Share

Chapter 2

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2022-06-22 06:54:23

Kinabukasan, maagang inayos ni Eiress ang kanyang mga gamit. Humupa na ang masamang panahon kaya nagdesisyon siyang gawin ang plano ngayong araw. Kinuha niya ang isang piraso ng papel kung saan niya isinulat ang natandaang address sa Wilt's profile. Maliit niya iyong tinupi at inilagay sa secret pocket ng suot na jeans.

Paglabas niya sa kwarto sumalubong agad ang dalawang tauhan ng kanyang Ama. Binati siya nito pero tahimik lang siya. Alam niya kung bakit na sa harapan ng kanyang kwarto ang dalawa. Iyon ay para tingnan ang mga dala niyang gamit. Alam ng kanyang Ama na ngayon siya aalis upang gawin ang ibinigay nitong trabaho sa kanya. Gusto nitong siguraduhin na gamit sa gagawing trabaho ang dala niya at hindi kung ano-anong bagay. Ganoon kahigpit ang kanyang Ama kapag aalis siya. 

"We need to check your things, Miss." Sambit ng Isa.

Inihagis niya ang sukbit na pack bag sa lalaki. "Check my things in my father's office." Seryoso niyang sabi.

Sumunod ang dalawa sa kanya patungo sa opisina ng Ama. Hindi na niya kailangan pumunta rito dahil nakapag-usap na sila kahapon pero gusto niya itong makita bago umalis.

Kakatok pa lang siya ng biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa n'on ang kanyang Ama habang may kausap sa telepono.

"Then, it's settled. We don't need to worry anymore. Finally, mangyayari na ang matagal nating inaasam!" Masaya nitong sabi bago pa siya napansin. "I'll call you back," paalam nito sa kabilang linya. "What do you want, Eiress?" Tanong nito na tila isa lang siya sa mga tauhan nito.

"I'm leaving," paalam niya.

"Good. Don't make a mess," balewala nitong sagot bago siya lampasan.

Nasaktan si Eiress sa malamig na pakikitungo ng Ama pero wala siyang magagawa sa bagay na iyon. Simula pa lang noong bata siya ganoon na ang turing nito sa kanya.

"Bilisan nyo, aalis na ako." Utos niya sa dalawang lalaki.

"Yes, Miss!" Agad sumunod ang mga ito. Kinapkapan siya ng isa habang ang kasama nito ay masusing tiningnan ang laman ng kanyang bag. "It's done, Miss."

Kinuha niya ang bag at tinalikuran ang dalawa. Walang magdududa sa gagawin niya ngayon dahil sinigurado niya ang bagay na iyon. Dumiretso siya sa garahe at kinuha ang sasakyang pinapagamit ng kanyang Ama.

Huminga ng malalim si Eiress pagpasok sa loob ng kotse. This is a personalized car. Mayroon itong surveillance camera sa loob at labas, tracking device para malaman kung nasaan siya at isang micro audio chip na konektado sa kanyang mga gadgets. Lahat ng personalized na gamit sa paligid niya ay hindi para sa kanyang kaligtasan, kundi para malaman ang kanyang mga galaw. As if, she'll do something against their will. 

Nang makalabas ang sasakyan sa garahe, sandali niya iyong itinigil sa labas at muling pinagmasdan ang bahay na nagsilbi niyang kanlungan sa nakalipas na taon. Wala siyang naalala na masayang bagay na nangyari roon. Malungkot siyang ngumiti bago muling paandarin ang sasakyan.

...

Sa isang hotel tumigil si Eiress. Malapit iyon sa gagawin niyang trabaho. Iniwan niya ang sasakyan at mga gadgets sa loob n'on. Pumasok siya sa loob ng hotel pero hindi siya nagcheck-in. Ginawa lang niya ang bagay na iyon upang hindi maghinala ang Ama sa gagawin niya. Alam niyang simula pag-alis sa kanilang bahay, nakamonitor na ito kung nasaan siya. Lumabas siya sa fire exit at mabilis pumara ng taxi upang puntahan ang address na isinulat niya sa papel.

