Share

Kabanata 8

Sumakay si Frank ng taxi papuntang Laneville kinagabihan at nagulat siya nang makitang naghihintay si Gina sa pintuan.

Nang makita siyang dumating, agad na lumapit sa kanya si Gina at nagbabala, "Alam ko na alam mo kung ano ang dapat at hindi dapat sabihin kapag nakita mo ang matanda mamaya."

Humalakhak si Frank. "Dapat itaboy mo na lang ako kung nag-aalala ka ng ganyan."

"Ano?!" Tiningnan siya ng masama ni Gina, gulat na gulat siya na pagsasalitaan siya ng ganun ni Frank.

Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Frank at pumasok na si Frank sa loob.

Kung tutuusin, wala na siyang dahilan para magbait-baitan sa Lane family ngayong hiwalay na sila ni Helen!

Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya, nakita niya si Henry na nakatayo doon suot ang isang apron, at kakatapos lang magluto.

"Anong okasyon sir? Ang daming pagkain," ang sabi ni Frank.

Nakangiti si Henry nang makita niya si Frank at lumapit siya para hawakan ang kanyang kamay. "Oh, nandito ka na pala, Frankie—malalaman mo din maya-maya lang."

Habang nakaupo ang dalawa at nagkukwentuhan, tinitigan ni Gina si Frank, natatakot siya na masabi ni Frank ang hindi niya dapat sabihin.

Hindi nagtagal ay dumating si Helen at nakita niya si Frank gaya ng inaasahan niya.

Si Henry ang nag-ayos ng kasal nila ni Frank, kaya natural na pinahahalagahan niya ito nang husto.

Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi sinabi sa kanya ni Helen ang tungkol sa paghihiwalay nila.

Paglapit niya kay Frank, nagtanong siya, "Saan ka nanggaling kaninang hapon?"

Nagkibit balikat si Frank. "Wala naman akong dahilan para sabihin sa’yo ‘yun, diba?"

Bumuntong-hininga si Helen, labis na sumama ang loob niya sa inasal ni Frank. "Sige lang, sa’yo na ang mga sikreto mo. Wala akong pakialam."

Lumingon siya kay Henry, at nagtanong, "Ano bang mahalaga mong sasabihin, Lolo?"

Nang makitang nandoon na ang lahat, tumawa si Henry. "Nakita ko lang ang isang dati kong kasamahan, at sinabi niya sa akin na ang kanyang apo ay nagtatrabaho sa Flora Hall. Naisip ko na ito ang perpektong oras upang maghanap ng trabaho para kay Frank, at pumayag siya dito!"

"Hindi," agad na sagot ni Gina nang matapos si Henry.

Hindi na parte ng pamilya si Frank—bakit kailangan nila siyang bigyan ng trabaho?

Wala siyang pakialam kahit mamatay ang walang kwentang ‘yun!

"Ano?" Naguluhan si Henry. "Pero walang trabaho si Frank. Hindi naman siya pwedeng manatili na lang sa pagluluto at paglalaba para kay Helen, di ba?"

"Yung totoo, Lolo," ang biglang sinabi ni Helen, "Pwede ko namang bigyan ng trabaho si Frank sa kumpanya. Hindi mo kailangang mag-alala."

Gayunpaman, sumimangot pa rin si Gina habang sinasabi niya na, "Wala ring trabaho si Peter. Mas mag-alala ka sa kanya."

"Hah! Gagawin ko ‘yun kung hindi puro kalokohan ang ginagawa niya araw-araw." Ngumuso si Henry. "Wala siyang ginawa kundi ipahiya ako... At nasaan siya ngayon? Bakit hindi pa siya bumabalik?"

"Hayy, malapit na siya," nagkibit balikat si Gina. "Bakit ka nagmamadali?"

Bang!

Bumukas ng malakas ang pintuan sa harapan, at nakita nilang lahat si Peter na papasok na galit na galit.

Nang makitang nandoon din si Frank, sumigaw siya, "Hayop ka! Ang lakas ng loob mong magpakita dito! Papatayin kita!"

Kinuha ni Peter ang isang upuan, handa siyang ihampas ito sa ulo ni Frank!

Takang-taka si Helen sa nangyayari—ano ba ang nangyayari sa kanya?!

"Tumigil ka!" Sinigawan ni Henry si Peter at mabilis siyang tumayo, "Siraulo ka! Bakit mo sasaktan ang brother-in-law mo?! Matuto kang rumespeto!"

