Humarap si Frank kay Kim at sinabing, “Pasok ka.”Napahinto sandali si Kim, ngunit pinigilan siya ni Jan noong papasok na siya. “Sandali. Si Kim lang ba ang papapasukin mo?”Tumango si Frank. Sumimangot si Jan. “Hindi pwede—hindi ako papayag, masyadong mapanganib ‘yun para kay Kim. Papasukin mo din ako, para mapigilan kita kung sakaling may gawin kang masama. Pwede rin akong tumulong sa pagbabantay kay Kim.”Ang malamig na sinabi ni Frank, “Bawal ang mga tanga sa loob ng bahay ko.” “Anong sabi mo?!” Sumigaw si Jan, nakahanda siyang sugurin si Frank. Gayunpaman, pinigilan siya ni Kuno. “Tigil. Huminahon ka.”"Dad…"“Tumahimik ka.” Tiningnan ni Kuno ng masama si Jan bago siya naglakad palapit kay Frank. “Gayunpaman, hindi maganda kung maiiwan kang mag-isa kasama si Ms. White,” ang sabi niya at humarap siya kay Liv. “Bakit hindi mo rin siya papasukin? Bilang isa rin siyang babae, makakatulong siya.”“Oo.” Paulit-ulit na tumango si Liv. “Hiningi mo ang tulong ko noong una, hi
Nang mahubad ang underwear ni Kim, humiga siya sa kama habang nakapikit ang kanyang mga mata. Umupo si Frank sa gilid, tumingin ang mga mata niya sa buong katawan ni Kim ng walang pakialam. Nang makita niya iyon, nagtanong si Liv, "Kailan mo ulit sisimulan ang acupuncture?” Hindi siya pinansin ni Frank at idiniin niya ang palad niya sa tiyan ni Kim. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata, nag-aalala siya na magtatagpo ang mga mata nila ni Frank. Gayunpaman, hindi dumating ang sakit na inaasahan niya—ang tanging naramdaman niya ay ang pagdaloy ng init mula sa kanyang tiyan, na ginagabayan ni Frank pataas gamit ng kanyang palad. Maging siya ay napaamin na inalagaan nang maayos ni Kim ang kanyang kagandahan, dahil malambot, makinis, at maputi ang kanyang balat.Patuloy na umakyat ang palad ni Frank papunta sa kanyang dibdib at huminto, habang gamit naman niya ang kabilang kamay niya upang kumuha ng mga karayom mula sa kahon. Itinusok niya ang mga ito sa taas ng breastbon
Nang makita niya ang kanyang anak, nagmadaling lumapit si Eron kay Kim at nagtanong, “Kamusta ang pakiramdam mo, Kim?”Ngumiti si Kim. “Napakahusay ni Mr. Lawrence. Maayos na ang pakiramdam ko—binigyan din niya ako ng prescription na kailangan kong sundin sa loob ng isang linggo, at tuluyan na akong gagaling.”Nakahinga ng maluwag si Eron. “Oh, magandang balita ‘yun.”Tumawa ng malakas si Dan, “Haha! Gaya ng sinabi ko—magiging maayos ang kalagayan niya kapag tinulungan siya ni Mr. Lawrence.”Nagmadaling lumapit si Eron kay Frank noong sandaling iyon. “Maraming salamat sa tulong mo, Mr. Lawrence. Ligtas na ang anak ko dahil sayo.”Ng walang pakialam sa mga pormalidad, biglang sinabi ni Frank na, “Wala ‘yun, Mr. White. Ginagawa ko ito para sa Earthen Dragonheart. Pwede ko bang malaman kung saan ka tumutuloy ngayon? Pupuntahan kita bukas para kunin ito.”“Sa Creak Orchard ako tumutuloy ngayon—isa ito sa mga pag-aari namin dito sa Riverton,” ang agad na sinabi ni Eron. “Pwede ko iton