Pagkarating doon, hindi naman siya nahirapan para umakyat sa sadyang unit. Kung kanina lumabas siya sa fire exit pero ngayon, ginamit niya ang fire exit para makapasok sa building. Sa laki ng building na ito alam niyang mahigpit ang siguridad dito. Kung dadaan siya sa entrance, mahihirapan siyang makausap ang taong sadya niya. Hindi niya alam ang pangalan ng lalaki kaya't siguradong maghihinala ang security sa intensyon niya sa loob. 

Nang makapasok sa isang pasilyo, simple lang siyang naglakad patungo sa elevator. Normal ang kanyang kilos at walang sinuman ang mag-aakala na illegal ang pagpasok niya sa building. Nahanap niya agad ang numero ng unit kaya sunod-sunod ang ginawa niyang pag-door bell. Hindi naman nagtagal ng bumukas ang pintuan.

Bahagyang kumunot ang noo ni Eiress dahil sa itsura ng lalaking nagbukas sa pintuan. Basa ang buhok nito at nakasuot ng itim na roba. Matipuno ang dibdib ng lalaki na bahagyang nakikita sa roba nito.

Nawala ang palihim na pagmamasid ni Eiress sa itsura ng lalaki ng malawak itong ngumiti. Magaan ang aura nito at tipong masayahin. Kitang-kita iyon sa singkit nitong mga mata at lawak ng pagkakangiti. 

"Do you need something, Milady?" Tanong nito gamit ang mapaglarong boses.

Sa pananalita at itsura nito, nahuhulaan na niya kung anong klase ng pagkatao meron ang kaharap na lalaki.

"Mr. Wilt," kumpirma niya sa identity nito. Kailangan niyang siguraduhin ang bagay na iyon bago sabihin ang kanyang sadya.

"Yes?"

Nakahinga siya ng maluwag dahil ito ang lalaking sadya niya.

"Base on your voice and physical appearance, you are popular with girls." Panimula niya.

Mas lumawak naman ang ngiti nito na tila nagustuhan ang kanyang sinabi.

"You are from a wealthy family and you can get anyone you want," dugtong niya.

"If you're going to praise me, you can come inside. I want to hear that while I'm inside you," kumindat pa ito sa kanya pero hindi siya nadadala sa ganoong kilos at pananalita. Sa totoo lang kinikilabutan siya ng humagod ang tingin nito sa buo niyang katawan. 

"Even you got everything, I won't marry you." Sa pagkakataong iyon, nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagtataka. "There's no marriage will happen between us, Mr. Wilt. That's the reason why I am here. I personally declined with that agreement. Nobody will force me to marry and I hope it goes the same with you. Goodbye Mr. Wilt, I never wish to see you again." Matigas niyang sabi at iniwan itong nakatulala sa harap ng pintuan. It's better that way para alam nito ang pagtutol niya. 

Nakita pa ni Eiress na lumabas ang lalaki sa silid bago sumara ang sinasakyan niyang elevator. Nakahinga siya ng maluwag. Kailangan na lang niyang gawin ang susunod na plano. 

Habang naghihintay sa pagtigil ng elevator sa ground floor ng building, biglang naramdaman ni Eiress ang pagkirot ng kanyang ngipin. 

"Aww! What was that?" Nagtataka niyang tanong habang hawak ang pisngi, parang may nag-vibrate mula roon. 

Tumingin si Eiress sa kanyang reflection sa salamin ng elevator. Sinubukan niyang tingnan kung anong meron sa kanyang ngipin pero biglang bumukas ang pintuan at may pumasok doon. Hindi niya itinuloy ang plano ng unti-unting dumami ang tao sa loob. 

Mabilis siyang lumabas ng tumigil ang elevator sa ground floor. 

"Oh my God!" Malakas na tili ng nakasalubong niyang babae. Nabitawan nito ang hawak na inumin. Mabilis naman siyang nakaiwas upang hindi mabuhusan, ngunit aksidente niyang naapakan ang basang sahig. 

