Chapter: Chapter 16Ilang minuto ang lumipas. Nanatili akong nakayakap kay Alonzo habang tahimik na umiiyak. I don't know why, but I felt at ease. I felt home. Sobrang gaan ng pakiramdam ko habang yakap-yakap ko siya. Feeling ko yakap-yakap ko si Nero. Yakap-yakap ko ang asawa kong sobrang nami-miss ko.Hindi siya gumalaw. Hindi niya ako itinulak palayo. He slowly patted my back instead."Uh, ayos ka lang, Mits? Gusto mong magpahinga muna?"Doon lang ako parang nahimasmasan noong narinig ko ang boses ni Rosalyn. Agad akong lumayo kay Alonzo. Tumalikod, huminga ng malalim, at nagpunas ng luha."I'm okay. Sorry," sabi ko saka mabilis na lumabas ng kubo at nagdiretso sa bahay.Pumasok ako ng banyo at naghilamos ng mukha. Pero pagkalagay na pagkalagay ko ng tubig sa mukha ko ay muli na namang bumuhos ang mga luha ko. Hanggang sa ang simpleng pag iyak ay nauwi sa hagulgol. Pasakit nang pasakit ang bawat paghinga ko."Naaalala mo na naman?"Napalingon ako sa aking likuran. Nakita ko si Alonzo na nakatayo sa ma
Last Updated: 2026-06-18
Chapter: Chapter 15“T-teka Lang…” saad ko.Nagtatanong na mga mata ang iginawad niya sa akin. Nag iwas ako ng tingin. Anong kalokohan na naman itong pinagsasasabi niya? Kaming dalawa? Ikinakasal? Nag aadik na yata ‘tong lalaking ‘to, e!“May gusto ka ba sa akin?” diretsahan kong tanong na talaga namang nanlaki ang mga mata niya sa gulat.“What?! Umaasa ka ba?” natatawang aniya.Aba! At nagawa niya pa akong tawanan? Hindi ba dapat ako itong natatawa sa mga pinagsasasabi niyang kasal-kasal? Tsk!“Feeling ko may gusto ka na sa akin. Napapanaginipan mo na ako, e!”“ Asa ka!” maupo ka na nga lang doon at ako na ang maglilinis niyang mga isda. Kung anong pinagsasasabi mo d’yan!” sabi niya pa at nagtungo na sa lababo para linisin ang mga isdang iihawin namin.“Hmp! Makapagsalita ka d’yan, e ikaw nga itong kung ano-ano ang sinasabi,” tugon ko saka padabog na nagtungo sa sala upang doon umupo.Agad akong napahawak sa tiyan ko nang narinig ang pagtunog nito. Gutom na naman ako!“Gutom ka na?” agad niyang tanong.
Last Updated: 2024-05-27
Chapter: Chapter 14“Andyan na sila! Andyan na sila!”Agad akong napalingon sa labas nang marinig ang boses ng mga taong kanina pa nag aabang sa pagdating ng mga mangingisda.“Woah! Ang lalaki naman ng mga huli ninyo ngayon!”“Ang saya! Tiba-tiba na naman tayo nito sa palengke!”Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Sumandal ako roon upang tahimik silang pagmasdan.Si Alonzo ay abala sa pakikipagtawanan sa mga kasamahan niya habang naglilipat ng mga isda sa lagayan ng babaeng bumibili.Bakas sa mukha niya ang tuwa dahil sa mga nahuli.“Asuuus! May nakangiti habang pinagmamasdan si Alonzo. Inlab ka na sa kanya, Mits?”Agad akong umayos ng tayo at nilingon si Rosalyn. Hindi na ako masyadong nagsusuka at medyo unti-unti nang nakakabawi ng lakas ang katawan ko kaya nakakapaglakad-lakad na ako.Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kanya. “Hindi no! Natutuwa lang ako kasi ang dami nilang huli ngayon.”“Iyon lang ba talaga o natutuwa ka kasi nakangiti si Alonzo? Yieeee! Umamin ka na kasi! Nafa-fall ka na
Last Updated: 2023-06-07