”Hinawakan ni Frank si Kim?”Kumuyom ng mahigpit ang mga kamao ni Jan habang nagsasalita siya. “Anong ibig mong sabihin?”Umirap si Liv. “Kinapakapa niya ang dibdib ni Ms. White, diniin at pinisil niya ito, at sumuka pa ng dugo si Kim!”“Ano?!” Naglabasan ang mga ugat sa leeg ni Jan—papatayin niya si Frank doon mismo!Napakaganda ni Kim, ngunit kailanman ay hindi pa niya siya nahawakan…At sa hindi malamang dahilan, tapos hinipuan at hinawakan lang siya ng isang siraulong gaya ni Frank?Sa katunayan, wala siyang pakialam na sumuka ng dugo si Kim—ang tanging alam lang niya ay may nakauna sa kanya kay Kim.Subalit, hindi niya ito maaaring ipakita dahil ginagamit ni Frank na dahilan ang panggagamot kay Kim!“Ayos lang ‘yun, Mr. Yaffe,” ang sabi sa kanya ni Liv noong sandaling iyon. “Ayos na si Ms. White ngayon, at maaaring ituloy ang kasal niyo ayos sa schedule.”“Totoo ‘yan,” tumango si Jan. “Pasensya na sa abala. Aalis na ako.”-Dumating si Frank sa Creek Orchard kinabukasan
At higit sa lahat, tinawagan ni Kuno si Eron kahapon, sinabi niya na gusto niyang makuha Earthen Dragonheart. Nasa kabilang dulo ang tagapagligtas ng kanyang anak, at nasa kabila naman ang future in-laws niya, nagdesisyon si Eron na isakripisyo si Frank dahil isa lang naman siyang manggagamot. Kailangan lang niyang bigyan si Frank ng mas maraming pera, at tapos na ‘yun. Gayunpaman, biglang tumayo si Frank noong sandaling iyon. “Mr. White, nagkasundo tayo na ibibigay mo sa'kin ang Earthen Dragonheart kapalit ng pagtulong ko sa anak mo. Tinatalikuran mo ba ang pangako mo?” Kumunot ang noo ni Eron, naglaho ang kanyang ngiti dahil malinaw na hindi sumasang-ayon sa kanya si Frank. “Hindi ba sinabi ko sayo, Mr. Lawrence? Pwede mong kunin ang kahit ano maliban sa Earthen Dragonheart. At kung ayaw mo ng mga gamit, kaya kitang bayaran ng pera.”“Ayaw kong sayangin ang oras ko sayo, Mr. White,” ang sabi ni Frank. “Ang tanging hiling ko lang ay ibigay mo sa’kin ang Earthen Dragonheart, a
Makikitang ayaw ni Eron ang ginagawa niya habang tinatawag niya ang isang katulong upang kunin ang Earthen Dragonheart.Sinuri ito ng maigi ni Frank nang kunin niya ito.Isa itong halaman na tumutubo sa mga liblib na lugar sa dulong kanluran, na hindi naaabot ng sikat ng araw.Ang tangkay at ugat nito ay may kapansin-pansing pagkakahawig sa mga dragon, na pinagmulan ng pangalan nito.Natural, nabawasan ang galit ni Frank nang makumpirma niyang ito ang halaman na hinahanap niya.Nakita ni Eron ang reaksyon ni Frank at nagsalita siya, "Hindi ‘yan sayo, bata. Huwag mong isipin na magtatagal ‘yan sa mga kamay mo.""Wala kang dapat alalahanin, Mr. White. Aalis na ako." Binalewala ni Frank ang pagbabanta ni Eron at wala na siyang balak na manatili pa sa lugar na iyon kasama si Eron."Ihahatid na kita palabas, Mr. Lawrence," ang agad na sinabi ni Kim.Habang personal niyang inihatid si Frank sa labas ng Creek Orchard residence, bigla siyang yumuko. "Pasensya na talaga sa nangyari ngay
Hindi na nagulat si Frank na dumating si Fred sa Hilton Hotel pagkalipas ng sampung minutong sakay ng kanyang electric scooter.Pulang-pula ang kanyang mga mata, at nakakatakot ang kanyang presensya.Ipinahiwatig ni Frank ang panloloko ng kanyang kasintahan noon, at inaway niya si Frank dahil doon!Natural, nagalit siya nang mabasa niya ang anonymous na tip na natanggap niya!Nakita niyang pumasok ang kanyang kasintahan at ang kanyang boss, at kasama pa sa tip ang isang larawan ng room number na naka-high definition!Paanong hindi magagalit si Fred dito?!Naglakad siya papasok sa hotel, balak niyang dumiretso sa Room 908.Nang makita ang galit sa kanyang mukha, pinigilan siya ng front desk receptionist. "Sir, nandito ka ba para kumuha ng room?""Tumabi ka!" Itinulak siya ni Fred at tumakbo siya paakyat sa hagdan, hindi na siya nag-abala pang maghintay ng elevator.Galit na galit siya at halos mawala na siya sa katinuan—kahit ang mga diyos ay hindi siya mapigilan ngayon, at huh
