Share

The Girl Next Door (TagLish Version)
The Girl Next Door (TagLish Version)
Author: Zam

CHAPTER 1

John's POV

Early in the morning, here I am walking down the halls while listening to my favorite song and artist. Napapikit ako at tila dinadama ko ang emosyon sa kantang Ulan ni Cueshé, napaka-broken talaga ng lyrics.

Habang naglalakad ako ay napatingin-tingin din ako sa paligid ko na kung saan ay kakaunti lang ang nakikita kong mga kapwa kong estudyante na animo'y kakapasok lang sa paaralan. Ang iba naman sa kabilang building ay abala naman para sa kanilang Physical Education na subject dahil sa sinusuot nilang P.E Attire.

Kung tutuusin, sobrang aga pa lang naman talaga. Malamang ang iba ay tulog pa o 'di kaya ay kumakain pa ng almusal ang ibang estudyante.

Tinignan ko ang oras sa relo ko at napagtanto kong alas singko kwarenta-otso pa ng umaga. Alas sais magsisimula ang klase namin dahil na rin sa kakulangan ng mga classroom para sa aming mga Senior High sa isang Public School sa Butuan City.

Patuloy lang ako sa paglakbay at nang patungo na sana ako ng gate patungong Senior High Building ay nahagilap ko sa kabilang silid ang girlfriend kong si Kate.

Akala ko namalik-mata lang ako pero sigurado ako sa nakikita ko na siya nga iyon, ang girl friend ko at kasama niya pa ang isa naming kaklaseng lalaki na si Kurt.

Hindi ko alam na magkaibigan pala sila talaga kasi bihira lang naman silang nag-uusap sa room, pwera nalang na magkasabay sila palaging pumasok at late pa sila ng ilang minuto kung pumasok.

Wala na nga kaming komunikasyon ni Kate dahil sobra rin ako naging abala sa Basketball Team namin habang si Kate naman ay abala rin sa Cheerleading Team.

Balak ko silang sundan at gulatin nang napahinto ako ng marinig ko ang salitang binitawan ni Kate.

"Mahal na mahal kita, Kurt. Pasensya ka na at ganito pa ang sitwasyon natin ngayon."

Napahawak ako sa dibdib ko na parang tinusok ng isang daang karayom dahil sa rebelasyong natuklasan ko. Ang sakit-sakit pala talaga kung matuklasan mong niloloko ka lang ng babaeng minahal mo, babaeng pinagkatiwalaan mo.

Hindi na ako nagda-dalawang isip at sinalubong ko sila, "Hi, Kate."

Napalingon si Kate sabay panlalaki ng mga mata niya at tila nanginginig sa takot nang makita ako, "John," Napatawa siya ng marahan ngunit hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata ko, "Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi ba't ako dapat ang magtatanong n'yan sayo?" Malamig na tanong ko sa kanya, "Ano ang ginagawa mo dito kasama ang lalakeng 'yan?"

"Wala naman," Napapikit siya sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko ngunit marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya na ikinagulat niya.

"Kate, alam ko na ang lahat, narinig ko na sinabi mo," Tugon ko kasabay na pagtulo ng luha ko, "Kayo naman pala ni Kurt, it means wala na tayo, hindi ba?"

"I'm sorry, John pero si Kurt na ang nilalaman ng puso ko ngayon. Patawarin mo ako." 

Napatango na lamang ako at ngumiti ng peke, "Sana maging masaya kayo."

Tumalikod na ako at nag-simulang humakbang paalis pero sa bawat hakbang ko ay tila para akong namatay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN

Bakit kaya halos lahat ng babae ang hilig magpasakit?

Now I know kung bakit LADIES FIRST ang naging tawag sa kanila at dahil pala sila ang unang nagpapasakit.

Nakakawalang-gana pang pumasok pag-nakikita ko lang naman ang pagmu-mukha ng dalawang iyon sa kahit saang sulok ng eskwelahan. Syempre, magkaklase pa kaming tatlo.

