Balita ko ay ngayon lang iyan gumamit ng kapangyarihan at kinausap niya talaga si Mr. Buenaventura para lang gawin kang personal maid," si Gail. "Isa lang ang ibig sabihin no'n... Gusto ka niya!" ani Flavio. "Naku! Kapag niligawan ka niya at ayaing maging asawa. Kagatin mo na agad ang paing!" natatawang sabi ni Gail. Napailing-iling na lamang ako habang natatawa silang tinitingnan. Hindi ako kailanman magiging asawa ng isang Zoren Russell! Kahit na girlfriend, hindi! Sisiguraduhin kong hindi ako mapapabilang sa mga babae niya.Pagkalabas ko ng hospital ay dumiretso ako sa pag g-grocery. Tila wala ako sa sarili ko at hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin ang mga pinamili ko kaya ang ending ay napagalitan ako ni Zoren pagkauwi niya kinagabihan."Kaya nga may listahan kang dala 'di ba? What was that fucking for, huh?!"Napayuko ako. Galit na galit siya at mukhang mainit ang ulo. Pagkapasok pa lang niya ay kita ko na 'yon. Mukhang may nangyaring hindi maganda sa trabaho niya tapos dumagdag pa ako."Sorry po. Babalik na lang po ulit ako bukas para bilhin pa 'yong iba. Nagkataon lang po kasing-""I don't need to hear your excuses," sabi niya at nilagpasan ako. Dumiretso siya sa kusina at tinungo ang refrigerator.Isang simpleng maling pagbili ko ng detergent at shower gel lang ang ikinagagalit niya. At 'yong mga hindi ko pala nabili dahil nakaligtaan ko."What did you do all day? Bakit wala pa tayong dinner?""Uhh..."What did I do all day? Nagmukmok lang. Iyong feeling na masakit ang puso ko. Kaya parang apek
Eksaktong pagkabalik ko ng suite ay gising na si Zoren. Naka-formal attire na din siya na parang may ari ng isang malaking kompanya."Marami akong meetings today so hindi mo na kailangan pang maghanda ng lunch para sa ating dalawa. Uuwi ako by five or six. Make sure by seven makakakain na tayo ng dinner. Gusto ko ng japanese dishes so iyon ang ipahanda mo."Tatango-tango ako habang pinapakinggan ang mga bilin niya."And by the way, kailangan mong mag grocery dahil paubos na ang stocks natin. Nakadikit sa ref ang listahan ng mga bibilhin mo."Bumuga siya ng hangin matapos niyang ayusin ang pagkakatali ng neck tie niya."Wala na po ba?" tanong ko nang tuluyan na siyang nanahimik.He shook his head, "Iyon lang."Tumango ako. "Okay. Breakfast na po tayo," sabay ngiti ko.Wala pa man siyang naging tugon ay tinalikuran ko na siya't nagtungo na ako sa lamesa. Naramdaman ko rin naman ang agad niyang pagsunod sa akin.Pagkatapos ng breakfast ay agad rin siyang umalis. Nagtungo naman ako sa ban
“Ipinagluto ko siya ng menudo kaso hindi nasarapan, e.” “Ha? Paano namang hindi nasarapan? E ang galing mo kayang magluto! Kung pwede ka nga lang i-hire na chef dito ay matagal ko ng ginawa.” “Iyon na nga Ate Cherry, e. Baka hindi niya lang talaga bet 'yong mga gano'n kasarap na klase ng pagluluto,” natatawa kong sabi habang isa-isang isinasalansan ang mga pagkaing madalas raw na ipinapahatid ni Zoren sa kwarto niya. “Iba din taste ng guests na 'yan, e. Pero, Mel ingat ingat ka d'yan kasi fuckboy daw 'yan. Iba-iba 'yong mga putaheng kinakain,” sabay tawa ni Ate Cherry. Bumagsak ang balikat ko kasabay ng pag irap ko. “I know. Kaya nga ako napunta sa posisyon kong 'to 'di ba? Kasi nasampal ko siya no'ng gabing may kachukchakan siya.” Isa-isa kong inilagay sa trolley ang mga pagkain namin ni Zoren para sa dinner. “Bakit mo naman kasi sinampal?” “Hindi ko rin alam. Adrenaline rush yata 'yong nangyari. Nagulat ako sa nakita kong ano kaya ko siya nasampal.” “Anong ano?” sabay tawa n
