THE GOOD EQUAL | #TGEC1
IRIS
Suot ang aking white crop-top with "cute af" imprinted on the middle and high rise jeans paired with my 3-years Nike shoes and Prada nylon bag na nabili ko lahat sa ukay ay bumaba ako sakay ng grab.
Naglakad ako papasok ng St. Valentine University suot ang aking shades na black. When I reached the entrance of the School ay hinarap ako ng guard, tila handa akong hindi papasukin.
"Mam, ID niyo po?" tanong niya sa akin.
"Ay kuya, transferee po ako at mamaya ko pa po ata makukuha yung ID ko..." I replied all while reaching the gate slip na binigay sa akin ng admission office upang ipakita sa mga guard kung sakaling hanapan ako ng ID.
"Ah sige pasok na po kayo, Mam," ngiti ni kuyang guard sa akin.
Mukha namang mababait ang mga guards nila dito. Hindi tulad sa dati kong school na lagi na lang galit sa mga estudyante. I mean, hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga maiinit na ulo na guards? In-advice ba sa kanila na maging masungit? Kasi ang oa nila lalo na kapag may nakikita silang hindi maayos na buhok ng mga lalaki. O kaya ay kapag hindi tama yung uniform.
I remember my schoolmate from my previous school na sinigawan ng guard sa harap namin mismong mga students because he lost his ID pero pumasok pa rin siya. Kinausap naman niya nang maayos yung guard but the latter refused to listen and still scolded him. Sobrang na-trauma ako no'ng araw na 'yon because it was such a scene na ayokong mangyari sa akin.
Naiintidihan ko naman kung pagsasabihan, pero yung ipapahiya mo sa harap nang maraming estudyante?
Di ko talaga gets.
Buti nalang at medyo nalibot ko na itong SVU no'ng inayos ko yung papers ko at medyo hindi na ako mukhang ignorante. Alam ko na rin kung saan ang mga buildings ko at na-orient ko na rin ang aking sarili sa mga kultura na meron sila dito. But because I'm an irregular student, and a transferee, wala ako maski isang kaibigan. Lahat sila nando'n sa dati kong eskwelahan.
I still have 1-hour left before my first class commences kaya nagpunta muna akong CR. Inagahan ko talaga ang pagpasok ko kahit 11 am pa ang start ng una kong klase. Ayoko kasing ma-late tas magmukhang marathoner pag dating sa classroom kasi pawis na pawis, nakakapangit kaya yun ng impression.
11 am na nga pasok mo tapos mala-late ka pa?
Sobrang not me.
Gusto ko yung sakto lang, yung tipong katabi ko lang maglakad yung prof ko tas sabay kaming papasok sa classroom.
Pumasok muna ako sa isang cubicle at nag-exert. Nang sa tingin ko ay wala ng tao ay lumabas na rin ako. Nilabas ko ang lipstick at foundation na dala ko dahil ang mga 'yun lang ang kasya sa bag ko at nagsimulang mag retouch. Nagulat ako nang may biglang mag-flash sa isa sa mga cubicle at may lumabas na babae dito. Tumuloy din siya sa harap ng salamin at mukhang mag-aayos din.
"Uhm, hi po!" si ate girl.
"Hi!"
"Ano, uh, tatanong ko sana kung saan mo nabili ang bag mo? I've been looking for that bag everywhere but I can't find any. I want to have one."
She's wearing a green ruffle-floral top and green plaid skirt—she looks really cute. She's also wearing light make-up and winged eyeliner that accentuates her singkit look.
Ngumiti ako sa kanya, "I bought this at ukay. Alam mo ba yung ukay-ukay?" paninigurado ko kasi mukhang batang mall tong isang 'to. Parang never pang nakapunta sa mga ukayan.
"Yeah, I know ukay-ukay. Pero hindi pa ako nakapag shop doon."
Nakapag-shop talaga?
"Dapat sa mga ukay-ukay ka nagsho-shop kasi puro mga original yung mga nandoon. Itong bag na 'to? Nag-iisa lang siya dun sa store at sobrang saya ko nang makita ko 'to kasi matagal ko na rin itong hinahunt. And I don't think meron pa nito sa ukay e, try mo sa mga online shop baka meron din nito don," ang mahaba at mabilis kong speech sakanya at speechless naman siya.
"Hala edi wala na niyan?"
"I'm... not really sure. Pero sure akong meron nito sa online. Tingin ka na lang ulit o kaya bibigay ko sayo yung link ng shop na alam kong nagbebenta rin nito," nakangiting alok ko.
"Are you sure? Coz sure! Ay, I'm Kaia nga pala."