Pulang-pula ang mga mata ni Fred habang nakaturo siya sa kanila Marian at Brock, sumigaw siya, “Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!”Umirap lamang si Marian sa inis niya sa kanya. "Pwede bang tumigil ka na? Nagre-research lang kami ni Mr. Summer, at sinira mo ang lahat ng progress namin.""Pu*angina mo!" Sigaw ni Fred. "Research? Sa isang kama sa isang hotel room?! Akala mo ba tanga ako?!"Subalit, hindi pinagsisihan ni Marian ang panloloko niya kay Fred, itinulak pa niya si Fred at sumigaw siya, "Bakit mo ako sinisigawan? Masyado kitang nirespeto, ano? Ano bang problema kung gusto naming magsaya ng kaunti ni Mr. Summer?""Kung ganun inaamin mo ang ginawa mo?" Dumugo ang labi ni Fred sa sobrang diin ng pagkagat niya dito. "Wala ka bang kahit kaunting dignidad, Marian?!""Dignidad?" Inirap ni Marian ang kanyang mga mata. "Anong silbi nun? Mapapakain ba ako ng dignidad? Jusko, dalawang libo lang kada buwan ang kinikita mo dahil sa dignidad na ‘yun—Binibigyan na kita ng freebie sa
"Si Jaden ay pangalawa sa Skyrank!" sigaw ni Edon nang may kaba kay Chet. "At siya ang anak mo! Isipin mo na lang—kung lalago pa ang batang iyon, hindi lang tayo magiging isa sa pinakamalalakas na dinastiya sa East Coast… Baka magtatag pa tayo sa Morhen!”"Alam ko." Bumulong si Chet, nagbigay ng malamig na tingin sa kanyang kapatid."Pero sino pa bukod sa Hundred Bane Sect ang makakapagligtas kay Jaden ngayon? Gayunpaman, kung susundin natin ang kanilang mga hinihingi, ang pagsusumikap at hirap ng ating pamilya na umabot ng mahigit isang daang taon ay magiging walang kabuluhan.""Kabaligtaran ng Martial Alliance, ang Hundred Bane Sect ay magkakaroon ng ganap na kontrol sa ating pamilya. Kung saan ang Martial Alliance ay isang maluwag na organisasyon, magiging mga daga kami sa kanilang laboratoryo. Kahit na ikaw ang nasa aking kalagayan, magagawa mo bang isakripisyo ang napakarami sa atin para kay Jaden?""Tama yan, pero…"Gusto sanang makipagtalo ni Edon pero nagmukmok siya dahil wa
Si Edon ay handang ituro ang ilong ni Chet at magalit, ngunit natigilan siya nang kalmadong sinabi ng kanyang kapatid, "Nandito ang pinuno ng Martial Alliance sa ating tahanan.”"Ano? Ang pinuno ng Martial Alliance?! Ibig mong sabihin…""Oo." Tumango si Chet nang malungkot, tinitingnan ang gulat na reaksyon ng kanyang kapatid bago dagdagan, "Siya ay nasugatan, halos nawala na ang kanyang pagsasanay.""Kung ganun, ang spiritron vein…""Wala ito sa kanya," sagot ni Chet.Habang lumabas ang pagkadismaya sa mukha ni Edon, nagpatuloy si Chet nang kalmado, "Alam ko kung ano ang iniisip mo—sa katunayan, iniisip ko rin ito nang matanggap ko siya. Gayunpaman, binitiwan na niya ito bago siya dumating, at ang Martial Alliance ay nawalan ng mahigit isang daang martial artist sa laban. Wala namang kakulangan sa mga ranggo ng Ascendant, at siya lamang ang nakatakas, halos patay na."Bumuntong-hininga nang malungkot, nagwakas si Chet, "Para sa akin, malinaw mula dito na ang spiritron vein ay ma
