Share

Kabanata 7

Author: Chu
Hindi man lang natakot si Peter at inambahan niya ng kamao niya si Frank habang sinasabing, "May lakas ng loob ang isang walang kwentang katulad mo na sagutin ako?! Tuturuan kita ng leksyon para sa kapatid ko ngayon din!"

Bigla siyang sinipa ni Frank sa sikmura sa mga sandaling iyon, dahilan upang tumalsik siya ng parang isang bala.

"Argh!" Namutla sa takot ang girlfriend ni Peter at nagmadaling lumapit sa kanya. "Ayos ka lang ba, mahal?!"

Sa malapit, malamig na nakangiti si Vicky.

Sinubukan niyang saktan si Frank? Ang tapang talaga ng bwisit na ‘to.

Pagkatapos nun, mas naging interesado si Vicky sa 'Helen' na binanggit ni Frank.

"Bwisit ka..." Namilipit ang mukha ni Peter dahil sa sakit sa kanyang tiyan—parang isusuka niya ang kanyang bituka!

Nanlilisik ang tingin niya kay Frank, at sinabi niya na, "A-Ang lakas ng loob mo na saktan ako!"

Nanatiling kalmado at mahinahon si Frank. "Palalampasin ko ang ginawa mo alang-alang sa ate mo. Pero ngayong pinutol ko na ang ugnayan ko sa pamilya mo, papatayin kita sa susunod na guluhin mo ulit ako.”."

Natigilan talaga si Peter sa nakakatakot na mga mata ni Frank at nilunok niya ang lahat ng masasamang salita na nasa dulo ng kanyang dila.

Sa halip, bumaling si Peter kay Vicky at sinabi niya na, "Anong ginagawa mo?! Guest ako dito, at sinaktan ako ng lalaking iyon! Diba ikaw ang manager ng lobby?! Kumilos ka!"

Napatingin sa kanya si Vicky at maya-maya'y umiling sa sobrang galit.

Kung ganun, mukha siyang lobby manager para sa kanya?

Kung ganun, makikipaglaro siya sa kanya sa pagkakataong ito.

Tinawag niya mga security guard, at sinabing, "Paalisin niyo siya dito."

"Anong ginagawa niyo?! Bitawan niyo ako! Mula ako sa Lane family!" Nagsisigaw si Peter. "Hindi pa ito tapos! Maghintay ka lang!"

"Ang Lane family? Hindi ko pa sila narinig. Pati ang lolo mo kailangang mag-ingat sa mga kilos niya sa paligid ko," suminghal si Vicky sa galit. "At wala kang kwenta para sa’kin. Itapon niyo siya sa labas."

Dahil doon, agad na itinapon ng dalawang security guard si Peter palabas ng entrance na para bang isa siyang bag ng basura, at iniwang nakasubsob ang kanyang mukha.

"Kapag dumating siya para manggulo ulit, binibigyan ko kayo ng permiso na bugbugin siya," ang sabi ni Vicky sa staff bago bumaling kay Frank. "Paumanhin, Mr. Lawrence. Ipinapangako ko sa’yo na hindi na ito mauulit."

Umiling si Frank. "Hindi, hindi mo ‘to kasalanan."

Ngumiti si Vicky at tumango. "Punta na tayo sa kwarto mo?"

Dinala siya ni Vicky sa elevator at sinamahan niya siya sa kanyang penthouse suite, at umalis si Vicky kasama si Yara pagkatapos makuha ang mga contact details niya.

Tumayo si Frank sa harap ng glass wall kung saan matatanaw ang buong Riverton.

Bagama't hindi niya inaasahan na hihiwalayan niya si Helen pagkatapos ng tatlong taon, nagawa niya ang hiling ng kanyang guro.

At ngayon, oras na para tuparin ang sarili niyang mga plano.

Sa sandaling iyon, nagsimulang tumunog ang phone ni Frank, at inilabas niya ito at nakita niya na isa itong tawag mula kay Henry Lane, ang pinuno ng Lane family.

Nag-alinlangan siyang sumagot, hindi siya sigurado kung alam ni Henry ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Helen.

Hindi kalaunan ay sinagot niya ito, gayunpaman—-gaano man siya maliitin ng ibang mga Lane, itinuring pa rin siya ni Henry bilang kanyang apo.

"Hello, Lolo. Kamusta?" Tanong ni Frank.

"Hoy, Frankie!" Ang masayang sinabi ni Henry mula sa kabilang linya. "Nasaan ka ngayon?"