"Hala ano?" mukhang naintindihan niya naman 'yung source ng confusion ko kaya pinakita niya na lang sa akin ang ID niya.
Sana all may ID.
"Ay ito oh, Kaia, K-A-I-A," lettering niya.
"Ah, hi Kaia! My name is Iris. Third year ka na rin?" tanong ko kasi nakita ko sa ID niya na third-year college na siya.
"Ah, yeah, ikaw din? Ano course mo?"
"Comm Arts!"
"Uy same?" hindi makapaniwalang sagot niya na ipinakita ulit sa akin yung ID niya na may nakalagay na College of Liberal Arts – Communication.
Because of that, mukhang mag-bestfriend kaming lumabas ng Comfort Room at sabay na naglakad papunta sa building namin.
"Bakit wala ka pa palang ID? Transferee o nawala ID mo?" she suddenly asked.
"Uhm, transferee ako."
"Oh? Wow! San school mo dati?"
"CUA."
Kaia nodded.
Buti na lang hindi niya tinanong kung bakit ako lumipat kasi wala rin akong balak magkwento.
"May sched ka? Patingin ako baka malay mo classmates tayo."
Pinakita ko yung schedule na ginawa ko sa phone ko sa kanya at pinag-compare niya ito sa schedule niya.
"Puro majors na pala tayo ngayon kaya blockmates tayo sa limang subject."
Anim ang subjects ko ngayon, yung lima ay majors tas yung isa ay GE. It means may isang classroom akong lonely. Ang schedule namin ay tuwing MWF at TTH. Every MWF ay tatlong majors ang mga klase ko. Dalawang majors at isang minor naman tuwing TTH. Hanggang 3 pm ang klase ko at may isang vacant kami ngayong Wednesday.
Habang naglalakad kami ni Kaia papunta sa first class namin ay hindi ko na maintindihan yung kabang bumabalot sa katawan ko. Marunong naman ako makisama at mabilis akong makapag-adjust sa environment. Pero iba kasi talaga pag irreg ka tas first day mo pa. Para akong hihimatayin sa kaba.
"Dito na tayo, Iris," biglang sabi ni Kaia at parang gusto ko nang umuwi.
Huminga ako nang malalim tsaka sumunod papasok sa kanya.
***
Naging maayos naman ang mga naunang dalawang classes ko dahil mukhang mababait naman ang mga classmates ko. Besides, magaan silang kasama kasi hindi lang puro babae ang mga kaklase ko; I have seven classmates that are gays and a few boys. Matik na talaga na ganito ang population sa program namin, mixed. Kaya sure akong hindi magtatagal ay marami akong magiging close sa kanila.
Kaia and I went straight to the canteen because we have one-hour vacant before our last subject. Naglunch muna kami at nang matapos ay tumambay kami sa isang bench para magpahinga.
"Kwentuhan mo naman ako about sa school na 'to," request ko pagka-upo. May mga alam na naman ako nang konti dito sa SVU pero kokonti pa lang 'yon. Iba pa rin yung matagal nang nanalagi sa unibersidad na ito.
"Hmm... ang totoo ay hindi na dapat ako dito mag-aaral—dapat lilipat na rin ako ng school—kaso bigla kong naisip na wag na pala," sagot niya at nangunot naman ang noo ko at tinanong siya kung bakit.
"Nakakatamad at nakakapagod maglakad ng papers, ang daming process."
Natawa ako, "Nakakapagod talaga!"
Hindi na nakasagot si Kaia dahil naka-stuck na ang mga mata niya sa ibang direksyon.
"Iris, ang gwapo niya talaga!"
"Sino?"
"Ayun oh, tingin ka don. Nakikita mo yung lalaking naka black na nakapantalon na naka white na shoes at may hawak na envelope?" rap ni Kaia. "Siya si Kurt! Matagal ko na siyang crush since first-year."
Tiningnan ko na naman yung sinasabi niya Kurt na naglalakad kasama ang tropa nito.
Hmm, sakto lang.
"Engineering student yan si Kurt tas diba hanggang fifth-year ang engineering? Edi makikita ko pa siya next year, my god!"
Tiningnan ko uli yung Kurt na sinasabi niya at nagulat ako nang makitang nakatingin sa amin yung isang kasama niya. Nilingon ko si Kaia—na kinikilig sa tabi ko—at tinanong sa kanya 'yung lalaking nakatingin samin.
"Ah yun? Si Pres yun! President ng Student Council natin."