Chapter: Chapter 13Hindi ko alam kung paano akong nadala nina Rosalyn sa hospital. Tila wala ako sa sarili habang ibinabyahe nila ako at ang tanging kumukuha lamang sa atensyon ko ay ang dugong patuloy na dumadaloy sa paanan ko.I wasn't on my right mind. Parang natauhan lang ako no'ng hinawakan ni Alonzo ng mahigpit ang kamay ko kasabay nang pagbigkas ng doktor sa mga salitang hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o ikababagsak ng mundo ko."Mabuti na lang at agad niyo siyang naitakbo dito bago pa lumala ang lahat. Salamat pa rin sa Diyos at ligtas ang bata sa sinapupunan niya.Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Buntis? Ako? Ako 'yong buntis. At muntik na akong makunan."Sorry. . ."Napatingin ako kay Alonzo nang banggitin niya 'yon. Sobrang hina ng pagkakasabi niya pero dahil malapit na malapit siya sa akin ay dinig na dinig ko.Nagpaalam ang doktor at nang maisarado ang pintuan ay sunod kong narinig ang marahas na pagbuntonghininga ni Rosalyn. Wala si Eugene dahil na rin sa anak nilang may sakit pa a
Last Updated: 2023-05-06
Chapter: Chapter 12Tahimik lamang akong nakasunod kay Alonzo habang naglalakad kami papasok ng wet market. Kanina niya pa akong hindi kinakausap. Tinanong niya lang kung anong mga bibilhin ko at nang ipinatingin ko nga sa kanya ang listahan ko ng mga bibilhin ko ay hindi na niya muli pang ibinalik sa akin ang listahan. At siya na nga itong nangunguna lagi sa paglalakad."Alonzo! Nandito ka ulit. Mga bagong dating itong mga karne namin! Anong parte ang gusto mo?" anang medyo may edad na babae sa pwestong unang nilapitan ni Alonzo."Hija, fresh na fresh pa itong mga karne namin. Pili ka lang," sabi rin nito sa akin nang tumabi ako kay Alonzo. "Kikay, tumulong ka nga dito at sunod sunod ang dating ng mga customers.""Kasama ko po siya Aling Nenet," sabi ni Alonzo na siyang nakapagpatigil sa ali."Ka-kasama? Nagkita na ulit kayo ng asawa mo?"Napatingin ako kay Alonzo. Totoo pala talagang may asawa na siya.Mahinanag natawa si Alonzo."Sino?! SI Alonzo?! Nakita na ni Alonzo ang asawa niya?!" malakas na tanon
Last Updated: 2023-05-02
Chapter: Chapter 11Huminto ako sa pag iyak. Umasa ako at naghintay na iluluwa nga niya ang pagkain ko pero hindi nangyari. Kinunutan niya ako ng noo at tiningnan lang.“Kung maka-demand ka, akala mo naman pagkain mo. E inutang mo lang naman 'yan sa akin. Ubusin mo 'yan lahat ah? Saka matulog ka na. Sasabihan ko si Rosalyn bukas na ipa-check up ka.”Nilagpasan niya ako at lalabas na dapat siya ng kusina.“Bakit ako ipapa-check up? E, wala naman akong sakit.”“Tss!”Nagpatuloy siya sa paglabas at nagdire-diretso sa pag akyat patungong kwarto niya. Ako naman ay bumalik na sa pagkain ko. Pero makalipas lang ang ilang sandali ay nawalan na rin ako ng gana at iniligpit ko na lang ang mga pagkain. Kaya kinabukasan ay nakabusangot na mukha ni Alonzo ang bumungad sa akin pagkababa ko ng kusina.Tatanungin ko na dapat siya kung bakit masama ang tingin niya sa akin. Pero mukhang alam ko na agad kung bakit matapos kong mababaan ng tingin ang bukas na ref kung
Last Updated: 2023-05-01