"Ako...? May ginagawa pa ako ngayon. May problema ba?" Ang tanong ni Frank.

Masasabi niya sa tono ni Henry na hindi niya alam ang tungkol sa hiwalayan, kaya hindi niya ito binanggit.

"I see... You and Helen should come by my place this evening. I have good news!" Excited na sabi ni Henry.

Bumilis ang tibok ng puso ni Frank. “Actually, busy talaga si Helen lately,” he said gingerly. "Paano sa ibang araw?"

“Naku, never siyang busy,” natatawang sabi ni Henry. "Ako na mismo ang tatawag sa kanya mamaya. I doubt she'd say no—dumaan ka na lang kapag tapos ka na sa errand mo."

Huminga ng malalim si Frank at tumango. "Oo. Pupunta ako kapag tapos na ako."

Sasabihin niya kay Henry ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Helen ngayong gabi pagdating ni Helen!

-

Samantala, sa wakas ay nakilala nina Helen at Sean si Walter, kung saan si Sean ay agad na pinagmamasdan ang buong lalaki sa drawing room.

Nang sandaling maisip niya na itinakda niya ang tamang mood, ipinaliwanag niya ang layunin ng kanyang pagbisita, "Mr. Turnbull... Ganito ‘yun, sinabi sa’kin ng isang kaibigan ko na nagkaroon ng isang kakila-kilabot na kondisyon ang anak mong babae, kaya't bumili ako ng isang 100-taong gulang na panacea cap upang gamutin siya."

Nang mapansin niya na siya na ang magsasalita, agad na kinuha ni Helen ang velvet box at taimtim itong inilagay sa harap ni Walter.

Dahan-dahan niya itong binuksan, at ang mabangong aroma mula sa panacea cap ay agad na kumalat sa paligid.

Kahit na ang ningning at hipo nito ay nilinaw na hindi ito ang isang karaniwang damo.

Gayunman, mahinahong tumango si Walter.

Siguro ay magiging masayang-masaya siya noon dahil dito, ngunit ngayong magaling na ang kanyang anak, hindi na mahalaga ang panacea cap sa kanya.

Higit pa rito, malinaw na may dahilan si Sean para bisitahin siya at isama ang babaeng iyon.

Natural, nanigas si Sean sa kanyang naging reaksyon nang mapansin niyang hindi interesado si Walter sa panacea cap!

Samantala, masyadong kinakabahan si Helen para magsalita—natatakot siyang magkamali sa harapan ng isa sa mga bigatin ng Riverton.

Gayunpaman, tumanggi si Walter na mag-aksaya ng kanyang oras sa kanila at diretsong nagtanong, "Salamat sa iyong pag-aalala, Ms. Lane. Paano kaya kita mapapasalamatan?"

Agad namang itinaas ni Helen ang kanyang mga kamay. "Gusto ko lang tumulong. Wala akong balak na humingi ng kahit anong kapalit."

Napangiti si Walter. "Pakiusap, huwag kang mahiya. Malaya kang magsalita."

Tumawa ng malakas si Sean. "Salamat sa iyong pag-unawa, Mr. Turnbull. Ganito kasi ‘yun, nalaman ni Helen na pamumunuan ng pamilya mo ang isang development project sa kanluran ng lungsod, at ang Lane Holdings ay umaasa lamang na magkaroon ng isang partnership."

Nagalit si Walter sa loob-loob niya—kailanman ay hindi pa niya narinig ang Lane Holdings!

May kakayahan ba sila upang kunin ang proyektong iyon?

Gayunpaman, nanatili siyang mahinahon habang sinasabi niya na, "May karanasan ba ang Lane Holdings para sa proyektong ito?'

Mukhang natuwa si Helen sa tanong. "Oo naman. Tatlong taon nang nagtatrabaho ang kumpanya namin kasama ang Zurich International."

Talagang namangha si Walter—may partnership ang kumpanya ng babaeng ito sa kumpanya ni Trevor?

Sino ba ang babaeng ‘to? Isa kaya siya sa mga tauhan ni Trevor?!

Natural lang para kay Walter na magpakita ng paggalang sa puntong ito—nakaratay pa rin ngayon ang kanyang anak kung hindi dahil kay Trevor.

Pagkatapos niyang mag-isip-isip, sinabi niya na, "Bakit hindi natin pag-usapan ang mga detalye bukas? Magkakaroon ng isang salo-salo sa Verdant Hotel at magiging masaya ako kung makakadalo ka rin, Ms. Lane."

"Salamat, Mr. Turnbull." Tuwang-tuwa si Helen—malinaw na sinasang-ayunan siya ni Walter!