"Shit!" Bulalas niya ng mawalan siya ng balanse.

Naramdaman ni Eiress na may nabangga siya sa likuran pero hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Maagap itong umalalay sa kanya pero nagulat siya kung saan lumanding ang kamay nito. 

"Nice catch. It's soft." sambit ng lalaki sa likuran niya. 

Mabilis niyang inalis ang kamay nitong nakahawak sa kanyang dibdib. Bumaling siya rito at malakas itong sinampal. Bumaling ang mukha nito kaya hindi niya namukhaan ang lalaki pero, kitang-kita niya ang umigting nitong panga. 

"I don't allow anyone to touch my private property for free. Slap is your payment." Walang emosyon niyang sabi bago talikuran ang lalaki. 

Hindi niya pinansin ang mga gulat na ekspresyon ng mga tao sa paligid. Narinig pa niya ang reaksyon ng isa bago siya tuluyang nakalayo. 

"S-sir Scion, are you okay?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The HUNTRESS   Final Chapter

    Pagkatapos ng madugong laban, nagtungo si Eiress sa kanilang mansiyon sa Polican. Walang nagbago sa mansiyon mula sa kung ano ang itsura nito na natatandaan niya noong bata pa lang siya. Kasama niya sina Tandang Kaziro at Lord Scion. Naiwan naman si Trigger kasama si William at si Red ay umalis na rin nang matapos ang laban. Hinayaan na lang niya si Red dahil malaki rin ang nagawa nitong tulong sa laban kanina. Utang na loob din niya ang pagliligtas nito kay Liam kahit isa ito sa inutusan ni Luciano para ipahamak ang pamilya niya sa Chipan.“Your eye color is different from before,” saad ni Lord Scion habang papasok sila sa mansiyon. Magkahawak sila ng mga kamay at may mga bahid pa ng dugo sa katawan nila mula sa nagdaang laban.“Yeah. This is my original eye color.”“I have a vivid memory about a young girl with blue eyes. I don’t remember exactly what happened before, but I love her eyes.”“Do you think, it’s me?” tanong niya kay Scion.“I don’t know. Maybe yes, if we met at a very

  • The HUNTRESS   Chapter 84

    Halos mawalan ng malay si Luciano dahil sa galit. Hindi lang ang pagkatalo ng mga tauhan niya ang nagpapainit sa kaniyang ulo. Maging ang palpak na lakad ng magkapatid na Villarama at ang kapalpakan ng sarili niyang anak. Nasa harapan niya ngayon ang walang malay na si Isabella habang nakasilid sa isang kahon sa tabi ng gate ng mansiyon niya. Nagmistula itong regalo dahil sa balot ng kahon at ribbon sa ibabaw no’n.“Sino ang nagpadala ng kahon na ’yan?” galit na tanong ni Luciano.Walang sumagot sa mga tauhan ng matanda na lalo nitong kinagalit. Itinuon na lang nito ang galit kay Isabella. Nilapitan ito ni Luciano at sinipa para gisingin.“P*nyeta! Gumising ka riyan, Isabella. Ikaw ang inaasahan kong alas, pero narito ka ngayon at walang malay. Gising!” sigaw niya habang sinisipa ito.“Wala ka talagang k’wentang ama, Luciano,” saad ng malamig na boses.Naging alerto ang mga tauhan ni Luciano, pero hindi agad kumilos ang mga ito. Tumingin si Luciano sa direks’yon ng nagsalita. Ngumisi