Matapos mag-alinlangan nang ilang sandali, tumingin si Helen kay Frank, namumula ang kanyang mga pisngi habang nag-aalangan, "D-Darling… Gusto ko rin ang nakuha ni Vicky…”"Hahaha! Sinasabi ko na nga ba!"Sumigaw si Vicky nang bigla siyang lumitaw sa likod ni Helen, nakangiting masaya habang nakayakap ang mga braso sa kanyang dibdib."Sabihin mo na kasi. Hindi ka ba nahihiya, palaging kinakabahan sa edad mo, Ms. Lane?""Umayos ka!" sabay talikod ni Helen kay Vicky at nagalit.Nang lumingon si Helen, nakita niyang si Frank ay nasa harap niya, nakayuko upang bigyan siya ng mainit na halik sa noo.Habang inabot niya nang walang isip ang kanyang noo, tumingin siya pataas at nakita ang ngiti ni Frank.Namumula sa kahihiyan, humarap siya at umalis, humihikbi. "Sige na, tama na yan! Oras na para sa hapunan!"Kahit na hinahabol niya ang tumatawang si Vicky sa loob, tumingin si Vicky kay Frank. "Bumalik ka agad.""Oo." Tumango si Frank, nakangiti.Mamaya, habang kinuha ni Helen ang isan
Si Carol ay tiyak na kontento sa buhay—ang kanyang anak na babae ay ngayon ang pinuno ng Zamri Hospital, ang kanyang anak na lalaki ay ligtas sa ibang bansa, at nakahanap siya ng bagong kapareha kahit na siya ay nasa katandaan na.Si Nash ay kontento tulad ni Carol, kahit na mayroon lamang siyang isang dahilan para mag-alala sa kanyang hindi mapigilang anak na si Kat.Sa kasalukuyan, siya ay nananatili sa Riverton kasama si Noel York at kasali sa produksyon ng isang pelikula.Habang nagrereklamo si Nash na hindi ito isang matatag na trabaho, nakangiti siya mula tenga hanggang tenga kahit na sinasabi niya iyon.Syempre, pareho silang dalawa ni Carol na may utang na loob kay Frank para sa lahat ng iyon.Mula sa isang tiyak na pananaw, siya na ngayon ang kanilang ampon na anak."Oo nga, saan ka pupunta nang ganitong kalalim na ng gabi, Frank?" tanong ni Nash habang nagdadala ng mga gamit sa kusina."Hehe… Isang maliit na biyahe lang sa Norsedam," hindi nagbigay ng detalye si Frank pa
Pinanatili ni Frank at Lanecorp ang mababang profile habang hinihintay nila ang bagyo.Habang lumipas ang dalawang buwan, unti-unting kumalma si Zamri nang umalis ang spiritron vein sa lungsod, na makikita sa kawalan ng mga martial elites na tinatanggap sa Zamri Hospital.Gayunpaman, hindi ang spiritron vein ang alalahanin ni Frank—sa halip, ito ay si Silverbell.Siya ang pinuno ng Martial Alliance, may sariling lakas at maraming mga martial artist sa ilalim ng kanyang pamumuno.At gayunpaman, nag-aalala si Frank nang marinig niyang hindi na pag-aari ng Martial Alliance ang spiritron vein.Kahit na nakakainis ang isip na iyon, nakatanggap si Frank ng tawag mula kay Fenton—ama ni Silverbell—isang hapon."Master Frank." Kalma si Fenton na parang dati, pero sapat ang talas ni Frank para mapansin ang bahid ng pag-aalala."Magsalita ka," sagot ni Frank, mas kalmado at hindi gaanong nag-aalala.Pagkatapos ng lahat, tunay na natutunan niya na may mga tao na mas malakas kaysa sa kanya
Ang mga babae ay nakaramdam ng paghamak kay Winter habang hindi nila alam kung saan sila dapat mag-intern.Nang marinig ni Frank ang kanilang pag-uusap, nakita siya ni Jessica at nag-double take. "Hey, hindi ba't kapatid ni Winter 'yan?"Gayunpaman, hindi nagtagal ay siya'y nagbiro. "Talagang ginawa mo ang lahat para lang makakuha ng trabaho ang kapatid mo!""Oo nga, ipinadala mo siya na parang regalo sa kama ng isang matandang lalaki… Wala nang hihigit pa sa iyong tiyaga."Ang pang-aasar ay nag-iwan kay Frank na nalilito, bagaman agad niyang napagtanto na nagkamali sila ng pagkakaintindi habang patuloy silang nagkukwentuhan.Si Winter ay talagang may kakayahang maging pinuno ng Zamri Hospital—sa katunayan, sapat na sapat ang kanyang kasanayan sa medisina, at hindi niya kailangang gumamit ng anumang hindi kanais-nais na paraan.Habang nanatiling nagdududa ang mga babae sa kabila ng mga sinabi ni Frank, hinila lang sila ni Frank para makita si Winter upang siya na mismo ang magsab