Chapter: WakasZOREN KEYDEN RUSSELL“Focus na focus tayo sa cellphone ah? Ano 'yan? Porn 'yan no?” sabay halakhak ni Roiden. Sinubukan pa niyang silipin ang cellphone ko pero agad ko ring inilayo.“Gago! Hindi ako nanonood ng porn!” sabay tapon ko ng unan.“Hindi daw. E sa porn ka nga natuto. Gago!” singit naman ni Art.Kapag talaga nandito sila sa suite ko ay ang gugulo nila. Napakaingay at laging ako ang ginagawang clown.“Wala ba kayong mga trabaho? Ba't nandito na naman kayo? Sino ba kasing nagpapunta sa inyo dito?” reklamo ko.“Si Art. Brokenhearted daw, e,” sabi ni Neo.Umayos ako ng upo at humarap sa kanila. Si Dwayne ay naglalapag ng mga inumin at pulutan mula sa food cart na kaka-deliver lang. Habang si Art ay nagsisimula ng tumungga sa bote.“Anong problema, Art?” tanong ko.“Nai-inlove na siya do'n sa babaeng pumatay sa fiancee niya,” natatawang sagot ni Neo.Anong nakakatawa doon? Gago talaga! Malaking problema 'yon, tinatawanan pa.“I am not sure yet. And fuck! Kailangan ko itong pigila
Last Updated: 2026-07-13
Chapter: Kabanata 94“Hindi ko alam kung paano kang kokontakin, Mina. At saka isa pa, ayaw ko na ring ipaalam sa iyo kasi narinig ko no'n mula kay Dwight na umuwi kayong Mindoro upang makaiwas sa gulo ng pamilya nila at no'ng Yvette. Alam kong may pinagdadaanan ka rin, kaya bakit pa ako dadagdag 'di ba?”Sunod-sunod siyang umiling. “Mel, hindi iyon ganun. Dapat ay nagsabi ka sa akin para masandalan mo rin ako. Ang bigat sa dibdib na naroroon ka no'ng nahihirapan ako, pero wala ako sa tabi mo no'ng ikaw naman ang naghihirap.”Ngumiti ako. “Ayos lang ako, Mina. Ayos na ako. Nakaya ko lahat.”“Na mag isa? Mahirap 'yon, Mel! At saka nakokonsensya ako, paulit-ulit kong sinasabi kay Dwayne na ang tanga mo kasi pinakawalan mo pa si Zoren. Ang alam kasi namin ay mahal na mahal ka niya. Sorry, Mel kung naisip kong ang tanga mo para piliing masaktan mag isa at ipagluksa ang pagkawala ng anak mo mag isa. Sorry kung naisip kong ang tanga mo at pinili mong pakawalan si Zoren, na pwede namang dalawa kayo at maging sand
Last Updated: 2026-07-13
Chapter: Kabanata 93Marahan kong inilapag ang isang piraso ng puting tulip sa eksaktong lokasyon kung saan nawala ang anak ko. Tatlong taon na ang nagdaan at hindi ko akalaing magagawa ko ito ngayon nang hindi na naninikip ang dibdib.Sabi nga nila, you have to face your fears, you have to feel the pain and embrace it para tuluyan ka nitong iwan. Hindi man madali ang proseso pero may kaginhawaan sa huli.Tatlong taon na mag isa lang ako. Tatlong taon na pinili kong maging si Melissa Valderama at tuluyang kalimutan si Melissa Loyola. Tatlong taon ang ginugol ko upang mabuo muli ang puso ko pero hanggang ngayo'y hindi ko pa rin mabuo-buo. Tatlong taon at ito pa rin ako . . . Umaasa at naghihintay na mabuo ulit.Isang mahabang pagbuga ng hangin ang ginawa ko nang tumingala ako. Isang ngiti ang pinakawalan ko nang nakita ko ulit ang hugis batang ulap sa asul na kalangitan.At bago pa man tumulo ang mga luha ko ay sumakay na ako sa sasakyan ko at nagtungo sa opisina. This is my daily routine. Dumadaan ako sa
Last Updated: 2026-07-13