  • The HUNTRESS   Chapter 83

    Abala sa pakikipaglaban si Eiress nang palibutan siya ng mga kalaban. Nahati ang atensiyon ng mga ito sa kaniya at sa mga tauhan ng Nesselio. Hindi pa tuluyang nakapapasok sa bayan ang mga ito. Ilan pa lang sa kampo ng Nesselio ang nakita niyang nakikipaglaban at ang karamihan sa mga iyon ay nagbabantay sa malaking gate sa bungad ng bayan.“Oh, sh*t!” saad ni Eiress nang tamaan siya ng sipa mula sa kalaban. Tumalsik siya sa isa pang kalaban at inambahan siya ng baril. Mabilis naman niyang inagaw ang baril ng lalaki at pinutok sa kasama nito. Alam niyang nag-aalangan ang mga itong paputukan siya dahil sa kanilang distansiya. Nakapalibot sa kaniya ang mga kalaban at sa simpleng pag-iwas niya ay tatama ang bala sa kasama ng mga ito.“You can’t kill me, idiots!”Inagaw niya ang baril ng lalaki at sunod-sunod niya itong hinampas hanggang bumagsak ito. Ginamit naman niya ang baril sa mga kalaban. Sunod-sunod siyang nagpaputok, ngunit agad naubos ang bala ng hawak niyang baril.“Patayin niyo

  • The HUNTRESS   Chapter 82

    Pawang mga tahimik ang grupo ni Eiress sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan papasok sa bayan ng Canixer. Alerto ang bawat isa dahil sa mabilis nilang pagpasok na wala man lang sagabal. Tahimik din sa bayan at mabibilang sa daliri ang mga tao sa kalye.“Tulad ng inaasahan sa kapatid ko, hahayaan niya tayong pumasok sa teritoryo niya para ikulong dito. Inaasahan mo rin ba ito, Marchesa?”“Yes. Any moment from now, enemies will be scattered around us,” sagot ni Eiress.“Wala na rin silbi ang isang ’to sa atin. Bakit hindi mo pa siya patayin?” muling reklamo ni Trigger kay Eiress patukoy kay Red.“May silbi pa rin ako sa inyo, Trigger Wilt. Ibang lugar ang sadya ni Eiress sa loob ng Canixer at doon niya ako kailangan. Tama ba ako, Eiress?”Hindi naman sumagot si Eiress. Nanatiling nakatuon ang tingin nito sa paligid ng sasakyan. Wala na siyang nakikitang tao sa dinadaanan nila.“Itigil mo ang sasakyan,” utos ni Eiress kay Trigger.Walang pagdadalawang isip na sumunod si Trigger.

  • The HUNTRESS   Chapter 81

    Sa mansiyon ng mga Nesselio ay sabay-sabay at tahimik na kumakain ng agahan si Isabella kasama ang mag-asawang Carolina at Arturion. Hindi pa rin sanay si Isabella sa buhay ng pagiging Nesselio, pero kailangan niyang tiisin iyon para sa plano nila ng daddy niya.“Am I late with your breakfast?”Namilog ang mga mata ni Isabella nang marinig ang boses ni Cario.“Cario! Why are you here?” bulalas niyang tanong nang makita ang lalaki sa pintuan ng dining room. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Akala niya ay matatagalan si Cario sa bayan ng Boran.“Where should I go, except to my home?”Peke namang ngumiti si Isabella. “Ahm… I’m just surprised. I thought you’d stay in Boran for some weeks,” palusot niya.Hindi pinahalata ni Isabella ang pagtutol sa itsura niya dahil sa pagdating ni Cario. Hindi pa siya nakahahanap ng tiyempo para gawin ang plano niya sa mga Nesselio, at malaking sagabal si Cario sa gagawin niya. Alam niyang malakas at matalino si Cario, kaya kailangan niyang doblehi

  • The HUNTRESS   Chapter 80

    Nagmamadaling nilapitan ni Lord Scion si William. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang kaniyang kapatid.“Kagigising ko lang, pero gusto mo yatang matulog ulit ako. Babalian mo ba ako ng buto sa higpit ng hawak mo? Bitiw na, Scion. Kailangan nating mag-usap muna bago ako matulog ulit,” biro ni William.Mabilis namang binitiwan ni Scion ang balikat ni William. “Pasensiya na, William. Hindi lang ako makapaniwala na gising ka na ngayon. Kumusta ang pakiramdam mo?”“Bukod sa mahina kong katawan, mukhang maayos naman ako.”“Kailan ka pa nagising?”“Dalawang linggo na mula ngayon.”“Dalawang linggo? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Nag-aalala ako sa ’yo dahil walang nagsasabi kung nasaan ka, pero dalawang linggo na pala simula nang magising ka.”“Huminahon ka muna, Scion. May dahilan kaya ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon na magpakita sa ’yo.”“Tell me your reason, William,” seryoso niyang sabi.Sinara muna ni Willi