Ilang oras rin ang itinagal ko sa kitchen. Nagawa ko pang tumulong doon para makipag-chikahan lang sa kanila. Bumalik ako sa suite ni Zoren nang sumapit ang gabi. Kailangan ko siyang tanungin kung gusto ba niya ng pagkain mula dito sa hotel o kung gusto niyang ipagluto ko siya. Pagkarating ko sa suite ay naabutan ko siyang nanonood ng tv. Hindi niya ako nilingon. Kahit pa aware naman siya sa pagdating ko. Dahan dahan at tahimik akong naglakad papunta sa kanya at tahimik akong naupo sa tabi niya. “Ipagluluto ba kita ng dinner? O gusto mong bumaba para kumain sa restaurant?” Ilang sandaling nanatili ang mga titig niya sa pinapanood bago niya ako nilingon. “You can cook, right?” Agad akong tumango. “Of course!” taas noo at nagmamalaki ko pang sabi sa kanya. Sa aming dalawa ni Lumina ay ako ang mas masarap at magaling magluto. “Gusto kitang matikman,” malalim ang mga tinging sabi niya. Natulala ako ng ilang saglit sa kanya bago ko nagawang intindihin ang mga sinabi niya. Nangunot a
Pagkatapos mag lunch ay nagdiretso na kami ni Zoren sa hotel. Lukot na lukot ang mukha ko habang hinahabol ko siya at pilit na inaagaw mula sa kamay niya ang dalawa kong maleta. Ayaw niya talagang ibigay sa akin at nagawa pang makipaghabulan. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga guests at ng mga katrabaho ko.Nalingunan ko pa sina Rina sa desk na nagtatawanan at para bang kinikilig habang nakatingin sa amin."Hindi mo naman na kailangang bitbitin pa ang mga gamit ko. Maid mo ako remember? Nakalimutan mo yata," sabi ko nang nakapasok na kami sa suite.Ibinaba niya ang mga gamit ko malapit sa couch at saka siya naupo. Diretso siyang sumandal at agad na ipinahinga ang ulo niya."Hindi ko nakalimutan. Maid nga kita. But it won't stop me from helping you and for not letting you get tired," pikit ang mga matang sabi niya.Napaawang ang labi ko habang nakatingin ako sa kanya. He's sweating at mukhang wala siyang pakialam doon.Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya at agad na akong luma
Hindi na ako nakipagtalo sa kanya nang sabihin niyang dapat ay kasabay ko siyang kakain palagi. Tahimik ko na lang na pinanood ang nagtataasang mga building sa labas ng aking bintana.Hindi ko alam kung tama bang sumabay ako sa kanya sa tuwing kakain siya. Ayon kasi sa mga teleserye na napapanood ko ay dapat na naroroon ang mga maid at nagsisilbi sa mga amo nila kapag kakain ang mga ito. Hihintayin dapat nilang matapos ito bago sila kakain.“A-ayos lang ba?” Pagkatapos ng ilang sandali na pananahimik ay nilingon ko siya.“Ang alin?” tanong niya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.“Iyong ano... Iyong sasabay ako sa iyo na kumain.”Doon lang niya ako nilingon. Bahagya pa niyang naitagilid ang ulo niya habang nakatingin siya sa akin.“Sasabayan mo ako kasi gusto kong dalawa tayong kakain ng pagkaing ihahanda mo para sa akin...”Nag iwas agad ako ng tingin. Ayaw kong kiligin! Wala namang nakakakilig sa mga sinabi niya. Pero bakit ganito na lang mag react ang puso ko?“Para kapa