Chapter: Kabanata 92“Anong ginagawa mo dito?” walang ekspresyong bungad ni Clara sa akin. Ni hindi man lang siya umupo at nanatili lamang nakatayo sa aking harapan.“Maupo ka,” sabi ko.Inirapan niya ako nang nag iwas siya ng tingin. Marahas din siyang bumuntonghininga bago nagbalik ng tingin sa akin.“Next time, huwag ka nang mag aksaya ng panahon para bisitahin ako dito because it's not worth it. Ayaw kong tumanggap ng bisita. Lalong lalo na kung isang Valderama.”“Wala ka bang balak humingi ng tawad sa akin? Sa amin? Namatay si Melani, Clara!”“I don't care! At kahit ano pang sabihin mo, hindi ako hihingi ng tawad sa inyo because you're family deserved it all!”Napatayo ako. “Napakawalanghiya mo talaga!”Sarkastiko siyang ngumisi. “Ngayon mo pa na-realize?”Naikuyom ko ang mga kamao ko't nakagat ko ang aking labi. “Mabubulok ka sa kulungan. Sisiguraduhin kong magdudusa ka dito.”Nagkibit-balikat siya. “We'll see. Kasi sa pagkakaalam ko, Dwight's looking for a way for me to get out of here. Paunahan na
Last Updated: 2026-07-13
Chapter: Kabanata 91“Iiwan mo pa rin ako? Iiwan mo pa rin ako kahit na maayos na ang lahat at nakakulong na si Clara? Zoren, wala nang sagabal sa ating dalawa at alam ko nang hindi ikaw ang dahilan kaya nawala ang anak natin. Kaya bakit mo pa rin nagawang mag desisyon ng ganyan?”Hawak hawak ko ng mahigpit ang kanyang kamay. Ayaw ko 'yong bitiwan. Pakiramdam ko kapag ginawa ko 'yon ay tuluyan na siyang mawawala sa akin. Na wala ng chance para sa aming dalawa.“I'm sorry, Mel. Mahal kita pero sa tingin ko, kailangan kong lumayo.”Yumuko ako at umiling. Hinayaan kong bumagsak ang mga luha ko sa espaltong kalsada kung nasaan kaming dalawa. Ngayon lang kaming dalawa muling nagkita matapos ang isang linggo. Katatapos lang ilibing ni Melani kaninang umaga. Hindi rin siya pumunta sa libing. Ngayon ko lang talaga siya nakita ulit. Ang akala ko ay magiging masaya ako sa sasabihin niya. Excited pa naman akong bumaba nang tawagin ako ni Ena dahil narito nga raw si Zoren. Pero ito pala ang dadatnan ko. Ang pamamaala
Last Updated: 2026-07-13
Chapter: Kabanata 90“Baby, I'm sorry. I'm sorry for being late.”Panay ang hagulgol ko't halos ayaw ko nang humiwalay mula sa pagkakakapit ko kay Zoren. Wala na akong pakialam kahit pa nagpapalitan na ng bala ang paligid namin.“Ang akala ko . . . Akala ko . . .”“Shhh!”Mas lalong humigpit ang kapit ko sa kanya.“Si Melani . . . Patay na si Melani.”Hindi sumagot si Zoren bagkus ay inalalayan niya akong makatakbo papunta sa dock at makasakay sa yate.“Stay here.”“Saan ka pupunta?” agad kong habol at hawak sa braso niya nang sinubukan niyang talikuran ako.“Mel . . .” Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita si Dwight na inaangat ang mga braso para sa akin.Napabuntonghininga ako at agad na tumakbo upang yakapin siya. Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ni Dwight.“Ang hirap niyong hanapin. Sorry. We weren't able to track you as soon as possible.”“Dwight, si Melani. P-patay na siya. Namatay siya kakabugbog ng mga tauhan ni Clara,” pagsusumbong ko.Tumango si Dwight.“Kailangan
Last Updated: 2026-07-13