It's Thursday evening and as usual ay nasa harap ako ng laptop ko para tapusin ang essay na gagawin namin. Ayaw na ayaw kasi ng teacher namin na naka-hand written at dapat encoded ang mga essays.

Sa sobrang lutang ko, mag-i-isang oras ng nakabukas lang ang laptop pero wala pa akong nasimulan sa mga balak kong gawin. 

Mag-iisang buwan na din simula nung naghiwalay kami ni Kate at hindi naging madali sa'kin 'yun.

Maraming nagbago sa'kin tulad ng napabayaan ko na ang sarili ko, kahit activities ko sa school. Pumapasok nga ako sa paaralan ngunit para naman akong zombie sa itsura ko na halos walang tulog at kain.

Buhay nga ako, pero patay ang puso.

Isang buwan na rin akong hindi dumalo sa basketball practice namin alam ko na hindi rin naman ako makakapag-focus lalo na't makikita't makikita ko lang si Kate doon kasama ang Cheerleading Squad. 

Ang daming tanong sa isipan ko, "Am I not enough?" 

Baka nga ay hindi ako importante para kay Kate tapos ako lang ang nag-sa-sayang ng oras sa relasyon namin. May pa flex-flex pa ako sa social media, maghihiwalay rin pala.

Biglang may kumatok ng pinto kaya tumayo ako para maibuksan 'yon. Napagtanto kong si Mama pala 'yon.

"Bakit, ma? Anong kailangan mo?"

"Hindi ka na naman kasi kumakain kaya dinalhan kita ng pagkain," Napatingin ako sa hawak niyang tray na may lamang mga pagkain at isang basong tubig.

Napangiti naman ako at kinuha iyon, "Sige po, kakain na lang ako dito. May ginagawa pa kasi ako."

Ngumiti rin siya pabalik, "Kumain ka ng marami. Nag-alala na rin kasi ako sayo at baka magkasakit ka. Hindi ka na kumakain at lumalabas sa kwarto mo simula noong nangyari sa inyo ni Kate," Napabuntong hininga si Mama kaya inilapag ko muna ang tray sa mesa at niyakap siya.

"Huwag ka mag-alala, ma at aayusin ko na ang buhay ko ngayon. Salamat sa pagti-tiis sa akin."

"Syempre naman, anak kita e. Atsaka nga pala," Kumalas naman siya sa yakapan session namin at nagsalita, "May bago tayong mga kapit-bahay at napakabait nila. Naging kaibigan ko na nga si Judy at bukas ng gabi ay dito sila magha-hapunan kasama ang buong pamilya niya." 

"I guess inimbita mo sila, 'no?"

"Oo, atsaka gusto ko rin na makilala sila ng husto. Nabalitaan ko nga rin na 'yung anak nilang babae na ka-batch mo pa nga at sa Agusan High rin pala papasok. Bukas nga siguro papasok na yun."

"Bukas na papasok agad? Biyernes na kasi e, parang ang lugi naman nun." 

"Hayaan mo na basta nabalitaan ko lang din naman," sabi ni Mama at inayos ang sarili niya bago tumungo sa pinto, "Inaantok na ako. Kumain ka ng marami at huwag mong kalimutan ang mga bilin ko. Good night!"

Napailing na lamang ako nung nakalabas na siya ng kwarto ko. If I know sinadya ni Mama na imbitahin sila para lang makisalo sa kanila.

Isang buwan na rin akong hindi masyado lumalabas at nakiki-bonding sa kanila pero sigurado na rin ako na aayusin ko na ang buhay ko. One month is enough for the pain she caused me.

Bumalik ako sa harap ng laptop at nagsimula ng mag-trabaho habang kinain 'yung mga pagkaing pinadala ni Mama.

Nang makaramdam ako ng antok ay na-desisyunan ko muna na mag-lakad lakad sa kwarto ko at baka may mga bago pa akong madiskubre sa paligid.

Tumungo ako sa may bintana ko and in the first time sa isang buwan ay binuksan ko na rin ang mga kurtina at bintana ko.