  • The HUNTRESS   Chapter 79

    Nanatili si Red sa ospital ng Janduran kahit maaari na siyang lumabas. Hating-gabi na at hindi pa rin siya natutulog. Wala naman siyang gagawin doon kun’di tumitig sa kisame ng kaniyang silid. Naiinip na siya at gusto na lang niyang bumalik sa Canixer, pero hindi niya ginawa. May pakiramdam siyang pupunta roon si Huntress.“Based on your looks, you’re waiting for me, right?”Bahagyang nagulat si Red sa walang buhay na boses na narinig niya sa loob ng silid. Bumaling siya sa may bintana at nakita niya roon ang taong hinihintay niya. Nakaupo ito sa bintana at walang buhay na nakatingin sa kaniya. Base sa itsura nito, alam niyang bumalik na ang mga nawala nitong alaala.“Bakit diyan ka pa dumaan kung p’wede mo namang gamitin ang pintuan?” normal niyang tanong. Hindi siya natatakot kay Huntress kahit alam niyang bumalik na ito sa dati. Siguro hindi siya nakakaramdam ng takot, dahil tanggap na niyang mamatay na rin siya kapag nagpakita ito sa kaniya.Bumaba si Eiress mula sa bintana at lum

  • The HUNTRESS   Chapter 78

    Walang pagsidlan ang tuwa ni Runo Villarama nang hindi na nila naririnig ang mga putok mula sa loob ng gubat. Ilang minuto na ring walang sumasabog sa paligid. Hinala niya ay naubusan na ng bala ang mga ito.“Pasukin niyo na ang gubat. Mahina na ang depensa nila,” utos niya sa mga tauhan.Walang pagdadalawang-isip namang umabante paloob ang mga tauhan ni Runo. Dahan-dahan ang pagkilos ng mga ito. Pawang mga alerto sa paligid. Ngunit hindi nila namamalayan ang mabilis na kilos ng isang pigura dahilan para unti-unting mabawasan ang mga ito. Isa sa mga ito ang nakapansin sa pigura.“May kala—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mabilis itong inatake ng pigura. Bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa lupa kasunod ng pagbagsak din ng iba pang mga kasama nito.Nagtaka naman si Runo kung bakit wala pa rin siyang naririnig na putok sa loob ng gubat. Dapat sa oras na iyon ay narating na ng mga tauhan niya ang bahay ni Tandang Kaziro.“Sundan niyo!” muli niyang utos sa panibagong gru

  • The HUNTRESS   Chapter 77

    Sa kagubatan ng Janduran, muling nagising si Trigger ilang minuto pagkatapos mawalan ng malay. Tulad ng sinabi ng matanda, bumalik na rin ang lakas niya. Pinasan niya ulit si Eiress patungo sa tahanan ni Tandang Kaziro. Nasa unahan niya ang matanda at sinusundan lang niya ang tinatahak nitong daan. Malamig at bahagyang madilim sa gubat dahil sa malalaki at matatayog na punong kahoy. Maging ang sinag ng araw ay nahihirapang lumusot sa mga puno.“Mawalang galang na po, Tandang Kaziro. Bakit mo tinawag na Marchesa si Eiress?” tanong ni Trigger sa matanda habang naglalakad sila. Kanina pa iyon bumabagabag sa kaniya. Para bang may malalim na pakahulugan ang tawag nito kay Eiress.“Malalaman mo rin kapag nagising siya,” makahulugan nitong sagot na patuloy lang sa paglalakad.“Sigurado ka po ba na hindi lason o anumang mapanganib na gamot ang itinusok sa kaniya?” nag-aalala niyang tanong.“Sigurado ako, iho. Normal ang tibok ng puso niya at wala akong nakikitang problema sa katawan niya. Kun

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status