Bigla akong kinabahan dahil baka sitahin ng President na 'yun ang damit ko. Sa dating school ko kasi ay sobrang higpit sa pananamit. Isang beses ko nang isinuot itong parehas na crop top na suot ko ngayon at halos mabigyan ako ng violation slip kasi bakit daw kita ang tyan ko. At bawal daw ang mga ganitong damit sa school.
Buti na lang may dala akong jacket no'n kasi kung wala? Nagkandaloko na.
Kaya gano'n na lang ang kaba ko ngayon kasi baka President na naman ang makasita sa suot ko. Wala pa naman akong dalang jacket ngayon.
"Hala shit baka sitahin niya yung top ko, Kaia," bakas ang kaba sa boses ko kasi ayokong mapunta sa guidance ngayong first day ko, bad impression 'yun.
"Huh? Bakit ka naman sisitahin ni Pres? Nakita mo ba suot ng ibang estudyante dito? May mga naka skirt nga dito nang maikli eh, di naman sinita. Besides, look at what I'm wearing, sinita ba ako? Tsaka walang paghihigpit sa dress code dito."
I'm not convinced.
Iba kasi kapag lumaki ka na pumapasok sa school na sobrang higpit sa dress code. Especially sa mga Catholic Schools. Pero may mga Catholic Schools naman na hindi mahigpit sa pananamit. At mukhang isa ang SVU doon.
Kung hindi dahil sa pananamit ko yung dahilan ng pagtingin ni Pres? Saan naman kaya?
“Miss Wilson, you may start with your introduction.” Our Prof said. Maingat kong pinasadahan ng kamay ko ang script na hawak ko for this debate. Naglalaman ito ng mga rebuttals ko tungkol sa film na Dancer in the dark. “This counter-argument will be divided into three sections: 1. Psychological aspect; 2. Culture and Economy; 3. Gender Perspective. These are the missing points I sought and heard while I was listening to your argument. I hope you’ll respect my counterpoints as much I respected yours,” was my starting point. I looked at Jacques, tamad siyang nakatingin sa akin. ‘Yung tipong sinasabi na ng mata niya na siya ang mananalo sa debate namin na ito.
THE GOOD EQUAL | #TGESC#3JOAQUIN – Iris’ birthday.“Joaquin…”Damn, if there’s one thing I want to hear for the rest of my life, it would be Iris’ voice. It is just so soft and tender and enchanting.“Yeah?”But she didn’t answer.“My love…”“I’m scared, Joaquin…”I looked down at her face only to see her teary-eyed eyes. She’s already looking at me.“Scared of what?”I a
THE GOOD EQUAL | #TGESC#2IRIS – Revelation day. When Joaquin sleepover at Iris’s apartment.It’s so quiet.I feel like I’m inside a theater and I’m watching a horror film and everyone is silent because the scene is about to scare the shit out of us.That’s me and Joaquin right now. With Jacques in the middle, sleeping quietly.“Hey–”“You know what…”Yes, we open our mouths to talk at the same time. Cheesy as fuck, right?“Talk first,” I initiated.
THE GOOD EQUAL | #TGESC#1JOAQUIN – Finals. Last day. The day Iris flew to Paris.“Pres, pinapatawag na raw kayo ni Dean sa office niya,” Matt informed me after I entered the SC office.I nodded at him.When I reached my office, I immediately call Iris because we decided to go to Dean’s office together. And she still not texting me.“The number you have dialed is currently unavailable. Please try again later.”My forehead creased. Iris would never shut off her phone just like that. Especially today that is very important for her.&
THE GOOD EQUAL | TGEEPILOGUEPART3KAIAFlashback“Alam niyo, may na-realize ako dito sa trabaho ko.”“Which one?” Iris asked.“Creative writer. Ano pa ba?!”“Diba tatlo work mo?”“Yup!”“That’s why I asked which one. Baliw!”“Ugh, Iris, hater. Buti pa si Mags nakikinig lang at hindi nangi-interrupt.”Mags laughed.
THE GOOD EQUAL | TGEEPILOGUEPART2IRIS"Hello, Joaquin?" I mumbled when I picked up the phone without looking at the caller."Anong Joaquin? Si Kaia 'to!"I instantly looked back at my phone to confirm it. Shit, I freaking thought it was Joaquin."Oh, bakit?""Wow! Ganyan na tono mo porket hindi ako si Joaquin? Grabe Iris, magkasama na kayo't lahat sa iisang bahay atat ka pa rin sa tawag niya?"I took a deep breath. Jusko talaga 'tong babaeng 'to!"Shut up! Sinabihan ko kasi siya na tawagan ako kapag may emergency—""Edi si Joaquin lang talaga katawagan mo? Kasi for sure hindi Joaqu