Napatingin ako sa kalangitan at kitang-kita ko ang ganda ng mga bituin at saktong napatingin ako sa kabilang bahay katabi namin.

Napatingin ako sa kabilang bahay nang may nakita akong may nakabili na pala dito. Sila ata 'yung bagong kapit-bahay na kwento ni Mama dahil sa mga package at kahon na hindi pa nabubuksan. 

Nakita ko naman sa bintana nila na may mag-asawa ata and I find them sweet and happy. Sa tapat naman ng bintana ko ay mayroon ding isang malaking bintana na may kuna, ibig sabihin ay may sanggol sila sa pamilya. 

"Siguro maging maayos din ang dinner na 'to bukas," Sabi ko sa sarili ko at isinara ko na ang kurtina sabay ligpit ng mga pinagkainan ko para hugasan sa kusina.

Nang paakyat na ako ay hindi mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina.

Ayoko mang aminin, pero I think I'm attracted to that girl who passed from that window while carrying a baby.

x x x x x

"Hay naku," Mahinang sambit ng bestfriend kong si King Solomon. Kahit kailan ay napaka-tamad nito sa pag-aaral pero may angking talino rin naman si King at naipapasa niya naman ang mga grades niya. 

"Kung kailan Biyernes na, ang dami pa ring homeworks. Napaka-unfair, diba, bruh?" Dagdag niya at hinawakan habang kinalabit ako ngunit tiningnan ko lang siya.

"Oo nga pala, broken ka pa," Naririnig ko na namang nagreklamo nang may narinig akong isang matinis na boses, "Tumahimik ka nga King Solomon! Panay reklamo ka na naman! Atleast, hanggang eleven lang tayo dito. Hindi gaya sa ibang strands eh whole day sila! Kaya, shut up ka na!"

"Ikaw yung shut up diyan. Epal ka Queen, hindi kaya kita ina-ano ikaw yung ano ng ano diyan. A-anuhin na talaga kita!"

"Wow! Umiirap ka na pala sa'kin ngayon, ha! Yari ka sa'kin!" 

Nakita kong kumuha siya ng isang ballpen at ibinato 'yon kay King hanggang natamaan siya sa noo, "Headshot!"

"Aray! Ang sakit! Ikaw talagang babae ka! Eto naman sayo!"

Gumanti naman ang best friend ko gamit ang notebook niya at sapul sa mukha ni Queen, "AYAN! F******K"

"NAKAKAINIS KA, KING!"

"MAS NAKAKAINIS KA! GUMANTI LANG KAYA AKO!"

Napatawa ako nang makita ko ang mga itsura nila na parang magpatayan na sa sobrang inis. Umagang-umaga pa lang pero napaka-haggard na ng itsura nila.

Nagtataka ako kasi naka-nga-nga sila at tila namangha kaya napahinto rin ako, "Anong nangyare sa inyo? Natulala na naman kayo sa kagwapuhan ko."

"Oh my gosh! Tinawanan tayo ni John! Hoy, classmates! Masaya na si John!" Nabigla ako nung biglang sumigaw si Queen at napatingin lahat ng mga kaklase ko pati na rin 'yung ibang estudyante na tambay sa labas ay napatingin din dito.

"Hoy, kailangan ipagsigaw? Parang baliw naman 'tong babaeng 'to," sabi ni King kay Queen at bigla-bigla na lamang umakbay sakin at sabay yakap pa sakin na tila parang kakabalik ko lang sa pag-aaral, "Welcome back, John Aquino! Wow, nabalik ka na sa dati. Ang mga ekspresyon mo! Hindi ka na ba broken?" 

Hinampas ko bigla ang braso niya at napatawa, "Ano ka ba, forever broken na lang ba ako? Ganun ba 'yon? Atsaka ikaw Queen, tigilan mo na nga si King. Sige ka, magkakatuluyan talaga kayo n'yan."

Nanlaki naman ang mga mata ni Queen at napatawa naman kami ulit ni King, "Hinay-hinay lang bruh, 'wag mo biglain at baka mas lumaki pa itong mga mata ni Queen."