Pagkatapos nito, nag-usap ang tatlo, at gabi na nang umalis sina Helen at Sean sa Turnbull Villa.

Gayunpaman, hindi maitago ni Helen ang kanyang pananabik, at labis siyang nagpapasalamat kay Sean. "Maraming salamat, Mr. Wesley. Sa tingin ko hindi magiging interesado si Mr. Turnbull sa Lane Holdings kung hindi mo binili ang panacea cap na ‘yun."

"Binobola mo naman ako, Helen. Natuwa sa’yo si Mr. Turnbull dahil nagpakita ka ng tapang," marahang sumagot si Sean ng wala sa loob niya. "Gabi na, at nag-book na ako ng lugar para sa’tin sa Riverton Tower. Ayos ba sa’yo ang dinner at movie?"

Agad namang nag-alinlangan si Helen.

Dinner at movie? At silang dalawa lang?

Parang date ‘yun!

Kakahiwalay lang nila ni Frank at wala pa siyang planong magsimula ng isang bagong relasyon…

Nagsimulang tumunog ang phone niya sa mga sandaling iyon, at agad itong sinagot ni Helen.

"Hello, Lolo... Oh? Oo naman, sige."

Medyo natuwa si Helen pagkatapos niyang ibaba ang tawag. "Pasensya na, Mr. Wesley, pero gusto akong makita ng lolo ko ngayong gabi—sabi niya importante daw, kaya kailangan ko siyang puntahan. Pag-iisipan ko yung dinner."
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1916

    "Hindi lang 'yun," patuloy ni Sanne. “Ang aking ama ay si Namik Dali, pinuno ng Mesial Hall sa guild!”“Ang Thousand Isles Guild?!”Karamihan sa mga martial artist na naroroon ay hindi alam kung sino si Namik, ngunit kilala nila ang Thousand Isles Guild, dahil isa sila sa South Sea Four!Bukod pa rito, sila ay isang alyansa ng mahigit isang libong sekta ng mga taga-isla—sa usapin ng impluwensya, mas malaki pa sila sa Volsung Sect!At si Sanne ay anak ng isa sa mga pinuno ng bulwagan!Hindi na nakakagulat ngayon na napakawalang-pakiramdam niya—napakalakas ng kanyang mga koneksyon para suportahan siya!Hindi lang iyon, dahil ang Thousand Isles Guild ay isang pangunahing miyembro ng Martial Alliance, at marami sa kanilang mga matatanda ay nagsisilbi ring matatanda nila.Hindi tulad ng Cloudnine Sect, na pansamantalang miyembro lamang, ang Thousand Isles Guild ay isa sa mga pangunahing paksyon na malapit ang ugnayan sa mga pinuno ng Martial Alliance.Kaya naman, bilang tagapagmana,

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1915

    ”Tut, tut. Mahina…”Nangungutya si Sanne habang pinapanood ang martial artist na lumuhod sa harap niya."Ikaw..." sabi niya.“Ano, hindi ka pa rin sumusuko?”Nang makitang nakatingin pa rin sa kanya ang martial artist, biglang itinaas ni Sanne ang kanyang paa at sinipa niya siya sa dibdib!Crack!May narinig na malakas na tunog nang mabasag ang mga tadyang niya, at nanlaki ang mga mata ng lalaki nang mamatay siya.Napahinga nang malalim ang ibang mga martial artist sa paligid nila, sabay na nagulat at natakot sa pagiging walang awa ni Sanne.“Basura. Mga basura kayong lahat.”Pagtingin sa bangkay, at pagkatapos ay sa iba pang mga martial artist sa pila, umiling si Sanne sa paghamak.Walang ibang naglakas-loob na magsalita—ang mga taong ito ay naglakas-loob na pumatay sa teritoryo ng Martial Alliance, kaya nahihirapan silang maniwala na wala siyang malalakas na koneksyon.Kaya naman, para na rin silang umamin na gaya nga sila ng sinabi ni Sanne na sila—basura.Kung sabagay,