Chapter: SPECIAL CHAPTER 02SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEWI watched her every move. I watched her when she first held our sons. I watched her when she first cries out of joy. At no'ng araw na 'yon... Nakita ko kung paanong bumalik ang tunay na ngiti sa mga mata't labi ng babaeng pinakamamahal ko.Parang sa isang iglap nabuhay din ako. Binuhay kaming pareho ni Serra ng mga anak namin.Hindi ako agad bumalik ng Pilipinas. I remained in Las Vegas at makailang beses na nagpabalik-balik sa bahay ni Serra upang silipin kung kailan siya lalabas. Ganyan nga siguro kapag bagong panganak. Lagi lang nasa loob ng bahay. I wonder what she's doing inside her house. I wonder if she's taking good care of herself."Bakit hindi ka na lang magpakita? Humingi ka na lang ng tawad. Hindi 'yong nandito ka lang sa labas at naghihintay kung kailan mo siya makikita. Isa pa, ngayon ka mas kailangan ni Serra. Tatlong bata ang inaalagaan niya. Hindi pa nakakabawi ang katawan niya mula sa panganganak.""Can you do it for me?""Bro, ako ba
Last Updated: 2026-08-19
Chapter: SPECIAL CHAPTER 01SPIKE GUILLERMO's POINT OF VIEW"Please, Spike. I am begging you. Kunin mo ang anak ko kapalit ng malaking utang ko sa 'yo. Hindi ko na 'yon kayang bayaran. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera pambayad. Lahat ng mayroon ako nasa iyo na.""Aanhin ko ang anak mo?""Hindi ba ay naghahanap ka ng mapapangasawa? Hindi ba nga ay hindi mo makukuha ang lahat ng kayamanang ito kung wala kang maipapakitang tagapagmana mo at magtutuloy ng legacy ng pamilyang Guillermo?""I already have someone in mind. Hindi ko kailangan ang anak mo. Bayad mo ang kailangan ko, Mr. Madrigal."Nagmadali siya sa pagkuha ng pitaka niya na nasa kanyang bulsa. Nanginginig pa nga ang kanyang mga kamay habang binubuksan ito."Tingnan mo 'to." Itinaas niya sa aking harapan ang litrato ng sinasabi niyang anak niya. "Isang modelo ang anak ko sa Las Vegas. Hindi mo siya kayang itapon na lang basta, Mr. Guillermo. Sa sobrang ganda ng anak ko ay marami kang magiging kaagaw sa kanya. Kaya ito na at binibigyan na ki
Last Updated: 2026-08-19
Chapter: WakasHabang nasa lamesa ay hindi ko maiwasang panoorin si Lois at Spike na magkatabi sa gilid ko. Nilalagyan ni Spike ng mga pagkain ang pinggan ni Lois, pagkaing mga itinuturo nito na gustong nitong kainin."Ito pa?" ani Spike na agad tinanguan ni Lois."Tama na 'yan baka hindi na niya maubos," pigil ko kay Spike pero nginitian niya lang ako."Huwag kang mag alala, Serra. Kayang ubusin 'yan ng anak ko."Pilit akong ngumiti. Alam ko kung anong kayang ubusin ng anak ko kasi ako ang kasama nito. Ako ang nagpapakain sa kanya kaya alam ko kung ano lang ang kaya niyang ubusin."Ako ang kasama niya lagi sa bahay, Spike. Hindi siya mahilig sa kanin."Kumunot ang noo ni Spike at tuluyan na itong nag angat ng tingin sa akin. Umayos na rin siya ng upo."Lagi naman niyang nauubos ang mga dala kong pagkain. Hindi ba siya kumakain sa bahay niyo?""It's because I'm still full from what you brought kaya hindi na ako nag h-heavy meal sa bahay pag uwi ko," singit ni Lois."And you never told your mom?" Spi
Last Updated: 2026-08-19
