Share

Chapter 84

Halos mawalan ng malay si Luciano dahil sa galit. Hindi lang ang pagkatalo ng mga tauhan niya ang nagpapainit sa kaniyang ulo. Maging ang palpak na lakad ng magkapatid na Villarama at ang kapalpakan ng sarili niyang anak. Nasa harapan niya ngayon ang walang malay na si Isabella habang nakasilid sa isang kahon sa tabi ng gate ng mansiyon niya. Nagmistula itong regalo dahil sa balot ng kahon at ribbon sa ibabaw no’n.

“Sino ang nagpadala ng kahon na ’yan?” galit na tanong ni Luciano.

Walang sumagot sa mga tauhan ng matanda na lalo nitong kinagalit. Itinuon na lang nito ang galit kay Isabella. Nilapitan ito ni Luciano at sinipa para gisingin.

“P*nyeta! Gumising ka riyan, Isabella. Ikaw ang inaasahan kong alas, pero narito ka ngayon at walang malay. Gising!” sigaw niya habang sinisipa ito.

“Wala ka talagang k’wentang ama, Luciano,” saad ng malamig na boses.

Naging alerto ang mga tauhan ni Luciano, pero hindi agad kumilos ang mga ito. Tumingin si Luciano sa direks’yon ng nagsalita. Ngumisi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Angie Tabalan
Ayan, pinairal mo agad ang galit mo Luciano. Anak mo lang pala ang may kagagawan ng lahat. Inggit at selos wala talagang magandang maidudulot sa kapwa.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status