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1914

    Ngumisi si Rok habang umuupo sa tabi ni Frank, ipinakita ang kanyang nanilaw na ngipin habang nanliit ang kanyang mga mata na nagbabanta. “Kinakamusta ka ni Titus Lionheart. Pinapasabi niya na mag-iingat ka at umaasa na mananalo ka sa Martial Tournament.”“Si Titus Lionheart?!”Nalungkot ang mukha ni Frank—kaibigan pala ng Lionhearts ang matandang ito?!Ngayon, tila may utos ang matandang lalaki mula sa Lionhearts na pumunta sa Zamri at harapin si Frank!Gayunpaman, sa kabila ng kanyang unang pagkabigla, mabilis na nakontrol ni Frank ang kanyang sarili.Kung mayroon man, hindi siya dapat nagulat at dapat ay inasahan niya na pipiliin ng Lionhearts ang sandaling ito para guluhin siya.Kaya naman, malamig na tumawa si Frank at sumagot, "Ah, ganoon ba. Sige, pasalamatan mo siya para sa akin paran sa mensahe niya... at sa kanyang Celestial Dew."Nagulat si Rok sa kalmado niyang sagot, bagaman agad ding lumamig ang kanyang ekspresyon. “Kinakalaban mo ang mga Lionheart? Katapusan mo na

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1913

    Bago pa man masabi ng branch manager ng Zamri Martial Alliance kay Frank ang tungkol sa iba pang rounds, may isang staff member na tumakbo palapit, bumulong ng isang bagay sa tainga ng manager.Nagsimulang magkunot-noo ang manager, dahil mayroon siyang express order mula sa pinuno ng Martial Alliance na personal na asikasuhin si Frank, isang karangalang hindi para sa lahat.Gayunpaman, ipinaalam sa kanila ng kanyang mga tauhan na may mga martial artist na nagkakagulo, na nagdulot ng dilema sa manager dahil hindi niya basta-bastang mapapabayaan ang isang VIP tulad ni Frank.Gayunpaman, nang makitang nahihirapan ang manager sa pagpapasya, nagkibit-balikat si Frank at nakangiting sinabi sa kanya na asikasuhin ang problema—sila naman ng kanyang mga kaibigan ang bahalang tumingin-tingin.Nagulat talaga ang manager na napakabait ni Frank, pero nakahinga rin siya nang maluwag.“Pasensya na talaga sa abala, Mr. Lawrence. Babalik ako agad kapag naayos ko na ang gulo.”Pagkatapos ipahayag

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1912

    Lalong nainis si Frank.Sa kabutihang palad, nagbibiro lang sina Helen at Vicky kay Frank—kung hindi, pinagkakatiwalaan nila ang kanyang pagkatao.Kahit na nakikialam ang Phoenix, hindi man lang sila kinabahan, lalo na hindi nag-alala na gagawa ng hindi naaayon si Frank.Kung mayroon man, itinuring nila itong isang biro.-Gayunpaman, tapos na ang panahon ng pagpaparehistro, at malapit nang dumating ang oras para sa mga kwalipikado.Sa puntong iyon, kailangang aminin ni Frank na matagumpay si Phoenix—iyon ay, sa pagkuha ng kanyang atensyon.Pagkatapos ng lahat, medyo kinakabahan siya dahil hindi na siya nakarinig mula sa kanya simula noon. Maaari lamang siyang manalangin na walang ginawang katatawanan ang babae para magkaroon siya ng maraming kaaway na bigla na lang lumitaw.Dahil dito, nakahinga siya nang maluwag nang makita niyang wala si Phoenix nang dumating siya sa sangay ng Martial Alliance. Sa ganitong paraan, makakasali siya nang hindi na kailangang mag-alala sa ibang b

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1911

    "Bleurgh…"Muntik nang maibugha ni Frank ang kanyang inumin.Nang makita ang mainit at puno ng pagmamahal na titig ni Phoenix, nilakasan niya ang loob niya at nagdesisyon siya na linawin ang mga bagay-bagay. “Narinig ko na may fiancé ka, Ms. Ardron.”“Ah, siya…”Kumunot ang noo ni Phoenix nang banggitin ang kanyang kasintahan at bumulong siya sa sarili pagkatapos ng maikling katahimikan, "Wala kaming nararamdaman sa isa't isa ni Josh. Isang kasunduan lang ang relasyon namin."“Ano kamo?”Nawalan ng salita si Frank. Ang relasyon nila ay kanila, kaya ano naman ang pakialam niya doon... maliban na lang kung gusto ni Phoenix na maging third wheel siya sa kanilang relasyon?Gayunpaman, nang makitang nagtanong si Frank ng ganoon, bahagyang nawala ang ngiti ni Phoenix. Bigla siyang nagtanong, "Mr. Lawrence, gusto mo ako, hindi ba?"Walang masabi si Frank.Napakadirekta ng tanong kaya hindi nakapag-isip ng sagot si Frank nang mahinang bumuntong-hininga si Phoenix. “Kung hindi mo ako g

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status