Chapter: Kabanata 100"What? What did you just say?"Agad kong narinig ang sabay na halakhak ni Spike at Lois. What is happening? Bakit parang pinagkakaisahan ako ng dalawa?"What are you trying to say?""Surprise, mom!"Kunot noo kong nilingon si Lois sa back seat. Wala akong ideya na may communication siya kay Spike! And wait... Sasakyan? Para sa isang sampung taong gulang na bata? Seryoso?!"Are you guys kidding me? Bakit mo naman reregaluhan ng sasakyan ang anak ko? E, sampung taong gulang pa lang 'yan, Spike! Anong alam niyan sa sasakyan?""He said you needed a car! Hindi mo raw siya maigala ng maayos kapag umuuwi kayo dito sa Pilipinas kasi wala kayong sasakyan na magagamit. I told him you can use mine, but he said ayaw mong manghiram sa akin kaya I suggest na reregaluhan ko na lang siya ng sarili niyang sasakyan. Kasi sigurado rin naman akong kapag binigyan kita ay hindi mo naman tatanggapin 'di ba? Pero itong regalo ko sa ANAK NATIN hindi mo pwedeng tanggihan kasi hindi naman ito sa 'yo."Napaawang
Last Updated: 2026-08-19
Chapter: Kabanata 99Pagkarating na pagkarating namin ng Pilipinas ay agad kaming dumiretso ni Lois sa sementeryo para bisitahin ang mga kapatid niya. Ang sabi ko nga ay umuwi na muna kami sa bahay upang ilagay ang mga gamit namin pero nagpumilit siyang bumisita na muna kami.Pagkarating ng sementeryo ay naabutan naming marami pa rin ang nakalagay na bulaklak sa libingan nila. Dati pa man, sa tuwing bumibisita kami ni Lois dito ay marami na talaga kaming naaabutan na mga bulaklak dito. At first, ay ipinagtataka namin 'yon. But then I remember na oo nga pala at nandito sa Pilipinas si Spike. Alam din niya kung saan nakalibing ang mga bata dahil siya naman ang naglibing ng mga ito. Sa tabi pa nga ay nandirito ang lola at daddy niya.I already expected it pero hindi ko akalaing magpapang-abot kami dito ngayon.Maayos naman kaming dalawa. Hindi man kami nagkabalikan pero maayos kaming naghiwalay five years ago bago kami bumalik ni Lois sa Las Vegas."Hey..." aniya."Hey..." tugon ko rin pabalik. Hindi ko alam
Last Updated: 2026-08-19
Chapter: Kabanata 98I was true to myself when I said na kapag nahuli na si Mama Rosella ay aalis na rin kami kaagad ni Lois. Unlike the last time, hindi na mabigat ang loob ko sa pag alis ko, unlike last time, umalis ako to heal at hindi lang dahil may tinatakasan ako. Hindi tulad sa dati, ngayon ay umalis ako para sa sarili ko naman.Lois and I started a new life. Mahirap man dahil kami na lang dalawa ay kinakaya naming pareho. I continued my business, I focused on it and Lois. As time goes by, unti-unti kaming nakabangon. Pero alam naming pareho na kahit saan man kami dalhin ng kapalaran namin ay mananatiling nasa mga puso namin sina Lennox at Levi."Congratulations, Serra!"Nakangiti si Miller habang bitbit ang isang bouquet nang lumapit siya sa akin. Inabot niya sa akin iyon na agad ko namang tinanggap."Good thing nakahabol ka. Patapos na 'yong party," biro ko pa sa kanya matapos ko siyang ibeso."I'm sorry, my job won't let me out early.""Your job? Or si Lovelaine?""Serra!" may pagbabanta sa bose
Last Updated: 2026-08-19