"Sama niyo talaga pero masaya pa rin ako at bumalik na ang dating John at --" 

Hindi natapos ni Queen ang nais niyang sabihin nang pumasok ang kaklase naming hingal na hingal sa kakatakbo. "ANDITO NA SI MAAM!" 

Parang dinaanan ng bagyo ang classroom namin nang biglang nagsi-takbuhan ang kapwa ko kaklase patungo sa pwesto nila.

Napatingin ako sa relo ko at sakto namang six thirty na ng umaga. 

Pumasok na ang Teacher namin at bumati, "Good morning, everyone. Did you bring all of your assignments?" Tanong ni Ma'am at sumagot naman lahat ng oo pati na rin si King na mukhang walang assignment ay nakiki-oo na rin.

"Good! Before we start may bago pala tayong --" Biglang may pumasok sa room na halatang nagmamadali dahil sa itsura nilang dalawa.

"Maam, we're late and we're sorry. Na traffic po kasi kami sa daan and wala kaming service ngayon," Pag-papaliwanag ni Kate. 

Nagkatinginan kami ni King. May na-ta-traffic bang maaga pa? Hindi naman ma-traffic dito sa Butuan. Sino bang niloko nila?

"Alam mo kung ano naiisip ko? Pasalamat ako na naghiwalay kayo n'yan. Magpapaliwanag na nga, hindi pa kapani-paniwala." 

"Sinabi mo pa, dude. Wala kaya tayo sa Davao or Manila para ma-traffic." 

Napatingin kami ulit sa instructor nang magsalita ito, "That's all right. That happens all the time naman, diba? It's okay kakasimula pa lang din naman," Pinakita niya pa 'yung orasan niya sa iPhone 11 pro niya at binigyan ng isang ngiti. Ngiting-plastik, of course.

Kung normal lang naman sila na estudyante ay paniguradong minus sa puntos na 'yun dahil may points kami during attendance ngunit anak ng Prinicipal si Kate kaya natatakot ang mga guro sa kanya.

Agad naman silang umupo sa kanilang upuan sa kabilang hanay. Sikat rin pala si Kurt sa school dahil isa itong football player at kilala rin ito dati noong Junior High palang kami dahil sa pagiging chick-boy nito. 

Si Kate naman ay anak ng Principal kaya hindi na bago kung bakit siya ang naging Head Team Leader ng cheerleading team.

"Aquino!" Nagitla ako nung nabanggit ang pangalan ko, "Himala naman at hindi ka na-late!" Narinig kong sabi ng instructor namin ngunit na-pako ang tingin ko sa isang babae na tila transferee at nahihiya pa samin.

Napalunok ako at hindi ko magawang maalis ang tingin ko sa kanya. Para sa akin, isa siyang anghel na sobrang inosente at nakakasilaw.

Aside from that, she seems so familiar to me. I guess, she's our new neighbor kasi sabi ni Mama na ngayong araw papasok and hindi ko makakalimutan ang mukhang anghel na nakita ko kagabi.

Napukaw na naman ang atensyon ko nang tinawag ulit ako kung tinanong kung okay lang ba daw ako, "Yeah," Sabi ko naman at napabalik naman ang tingin ko sa babae at balik sa instructor, "It's better early para walang ma-miss."

"Titig na titig si Aquino sa transferee natin," Napalingon naman kaming lahat sa nagsasalitang Kurt, "Maganda rin naman siya, attracted na 'yan!" 

"Quiet, class!" Napabalik ang attention namin sa kanya at nagpapatuloy naman ito sa pagsasalita and I kept my eyes stuck on to her, "Transferee pala siya from Davao and siya na bahalang magpakilala sa inyo."

Ngumiti siya sa aming lahat. Ang ganda ng mga ngiti niya at tila parang nakakahawa.

"Hello everyone, my name is Julia Alvarez and it's nice meeting you all." 

She smiled at us at nang napatingin siya sa akin ay ngumiti ito. Hindi ko alam pero napangiti rin ako pero agad ko ding iniwas ang tingin ko sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status