May isa lamang porsyentong tsansa si Gus na mabuhay, pero may isang bagong graduate na inakalang kasintahan ni Gene na nagtagumpay sa tsansang iyon?!Grabe, kaya na ngang makipag-usap ng lalaki ngayon!Pakiramdam ni Paco na parang gumuho ang kanyang mundo, na parang ang mga dekadang kaalaman niya sa medisina ay walang halaga sa ilang mga bata.Sa paligid niya, ang kanyang mga katulong ay nakatitig sa gulat.Hindi nagawa ni Paco! Ano ang nagbigay sa kanilang dalawa ng karapatan na magtagumpay?Posible bang mas magaling pa ang kanilang mga kasanayan sa medisina kaysa kay Paco kahit na mas kulang sila sa karanasan?"Alam mo ba ang pangalan na Frank Lawrence?"Si Gus ay sumagot kay Winter at Jean Zims, kahit na nakapikit pa rin ang kanyang mga mata."Frank Lawrence?"Nagpalitan ng tingin sina Winter at Jean."Siya ang kapatid ko," sagot ni Winter."Siya ang aking mentor," sabay na sinabi ni Jean.Tumango si Gus at huminga ng malalim. "Kung ganun siya nga talaga ‘yun… Muli niya
"Oh! Dumating sila para kay Winter." Ngumiti ang katulong."Siguro balak nilang hingin sa kanya ang internship, dahil bagong talagang siyang pinuno ng ospital natin at lahat."Pumihit si Paco kay Winter noon din, ang kanyang titig malamig habang malamig na sumagot, "Ano bang akala mo sa ospital namin?! Hindi ito lugar para sa mga batang nagmamadaling umakyat sa ranggo. Lumayas ka dito!""Ano? Humihingi ba kami ng pahintulot na manatili?" Tina ay nagmaktol sa paghamak at lumingon muli upang umalis matapos magbigay ng malamig na titig kay Winter."Sandali…"Sinubukan ni Winter na magsalita, pero sobrang pagod niya mula sa operasyon na halos hindi siya makapagbigkas ng isang pantig.Patuloy na nagalit si Paco sa kanya noon, "Sabi ko, chief, sapat na ang binigay mong gulo sa akin para sa isang araw, kaya ipaalam mo sa utak mo—ospital ito, hindi lugar para kay Gene Pearce na magtago ng mga kalaguyo!"Pagkatapos, itinuturo si Gus Zeller sa trolley bed, sumigaw si Paco, "Tingnan mo ang
"Phew…"Matapos ang mahigit apat na oras na operasyon, bumagsak si Winter sa isang upuan, ang kanyang mga kamay ay puno ng dugo."Okay ka lang ba, Winter?" tanong ni Jean habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Winter.Umiling si Winter. "Ang laki ng pagkadismaya ko…""Oo nga…" buntong-hininga ni Jean, nilingon ang lalaki sa surgical table na kakatatapos lang operahan, habang nilingon siya at si Winter. "Okay lang—ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.""Alam ko." Nagsalita si Winter nang may lungkot.Di nagtagal, si Gus Zeller ay inilipat sa isang wheel bed at itinulak palabas ng silid ng operasyon."Hahaha! Ang sakit na nito… Tingnan mo lang ang mukha niya, parang nabigo siya.""Hehe. Mga batang mayabang, sabi ko sa'yo. Ayos lang, isang tagapaglingkod ng Soranos ang namatay sa kanilang surgical table… talagang magagalit ang mga Sorano.""Eh, hindi naman kasalanan natin 'yan. Abangan na lang natin kung paano ito magiging."Nagkunot-noo si Winter nang marinig niya ang mga tao, pe