"Finally!" mahinang sabi ko kasabay ng paghikab at ng aking pag inat ng mga braso.Quarter to twelve na at tapos na ang shift ko. Actually, dapat ay kaninang alas diyes pa dapat akong umuwi. Pero dahil matagal na pumasok si Cathy kaya nakapag-overtime ako."Uuwi ka na?" tanong sa akin ni Cathy na ngayo'y naglalagay pa lamang ng make-up."Oo. Bilisan mo d'yan baka may biglang dumating na customers."Nagbuga siya ng hangin. "Pasensya na talaga Mel, ah? Pinatulog ko pa kasi ang mga anak ko.""Ano ka ba, Cath! Naiintindihan ko naman iyon.""Baka kasi may date ka tapos hindi natuloy dahil sa akin!" pabiro niyang sabi.Mahina akong natawa. "Gaga! Wala akong date. Single ako no!""May pinsan iyong asawa ko. Seaman, gwapo, mabait, single, at naghahanap ng syosyotain. Gusto mo ireto kita?"Talagang napahalakhak ako dahil sa tinuran niya. Single nga ako pero hindi pa rin ako available. Wala pa sa isip ko ang pagbo-boyfriend. Sa ngayon ay ang pagpapagamot kay mama at ang pagbabalak kong mag aral
Huling Na-update : 2026-06-20 Magbasa pa