"Brother-in-law?! Siya?!" Galit na nagsalita si Peter. "Nakita ko siya sa Verdant Hotel, magchecheck in siya kasama ng isang p*ta. Sinubukan ko siyang pigilan at sinipa niya ako! Ang sakit pa rin ng tiyan ko hanggang ngayon!"

"Ano?!"

Natigilan ang lahat, at agad na tumalon si Gina para bungangaan si Frank, "Ang galing! At inakala ko pa naman na kahit paano matino ka, pero may ibang babae ka pala!"

"P-Posible ba ‘yun?" Napatingin si Henry kay Frank at hindi siya makapaniwala—kilala niya si Frank para malaman niyang hindi siya ang tipo ng lalaki na maghahanap ng iba!

"Bakit hindi? Ako mismo ang nakakita nun," sigaw ni Peter, naglalabasan ang mga ugat sa kanyang leeg.

Kumunot ang noo ni Helen at tiningnan niya ng malamig si Frank. "Totoo ba ‘yun?"

Ngumiti lang si Frank. "Kung ganun, mas gugustuhin mong maniwala sa kanya kaysa alamin kung totoo ‘yun?"

Nadismaya talaga siya—nagawang itanggi ni Helen ang katapatan niya sa kanya sa nakalipas ng tatlong taon dahil lang sa sinabi ni Peter.

Hindi niya mararamdaman ang ganoong sakit kung pumunta siya sa hotel para tanungin kung sino ang babaeng iyon o kahit man lang ay pagdudahan niya si Peter!

"Tinatanong kita," ang malamig na sagot ni Helen.

"Sige," mahinahong sagot ni Frank. "Sinipa ko ang kapatid mo, at may kasama akong babae noong mga oras na ‘yun."

Huminga ng malalim si Helen—hindi niya akalain na may kasamang ibang babae si Frank!

Kahit na hiwalay na sila, hindi niya inaasahan na magkakaroon siya ng pamalit nang ganoon kaaga.

Malamang matagal na siyang may relasyon sa ibang babae.

"Frank, dismayado talaga ako sa’yo."

"Talaga? Ako?" Ngumiti ng mapait si Frank. "Kung ganun, paano naman si Sean Wesley? At least inosente ako kumpara sa inyong dalawa."

Noong asawa pa niya si Frank, madalas siyang lumalabas kasama si Sean—inisip ba niya ang nararamdaman ni Frank?

"Walang namamagitan sa’min ni Sean!" Sumigaw ng malakas si Helen. "Ikaw yung pumunta sa isang hotel kasama ang ibang babae!"

"Tama na!" Biglang sumigaw si Henry, at tumahimik ang lahat.

Nauunawaan na niya ngayon na may lamat na ang relasyon nina Helen at Frank, at kailangan may gawin siya kung hindi ay masisira ang kanilang pagsasama.

Habang nakatingin siya sa kanilang dalawa, sinabi niya na, "Kung itinuturing niyo pa rin akong lolo niyo, dapat tumigil kayong pareho sa mga ginagawa niyo at lumipat kayo dito kasama ko."

Nagkibit balikat lang si Helen. "Hindi na kailangan, Lolo. Hiwalay na kami."

"Ano?!"

Natigilan si Henry na para bang kumulog bago siya lumingon kay Frank. "Totoo ba ‘yun?"

Tahimik na tumango si Frank—ayaw niyang malaman ito ni Henry, ngunit malinaw na wala nang dahilan upang itago ito ngayon.

"Oh..." Ang sabi ni Henry at umiling siya, malinaw na masama ang loob niya.

"Pakiusap alagaan mo ang sarili mo, Lolo. Dadalaw ako kung kailan ako pwede," ang sabi ni Frank at tumalikod siya para umalis—walang kwenta ang pagpapanggap ngayong lumabas na ang katotohanan.

"Sinabi ko bang pwede ka nang umalis?!" Sumigaw si Peter—hindi pa siya nakakaganti sa pagsipa sa kanya ni Frank!

Pak!

Bigla sinampal ni Henry si Peter sa mukha at nagalit, "Umalis ka na lang."

"Bakit mo ako sinaktan, Lolo?!" Malungkot na sigaw ni Peter.

Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Henry at tumakbo papalapit kay Frank, hinawakan niya ang kanyang braso at nakiusap, "Pakiusap, Frank. Bigyan mo si Helen ng isa pang pagkakataon—bigyan mo ng isa pang pagkakataon ang pamilya ko!"

"Anong ginagawa mo, Lolo?" Takang-taka si Helen.

Sa tabi niya, tinupi ni Gina ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib at ngumuso. "Nag-uulyanin ka na ba?"

Kung wala si Frank, lalo lamang aangat ang kanilang pamilya!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status